Saturday, February 14, 2015

I'm The Gangster Queen! : Prologue

I'm The Gangster Queen!

by Hannah Jewel


1 Message. 

Megan, asan ka na ba? Bakit mo kami iniwan dito? We called your maid, Ella, and she said she doesn't know where you are right now. Pumunta pa kami sa kanan mong kamay na si Terrence and even him doen't even know a slightest hint to where you are. Please, patawarin mo na sila Queenie at Lee. Gulong-gulo rin sila ngayon. Nagawa lang nila iyon dahil sa sinabi ni Red Tiger. Please, pumunta ka naman sa Underground Battle Dome kung mababasa mo ito. Nag-aalala na kami para sa iyo. Alam na namin ang lahat-lahat. Kung totoong kakambal mo si Red Tiger ay kami ang gagawa ng paraan para magkaayos kayo. Just . . . please . . . come back to us. -Miggs

---

     Ngumiti siya sa taong kaharap niya. Kunyari niyang ininom ang wine na binigay ng taong iyon sa kaniya. Hinayaan niya itong dumampi ng kaunti sa labi niya. "So . . ." panimula niya at binigyan ulit ito ng matamis na ngiti. Kunyari niyang hinilot ang sentido niya na tila ba parang nahihilo siya at nakita niya ang panandalian nitong pagngisi. "What the hell?" she blurted out para mas lalong maging epektibo ang pagpapanggap niya. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-gapang ng kamay nito papunta sa pinakapribadong parte ng katawan niya. Gusto niyang hampasin ito ng hawak-hawak niyang wine glass at putulin ang kamay nito gamit ang isang chainsaw dahil sa ginawa nito ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Kinalma niya ang sarili niya dahil sa oras na hinayaan niyang gumapang ang galit sa puso niya ay malalaman nitong siya si Angelie Megan Reid, si Empress Phoenix, ang gangster queen, at ang kalaban ng Hugo Mafia. 

     Isang reaper ng Hugo Mafia ang taong nasa harap niya. Sa nakalipas na mga buwan na nandirito siya sa London ay pinagmasdan niya ang mga pinag-gagawa ng Hugo Mafia. Kung paano sila kumilos. Kung sino-sino ang mga tau-tauhan nila. Kung sino ang mahina, kung sino ang malakas. Kung paano sila gumawa ng maruruming operasyon. Halos lahat ata ng impormasyon ng mga Hugo Mafia ay alam niya na. Alam niya na ring nasa isang malalang kondisyon ang pinaka-importanteng tao sa Hugo Mafia. Isusunod niya na ito pagkatapos ng punyetang tao na nasa harap niya. 

     Ang akala ng mga ibang members ng mga Hugo Mafia ay umalis na lang ng sunod-sunuran ang mga reaper nila pero ang totoo ay sinusunod-sunod na ni Megan ang lahat ng mga reaper nila. Ang kaharap niya na ngayon ay ang pinakahuli sa lahat ng reaper. Sa dinami-dami ng reaper ng Hugo Mafia ay tila napaka-imposible naman nito. But Megan has her own dirty way. May mga kasabwat siya sa Hugo Mafia. Halos ang mga inaakalang kasabwat ng Hugo Mafia ay ang mga alipores ni Megan. Sila ang mga nagsasabi ng lahat ng tungkol sa Mafia na ito. Sila ang gumagawa ng bagay na hindi kaagad magagawa ni Megan.

     Bahagyang ngumiti si Megan sa taong iyon ngunit naalala niyang ang wine na binigay nito sa kaniya ay may gamot pampatulog kaya bumalik siya sa pagpapanggap niya. Pumikit siya at hinayaan ang sarili na mahulog sa upuan niya para malaman ng taong iyon na nahulog siya sa patibong nito.

    Humanda ka mamaya.

    Naramdaman niyang binuhat siya nito kaya kinalma niya ang sarili niya at binagalan ang paghinga niya para hindi nito mapansin na nagkukunyari lang siya. Naaalala niya pa sa mga pinag-aralan niya na ang mga taong tulog ay kumukuha lamang ng kaunting dami ng hangin dahil ang ibang sistema ng katawan ay hindi naman gumagana.

     Maya-maya pa ay narinig nito ang pagbukas ng kotse nagpapahiwatig na pupunta na ito sa condo niya para pagsamantalahan siya. Naramdaman niya ang pagpatong niya sa upuan ng kotse na ito at ang pagsarado ng pinto. It's time. 

     Nang bumukas muli ang isang pintuan ng kotse na sa tingin niya ay para sa driver's seat ay binuksan niya ng kaunti ang mata niya para tignan ang reaper na tumitingin sa kaniya. Sinarado nito ang pintuan at pinaandar ang kotse. Unti-unti siyang kumilos. Nakita niya ang pasimple nitong pagtingin sa rear mirror kaya tumigil siya sa pag-galaw. Nang muli nitong ipinukol ang sarili sa daan ay mas mabilis pa sa kidlat siyang kumilos. Napasindak ang reaper na iyon at naramdaman niya ang pag-nginig ng kalamnan nito. Isinabit niya ang kamay niya sa leeg nito at naramdaman niya ang papabagal nitong pag-hinga. Sinakal niya ang reaper kaya naman dali-daling napahawak sa steering wheel ang lalakeng ito. Punong-puno na si Megan kaya't mas diniinan niya ang pagkakasakal .Hinawakan niya ang kamay ni Megan para pigilan ito ngunit mas malakas si Megan kesa rito. Napabalik ito sa realidad ng mapansin niyang nawalan na ng kontrol ang sasakyan at bumangga ito sa isang puno sa isang liblib.

     Agad sinipa ni Megan ang pintuan ng kotse nang mapansin niyang bumaba ang reaper. Tumakbo ito ng mabilis. Napa-tsk siya. Reaper nga eh, isip niya, that's why he can run fast as hell. Hinabol niya ito at dahil mas mabilis siya rito ay naabutan niya ito. Nakita niya na parang may hinablot ito at napamura siya ng makita na isa itong baril. Humarap ang reaper sa kaniya at pinaputukan siya kaya agad siyang umilag. Pinaputukan siya nitong muli at nailagan niya itong muli ngunit may naramdaman siyang kirot sa braso niya at nakita niyang nadaplisan lang siya nito. Naiinis na siya. Sumugod siya sa lalakeng ito at agad sinipa ang baril papataas at sinalo niya ito. Napanganga ang lalake kaya ngumisi siya.

     "Pagod ka na?" tanong niya rito at nakita niya ang pagdilim ng mukha ng lalakeng ito. Ngumisi siyang muli at kinalabit niya ang baril.

    "Say goodbye Earth, worthless reaper." bulong niya. Nakita niyang napasapo sa dibdib ang lalakeng ito at tinignan nito ang dugo na dumadaloy doon. Napapikit ito at dahan-dahang napahiga, hudyat na namaalam na ito sa mundong ibabaw. Napangisi siya at tuluyan na siyang tumalikod sa patay na reaper.

---

     Matapos maligo ni Megan para linisin ang katawan niya sa dumi na nakakapit sa kaniya, nagbihis na siya at umalis para na naman sa panibagong misyon na gagawin niya ngayon. Easy as pie, bulong niya. Simple lang naman talaga ang gagawin niya. Meet a guy she's been observing for months and make him her first right hand

     Napabuntong-hininga siya ng maalala niya si Terrence. What about him? The guy she's been observing deserve to be her first right hand, not Terrence. Palabas lang ang lahat tungkol kay Terrence na magiging unang kamay niya. In short, ginamit niya lang si Terrence laban kay Red Tiger but it turns out not very well. He doesn't deserve that kind of position.

1 Message. 

Megan, asan ka na ba? Bakit mo kami iniwan dito? We called your maid, Ella, and she said she doesn't know where you are right now. Pumunta pa kami sa kanan mong kamay na si Terrence and even him doen't even know a slightest hint to where you are. Please, patawarin mo na sila Queenie at Lee. Gulong-gulo rin sila ngayon. Nagawa lang nila iyon dahil sa sinabi ni Red Tiger. Please, pumunta ka naman sa Underground Battle Dome kung mababasa mo ito. Nag-aalala na kami para sa iyo. Alam na namin ang lahat-lahat. Kung totoong kakambal mo si Red Tiger ay kami ang gagawa ng paraan para magkaayos kayo. Just . . . please . . . come back to us. -Miggs

     Napabuntong-hininga siya at itinago niya ang cellphoe matapos mabasa ang message ni Miggs. She doesn't care about them anymore.

     Pinaandar ni Megan ang kotse niya at dumiretso sa kaniyag pupuntahan. Doon niya ito nakita. Nakaupo ito sa isang hagdanan at nakayuko ito. Sa matagal niyang pago-obserba rito, alam niya na ang lahat tungkol sa taong ito. Na namatay ang magulang niya noong 14 years old ito. Na inampon siya ng isang pamilya ngunit lumayas lang siya rito dahil sa masamang pagtrato nito sa kaniya. Na nakulong siya dahil sa pagiging involve nito sa mga street fights.Ngunit isa lang ang hindi niya alam rito. Ang pangalan. She did some research about it pero nakaiwan lang na blanko ang pangalan ng nakita niyang file.

     Binuksan ni Megan ang pintuan ng kotse para makalabas at dumiretso siya sa taong iyon.

     "I'm Megan, what's yours?" diretso niyang tanong rito at inabot ang kamay sa taong iyon. Napaangat ng ulo ang lalakeng at panandalian itong kumunot ang noo ngunit inabot nito ang kamay ni Megan. 

     "I'm Zero."



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^