Sunday, September 7, 2014

I Love You Mr. Womanizer: Chapter 26

UNO’s POV
Lumapag na ang eroplanong sinakyan ko sa NAIA mula sa Switzerland. Nakabalik na rin uli ako sa wakas muli dito sa Pilipinas after 2 years. Ngayon ang araw na napili kong balikan ang isang taong matagal ko nang dapat binalikan, pero bago niya akong makitang muli gusto kong makita niya ang malaking pagbabago sakin, ginawa ko ang lahat ng pagsisikap na ‘to para sakniya at sa sarili ko.

Ang lamig ng hangin na dumampi sa mukha ko dama na ang Ber month. Ang bango ng Pilipinas para sakin ang hindi ko malilimutan at napangiti na lang ako.
“kamusta na kaya siya ngayon?”

Limang taon na ang nakalipas. Limang taong pagsasakripisyo, paglayo sa mga masaakit na karansan. Sa mga panahon na yun napakaraming nangyari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Nung umalis at nag-drop ako sa eskwelahang pinapapasukan ko. Nagulat yung nanay at tatay ko kasi sinayang ko daw yung pera eh titigil din naman pala ako. Ang dami dami ko pang narinig saknila gusto ko na nga sanag busalan yung bibig eh. Puro masasakit nasalita lang kasi ang laging nababato sakin ng magulang ko noon pa kaya siguro naging ganito rin ako sa kanila. Siguro ang sama na talaga ng tingin sakin, hindi naman kasi talaga ako mabait. Si Mich lang ang naniniwalang mabait ako, siya ang tumanggap sa nakaraan ko, ang hirap makahanap ng taong tatanggap sayo ng buo, yung hindi titignan kung ano ang nakaraan mo. Yung tatanggapin ka at sasabihin na kaya mong magbago kung gugustuhin mo. Siya lang sa lahat ang ng tiwala sa akin ng buong buo. Maloko talaga ako kahit hindi pa ako sa nag-aaral. Bisyo, tska babae ang libangan ko talaga noon bisyo pero hindi inom at paninigarilyo kundi computer maghapon magdamag at kung ano-ano pang pwede paglibangan basketball, dota, lahat ng laro, pati na nga maglaro ng nararamdaman ng iba lalo nan g maga babae. Girlfrien dito, girlfriend dun pero ang pinakamalala siguro na nagawa ko noon ay ang pumatol ako sa isang bayarang babae, alam yun ni Mich nagulat pa nga ako na nakaya niya akong tanggapin dahil dun kung ibang babae yun siguro pandidirihan pa ako. Matagal na yun, sa Manila pa ako nag-aaral nung mga panahon na nagyari yun, mga bagay na pinagsisihan ko ng husto. Iba rin kasi ang kalakaran sa Manila dapat alam mo kung paano ka makikidaloy sa agos ng buhay.  Pero sa kabila ng pagtanggap niya sakin ano pa rin ang ginawa ko? Niloko ko pa rin siya. Hindi ako proud sa ginawa ko, sa totoo lang sobrang pinagsisishan ko yun. Dala ng kagaguhan ko sa buhay pati si Mich nadamay. Hindi nga lang si Mich eh, tatlong babae pa ang muntikan kong ng sirain ang buhay. Isipin ko pa lang kung gano na ako kagago. Pero dahil din sa mga karanasan na yun natuto ako sa buhay ko. Nung nakikitang unti-unti na ngang nawawala sakin si Mich, parang hindi ko kakayanin.Pero nangako ako sa kaniya na babalik ako at magbabago kaya nga nagsumikap ako eh.Bago ako umalis sa St. Jude inayos ko yung nanagyari samin ni Sarah, pati na rin ng mga babaeng niloko ko. Mahirap sa isang lalaki ang aminin ang pagkakamali nila, yung iba nga diba nahuli na nagdedeny pa. Pero sa kaso ko, taong mahal ko na yung mawawala, kung baga sa isang hiring ng kaso mas mabuting magsabi ka na lang ng totoo para bumaba ang parusa sayo. Siguro huli na nga nung malaman ko yung pagkakamali ko pero handing handa akong magbago wag lang siyang mawala, handa ako magsakripisyo para kung sakaling babalik ako buong buo na ako at maipagmamalaki na ako ni Mich, na sana matanggap niya akong muli. Kaya sa huling araw ko sa Cavite kinausap ko sila para humingi ng tawad.

(Flashback)
Pinuntahan ko si Estella sa boarding house na tinutuluyan niya, nagtatrabaho siya sa department store bilang isang clerk. Nakilala ko siya sa mga common friends namin nung nagkayayaan ang bakrada at yun na nga dahil sa sulsol naging kami ng hindi inaasahan.
Binuksan niya ang pinto kahit medyo nagulat pa siya.
ESTELLA: Oh? Bakit andito ka babe? Himala ang pagdalaw mo ha?
UNO: Ka..kasi Estella gusto ko na sana makipag-hiwalay sayo.
ESTELLA: Ano? Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?
UNO: Hindi.. wala… Ako ang may kasalanan sayo. Sorry talaga. Pero may girlfriend kasi talaga ako bago ka pa.
Isang malakas na sampal ang inabot ko sakniya. Pero deserve ko naman yun eh. Sino bang babae ang matutuwa sa ginawa ko.
ESTELLA: Kahit kelan wala akong ginawang masama sayo para ganituhin mo ko. Tandaan mo mabilis ang karma. Darating yung araw na lalamunin ka ng kasalanan mo. Hindi laruan ang mga babae para paglaruan mo lang.
Marami pa siyang sinabing masasamang salita halos murahin niya na ako mula ulo hanggang paa. Deserve ko naman ‘to eh. Gaguhin ko ba naman siya diba? Hindi ko sinasabing ok lang ako pero tama lang ‘to sakin.
Sumunod naman kay Trina. Nakilala ko naman siya sa isang computer shop na pinagtatrabahuhan ng pinsan ko, isang dota player. Same scenario kung ano ang ginawa sakin ni Estella ganun din si Trina, pero mas light nga lang kay Trina kasi hindi rin naman talaga siya seryoso at mukhang nakipaglaro lang din pero tumatak sa utak ko yung sinabi niya
“Wag sanang dumating yung araw na ikaw naman yung mahirapan dahil yung taong mamahalin mo, may nagpapasaya, nag-aalaga at nagmamahal ng totoo.” Sinampal niya rin ako para daw matauhan ako.
Sumunod si Sarah, siya yung ex ko sa room bukod kay Eunice na umaway kay Mich. Kay Sarah din ako may pinakamabigat na kasalanan dahil muntikan ko nang wasakin yung kinabukasan niya. Matindi ang nagawa ko. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari pero isang araw na lang parang pareho kami uminit na hindi maintindihan at pumunta kami sa isang pribadong lugar. Malaking pagkakamali, isang malaking pagkakamali sa buong buhay ko. Nagkita kami sa isang park malapit sa kanila, dun daw kami mag-usap.
SARAH: oh? Napadalaw ka? Dahil na buking ka na ni Mich kaya babalik ka sakin?
Sabay ngisi niya.
UNO: Hindi sa ganun yun. Makikipag hiwalay na ako sayo. Para matahimik na rin tayong lahat.
SARAH: So ganun na lang yun Uno? Parang walang nagayari?
UNO: Sarah hindi ko ginustong saktan ka. Alam mong nadala lang din tayo.
SARAH: Gago ka ba? Nadala ??? Magpakalalaki ka Uno.
UNO: Mahal ko si Mich, Sarah, hindi ko kayang mawala siya.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Sa isang araw naka-tatlong sampal ako.
SARAH: Ano?? Matapos ang lahat si Mich pa rin??? Napaka selfish mo Uno. Binigay ko ang lahat lahat sayo pero ganito gagawin mo sakin? Ako naman talaga yung na-una diba? Bakit hindi ako ang piliin mo??
UNO: Sorry Sarah pero hindi ikaw yung mahal ko.
Umiiyak na si Sarah sinusuntok na niya yung dibdib ko, sinasampal sa mukha.
SARAH: Pumayag ako na maging pangawala pero ganito pa rin?
UNO: Sorry..
Yun na yung nasabi ko sakniya.
SARAH: hindi ka magiging masaya. Hindi kayo magiging masaya ni Mich.
Alam kong galit lang siya nun sinabi niya yun kaya hinayaan ko na lang siya. At huli kong pinuntahan ay si Mich. Ang bilis nga ata ng karma dahil pagdating ko sa kanila nakita ako ng Mama niya pinapapasok nga sana ako kaso nahiya na ako. Wala ata siyang alam dahil nakangiti pa rin siya sakin. Nakakagulity yung pakiramdam.
Pero ang masakit na nakita ko ay nung may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nila at bumababa si Mich kasama si Kurt. Si Kurt yung matagal ng crush ni Mich, hindi ko alam na magkikita kami sa ganung pagkakataon. Parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Pag nakita mo pala yung mahal mo na may kasamang iba parang gusto mo na lang lamunin ka ng lupa. Gusto kong hilain pabalik sakin si Mich pero hawak na siya ng iba. Hindi ko kinaya talaga gusto kong maiyak pero hindi ko gagawin, ayokong makita ako ng Kurt na yun sa mahinang sitwasyon. Nakita ko kung gaano kasaya si Mich pagbaba sa sasakyan ng lalaki yun. Ang hapdi, hindi ko maexplain yung feeling sa sobrang sakit. Yung gabi nay un ang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.
UNO: Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa ako naghihintay sayo” Sita ko sa kniya para mapagtakpan lang yung sakit na nararamdaman ko.
KURT: Ako naman ang kasama niya pare kaya hindi mo kaylangan mag-alala skniya” Sabat ni Kurt.
Parang gusto ko siyang sapakin nung mga oras nay un kahit alam kong wala naman akong karapat kasi sino ba ang nagloko diba? Yung kaninang mga sampal sakin na walang epekto, pero ngayon itong eksenang ‘to sa harap ko mas masakit pa sa sampal sa mukha.
UNO: Hindi kita kinakausap kaya wag kang sumsabat dyan.” Asik ko sa kniya.
MICH: Ahm, Kurt ok na ako sige na pwede ka nang umalis baka hinahanap na sa inyo. Ako na ang bahala dito.” Sabi ni Mich.
Buti na lang sinabi yun ni Mich nabuhayan ako ng pag-asa. Umalis si Kurt kahit halatang ayaw pa niya pero hindi yun importante, ang importante sakin ngayon ay si Mich. Tumingin siya kay Kurt habang papaalis, hinabol pa talaga niya ng tingi at parang binabayak yung puso ko. Ako dapat ang tignan niya, ako yung nasa harap niya ngayon hanggang sa tuluyan hindi na namin nakita yung sasakyan ni Kurt. Saka siya tumingin sakin.
MICH: Ano ang ginagawa mo dito?
Ang lamig ng pagkakasabi niya nun, para bang sinasabi niya na hindi na dapat pa akong pumunta sa knila.
UNO: Nay, gusto ko lang magpaliwang sayo. Hindi ganito yung gusto kong mangyari, please makinig ka muna sakin.
Kung kinakailangang magmakaawa ako sakniya gagawin ko. Pero alam kong hindi kasi talaga ganun kadaling patawarin yung ginawa ko. Ginawa niya ang lahat para mapaayos ako, sinesermunan niya ako paghindi ako pumapasok sa klase ko. Minsan nakakarindi din kasi daig pa niya nanay ko, pero ngayon ok lang sakin kahit araw-araw niya akong sermunan mapatawad niya lang ako.
Pumasok kami sa bahay nila pero sa terrace lang para syempre hindi kami makita ng Mama niya. Ayoko na rin naman din pagtsimisan pa kami sa labas.
MICH: Ngayon, magsalita ka? Anong nangyari? Sabi niya
Ilang segundo lang akong nakatingin sa kniya, damang dama ko sa mga mata niya yung sakit na nararamdaman niya. Hindi ko na pigilan yung sarili ko niyakap ko siya ng mahigpit.
UNO: Sorry Mich, hindi ko talaga sinasadya yung nangyari kung alam mo lang kung gano ko pinagsisishan yun.
Kumawala siya sa yakap ko. Daig ko pa ang sinampal ng maraming beses sa pag-iwas na yun sana sinampal na lang niya ako.
MICH: Pinagsisihan? Hindi mo sinasadya? Pero ginawa mo na eh. Paano kung natuloy na may nagyari sa inyo? O baka nga meron na talaga eh. Yung mga babae mo? Paano mo ipapaliwanag na hindi mo yung sinasadya? Uno kahit kelan naging tapat ako sayo, ang ginusto ko lang lagi ay ang kabutihan mo.  Pero ano yung ginanti mo sakin? Matinding sakit?
Umagos yung luha niya sa pisngi niya. Hindi ko kayang makita siyang ganun, pinipigilan kung iyak kasi ang sakit sakit na. Hindi niya ako masaktan, hindi niya ako masampal o masuntok man lang. Pero sana ginawa lang niya kasi mas masakit sa pakiramdam na sa kabila ng nagawa ko alam kong mahal pa rin ako ni Mich. Pero ito yung ginawa ko sa kniya.
UNO: Alam ko Mich, alam ko. Naging mahina ako sa mga pagkakataon na yun pero gusto ko nang magbago. Nang malaman mo ang lahat nakita ko ang pagkakamali na nagawa ko. Gusto kong magsimula ulit, gusto kong bumalik tayo sa dati Mich.
MICH: Hindi ganun kadali yun Uno, unang una tiwala ang nawala eh. Pinagkatiwalaan kita sa lahat pero anong ginawa mo? Pinagmukha mo kong tanga hindi isang beses kundi napakarami. Tapos na tayo, kung gusto mo talagang magbago gawin mo yan para sa sarili mo hindi para sa ibang tao.
Sa totoo lang natatakot akong hindi na mabalik yung tiwala na binigay niya sakin, natakot ako sa sinabi ni Trina na baka dumating ang araw na may ibang magpasaya sa taong mahal ko. Ayoko nun. Syet! Gusto ko nang magwala pero pinipigilan ko yung sarili ko.
UNO: Gusto kong gawin yun kasama ka. Kailangan kita eh.
Nagmamaka-awa na ako sa kniya.
MICH: Hindi, gawin mo yan mag-isa. Mas kailangan mo ang sarili mo ngayon hindi ang ibang tao. Magmatured ka na. Hindi ka na bumabata alam mo yan. Tuparin mo yung mga panagarap na gusto mo para sa sarili mo. Ako? Bubuin ko yung mga winasak mo, at gagawin ko din yun mag-isa.
UNO: Mich, babalik ako. Pangako kapag naayos ko na yung buhay ko babalik ako.
Yun yung pinangako ko sa kniya.
MICH: Wag kang mangako. Gawin mo.
Sa totoo lang nabuhayan ako ng pag-asa dun, kasi maaaring mahintay niya ako. Babalik ako.
Tinignan ko siya habang lumuluha siya, pero hindi ko kinayang makita siyang ganun. Pinunasan ko yung luha niya at sabay niyakap ng mahigpit.
UNO: Babalik ako nay, babalik ako.

(END OF FLASHBACK)

Ito na ako bumalik para sakniya. Nung umalis ako sa Cavite naiwan ang kalahati ng puso ko. Umalis din ako sa bahay namin dahil tutal naman puro masasakit na salita lang din naman ang maririnig ko sa magulang ko. Hindi ko alam kung anong galit meron sila sakin, ginawa ko naman na din lahat para makatulong sa knila siguro dahil na rin sa mga kalokohan ko nung bata pa ako ang dahilan. Pero papatunayan ko rin sa knila na kaya kong magbago.
Pumunta ako sa tita ko na taga Ilocos, dun naging maayos yung buhay ko, driver ako sa umaga estudyante naman ako sa gabi. Tinuloy ko yung course ko nung nasa Manila pa ako--management buti na lang talaga may mga nacredit akong mga subject kaya 3years lang nakagraduate ako. Inayos ko yung pag-aaral ko, para makabawi naman sa tita ko ako ang driver nila pagpunta sa work tapos parang kasambahay na rin ako. May self-control na rin ako hindi na ako nakikipagfilrt sa ibang babae. Sa bawat pagsisikap ko si Mich lang ang inaalala ko sana nakikita niya yung mga gingawa ko.Yun yung nagpapabuhay sakin para mas magsumikap kahit minsan parang nawawalan na ako ng pag-asa. May isang kaibigan ako na sinasabi sakin na mas nagiging malapit ngayon si Kurt at Mich parang hindi yun kinakaya ng puso ko. Pagkagraduate ko isang tita ko naman ang nasa Switzerland ang nag-offer sakin magtrabaho sa restaurant na tinayo nila dun. Ayoko sanang umalis kasi baka mas lalo lang akong mapalayo kay Mich pero inisip ko rin na kung gusto ko talagang may mapatunayan sa kniya kailangan kong mas lalong kumayod at makita niya yung mga achievements na nagawa ko. Kaya sumama ako dun, nung una hindi ko kinaya, parang gusto ko ng bumalik sa Pilipinas dahil homesick na homesick na ako. Buti na lang may mga pinsan ako dun pero hindi rin kasi ibang kultura ang mga nandun tapos hindi rin naman ako ganun kagaling mag Ingles kaya nung mga unang buwan ko dun yes, no, ok lang sinasabi ko. Sanabi ko sa tita ko na kung pwede akong magpahinga ng kahit dalawang linggo lang muna dahil parang hindi ko pa kaya. Pumayag naman siya at pinasamahan ako sa mga pinsan ko na maglibot muna sa Bern, Switzerland kung saan nakatayo yung restaurant ni tita. Napakagandang lugar makikita mo yung mga taong banyaga na malayang andun sa daan. Hindi tulad sa Pilipinas na kapag nakakakita tayo ng mga foreigner namamagha tayo pero dun balewala saknila yung ganun. Wala akong masabi sa lugar. Napakaganda, siguro kung andito si Mich lilibutin naming lahat kasi gusting gusto niyang maglibot sa ibang banasa. Dati nagkwentuhan kami tungkol sa kung paano daw kung dumating yung araw na nasa bang bansa na kami.
(FLASHBACK)
MICH: Tay gusto ko talagang magtour sa ibang bansa, tulad sa Paris o kaya sa New York
UNO: Alam mo ba nay, may kamag-anak kami sa Switzerland eh.
Nagliwanag yung mukha niya.
MICH:talaga??? Punta tayo dun ha?
UNO: Kaso hindi ko naman kakayanin yung lamig dun.
MICH: Sabagay oo nga malamigin ka pa naman, kala mo pag malamig nangagatog na katawan.
Tawa na lang kami..
(END OF FLASHBACK)
Yung mga ganung alala-ala ang madalas na sumasagit sa isipan ko nung mga panahon na yun. Yun din ang nagiging lakas ko. Kaya umabot ako ng dalawang taon sa bansang yun. At nakakasalamuha ko na rin yung mga banyaga. May mga kaibigan na rin ako dun, may mga Eurpian meron ding Pinoy. Bumalik ako sa Pilipinas para sa isang bagay o dapat kong sabihin na para sa iisang tao. Nagkaayos na kasi kami ng mga magulang ko nung umalis ako papuntang Bern. Ang gusto lang talaga nilang mangyari sakin maging maayos ako. Mas naintindihan ko lang sila ngayon. Magmatured na daw ako kasi hindi na ako bumabata gusto lang nila magkaroon ng direksyon yung buhay ko. Siguro dahil sa mga kalokohan ko noon natakot sila na ang unico iho nila eh, mapariwara. Yung ate ko kasi may asawa na, yung bunso naman naming mabait na anak yun kaya wala silang problema ako lang talaga ang tarantado eh. Tama nga si Mich noon nung sinabi niya na magiging maayos din kami ng mga magulang ko. Nagpaalam ako sa tita ko kung pwede ba akong magabakasyon sa Pilipinas kahit dalawang buwan lang. pumayag naman sila kasi siguro nakita rin nila na homesick na rin ako. Pero inassure nila na babalik ako dun kasi wala ng mamamahal pag hindi ako bumalik dun. Malakas kasi yung resto kaya ang hirap bitawan maraming parokyano na ang madalas na nandoon.
Tumutuloy ako ngayon sa isa sa mga bahay namin sa Cavite yun yung bahay na gustong ibigay sakin nila Nanay kaso nga lang medyo maliblib yung lugar kasi puro talahib pero ok lang naman kasi may daanan ng mga sasakyan. Mag-dadalawang linggo na rin akong nakabalik at unang kong ginawa nung unang linggo ko dito sa Pilipinas kinontak ko yung nag-iisang communication ko kay Mich, si Kristel. Hindi alam ni Mich na may kontak kami dahil na rin sa hiling ko skniya, gusto ko lang siyang subaybayan ng hindi niya nalalaman. Nalaman ko na nasa isang Private school na pala siya at nakapasa na rin siya sa borad exam at ang masakit sa nalaman ko, sila na ni Kurt. Nung una kong malaman yun parang ayoko nang bumalik pa, ano na nga ba ang saysay ng pagbalik ko kung napunta na si Mich sa iba? Pero sabi ni Kristel bakit hindi ko daw subukan ulit? Matagal bago nakamove on talaga si Mich sa break-up namin. Pero paano nga kaya kung tuluyan na niya akong kinalimutan. Kaya laking tuwa ko nung pinuntahan ko siya sa school na pinagtuturuan niya kasi nakita ko pa rin yung epekto ko sa kniya. Alam kong mahal pa rin niya ako. Sana. Sana makita niya yung pagbabago ko. Sana matanggap niya ulit ako.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^