Friday, March 28, 2014

The Dead: Chapter One


THE DEAD:
CHAPTER ONE











Author's Note
hehe ..naisipan ko lang magsulat tungkol sa zombie .. na-inspired kasi ako sa nilalaro kong Walking Dead .. haha .! simple kwento lang yan at bida ang idol kong BAP .. haha .! at wala pa syang cover kasi wala pa kong Photoshop .. :D .. aya tiis ganda muna na walang cover mga kwento cu ..




-----


PAUWI na si EunRi galing ng library ng maramdaman nyang mag-vibrate ang phone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. mabilis nyang sinagot ang tawag ng makita nya ang pangalang 'My Baby Jello' sa screen ng kanyang phone.






"Hello, baby Jello? Is there any problem?"worried na tanong ni EunRi sa kabilang linya.






"How many times did I tell you not to call me with that name? Noona, hindi na ko bata! Soon I'll be coming eighteen. So, please! Call me Zelo instead."wika ni Zelo sa medyo inis nyang boses.
Natawa naman si EunRi. "Aigoo! Nagma-matured na nga ang litte brother ko. Pero kahit pa mag-eighteen ka or nineteen or even twenty. At kahit pa mala-higante ang height mo at hanggang balikat mo lang ako. You will always be my baby brother. Right, baby Jello?" sinundan pa nya ulit ito ng tawa.






"Whatever. Anyways, can I ask you to buy something for me at the drug store in the supermarket?"






Nagulat naman bigla si EunRi ng marinig nya ang salitang 'Drug Store'. "Drug store?! Bakit?! May masakit ba sayo?! Nasaktan ka ba sa pag-lalaro ng skayeboard?! What?! What happened?!"






"Calm down will you? It's not like I'm dying! I just got a little scratch so I need bandaid."explain ni Zelo sa despirado nyang boses.
Bigla tuloy sya napaisip na maling utusan nya ang kanyang ate sa mga ganitong klaseng pabor, dahil alam nya kung gano nagpa-panic ito basta tungkol sa safety nya ang pag-uusapan.






Sa edad nyang labing walo ay parang batang paslit parin ang turing sa kanya ni EunRi. Kaya naman sa tuwing magagasgasan ito dahil sa pag-lalaro nito ng skateboard o kaya naman ay mag-kasinat ito ay parangkatapusan na ng mundo para kay EunRi.






Hindi naman masisi ni Zelo ang kapatid. Simula ng mamatay ang magulang nila dahil sa pag-kasunog ng kanilang bahay noong limang taon sya ay nagka-phobia na si EunRi.






Alam ni Zelo kung gano sila ka-mahal ni EunRi. Kaya nang mangyari ang sunog ay hindi na nawala sa isip ni EunRi na baka ang kaisa isang pamilyang natira sa kanya ay mawawala pa.






Anim na taon ang agwat ng edad niya sa kapatid. Pero pakiramdam ni Zelo ay mas matured sya kaysa sa ate nya. Bukod kasi sa matatakutin at mapag-alala nito ay iyakin din ito. Sa isip isip ni Zelo si EunRi ang mas may kailangan ng proteksyon kesa sa kanya. At iyon nga ang ginagawa nya ngayon.






"Tinakot mo naman ako! Next time be careful. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ko to protect you. So, please."pag-mamakaawa nito sa bunsong kapatid.






Saglit namang natawa si Zelo. "Who is the one that needs protection? Just make it fast back home. Mag-luluto ako ng ramen."






"Sounds good. Okay, I'll be back home soon. Love you!"pahabol pa nito. Napangiti naman si Zelo bago ito sumagot.






"Yeah, same here. Bye."






Busy line na ang sunod na narinig ni EunRi. Masaya syang bumuntong hininga saka ibinalik ang cellphone sa kanyang pantalon at lumakad na papuntang supermarket malapit sa kanila.















PAG-DATING sa supermarket ay agad na dumiretso si EunRi sa drugstore. Pag pasok sa loob ay masaya syang binati ng isang cashier na lalaki.






"Welcome!"bati ng cashier na may white and silvery hairstyle.






Sa tantya ni EunRi ay mas matanda lang ito ng apat kay Zelo. At schoolmate din ata ito ni Zelo dahil minsan na syang nakita ni EunRi na naka-suot ng uniform na gaya ng kay Zelo.






"Hello!"balik bati naman ni nya.






"How may I help you?"magalang natanong ng cashier. Nang lingunin ni EunRi ang name plate na naka-kabit sa damit ng cashier ay doon lang nya nalaman ang pangalan nito. Jung DaeHyun. Basa nya sa isip. Pag-kuway nginitian nya ito.






"Kailangan ko ng band aid. Nasan ba banda yung band aid nyo?"






"Ah, sumunod ka sakin."






Lumakad sila sa ika-lawang shelf at naroon nga ang mga gamit para sa first aid. "Heto. Nasa bandang dulo ang band aid."wika ni DaeHyun.






"Salamat."






"Welcome!"yun lang at muling bumalik si DaeHyun sa pwesto nya.






Matapos na bumili ng band aid ay nag-madali ng lumakad pabalik ng bahay si EunRi. Napa-daan sya sa isang coffeeshop kung saan naabutan nyang naka-upo ang kapit bahay nyang medical student na si Yoo YoungJae.






Nag-katinginan sila at nag-kabatian. Madalas nyang makita doon si YoungJae. Ang coffee shop na atang 'yun ang paboritong lugar ni YoungJae sa isip isip ni EunRi






Nasa street na sya ng kanilang bahay ng naisipan nyang dumaan muna sa bahay ng kanyang boyfriend na si Bang YongGuk na ilang araw na din nyang hindi nakikita.






Hindi nya alam ang dahilan kung bakit. Dahil wala namang nabanggit si YongGuk. Basta na lang ito hindi nag-paramdam sa kanya kaya naman mas mabuti ng puntahan nya na lang kaysa mag-hintay sya na wala namang kasiguraduhan kung mag-paparamdam pa ba ito o hindi na. Isa pa, isang kalye lang naman ang layo nito sa bahay nila.






Alangan pa syang pumindot ng doorbell ng makarating sya sa tapat ng bahay ni YongGuk. Pero ng makita nyang bukas naman pala ang pinto ay naisipan na lang nyang pumasok.






Limang taon na silang mag-karelasyon ni YongGuk. At kilalang kilala naman sya ng pamilya nito. Kaya naman ayos lang pumasok sya doon kahit na walang paalam.






Dahan dahan syang lumakad papasok. Inibot nya ang paningin sa paligid. Napa-kunot ang nuo nya dahil tila walang tao pero bukas ang pinto.






"Honey?"tawag nya kay YongGuk pero walang sumasagot. "YongGuk?"sa pangalawang beses na tawag nya ay wala paring sumasagot.






Nag-simula ng tumibok ng mabilis ang puso nya dahil sa kaba. Dahan dahan nyang nilakad ang daan papunta sa kusina. Nang makarinig sya ng kaluskus ay mabilis syang napasandal sa pader kung saan natatakpan ang kabuuhan ng kusina.






Napalunok sya ng laway ng wala sa oras at nag-simula na ring pag-pawisan ang mga kamay nya. Nang mahagip ng mata nya ang baseball bat ni YongGuk na nasa tabi lang nya ay agad nya itong kinuha at inihanda ang sarili sa kung ano mang makikita nya sa oras na sumilip sya sa kusina.






Humugot sya ng napaka-lalim na buntong hininga bago sya dahang dahang sumilip at ng makita nya ang kabuuhan ng kusina. Halos hindi sya maka-paniwala sa nakita nya. Naramdaman nyang unti unting nang-hihina ang mga tuhod nya.






Kasabay ng pag-kabitaw nya ng baseball bat ay sya ring pag-tulo ng mga luha nya. Napa-atras sya at sunod sunod na napailing habang umiiyak.






"No. This is not true!"wika nya. Isinapo nya ang mga palad sa mukha nag-babakasakaling panaginip lang ang lahat.






"EunRi! Let me explain."narinig nyang sabi ni YongGuk. Inalis nya ang mga palad sa mukha at galit na hinarap si YongGuk.






"You don't have too! I think I know the reason why you suddenly gone!"puno ng pait nitong sabi sabay lingon sa babaeng katabi ni YongGuk na ngayon ay halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.






Marami pa sana syang gustong sabihin pero iling na lang ang nagawa nya. Dali dali syang tumakbo palabas, agad naman syang sinundan ni YongGuk para pigilan.






"EunRi wait! Makinig ka muna sakin!"tawag ni YongGuk pero nag-tuloy tuloy lang si EunRi.
Nahawakan sya ni YongGuk sa kamay pero agresibo iyong hinawi ni EunRi at bahagya pang nasugatan sa kamay si YongGuk dahil sa kuko ni EunRi.






Sandaling natahimik ang paligid, pag-kuway kalmanteng nag-salita si YongGuk pero bakas ang lungkot sa boses nito. "Pag-usapan na lang natin 'to pag okay at kalmado ka na. Now you need to go home and take a rest."yun lang at nauna nang tumalikod si YongGuk.






Halos di naman makapaniwala si EunRi. Pakiramdam nya tuloy ay sya pa ang may nagawang mali sa kanilang dalawa ni YongGuk. Na para bang sya ang nahuling may kaakap na iba imbes na si YongGuk.






Umuwi sya ng bahay na namumugto ang mga mata. Hindi nya talaga akalain na magagawa ni YongGuk na lokohin sya. Ni hindi nga sumagi sa isip nyang makitang may kaakap na ibang babae si YongGuk dahil ang buong akala nya ay sya lang ang babaeng mahal nito.






Pero nag-bago ang paniniwala nyang iyon ng makita nya itong may kaakap na iba. Other than Zelo, YongGuk is also her everything. She loves YongGuk so much kaya naman hindi nya talaga matanggap ang nasaksihan nya sa bahay nito.






Hindi nya tuloy maiwasang tanungin ang sarili. Ano pa ba ang kulang sa kanya? May korte naman ang katawan nya. Hindi naman sya perfect pero masasabi nyang may itsura din sya. Bilugan ang mata nya. Manipis at mapupulang labi.






Natural long curly hair ang buhok nya. Hindi nga lang sya katangkaran gaya ng babaeng kayakap ni YongGuk sa bahay nito. At hindi rin sya kasing puti ng babae.






Hindi ba satisfied si YongGuk sa pag-mamahal na ibinibigay ni EunRi? Kaya nagawa syang ipag-palit nito? Sa tuwing naiisip nya ang limang taon nilang pinag-samahan ni YongGuk hindi nya maiwasang mang-hinayang at maiyak.






"You're back. Dumaan ka sa bahay ni hyung kaya ka natagalan? Lumamig--"natigilan sa pag-sasalita si Zelo ng mapansin nyang mugto ang mga mata ni EunRi at pigil ang mga luha nito. "Anong nang-yari?! Anong ginawa sayo ni hyung?!"galit na tanong ni Zelo.






Pero iyak lang ang sinagot ni EunRi. Pag-kuway niyakap nya ang kapatid. Hindi na nya napigilan pang mapahagulgol ng yakapin din sya ni Zelo.






"He cheated on me."umiiyak na sabi ni EunRi na talaga namang ikinapintig ng tenga ni Zelo.






"That bastard!"buong diin nyang bulong habang akap nya ang ate nyang humahagulgol.















MARAHANG kinumutan ni Zelo ang ate nya ng makumpirma nyang himbing na itong natutulog. Halos trenta minutos na syang naka-upo sa tabi ng kama ng kapatid para damayan ito sa sakit na nararamdaman nito ngayon.






Talagang galit na galit sya sa nalamang ginawa ni YongGuk sa ate nya. Pinagkatiwalaan nya ito pero sa huli lolokohin lang din pala nito ang kapatid nya. Hindi na maitago sa mukha ni Zelo ang galit at gustong gusto na nyang sugurin at paulanan ng suntok si YongGuk.






Kaya naman matapos nyang halikan sa nuo ang kapatid ay mabilis syang tumakbo papunta sa bahay ni YongGuk.






"Hyung! Lumabas ka dyan!"galit na nagsisigaw si Zelo sa harapan ng bahay. Ilang segundo lang ay lumabas din si YongGuk sa tila ba pagod nitong mukha.






At hindi pa man ito nakakapag-salita ay sinugod na agad ito ng suntok ni Zelo. Nasapul ito sa kanang gilid ng labi kaya namang agad na sumilay ang dugo. Napa-dausdos si YongGuk sa lapag habang si Zelo naman ay muling sumugod.






Pumaibabaw ito kay YongGuk sabay nag-pakawala ulit ito ng napaka-lakas na suntok sa mukha ni YongGuk.






"Walang hiya ka! Niloko mo ate ko!"sigaw ni Zelo habang sumusuntok ito sa mukha ni YongGuk.






"Hindi ko sya niloko!"sinubukang mag-explain ni YongGuk pero hindi sya pinakinggan ni Zelo. Patuloy lang ito sa pag-suntok.






Nang mapansin ni YongGuk na baliwala kung hindi nya dadaanin sa dahas. Hindi nya mapapakalma si Zelo kung hindi sya lalaban. Kaya naman sa huli ay nag-pakawala din sya ng mahinang suntok sa mukha ni Zelo.






Tumaob patihaya si Zelo at naupo naman si YongGuk. Pinunasan nito ang dugod sa gilid ng labi nito gamit ang mga daliri.






"Look, I didn't cheat your sister. And I never will!"kalmante pero madiin na sabi ni YongGuk.






"But you did! You f*** asshole!"muling sumugod si Zelo. Pumaibabaw muli ito kay YongGuk at sunod sunod nya itong pinaulanan ng suntok.






Sinusubukan namang makatakas ni YongGuk pero masyadong mabigat para sa kanya si Zelo. He's trying his best hanggang sa may makapa syang kung ano malapit sa kanya. Pinilit nya itong lingunin. Nang makita nyang isa itong malaking gunting para sa damo ay mabilis nya itong dinampot.






Nang-laki naman ang mata ni Zelo ng makita nya iyon. Napahinto sya sa pag-suntok at dahan dahang napatayo.






"Hyung, tell you will never gonna do that."alalay na wika ni Zelo. Sumilay ang takot sa mukha nito dahil sa hawak na malaking gunting ni YongGuk.






"Wag kang gagalaw."utos ni YongGuk. Pero patuloy lang sa pag-atras si Zelo. "I said don't!"sigaw nito pag-kuway umakto itong sasaksalin si Zelo. Walang nagawa si Zelo kundi salagin ang malaking gunting at napapikit.






Ilang segundo nyang hinintay ang talim ng gunting pero napadilat sya ng wala naman syang maramdamang sakit.






"What the hell are you doing?!"galit nitong tanong kay YongGuk saka nya nilingon ang likuran. Doon ay sumilay sa kanya ang kapangi-pangilabot na nilalang.
Kulay gray ang balat nito at naagnas pa. Sumusuot sa ilong ang napaka-baho nitong amoy. Lasug lasug ang damit nito. Halos lumuwa na ang eyeballs nito at tila inuuud pa ang pisngi nitong animo nilaslas ng kung sino. Naliligo ito sa sarili nitong mga dugo. At naka-tuhog sa leeg nito ang malaking gunting na itinaga ni YongGuk dito.









"What the hell is that?!"halata ang takot at gulat sa boses at mukha ni Zelo.






Bago pa man makasagot si YongGuk ay sunod sunod nang patrol ng pulis ang dumaan habang may mangilan ngilan namang mga taong nag-tatakbuhan at natataranta.






Kinabahan si Zelo maging si YongGuk. Ramdam nilang may kakaibang nang-yayari. Hindi na rin mapalagay si Zelo dahil sa gawi ng street nila papunta ang mga pulis. Naisip nya ang naiwang natutulog na si EunRi.






Nang may makitang lalaking tumatakbo si Zelo ay agad nyang sinalibong ito para tanungin kung ano nga ba ang nang-yayari.






"Bakit nag-kakagulo kayo? Anong nang-yayari?!"






"May mga patay na nag-kalat sa kabilang kanto! Tumakas na kayo bago pa nila kayo gawing tulad nila!"takot na takot at halos maiyak na wika ng lalaki.






Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Zelo. Hindi na sya nakapag-salita pa. Nilingon nya ang kaninang sinaksak ni YongGuk ng malaking gunting na ngayon ay wala ng buhay.






Pag-kuway nagkatinginan sila ni YongGuk. At walang ibang pumasok sa isip nila kundi si EunRi. Sabay silang napatakbo papuntang bahay nila Zelo.






Pero sa unahan pa lang ng kanto ay hinarang na sila ng mga pulis dahil nga hindi na ligtas pa ang lugar na iyon at nag-kalat na nga ang mga patay na hindi nila malaman kung saan ng galing.






Sunod sunod ang putok ng baril takbo dito takbo doon. Iyakan at sigawan. Iyon ang maabutan nila YongGuk at Zelo.









"Noona!"nag-wawalang tawag ni Zelo habang pinipigilan sya ng mga pulis at pilit syang isinasakay sa police car para makalayo sa lugar. "Bitawan nyo ko!"nagsisisigaw at nangi-ngiyak nitong sigaw.






"Sumakay na kayo sa sasakyan! Bilis!"utos naman ng isang officer na ngayon ay walang tigil na nag-papaulan ng bala sa mga gutom sa kalamnan na mga patay.









Halos hindi naman maka-galaw si YongGuk sa nasasaksihan ng mga mata nya. Hindi nya akalain na totoo pala ang mga Zombies na napapanood nya sa T.V o Movies.









Kitang kita nya kung pano walang awa na ngatain ng mga patay ang bawat litid ng sino mang taong mahawakan nito. Ang iba naman ay buong pwersang pinag-aagawan ang katawan ng isang bata. Hindi alam ni YongGuk kung kalakas ang mga ito at nakaya ng mga itong pag-pirapirasuhin ang katawan ng bata sa pamamagitan lang ng pag-hatak nila sa mga parte nito.









Napa-ilag sya kahit na hindi nya naman alam kung saan galing ang putok ng baril. Nang lingunin nya ang likuran nya gumulat sa kanya ang naka-bulagtang zombie na dapat sana ay pagpipira pirasuhin na rin sya.






"Ano pang ginagawa mo dyan?! Sumakay ka na!"galit na sigaw ng officer sa kanya na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan, maging si Zelo na pilit paring pinapakalma ng kasamahan ng officer ay naroon na rin.






Alangan pang tumakbo palapit ng sasakyan si YongGuk ng madapa ito ng hatakin ang mga paa nya ng zombie na binaril ng officer. Buhay pa pala ito.






"Shit!"tarantang wika ni YongGuk. Pilit na hinahatak ng zombie ang paa nya habang sya naman ay pilit ding kumakawala. Sa huli ay nakabitaw din ang patay at nakatakbo papasok ng sasakyan si YongGuk ng sipain nya ng malakas ang patay.






Madaliang pinaharurot ng officer ang sasakyan palayo sa mga zombie na gustong kumatay sa kayawan nila.






Nangibabaw ang katahimilan sa loob ng kotse. Wala ni isa sa kanila ang nangahas na mag-salita. Si Zelo ay tahimik lang sa isang tabi, habang si YongGuk naman ay di maiwasang matulala sa mga nasaksihan nya.






Hindi na rin napigilang tumulo ng mga luha nya ng sumagi sa isip nya ang posibilidad na isa na rin si EunRi sa uri ng mga halimaw na nakita nila kanina. Nakaramdam sya ng pagsisisi. Di nya akalain na ang pag-kikita nila kanina ni EunRi ang huling araw nila. Ang ikinasasama pa ng loob nya ay hindi nya man lang nahingi ang patawad nito.






Samantala, muling napaiyak si Zelo ng marinig nya ang pag-hikbi ni YongGuk. Ngayon ay hindi na nya alam pa ang gagawin nya. Maraming sumagi sa isip nya. Sinisisi nya rin ang sarili nya kung balit nya iniwang mag-isa ang ate nya. Nangako syang aalagaan nya ito pero para sa kanya ay napakalaking failed ng pangako iyon.






Wala na ang ate nya. Hindi na rin nya alam kung ano pa ang gagawin nya. Parang gusto nyang iumpog ang ulo nya at magising na sa napakasang bangungot na ito.






How he wish it was only a nightmare...



-----
End of Chapter One
... to be continued
------

 









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^