Saturday, December 21, 2013

One Wish : Chapter 1


Chapter One:
“I’m just your fairy godfather. Aangal ka?”


Ruijin:

"Ruijin, wake up na! Ruijin wake up na! Ruijin wake up na!" bumuntong-hininga ako at inis na tumayo. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Habang nag-hihilamos ako,  napatingin ako sa salamin: Namumungay na naman ang mata ko. Hindi na ako nasanay. Lagi naman eh. Lagi naman nila akong pinapaasa. Ang sarap nilang ihulog sa bangin at i-murder. O kaya ipakain sa pirana at ipadala ng tuluyan sa impyerno. 



     Pagkatapos kong maghilamos, pumunta ulit ako sa kama upang patayin ang alarm clock kong patuloy pa ring nag-iingay. "Ruijin, wake up na! Ruijin, wake up na! Ruijin, wake up na!"

   

  “Oo na, oo na. Ayan na, gising na ako.” Matamlay kong pagkakasabi at pinatay ko na ito. Napatingin ako sa relo ko. Geez. 8:30 na, late na ako sa reunion namin ng mga co-workers ko sa DayDreamer’s Haven. Dali-dali akong kumuha ng damit sa cabinet ko at nag-bihis. Wala ng ligo-ligo. Late na ako eh.









      "Kamusta na ang ating broken hearted na bestfriend?" iyan kaagad ang bumungad sa akin pagkarating ko sa  may Ice Skating Rink sa SM City Clark, ang napag-usapan naming meeting place. Yinaya kasi kami ni Hannah na dito naman daw kami mag-meet kasi hindi siya puwedeng bumyahe mag-isa sa Manila at naiinggit na daw siya kasi na-meet daw ako ng iba pero siya hindi pa. 



     Sumimangot ako at kumuha ng french-fries na kinakain ni Richelle. “Ewan ko sayo.” Naiinis kong wika pero ngumisi lang siya. “Asan na ba yung iba?” tanong ko dahil siya lang ang nandito. “Nainip na yung iba kakahintay sa’yo kaya pumunta muna yung iba sa National Book Store. Yung iba naman nasa cr. Yung iba, nagbo-boy hunting. Yung iba nandito na sa Ice Skating Rink, naglalaro.” =_= at napatingin naman ako sakto sa loob ng Ice Skating Rink at nakita ko si Ellaine, Aiesha, Hannah na nag-i-ice skating. Ngi-ngiti-ngiti lang silang kumaway sa akin at tila nang-iinggit ang kanilang mga mata sa akin. \(  __.__#)> MADAYA SILA!


     

     “Wala nga pala si Jhonah, alam mo naman… buntis.” Sabi niya at patuloy na ngumuya ng kaniyang French fries. Napatango na lang ako at kumuha din ng French fries niya at hinintay nalang ang mga kasama namin.








     Mga 10:00 na at napag desisyunan naming lahat na manood ng sine. Papasok na sana kami sa Cinema 1 para mapanood ang Ender’s Game ng biglang may nabunggo akong isang lalake na naka costume na parang ewan. Nanlaki ang mata ako at parang biglang nag-spark. MAY COSPLAY BA DITO? WAAHHH!!! *O* Kaso… “Excuse me miss. Tumabi ka nga. Nakaharang ka sa dinadaanan.” Masungit nitong pagkakasabi at sinimangutan ako. Ay, ka turn-off. Guwapo pa naman.




     “O, may nakita ka na naman among tunay.” Nagulat ako dahil tinusok/kiniliti ako ni Hannah sa tagiliran ko. Napatalon tuloy ako. =_=  “Aray Hannah ah. Hindi yun kiliti!” sabi ko at hinawakan ang tagiliran ko. Sakit kaya! Ajujuju. Grabe, broken hearted na nga ako, ginaganito pa nila ako!  MASAKIT PRE!  MASAKIT!


                                 ( V  TT___TT)V
                                            


     “Salamat sa time ate Ruijin! Babye! Sa susunod ulit ah?” sabi ni Hannah at kumaway sa akin. Sinusundo na kasi siya ng parents niya. Bawal daw kasi siyang gabihin kaya kahit 5:30 pa lang ay kailangan niya ng umuwi. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. “Thanks din!” sabi ko at ginulo ang buhok niya. “AY! Ate naman eh! Ginulo mo hairstyle ko!” biro niya at pagkatapos nuon ay pumunta na siya sa kotse nila.




     Humarap naman ako sa mga ibang DDH, “Oh, tara, uwi narin tayo. Baka gabihin pa tayo niyan mamaya. Layo pa man din ng Manila mula dito.” Sabi ko at ngumisi sa kanila. Hehe, alam ko naman sila eh, ayaw pa niyan nilang umuwi. Maganda daw kasi sa SM City Clark at medyo sawa na rin daw sila sa mall na napupuntahan nila katulad ng SM Megamall, Mall of Asia, etc,. “RUIJIN NAMAN EH!” sabay-sabay nilang sigaw. Napatakip tuloy ako ng tenga. “Oh, sige na! Bahala kayo sa buhay niyo. Basta aalis na ako. Pagod rin kasi ako eh.” Sabi ko at nagsitanguan nalamang sila. “Punta din tayong Marquee Mall ha?” narinig ko pang sabi ni Aiesha. Hay… buhay. >_<





     Pasado alas nuebe na (nosebleed) ng makauwi ako. Agad akong dumiretso sa kama at napansin kong medyo nangangamoy na ako. (=_=) Alangan naman. Maghapon ba naman akong hindi naligo. Buti na lang hindi napansin ni Hannah noong niyakap ko siya. Mwehehehe. Nagpahinga muna ako ng kaunti at naligo. Masama daw kasing maligo kapag pagod ang katawan kaya nagpahinga muna ako :3




     Matapos kong maligo, mag-bihis at mag toothbrush, humiga na ako sa kama at natulog. Medyo nga parang napansin ko habang papikit na ang mata ko, parang may nakamasid sa akin pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at inisip na iaantok lang ako.




     Chris naman! Please, huwag mo naman akong iwan!” Pagmamaawa ko kay Chris. “Sorry Ruijin, pero may mahal na akong iba eh.” Nakayuko niyang sabi sa akin. Tumulo na ng tuluyan ang kanina ko pang pinipigilan na luha. “Akala ko ba… akala k-ko ba.. Ako lang ang babaeng mamahalin mo? B-ba’t ganuon Chris? Ba’t puro paasa lang kayo? Pare-pareho lang kayo ng mga nagging ex ko! Mga paasa!” nanginginig kong pagkakasabi at akmang sasampalin siya pero nagulat na lang ako ng biglang nag-iba ang pangyayari.

     Isang lalake… Teka, eto yung lalaki na nakabungguan ko sa mall kanina ah?

     Dali-dali niyang hinawakan ang kamay ko at tinignan niya ako ng diretso sa mata. “I can give you what you really want Ruijin. Just trust me and do what I told you to do and I’ll grant you your wish.”









     “Ay palaka!” nagulat ako at napatayo sa pagkakahiga ko. Panaginip lang pala yun. Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman siguro si Chris, ang bago kong ex at ang dahilan ng pagiging broken hearted ko ngayon, kaya napanaginipan ko siya.




     Pero nakapagtataka lang, bakit kaya napanaginipan ko rin yung masungit na lalakeng nag-co-cosplay na yun? “Buti naman gising ka na.” nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun. Teka… O_____O (… SPEACHLESS)





     “IKAAAAAAAAAAWW?????!!!” O.A kong pagkakasigaw at tinuro ko ang lalakeng nakaupo sa kama ko. “ANONG GINAGAWA MO DITO?! RAPIST KA BA?” at mas lalong nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ang katawan ko gamit ang unan. “LUMAYO KA SA AKIN!!” sigaw ko. Siya lang naman yung lalakeng nakabungguan ko sa  mall at siya rin ang lalakeng napaginipan ko. Napaikot na lamang siya ng mata at kalamadong tumingin sa akin. “I’m not a rapist or kung anumang tingin mong masamang tao sa akin. I’m just your Fairy godfather. Aangal ka?


---------------------------x

Author's Note: Sorry kung short. Pinapagalitan na kasi ako eh. Gabi na rin kasi >_<

Time check: 11:43 pm

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^