Friday, October 11, 2013

Babysitting A Prince: Introduction

"Si Prince Nero? Tsk! sobrang playboy nun! hindi lang yun ah! hambog pa."


"Pero, super hot naman siya."



"Kahit na! kung kilala mo lang talaga siya..."




"At ano naman ang alam mo tungkol sakanya na hindi ko alam?"



"Kapag umaalis sa kwarto ang mga personal maid niya eh pulang pula sila, at pinagpapawisan sila. After nun, eh hindi na sila bumabalik."



"Oh my god! don't tell me...."



Napatingin ako agad sa mga kasama kong maid na busy magchismisan. Prince Nero? Manyak? Parating siya ang topic ng mga chismis dito sa palasyo. Wala kasing nakakakita sa pagmumukha niya kasi kapag dumadaan siya eh agad kami tumatalikod. Except sa mga Personal maid niya.



Kasi, hmmm, how should I say it? Low class people like us shouldn't interfere with a superior class's field of vision.



Ang arte lang eh no? ganun ba kami kadumi para hindi makita ng mga superior class. Ansakit lang.



I'm Laia Iris Claudel, 16 years old, anak ng isang maid dito sa Royal Palace ng Herralin. Siyempre, maid rin ako and at the same time a student sa Herralin Academy, isang prestigious school dito sa Kingdom, scholar nga lang kaya libre ang tuition fee! hindi ako genius, sadyang masipag lang talaga ako mag-aral.



"Ma! alis na po ako."



"Paalam, mag-ingat ka ha? lalo na sa mga bullies doon."



"Yep, bye ma! love you!" bago ako umalis sa maids' quarters ay hinalikan ko si mama si pisngi at umalis na papunta sa school.







Para saakin, normal ang aking buhay, kahit maid ako. Naging roller coaster nga lang buhay simula nang makisawsaw ang Prince Nero na yun.




Author's Note:

New Story again, pero short lang 'to!!! 5-10 chapters lang 'to. Hindi kasi naaalis sa utak ko ang story na 'to kaya dapat kong ipost. Sana, matapos 'to agad kasi Hajj Break ngayon dito sa Jeddah! >< yieee!!!







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^