Wednesday, May 15, 2013

Too Long, Too Late [One-shot]


 L.K.'s Note : Hello po~! =) Bago po ako rito sa Daydreamer's Haven. Bali first post ko ito.  Medyo nangangapa pa ako. Lol. Good luck to me. Haha!
Thank you Sis Aegyo sa pagwelcome! ^^,

Too Long, Too Late [One-shot]



"Pag-isipan mong mabuti Aneira. Hihintayin ko ang sagot mo ha? I love you future asawa ko!" Nginitian ako ni Warren bago siya tuluyang tumalikod at umalis.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sa likod ng pinto naman ako nagtitili sa sobrang kilig. Napakasaya dahil may isang Warren sa buhay ko. 'Yung Warren na naghahatid-sundo sa akin mula sa bahay papuntang school. 'Yung Warren na mabait at maalalahanin. At higit sa lahat, 'yung Warren na mahal na mahal ako.

Mahigit isang taon na rin niya akong nililigawan. Hindi naman sa pa-Maria Clara ako kaya matagal na siyang nanliligaw kundi dahil natatakot ako sa sasabihin ng mga magulang ko kapag sinagot ko siya at naging kami na. Unahin ko raw muna kasi ang pag-aaral ko kaya naman hindi ko pa masagut-sagot si Warren.


Natatakot nga ako dahil baka magsawa na siya sa kakahintay sa akin.

First year college siya at fourth year high school naman ako. Parehas nga sila ni Ate na first year college na eh. At magbest friends pa sila kaya kami nagkakilala ni Warren.

Mahigit apat na taon lang naman ang hihintayin niya para matapos ang pag-aaral ko eh. Mabilis na rin 'yun. Kung tutuusin ay hindi na ako makapaghintay na maka-graduate. Hiling ko na sana, pagkatapos kong maka-graduate ay makahanap ako ng stable job at kapag nakapag-ipon na ako ay maaari na kaming bumuo ng pamilya ni Warren.

Pero sana nga ay mangyari 'yun.


"Ara! Tumawag ang Tita Vicky mo." Bungad sa akin ni Daddy.

"Ano pong sabi?"

"Tuloy na raw ang pag-alis mo sa summer."

**

"Warren... S-sorry." Hinawakan ko ang mga kamay ni Warren ng pagka-higpit-higpit. Kinakabahan ako eh.

"Bakit ka nagso-sorry, Ara?" Tanong naman niya nang may pagtataka sa kaniyang mga mata.

"H-hindi kasi ako makakapag-aral sa university niyo." He crunched his forehead and searched for my eyes. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya... But I just did. Kulang na lang ay ang sagot niya sa sinabi ko.

Nginitian niya ako, "Hindi ka ba pumasa? Lilipat na lang pala ako sa kung saan ka mag-aaral."

"Pumasa ako... Pero..." Huminga ako ng malalim at pumikit, "Sa Italy raw kasi ako pag-aaralin nila Daddy."

"H-Ha?" Hinawakan ko ang mukha niya at saka ko idinikit ang noo ko sa noo niya.

"I'm sorry Ren. Ayoko kasing sagutin ka muna dahil hinihintay ko pa ang tamang panahon, 'yung araw na nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Tandaan mo, Ren, mahal na mahal kita. My heart is yours from the very beginning. Sana, hintayin mo ako. Babalikan kita." Niyakap ko si Warren ng pagka-higpit higpit na parang ayaw ko na siyang pakawalan.


Feeling ko ay habambuhay kaming magkakahiwalay.
I love him so much but I also have to follow what my parents want for me.


I will hold on to my promise and I hope he will too.


++++++++++++++++++++++++++++++++++


"..Please turn off all electronic devices until we are safely parked at the gate. Thank you." Pag-a-announce ng flight attendant. 
Pinatay ko ang music mula sa iPod ko at saka ko ibinalik ang headset ko sa satchel. Bumalik sa pagkakaupo ang cabin crew dahil kailangan na raw magprepare para sa landing.

Malapit na. Ito na ng araw na babalik ako sa Pilipinas. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang makita ang pamilya ko, mga kaibigan ko, at lalung-lalo na si Warren.

Pero kanina ko pa pinagdaraasal na hinintay nga niya ako. Hindi naman sa nagiging makasarili ako pero sana ay hindi muna siya naggirlfriend habang wala ako. Hindi ko kasi alam kung in a relationship siya ngayon o hindi dahil simula nung araw na umalis ako ay wala na kaming koneksiyon sa isa't isa.

"...On behalf of Airphil Express and the entire crew, we'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day." Tumayo ako at kinuha sa compartment ang bagahe ko. Isang maleta lang naman ito dahil tinamad na akong mag-impake at sa kadahilanang nagmamadali akong umalis.


Noong isang linggo kasi ay tinawagan ako ni Daddy at sinabing kailangan ko raw umuwi. Dali-dali naman akong nagleave sa trabaho ko at saka nagpabook ng ticket para makauwi.


Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ako pinauwi. Basta ang una ko agad na naisip ay makikita ko na si Warren.

May pamilya na kaya siya?


Wala pa sana! 

Nag-abang na lang ako ng taxi sa harap ng airport hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin.

Nagulat nga ako nang madatnan ko ang maraming tao sa bahay namin. Ano kaya ang meron at parang aligaga silang lahat? Hindi kaya nagpe-prepare sila ng welcome party para sa akin? Ahaha!!

"Welcome, my princess!" Dali-daling lumapit sa akin si Daddy at sinalubong ako ng yakap.

"Ano pong meron, Dad? Bakit niyo ako pinauwi? May nangyari po ba? Kamusta na po si Warren?"

"Buti na lang anak at mukhang wala kang pinagbago. Magka-size kayo ng ate mo sa damit di ba? Buti na lang at nandito siya at nang napasukatan ka na ng gagamitin mong gown." Ha?? GOWN?

"Nako, Aneira! Hindi mo muna makikita si Warren dahil nga hindi pwedeng makita ng bride ang groom kapag hindi pa sila ikinakasal. Hayaan mo, bukas naman na ang kasal eh!" Pag-extra ng maid namin na si Lina.
Anong kasal?!


++++++++++++++++++++++++++++++++++


As I walk down the aisle, tears started to well my eyes. 

I can't believe that someday, I will be wearing this kind of gown.. A gown of a bridesmaid.

Today is a special day for me dahil birthday ko.

Today is also a special day for my sister. Ikakasal na sila ni Warren.

Ngayon lang daw nila sinabi sa akin ang dahilan kung bakit nila ako pinauwi dahil gusto nila akong i-surprise. Sabay na raw kasi ang birthday celebration ko at ang wedding nila.

Hindi ko maiwasang umiyak dahil dati-rati ay tinatawag lang ako ni Warren bilang 'future asawa' niya. Ako naman 'tong si ambisyosa, nangarap na balang araw ay bubuo ako ng pamilya kasama ang taong mahal ko na si Warren.

Akala ko naman kung ano 'yung sinabi ng kasambahay namin kahapon na "..Bukas naman na ang kasal eh."--Yun pala, ang ate ko ang ikakasal. Hindi ko rin daw maaaring makita si Warren sa kadahilanang kapatid ko ang bride.


Never ngang sumagi sa isip ko na maaaring magkagusto si Warren sa best friend niya, na ate ko naman.


I've made him wait for too long, and now, it's too late.

Ang sakit-sakit, parang anytime ay mamatay ako. Noong una ay natuwa pa ako dahil sinabi sa akin ng ate ko na ako raw ang bridesmaid sa kasal niya. Pero ang pagkatuwa ko ay napalitan ng luha at sakit nang malaman kong kay Warren siya ikakasal.


Masyado bang matagal ang limang taon kaya nagsawa siya sa kakahintay?
Kung mahal naman niya talaga ako ay hindi siya magmamahal ng iba..


Napaka-gandang birthday gift naman nito.. Masasaksihan ko ang pag-iisang dibdib ng taong mahal ko at ng taong makakasama niya habambuhay.

Bago ako dumiretso sa upuan na designated para sa bridesmaid ay nilapitan ko si Warren at tinapik ang balikat niya.


"Ingatan mo ang kapatid ko ha. Lagot ka sa akin 'pag sinaktan mo ang ate ko." 

4 comments:

  1. Welcome SISI ^_____________________________________^

    ReplyDelete
  2. sa lahat naman ng nangangapa, tama naman lahat ng format ng post mo. Justified, kumpleto ang labels at higit sa lahat gumamit ng jumpbreak!!! welcome to the haven sis!!! ^_____^

    ReplyDelete
  3. Welcome to our family!!! btw,i have read some of your stories kei mareng Watty.. hehe hope you'll enjoy here! ^____^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^