Saturday, May 4, 2013

Denial [One-Shot]



a/n : Sa mga nakabasa po ng story ni Ate Aiesha na MY LAST ROSE.. marahil ay kilala nyo na po ang bida ng kwentong ito. Tenenen! Si Emjhay at Pearl ^_^ .At nga po pala wala talagang kinalaman ang title nito sa story..Hahahahaha.Isa yang malaking JOKE... 






PEARL' S POV



“Nakakainis ka naman Pearl eh! Umalis na nga si Emjhay tapos pati ikaw iiwan mo din ako?” Naku po! Nag –emote na naman ang bestfriend ko.

“Eh Ellaine naman .Don’t make it hard for me.Please” sabi ko sa kanya. Nakikita ko kasi na patulo na yung luha niya. Isa sa mga taong ayaw kong nakikita na umiiyak ay si Ellaine.

“ Pearl naman eh!! Bakit kasi aalis pa kayo?!”

“Gusto kasing puntahan ni Papa si Mama” sagot ko sa kanya. Hinawakan naman nya yung kamay ko tapos pinaglaruan niya para talagang bata tong bestfriend ko. Kung tutuusin eh mas matanda to sa akin ng tatlong buwan pero makaasta. Sabagay that’s make her Unique.

“Eh bakit sasama ka pa?” tanong niya.

“ Eh kasi nga alangan namang maiwan ako dito mag-isa.Alam mo namang nasa ibang bansa nadin yung mga kamag-anak namin. “paliwanag ko sa kanya.

“Edi dito ka nalang sa amin tumira!”pagsasuggest nya na tuwang tuwa pa. Pwede naman yun ang kaso hindi talaga umaayon sa sitwasyon.

“Besh,kahit gustuhin ko hindi talaga pwede ang gusto kasi talaga ni Papa tulungan ko siya na magkaayos ni Mama, moral support daw kailangan nya eh. Alam mo naman matagal ko ng gustong magkaayos ang parents ko.”nakita kong napalaglag balikat na siya at nawalan ng pag-asa. “Hey! Wag ka ngang ganyan Ellaine Cheer up. Hindi pa naman ako mamamatay! Babalik din ako once na okay na yung lahat! “pag-checheer ko sa kanya.

“ Kainis naman kayo eh. Iniiwan nyo ko.Ikaw ha! Magtino ka doon. Wag kang gagala pag gabi! Don’t talk to strangers!Ha?! Tapos lagi kang kakain sa tamang oras! At isa pa! Wag mo kongipagpapalit! Ako lang dapat ang number one Bestfriend mo!!” natawa naman ako sa mga bilin niya.


“ Opo ,Inay. “ sabi ko sa kanya tapos niyakap ko siya.

“ Mamimiss talaga kita! Saka malulungkot ako ng bongga! “sabi niya habang yakap ako.

“Sus!If I know di ka naman malulungkot eh “nakangising sabi ko tapos nginuso ko pa yung lalaking nakatayo sa pinto ng kwarto niya. Napatingin naman doon si Ellaine.

“Jaylord!!” sabi niya .Tapos tumango naman si Jaylord at sumenyas na maghihintay sa baba.Tumango naman si Ellaine. Wala paring pinabago sa dating ni Jaylord.Astigin padin ang  pero medyo nababawasan narin ang kasungitan syempre natatakot magtampo o malungkot si Ellaine.

“ O siya ,besh mag-ayos kana.At nang makababa na tayo.Baka mainip yung boyfriend mo. “ sabi ko tapos nagblush naman ang loka.

“sighs”

“Bakit kasi----------


“Aish! Tama na okay? Babalik naman ako eh. Pagbalik ko pupunta tayong Korea! Pupuntahan natin si Luhan ko. “


“Eh madaya ka naman eh! Akin si Luhan.!”reklamo niya.


“Sige sayo na Luhan si  akin si Jaylord? Oh ano?BET??”


“AKIN SI JAYLORD!!” sigaw niya tapos napatakip siya ng bibig niya. Siguradong rinig yung sa baba.


“See? Akin talaga si Luhan.Hayaan mo dahil bestfriend naman kita bibigyan kita ng chance makapagpapicture sa kanya.”sabi ko tapos bumaba na kami .Naabutan namin nakangisi si Jaylord kay Ellaine. Mukhang narinig nga niya yung sigaw niEllaine, tiningnan ko naman ang beshie ko nakatungo halatang kinkilig.


Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.Gusto panga akong samahan ni Ellaine sa pag-aayos ng gamit ko pero hindi ko na siya pinayagan.Monthsary nila ngayon kaya dapat may quality time .Masaya ako para sa kanilang dalawa. Atleast kahit umalis ako sigurado akong may magbabantay kay Ellaine.


Alas sais na ng matapos akong mag-ayos ng gamit ko.Konti lang yung dadalhin ko. Hindi naman siguro ako magtatagal doon,mga ilang buwan lang siguro. Maliligo na sana ako ng may magdoorbell.


“ELLAINE?!!” Nagulat ako ng mapagbuksan ko ng pinto si Ellaine kasama niya si Jaylord na may dala-dalang bagback . Kulay blue nabag back na obviously ay sa babaitang to.

“Makasigaw bestfriend?!Papasukin mo muna kaya kami.“ sabi niya sa akin.Tumabi naman ako para makapasok sila pero pinigilan ni Jaylord si Ellaine.

“Elle” tawag nito.

“Oh?Tara na pasok na.” masiglang sabi niya pa dito. Umiling naman si Jaylord.“ Hinatid lang kita dito,hinihintay ako ni Daddy “ sabi nito.

“Ah okay,ingat ka! Pag may nakasalubong kang mgasira ulo umiwas ka ha.”bilin pa niya. Binigyan naman siya ni Jaylord ng “ WHAT-THE-HELL –LOOK” .Tsk. Typical Jaylord. “Ah basta tumakbo ka nalang okay?Di kita kakausapin ng matagal apg nakipag-away ka!”pagbabanta pa nito.

“ Oo na,sige.Sige. Hindi na. “

“Okay! Ingat! “lumapit pa ito kay Jaylord at humalik sa pisngi. Saka mabilis na pumasok sa bahay namin. Napapailing nalang ako sa kanila.

“Oist uwi na!” sigaw ko pa kay Jaylord na napatulala na.Mukhang natauhan naman siya at nag-umpisa ng maglakad.

Pagpasok ko sa loob nakita ko agad si Ellaine na kinakalkal ang ref namin. “ Hoy!Anong trip mo at dito ka matutulog?”  tanong ko.

“Siyempre! Dapat may bonding tayo bago ka umalis!” sabi niya tapos inaya na ako  sa kwarto ko.

“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ko sa kanya habang siya ay busing-busy sa paglapa ng kinuha niyang pagkain sa ref namin.

“Movie marathon.Saka pala Besh. Dala ko din yung list ng mga gusto kong pasalubong ha. Teka, kukunin ko. “

“Wowser! Besh! Para namang napakayaman ko sa haba ng listahan mo na yan?!  “reklamo ko.Ang haba kasi . “ Ayaw mo nga akong umalis hindi ka prepared eh “ dagdag ko pa.

“Aba syempre tutal aalis ka nalang din naman sinusulit na!Saka ikumusta mo ako kay Emjhay ha!” bilin niya pa.Napakamot nalang akong ulo sa kanya.

“Sa laki ng bansang yun sa tingin mo ba magkikita kami ni Emjhay doon?!”

“Uhmm,malay mo namaan! Di ba sabi nga nila pag naka destiny kayo sa isat-isa  kahit gaano pa kalayo kahit gaano pa kahirap ang pagdadaanan niyo sa dulo ng daan kayo----------ARAY!!Bakit ka nambabatok?!!”

“Ano ano kasing pinagsasabi mo! Destiny ka diyan!!Imagination mo!!” sabi ko. Masyado kasing malawak ang imagination nitong kaibigan ko.

“Oh bakit di mo ba napapansin?! Bagay kayo ni  Emjhay pinaglalapit pa akyo ng tadhana since pupunta ka ng States! Sinasabi ko sayo pagnagkita kayo doon Destiny talaga kayo!!” kinikilig niya pang sabi.Napapailing nalang ako sa kanya.

“Bahala ka.Basta ako si Luhan lang ang gusto ko!”paglilinaw ko sa kanya. Inirapan naman ako ng loka loka.

“Basta! EmPearl Loveteam ako!! Bwahahahahaha!!”

“ Kulang ka lang sa tulog Ellaine. Mabuti pa magpahinga na tayo. “ aya ko sa kanya.



***

“Oh paano,Pearl enjoy .Okay??” tumango naman ako kay Papa. Mag-iisang linggo na kami dito sa States .Ayun si Papa pursigido sa panliligaw kay  Mama.Adik kasi eh.Pahirapan daw mga sarili.Naku! At dahil nga naiinip ako napagdesisyunan ko pumasok sa isang workshop.Hilig ko kasi ang pagsayaw. Magkaibang magkaiba kami ni Ellaine kasi iyon ang hilig non magbasa ng libro.  Namimiss ko na nga ang bruhang iyon eh. Pero nag-uusap naman kami every night. At para padin siyang baliw na pinipilit na bagay kami ni Emjhay.

“Ouch!!”

“Sorry---sorry Miss..----------

“EMJHAY—PEARL?!

O___________________O-  ako yan.

“ Oi! Pearl!Alam ko gwapo ako pero wag ganyan makatingin.”Napakurap naman ako.As in siEmjhay talaga to?!

Sinasabi ko sayo pagnagkita kayo doon Destiny talaga kayo!!”

 Sinasabi ko sayo pagnagkita kayo doon Destiny talaga kayo!!”

Sinasabi ko sayo pagnagkita kayo doon Destiny talaga kayo!!”

Sinasabi ko sayo pagnagkita kayo doon Destiny talaga kayo!!”

“Hindi,hindi pwede. “sabi ko.

 “Oi Pearl!! PEARL!!”

“Ay anak ng kalabaw!! “

“Sumusobra kana ha!Kanina di mo ako pinapansin ngayon naman anak ako ng kalabaw. Tsk. Ano bang nangyayari sayo ,Pearl??” may pag-aalaala sa boses niya. Yumuko naman ako para ayusin saglit yung itsura ko.

“Pasensya kana,nagulat lang ako. Di ko naman kasi akalain na sa laki ng bansang to.Magkikita tayo. “ paliwanag ko.


“Oo nga noh? Teka nga pala bakit nandito ka??” tanong niya.Napansin ko naman na nasa gitna pala kami ng daan. 



“Dito talaga tayo ,mag-uusap??” tanong ko sa kanya.Napakamot ulo naman siya.





“So kumusta?Ano nga palang ginagawa mo dito? “tanong niya.Nakaupo kami ngayong dalawa.

“Si Papa kasi nagbibinata” tatawa-tawang sabi ko. Napakunot noo naman siya.Umayos ako konti ng upo.“ Ewan ko ba ,naumpog ata si Papa at narealize niyang mahal na mahal niya si Mama. Eto namang si Mama ko pakipot pa. Naku! Sumasakit ang ulo ko sa kanila. “reklamo ko.

“Hindi ko alam na may problema pala ang parents mo.Akala ko may business lang ang Mama mo dito.Yung kasi ang nabanggit noon ni Ellaine.”napansin kong medyo lumungkot yung atmosphere niya ng mabanggit si Ellaine. Di pa din nakakamove nang loko.

“Okay lang si Ellaine”sabi ko nalang. Hindi ko kasi alam kung paano papagaanin ang loob nya.Boto naman kasi ako sakanya. Kaso ang bestfriend ko e mas trip yung katulad ni Jaylord.

“Huh??”-siya.


“Namimiss mo siya diba? Wag ang mag-alala inaalagaan siya mabuti ni Jaylord doon.

“ sagot ko sa kanya.Ngumiti  naman siya sa akin.   Inferview gwapo talaga ang isang to.Pearl umayos ka nga!

“ Alam ko naman yon. Saka nakakausap ko din naman siya kaya alam kong Masaya siya ngayon.Mabalik tayo sa parents mo.Ano bang problema nila??”

“Alam mo ba yung Life Space Theory??”




“Pearl ,matalino ako pero hindi Scientist para sa mga ganyan. Ano ba yung Theory nayun?”

“Life Space Theory” –o yung tinatawag force field theory,  nasa isang force field ang mga taong nakapaligid sa atin , bumubuo ng tinatawag na life space. Ang mga taong bumubuo sa life space natin minsan  kumakain ng malaking space sa field ng buhay natin .Minsan kapag nawala ang isa dito ,mashashake ang mundo natin or madedepress tayo. Si Papa may malaking part ng buhay niya yung babae nayun pero nagkakaroon siya ng way para mapalitan yun ,may outside force na life space na nawala , yun ang mama ko.Kaya lang medyo indenial si Papa kaya ayan nahiharapan tuloy siya ngayon. “mahabang paliwanag ko. Napansin ko naman na medyo naguguluhan siya.

“Halimbawa pa ,ikaw. Si Ellaine sa life space mo,may malaking part diyan na nakalaan para sa kanya. Sa ngayon wala pang outsideforce na maaring maging dahilan para maalis siya sa space mo----------

“Hindi ko ata gugustuhin na dumating yung outside force nayon”seryosong sabi niya.Ewan ko ba pero feeling ko nakaramdam ako ng konting kirot sa sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan.

“Aysus! Pag dumating yon,wala ka ng magagawa.Pero ako din eh para sa akin s Luhan lang ang may pinakamalaking space sa life space ko at hindi ko rin gugustuhin mapalitan siya .”nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko.

“ Luhan padin hanggang ngayon? Mas gwapo naman ako doon.” Sabi niya tapos nagpost pang Mr. Pogi Style.

“OO nalang “ para matigil na ang usapan.

“ Oo nga pala?Mag-eenroll ka ba?”bigla niyang tanong. Naalala ko,papasok nga pala ako sa workshop ngayon! Anla!!!Napatayo ako bigla.

“Lagot ako nito!Kailangan ko ng umalis.Oh paano Luhan?Una na ako!” sabi ko tapos tumakbo na ako paalis. Nakakahiya sa magiging instructor  ko.


(*)

Hihingal-hingal  ako pumasok sa studio kung saan gaganapin yung workshop.nakita ko ka nyung iba na nagiistretch.Inikot ko yung mata ko para tingnan kung nandito na ba yung instructor.

What the Hell.Namadali pamana din ako.Naku!!

“ Hey! Guys! Sorry I’m late,something came up------------------------

“ Emjhay?!!!” gulat nasigaw ko with matching turo pa sa kakapasok lang na si Emjhay.

“ Pearl “nakangiting sabi  pa sa akin na parang nang-aasar. Bakit nga ba hindi ko naisip ang posibilidad na pwede kamng magkita dito.Kahit noon pa sa University namin na sa iisang Club kami  which Dancing Club.Si Emjhay ang President at ako naman ang vice.

“So let’s start ?”baling niya doon sa iba. “But before that  let’s hear a little introduction from our new member.” Nagulat ako ng ituro niya ako tapos nagpalakpakan sila.

“ Huh??”


“Introduce yourself.  “sabi pa sa akin I Emjhay. Tumingin naman ako sa mga tao dito at tila naghihintay sila.


“Ah –eh, Hi!My name is Pearl .Please be nice to me “ sabi ko tapos yumuko pa ako parang Korean. Wiie!

Pagkatapos ng pagkahaba-habang introduction eh nagsimula din kami .Namiss kong mag-sayaw ng ganito. Kasi nung sa school hindi ako ganito makakilos  ng maayos dahil iniintindi ko yung mga tinuturuan ko dahil nga naiwan sa akin lahat iyon ni  Emjhay at dapat kong siguruhin na hindi  sila magpapabaya.

“ Okay that enough for today! Hope you learn a lot!”paalam ni Emjhay.Tumingin naman ako sa orasan. 5 pm na pala. Halos apat na oras din akong nagsasayaw.Naligo muna ako sashower room bago ako umuwi, palabas na ako ng marinig kong may tumatawag sa akin.


Liningon koang pinanggalingan ng boses.


Emjhay. Ewan ko ba feeling ko habang papalapit siya sa akin parang bumabagal yung oras pagkatapos tanging pagtibok lang ng puso ko yung naririnig ko.

“Pearl!!”

“Ay anak ka ng putakte!!!”

“ Grabe kaninang magkita tayo anak ako ng palaka, ngayon anak ng putakte? Ano ba talaga Pearl?”

“W-aLa!!”sigaw ko ang lapit lapit niya pala sa akin di ko napansin! “ Bakit mo ba ako tinawag?” sabi ko tapos nilayo  ko yung sarili ko sa kanya.Baka ano pang magawa ko sa kanya.

“Pearl bakit ka namumula??” napahawak naman ako sa pisngi ko!Anu-ano kasing nasa isip mo Pearl.” Hindi ah!”saka ako lumayo pa ulit sa kanya. “Bakit mo nga ba ako tinawag?!” Ulit kong tanong sa kanya. 

Napakamot naman siya sa ulo niya “Itatanong ko lang sana kung uuwi kana?” parang nahihiya pa siya habang sinasabi yun.

“Ay hinde ,papasok palang ako?Di ba? “pilosopong sagot ko.Para naming huminto ang mundo ko ng makita ko siyang ngumiti.Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

“Wala ka parin ipinagbago ,Pearl.Pero seryoso nga uuwi kana?”

“Ikaw naman kase,masyado naming obvious na uuwi na ako diba? Bakit mo ba kasi itatanong?” sagot ko naman sa kanya.

“Ah eh, ----

“Ah eh? Oy umayos ka at gagabihin ako.Ano nga kasi ??”

“AH EHITATANONGKOLANGKUNGWEDEKITANGIHATID?”ambilis niyang magsalita.Tense na Tense lang si Kuya,para namang si Ellaine ang nasa harap niya. Ayan na naman  ang puso ko bigla bigla nalang kumikirot.
“Pearl!”

“Ay naka ng kalabaw!! “ napasigaw na naman ako.Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin.

“Ah eh-----

“Oo na!Tara ihatid mo na ako.”tapos hinila ko na siya.

“Buti naintindihan mo yung sinabi ko?” tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. Ngumiti  lang ako sa kanya na parang sinasabi ko “ MAGALING KASI AKO”  napailing nalang siya  sa akin.


(*)
It turned out pa na magkapit bahay pala kami ng mokong na si Emjhay at dahil jan naging official driver ko na siya.  Lagi narin akong nakatatanggap ng madaming death glares sa mga  kasamahan namin sa club.Wala eh maganda kasi ako.Wahahahaha! De pinagseselosan kasi nila ako dahil lagi ko daw kasama si Emjhay.

Aba! Hindi ko naman kasalanan na laging dumidikit sa akin si Emjhay.Sa totoo lang triny ko naman siya iwasan eh,kasi kahit ako natatakot sa maaring mangyari.

Natatakot akong mahulog sa kanya.Kaso ngayon huli na dahil I’m deeply inlove with this man. Hindi naman ako umaasa na mamahalin niya rin ako kasi alam ko at mulat ako sa katotohanang si Ellaine lang ang mahal niya.

“Hey! Tulala ka na naman ,Pearl. “napatingin ako kay Emjhay na kadarating lang galling sa kusina namin.Schedule ngayon ng Skype naming with Ellaine kaya andito siya at the same time eh sinasamahan niya narin ako dahil ang Papa ko may Date with Mama.Mukhang malapit na kaming umuwi sa Pilipinas. Napabuntunghininga  ako.

“Lalim naman niyan.May problema ba?” umupo sa tabi ko si Emjhay.Tapos inabot niya sa akin yung popcorn na niluto niya. Manunuod muna kami habang hinihintay si Ellaine.

“Wala naman,may iniisip lang ako.”sagot ko sa kanya tapos sumubo ako ng popcorn


“Tsk.Sabi sayo wag ko akong pinag-iisip eh,nandito lang naman ako sa tabi mo. “ sabi niya tapos sumiksik pa sa akin. Binato ko naman siya ng popcorn.

“Kapal neto ha! Nandiyan ka nga lang sa tabi ko pero nasa kanya naman ang puso mo. “ syempre binulong ko nalang yung last sentence.

“ Ha?”

“Anong Ha ka diyan?”

 “May sinasabi ka kanina eh , tabi? Puso? “bigla naman akong kinabahan.

“W-ala ah! Wala akong sinasabi ha! “sabi ko tapos tinulak ko siya.nahulog siya syempre.

“Aba’t!! “nagulat ako ng tumayo siya mula sa pagkakahulog niya tapos hinila niya ako  na dahilan para maging akward ang posisyon namin.Nakapaibabaw ako sa kanya.

“Woaaaaaaah! Magiging NINANG NA BA AKO !!!”napabalikwas kami pareho at nauntog pa sa isat-isa.Pero parang wala lang sa kanya yon ng makitang nasa screen na si Ellaine.

“ Ellaine!!”tuwang tuwang sigaw niya.

“ Kailangan nasigaw? “nakangiting sabi ni Ellaine nakakaiba parin yung tingin sa amin.
“Ah eh ,kuha lang ako inumin ha”paalam ko. Hindi ko ata  kayang makinig sa pag-uusapn nila.

“I miss you ,Ellaine” yan yung huli kong narinig bago ako tuluyang pumasok ng kusina.




Emjhay’s POV

“Sige,teka tawagin ko lang si Pearl baka nalunod nayun doon”pagbibiro ko kay Ellaine.Nakakapagtaka naman kasi si Pearl antagal bumalik .PEro okay nadin yun ng makapagplano kami ni Ellaine para sa debut ni Pearl.

“Go!!”sabi naman sa akin ni Ellaine.

Naabutan ko si Pearl na nakaharap sa may lababo.

“Pearl”tawag ko sa kanya.

“Ay! Mahal ko si Luhan!!”sigaw niya. Napakunot-noo naman ako sa narinig ko .Luhan na naman.

“Tsk.Bakit  antagal mo dito. Kakausapin ka daw ni Ellaine“sabi ko tapos bumalik ako doon sa kwarto niya.

“Problema non?“narinig ko pang sabi niya.

Ano nga bang problema ko? Bakit nga ba ako naiinis. Tsk.Mukhang may problema na naman akong malaki.


Pearl’s POV

“Problema non?”tanong ko ng pabulong .Tsk.Buti nalang pangalan ni Luhan yung nasabi ko. Pero bakit ganoon yung reaction ng mukha niya?

Bumalik na ako doon sa pwesto na namintapos  nakipagkwentuhan ako kay Ellaine. Random topics lang tapos inaasar pa niya kami ni  Emjhay.Buti nga hindi nya naalala yung sinabi niya noon eh.


--------


“Ang saya ng mga mata ni Ellaine noh?”sabi sa  akin ni Emjhay pagkatapos naming kausapin si Besh. Tiningnan ko ang mga mata niya,hindi maitatago yung lungkot doon .

“Syempre inlove eh!!” OOoops! Pearl ano kaba yung bibig mo. “ Sorry ,Emjhay “

Pilit na ngumiti siya  “Wala yon,anu ka ba “

“Bakit kasi lagi ka nalang nakatingin kay Ellaine.Hindi mo tuloy nakikita yung taong nagmamahal sayo.Masaya  na ngayon is Ellaine kay Jaylord. Kalimutan mo na siya para hindi ka nasasaktan .“ Hay! Antanga ko talaga! Bakit ba kasi ako nagsasalita ng kung ano-ano.Ano bang nakain ko at nasabi ko yon? Nasobrahan ba ako sa popcorn.

“Alam ko naman yon ,Pearl.Alam kong masaya si Ellaine ngayon. Ikaw Pearl matanong kita,bakit ikaw mahal na mahal mo yung Luhan na yon eh Malabo naman na mahalin ka non ni hindi ka nga niya kilala.Wag kang tanga ,Pearl.”seryosong sabi niya. Napaseryoso nadin ako sa sinabi niya.

“Sino bang may sabing gusto kong mahalin ako ni Luhan,masaya na akong hangaan siya sa malayo.Makapunta or makita ko lang siya ng malapitan masaya na ako no!! Hindi na ako naghahangad ng bongga.Pero siguro nga tanga ako kasi yung taong mahal ko --------Iwan mo na nga muna ako Emjhay!” sigaw ko sa kanya. Magsisimula  na naman kasing tumulo ang luha ko eh. Sa dami kasi ng mamahalin ko si Emjhay pa. Pasalamat na ang ako na umalis siya pero hindi ko maintidihan yung nakita ko sa mga mata niya saglit lang yo pero parang nakita kong nasasaktan siya para sa akin.

 *sighs*


Pagkatapos ng araw na yon iniiwasan ko na si Emjhay at mukhang pareho kami ng ginagawa dahil mukhang iniiwasan niya rin ako.

Bukas na pa man din ang Birthday ko. Sayang nga lang at hindi ako makakauwi sa pilipinas . Nakalimutan ko kasing makapagpabook ng ticket.

>___________________<

Wala talaga ako sa sarili ko. Natawag pa nga akong tanga sa bestfriend ko dahil nakalimutan ko kaya ayun Wednesday pa ako makakauwi ng Pilipinas.

“Pearl ,may naghahanap sayo. “ tawag sa akin ni Mama.And yes nandito na ulit si Mama kaya nga makakuwi na kami ng bansa ng kumpleto.Buti ang parents ko ang ganda nan g lovelife. Napagtagumpayan na ni Mama ,maoccupy yung life space na matagal na nagging space nung bestfriend slash firstlove ni Papa.

“Sige po ,Mama,palabas napo.”


Paglabas ko sa sala inabutan ko si Emjhay doon.Napatayo siya ng makita ako.

“Emjhay/Pearl”  napangiti naman ako mukhang pareho kaming tense na tense. “Upo ka muna”aya ko sa kanya. Umupo naman siya .

Tahimik kami pareho sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

“Pearl “

“Hmm?”

“Babalik na ako ng  Pilipinas”seryosong sabi niya. Hindi ko maintindihan ang puso ko,bigla naman akong nakaramdaman ng kasiyahan pero saglit lamang iyon  dahil sa sumunod na sinabi niya.
 “Tama ka ng sabihin mong si Ellaine lang ang nakikita ko, wala  eh siya talaga ang mahal ko kaya babalik ako sa Pilipinas para-------

“Tsk. Edi bumalik ka! Bakit sinasabi mo pa sa akin yan! Lumayas ka na nga dito! “sabi ko tapos tumalikod na ako  pero nagulat ako ng maramdamang nakayakap siya sa akin

“Pasensya ka na kung hindi kita masasamahan sa Birthday mo ha? Pero ----

Lumayo ako sa kanya at hinarap ko siya. “Sino namang may sabi gusto kitang makasama sa birthday ko?! Si Luhan lang naman gusto kong makasama sa birthday ko eh!!” sabi ko nagulat ako ng makita kong ngumiti siya ng mapait.

“Wag kang mag-alala ,Pearl .Your wish is my command” naguluhan ako sa sinabi niya.Magsasalita  pa sana ako pero umalis na siya.

KINABUKASAN :

n/p: We are One [EXO]

Aish! Ang aga nagriring yung cellphone ko.Napabalikwas ako ng maalala ko na ang ringtone nayun ay para kay Ellaine.Agad kong sinagot yung tawag.

“HAPPY BIRTHDAY PEARL!!!”

“ OUCH ,besh ha? Makasigaw? “

“Ahihihihih” tawa niya lang.

“ Salamat ,Ellaine” sabi ko nalang,miss na miss ko na tong bestfriend ko.Gusto ko talaga sa pilipinas ko icelebrate yung debut ko.

Narinig ko yung malalim na paghinga ni Ellaine “ Problema mo ,Besh?”

“*sobs* Miss na kasi kita eh! Ang daya mo! Birthday  mo pero di tao magkasama ----------

“Andrama ,Ellaine.Uuwi naman ako dyan sa Wednesday eh.” Putol ko sa pagdradrama niya.

“Kahit na! Sayang may surprise pa man di ako sayo! Pero okay lang pala kasi may bonggang surprise naman sayo si Emjhay eh kaso ------ay wala pa! Wag mong isipin yung sinabi ko!Basta enjoy your day ha?! I love you Besh!! “

“I love you too. “

Nag-usap pa kami ng matagal tagal ni Ellaine bago siya nagpaalam. Sa totoo lang naguguluhan ako sa sinabi niya .Suprise ni Emjhay?  Di kaya joke lang na uuwi siya ng Pilipinas? Gusto niya lang akong sopresahin sa debut ko ?

*sighs*

Asa naman ako. Simula sa araw na to kakalimutan ko na yung nararamdaman ko para kay Emjhay! Si Luhan nalang ang mahal ko.

“Sweetie! Baba na  diyan may bisita ka. “ bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko ang tawag ng Mama ko.May bisita raw ako .

Si Emjhay kaya?!

Hindi na daw niya mahal. Wag kang epal brain.

Nagmamamdali akong bumaba.

“Oh hija,ayan ka napala. Grabe anak ang gwapo pala talaga niya kaya patay na patay ka”bulong sa akin ni Mama nung pagkababa ko ng hagdan. Mas lalo naman akong naexcite at the same time nagtaka ako kasi hindi naman alam ni Mama na gusto ko si Emjhay.

O__________________O


*blink*

*blink*


“L-uha----LUHAN?!!”




“Here “tinanggap ko yung inabot sa aking juice.Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang kasama ko si Luhan sa birthday ko. Halos mapatulala ako ng kanina at napatango nalang ako ng ayain niya akong lumabas.At ngayon ko lang napansin na nasa amusement park pala kami.

 “Sa-lamat “ sabi ko habang nakayuko.
“ Pangit ba ako? “ bigla akong napatingin kay Luhan dahil sa tanong niya.

“ Huh? Hi----HINDE!!!ANG GWAPO MO KAYA!!” sigaw ko. “ Ooops ,sorry” tapos yumuko ulit ako.

“See? Pangit talaga ako ni ayaw mo akong tingnan eh “sabi niya napatingin ulit ako.

“Sorry,nahihiya ako eh “sabi ko

“Bakit ka naman mahihiya,sayang naman ang regalo sayo ng kaibigan mo kung mahihiya ka lang sa akin  “

“Regalo?”

“Ahuh,regalo ako sayo ng kaibigan mo ,binili niya ang isang araw ko.Halos tanggihan na nga siya ng manager ko pero talagang pursigido siya kaya pumayag narin ako.” Nagtaka naman ako.Sinong kaibigan naman? Si Ellaine?

“Ahm----

“Sinong kaibigan? Si Emjhay”

Ewan ko ba pagkarinig ko non parang biglang tumalon ang puso ko.

“You’re inlove” nakangiting sabi ni Luhan.

“Huh? Paanong inlove?”

 “Halata ka ,inlove ka kay Emjhay. “ nagulat naman ako sa sinabi niya.Halata ba?

“Hindi ah!”

“Inlove ka “

“Alam mo Luhan kahit crush kita babatukan talaga kita pagpinilit mo paying gusto mo. “sabi ko.Nakakahiya  naman kasi diba?!Yung alltime crush  ko pa ang nakaalam ng about sa feelings ko.

 “See? Ang balita ko superlove mo daw ako pero ikaw na mismo ang nagsabi na crush mo lang ako.Saka napansin ko din kanina oo maaring natuwa ka noong makita mo ako pero nung malaman mong si Emjhay ang may gawa biglang kislap sa mga mata mo. “paliwanag niya ng nakangiti.

“Oo na!!Mahal ko na siya pero ang bestfriend ko naman yung mahal niya. “ mahinang sabi ko.

“Sigurado ka?”

“Oo naman, simula noon ang hanggang ngayon si Ellaine parin.”

“I’m not sure with that,hindi ko man kilala yung Ellaine nayun o kahit si Emjhay pero sa effort niya para sa gift niya sayo hindi ako naniniwalang wala kalang sa kanya. Why don’t you give it a try?”

“Try what?”

“Alam mo,lahat ng sinasabi ko kailangan talaga ineexplain ko? Pero sige dahil birthday mo ieexplain ko nalang, wala namang mawawala kung aaminin mo yung nararamdaman mo ,loving is taking the risk ,Pearl. Eh ano naman kung hindi ka din niya mahal? Atleast nasabi mo yung nararamdaman mo.Sigurado ako hindi mo pagsisihan yon.At sa totoo lang sa case niyo ni Emjhay pareho lang kayong nasa denial stage.” Paliwanag niya.

“Tsk.Andami mong alam.Oo nan a encourage mo na ako.Sasabihin ko na  kanya pero sa Wednesday na okay? Pwede i-enjoy ko muna ang birthday ko?” nakangiting sabi ko. Mukhang nakuha niya naman at ngumiti sa akin.





Wednesday :


Kinakabahan ako sa totoo lang pero bago ko harapin si Emjhay pupuntahan ko muna ang bestfriend ko kailangan ko ng moral support saka iinggitin ko narin siya nakasama ko si Luhan sa birthday ko.


Patalon talon pa ako. Napahinto ako ng makita ko si Ellaine at Emjhay sa harap ng bahay nila Ellaine.


“ Nandito lang ako, Ellaine. Mahal na mahal kita”

Para akong pinasabugan ng bonggang bonggang bomba sa narinig ko. Ganito pala yung feeling na naghahanda ka palang sa digmaan bigla ng sumugod yung kalaban mahirap pala. MASAKIT. Nagpapasalamat akong nakaalis ako doon ng hindi nila napapansin.

Para akong namatay sa narinig ko. Kasalanan to ni Luhan eh. Sinabi niya pa kasing special ako kya Emjhay ayan umasa na naman ako.Ako naman kasing tanga pinairal ko na naman ang assuming powers ko.

Nung una Denial ngayon naman assuming…..Sa susunod madre na ako.


Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nagising ako ng pakiramdam  ko may tumatawag sa pangalan ko.  

“Pearl!  Besh! Pearl” nakamulatan ko ang magang mata ni Ellaine.Napabalikwas ako ng makita ko siya. Pinagmasdan ko yung mukha ni Ellaine kahit mukhang galing siya sa pag-iyak ang ganda at amo parin ng mga mukha niya.Oy hindi ako natitibo ah.!Narealize ko lang  na napakalayo naming sa isat-isa magkaibang magkaiba kami,noon pa man alam na alam ko na maraming nagkakacrush kay Ellaine  at ilan doon mga crush ko din.Pero kahit kalian hindi ako nagalit kat Ellaine siguro hindi pa lang talaga dumadating yung taong para sa akin.

“OI! Pearl!!! “

“ Oh?”

“Tulala much? “

“Ingay much?”

“Che! Oi ikaw ha! Grabe yung boyfriend mo! Si Luhan talaga ang gift sayo?”Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.Boyfriend?

“Anong pinagsasabi mo diyan ,wala akong boyfriend!!”

“Awsus! Denial! Pareho kayo!!” saka ako binatukan ng loka loka. Tsk.Parang ginagawa akong labasan ng sama ng loob ng isang ito ha.

“Denial?”

“Oo,denial.”

“Anong denial?”

“Denial yun yung pag may  tatawagan ka ,denial mo yung number ng tatawagan mo---ARAY!”

“Ang corny mo alam mo yon?Denial ka diyan. Kailan ako dineny na mahal ko si luhan?”

“Si Luhan daw? Eh bakit ka umalis kanina? Akala mo hindi kita nakita? Nakita ko pa ngang tumulo ang luha mo!Sige ano angal ka pa? Si Luhan ba yon? Di naman eh.Tanggi pa?!” nakapameawang nasabi niya habang nakatitig sa akin.Nag-iwas naman ako ng tingin.

Naramdaman kong tumabi ulit siya sa  akin.

“Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo bago ka umalis noon,Pearl?” sabi niya tapos hiniga niya yung kalahati ng katawan ni sa kama ko.

 “Alin doon?Madami yon. “sagot ko pero may ideya na ako kung ano yung sinasabi ko sayo.

“Ay nako,Pearl,onti nalang paparangalan ko na kayong King and Queen of Denial.Sige ito nalang sinong mahal mo si Luhan o si Emjhay?”

“P-aano naman nasali si Emjhay sa usapan??!” nauutal na sabi ko tapos na patayo pa ako.

“Mahal mo nga” –Ellaine

“Huh?” nagtatakang tumingin ako sa kanya.

“Mahal mo nga si Emjhay” masayang sabi niya.

“Nababaliw kana Ellaine,ikaw ang mahal ni Emjhay noh. “

“See nawawala kana sa ulirat MO.Sabi ko mahal mo si Emjhay saan galing yung ako ung mahal niya? Saka paano mo nalamang ako yung mahal niya?  Oo alam nating pareho na nagkagusto sa akin si Emjhay but that was ages ago. “

“Narinig ng dalawang tenga ko kanina at nakita ng mga mata ko kung paano siya mag-alala sayo kanina.”sagot ko.

“Syempre magkaibigan kami.”

“Ellaine wag mo ng ipilit okay?”totoo naman eh si Ellaine lang ang mahal niya.

“Ay ewan ko sayo!! Ang hirap mong kausap.Denial ka na nga manhid ka pa!!” nakita kong kinuha niya yung cellphone niya pamaya-maya ay may kausap siya doon.

“Oo,game na “ yun yung sabi ni Ellaine sa kausap niya tapos humarap siya sa akin ng nakangiti. “ Kung ayaw mong maniwala sa akin papatunayan nalang niya.”
“Huh?”

“Wala,sabi ko ang ganda ko.”

“Malala ka ng best.Nga  pala kumusta kayo ni Jaylord?” bigla namang nagbago ang ekspesyon ng mukha niya.

Sasagot sana sya ng may marinig kaming maingay sa labas. Agad agad kaming bumaba ni Ellaine at ….

O___________________________o


Listen babe

I’ll dedicate this song for you.
A really happy you, who is next to me
I waited for today, your birthday

Your smile that looks at me oh

It’s really, really bright
I want to pick those stars for you

Happy birthday to you

My beautiful love
Baby, only for you
Because you’re here, I’m happy
Happy birthday to you
Just like today, forever
Baby, only for you
We’re going to be together

From when I open my eyes till I close them,

I only think of you for the whole day
It’s lonely, a night without you
You, who is like the sunshine that shines through the window
You wake me up and make me smile, you’re special, a bit different

You, who is more important than anything else in the world

Will you accept my heart that I prepared for you

Your smile that looks at me oh

It’s really, really bright
I want to pick those stars for you

Happy birthday to you

My beautiful love
Baby, only for you
Because you’re here, I’m happy
Happy birthday to you
Just like today, forever
Baby, only for you
We’re going to be together

Lovey-dovey, sometimes we argue

I think all night about what I should do to the sulking you
Do you know how my heart tightens
because you might hate me?
To me, there’s no one else but you. You’re the only one that makes me smile

I can see that you’re different even among a group of many people

Your shining eyes, lips
My heart feels at peace when you’re next to me

I thank God for bringing the beautiful you down here

Please stay like this forever, inside me
I will kiss you baby
Happy birthday

Happy birthday to you

My beautiful love
Baby, only for you
Because you’re here, I’m happy
Happy birthday to you
Just like today, forever
Baby, only for you
We’re going to be together


“Belated Happy  Birthday,Pearl.”



“Lu----Luhan?!Anong ginagawa mo dito?”yeah si Luhan na naman.Akala ko…Akala ko mukhang mali ang akala ko.

“May ineexpect ka bang iba?”nakangiting sabi niya na parang nababasa niya yung nasa isip ko.

“Aww sakit non ,Lulu!!”singit naman ng kaibigan kong napakabuti. “

“Epal mo ,besh.Wala akong ineexpect na iba” sabi ko.


“Talaga?” sabay pa nilang sabi .Bakit ang kulit ng dalawang to.Pero aminin mo akala mo Si Emjhay yung kumakanta.

“Hindi ko nga sabi iniisip si Emjhay eh!!” napatakip ako sa bibig ko at napatingin sa nakamgising si Ellaine at Luhan.

“Mukhang kailangan na nating umexit Lulu”pasweet na sabi ng kaibigan k okay Luhan. Eexit?Tumango-tango naman Si Luhan.

“Tara! Halika’t mag-date------------------- “ hindi na tapos ni Ellaine yung sasabihin niya ng biglang dumating si Jaylord. Mukhang hindi  niya rin natiis ang kaibigan ko. Ngi-ngiti ngiting sumunod lang si Luhan sa kanila.

“hoy!Saan kayo pupunta?”habol na sigaw ko sa kanila. Pinalabas nila ako tapos iiwan lang nila ako ditto?!

Susunod na sana ako pero naestatwa ako ng marinig ko yung boses niya.



“Pearl”

Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya.

“Emjhay”pilit na ngiti yung binigay ko sa kanya. Feeling ko sasabog yung puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito.”Ah eh ,sige pasok na ako sa loob. “paalam ko tapos tumalikod  ako pero naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

“Pearl, naalala mo ba yung sinabi mo sa akin about sa Life Space Theory?” hindi ako sumagot sa tanong niya ,ramdam kong may sasabihin pa siya. Narinig ko pa yung lalim ng paghinga niya.

 “Akala ko din wala ng makakapalit kay sa nabuong space para kay Ellaine sa  life space ko ,pero akala ko lang pala yon.Kasi sobrang lakas nung outside force na dumating, sa sobrang lakas niya halos siya na yung laman ng isip ko,ng puso ko . Sa tuwing pipikit ako mukha niya nakikita ko. Pilit kong dinedeny na wala akong nararamdan para sa kanya pero lagging nakakontra ang puso’t isip ko.Alam mob a Pearl kung sino sya?”

“Aba?! Feeling mo sa akin ?! Manghuhula?!” “nakakainis tong lalaki na to. Hindi niya ba alam hindi pa nga ako nakakamove-on sa narinig ko kanina tapos tatanong niya pa sa akin kung sino ---Wait?! Ibig sabihin nto hindi na si Ellaine pero-------

Napatingin ako sa kanya.Nakangisi siya. Hindi kaya?

“Hindi mo pa ba nakukuha?”

“Pero---------

“Pero ano?Si Ellaine padin sa tingin mo? Oo mahal ko si Ellaine pero hindi na katulad ng dati.Kasi nga mayrong outside force na dumating. Oo nung una inaamin ko naging denial ako sa nararamdaman ko pero nung nakausap ko si Ellaine tapos sinabi niya sa akin ung about doon sa Destiny thingy doon ko narealize na “Oo nga mahal ko na siya” .Sigurado ako sa nararamdaman ko pero natakot, naduwag ako lalonapag babanggitin nya yung tungkol sa mahal na mahal niyang IDOL. Ano nga ba naman ang laban ko doon diba??”

Napayuko lang ako sa naring ko,hindi ko alam kung paano ako magrereact.
“OO,Pearl,mahal kita.”

Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hindi ko alam pero kusang kumilos ang katawan ko at niyakap ko siya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya din sa akin.

   Dahan-dahan niyang inalis yung pagkakayakap ko sa kanya”So?”nahihiya niyang sabi.

 “Anong so ka diyan?! “

“Mahal mo ba ako?”

“Iniyakan na kita,niyakap pa ano ba sa tingin mo?! “mataray na sabi ko.Paminsan minsan ang slow din  nito.

“Eh mas maganda kung ----------

“Oo na! Mahal na nga KITA!!”

“Kailangan sumisigaw? So tayo na??’

“Anong tayo na ka diyan?Kung si Jaylord nga nanligaw kay Ellaine  tapos ikaw di ka manliligaw?Sapak you want?Saka madami ka pang ieexplain sa akin. “

“Okay! Okay kalma may Denial Queen Pearl! Sasagutin ko lahat ng tanong mo.Saan ba ako mag-uumpisa??”

“Pwede mong umpisahan sa pagsasabi kung anong minahal mo sa akin” nakangiting sabi ko.

“Aye! Aye!Queen Pearl.Pero sa totoo lang hindi ko rin alam.Basta ang alam ko lang Mahal kita.  “

“Mahal din kita”



-END


 



5 comments:

  1. AYyyy,,, waLa aq msAbi,,, nkAngiti LNg aq aLL d wAy hAbnG binbSa itEy,,, aNg swEet LNgs,,, kyAaaAahh,,,

    ReplyDelete
  2. napaka-sweet naman .. kudos sa otor !! =)

    ReplyDelete
  3. Sa wakas ng kawakasan, mababasa ko na rin ito. ^____^
    Magcocomment na ko while reading.. :))


    Una, hahaha! Parang gusto ko ng tapusin ang story ninyo ni Jaylord. Namiss ko agad silang dalawa eh.

    At..at...at...Kyaaaaahhhh! Kilig much ako kay Lee Min Ho este kay Emjhay! Hahaha! Lalo na yung scene na nasa ibabaw niya si Pearl [and that was me, haha!] hAHAHA!

    Super effort ang ginawa ni Emjhay for Pearl, ah. As in! Na pati si Luhan nakita niya in person. Ay! Ay! Ay!

    Parang ako din si Pearl, eh. In denial din minsan. Hindi lang minsan, hahaha!

    Good job sis! At dahil dyan, haha, mag-UUD na ako ng MY FIRST, MY LAST :)) Ayiiiih!
    Thank you so much sis! Luvyah! Muaaaah! *kiss with love*





    ReplyDelete
  4. Ay sosyal! Magkano kaya binayad ni Emjhay at nagawa niyang bilhin si Luludeer ng isang araw para lang kay Pearl? Hahaha! Martyr much? Pwede naman na niyang iregalo ang sarili niya, eh di nakatipid siya. LOL.
    Wagas maka-effoert si Emjhay, nakakakilig. Hihi. Ang cute nung life space theory chuchu kahit medyo dumugo ang ilong ko. LOOOL.

    Hangganda nito. Nakakakilig pa. Ikaw na sis Elle! Haha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^