Tuesday, April 23, 2013

Wonderful Dream [Short-Story] - Prinsesa?

Wonderful Dream
( A Short-Story for Ate Aegyo/Ruijin )


[Ruijin]





"May you have a wonderful dream tonight.."





Nabasa ko iyan bago ko is-shut down ko na ang laptop ko. Kumunot ang noo ko pero agad naman akong napangiti.






Humiga na ako sa kama ko at nagdasal bago matulog. 






"Sweet dreams.."





Agad akong bumangon sa kama ko at luminga-linga pa ako para hanapin kung saan ang pinanggalingan ng boses na iyon. Kinabahan ako, kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig.






Nanlaki ang mata ko ng mapansin kong wala ako sa bahay namin. Teka asan ba ako??






"Ma! Pa! Asan kayo??" sigaw ko. Asan ba ang lugar na ito??? Bakit parang nasa bundok ako??






Nabigla ako ng may nakita akong tigreng lumalapit sa akin. P-pero, anong k-klaseng tigre ito? Bakit m-may sungay siya? At higit sa lahat, bakit mukha siyang ibon?






"Kyaaaaaaaahhh!!!" sigaw ko ng akma niya akong da-dambahin. Napapikit na lamang ako at hinihintay ko na lang ang katapusan ko...





1 minute...





5 minutes...





10 minutes...





W-wala? Dahan-dahan kong minulat ang aking mata.





-.-



-.o



o.-



o.o



O///O






Namula ako ng nakita ko ang isang gwapong lalakeng nakayakap sa akin. Anong nangyari sa tigre?





Tumingin ako sa harap ko at nakita ko itong nagagalit habang parang sinisira nito ang isang proteksyon ata na nakapalibot sa amin.






"Die!" sigaw ni hindi-ko-alam-ang-pangalan-niya sa tigre. Nagwala naman ang tigre habang parang nilalamon ito ng apoy. 






Anong klaseng mundo ito? Baka naman immortal ako at ako ang prinsesa nila, kaya napunta ako dito?






Mukhang napapadalas ata ang imagination mo Ruijin ah? - other self






Oo na, naadik lang ako sa mga fantasy kaya advance na akong mag-isip. - me






"Ayos ka lang ba?" naudlot ang pagi-isip ko ng may nag-salita. Humarap ako sa kanya at tumango.






"Mabuti naman." sabi niya at hinalikan ako sa noo ko. >///< Enebeeehhh... Kinikilig ako eh!!! 






Pero, sino ba ang lalaking ito?? = u = V






Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko dahil nagsalita siya.






"Ren. Ren ang pangalan ko." sabi niya at nag eye smile... Waaaahhh!!! Ang cute niya!!! Mukhang nakalimutan ko ata ang problema ko ngayon dahil sa lalakeng ito! >///<






"T-teka, Ren? Yun lang ang pangalan mo?" nagtataka kong tanong.






"Oo, Ruijin." the way he pronounced my name, makes me want to kiss him! De joke lang! Umatake na naman ang malandi hormones ko.






Naglakad-lakad muna kami ng..... SHOOT! Nakalimutan ko na!






"R-ren? Alam mo ba kung paano ako makauwi sa bahay namin?? Naliligaw kasi ako. At saka, hindi ko alam kung paano ako naka-punta dito." napalingon siya sa akin ng sabihin ko iyon.






Ilang oras ang nakalipas... 






"Oo." putapeteng lalaking ito! Matapos akong mag-hintay ng ilang oras, Oo lang ang sinagot niya?!






"Paano?" naiinis kong tanong. 






"Teka naiinis ka ba?" tanong niya sa akin. Psh = ^ =






"Hindi ba obvious?!" sigaw ko sa kaniya. Lanyang lalakeng 'to!






"Paumanhin.....










....mahal na prinsesa." teka, tama ba ang narinig ko? Ako? Prinsesa?






---

to be continue.....



>>>PART 2 HERE


4 comments:

  1. ayun nabasa ko na din... natawa ako sa dialogue dito na madalas ang pagiimagine ako at adik na sa fantasy kaya advance ang utak! palong-palo eh...

    pero yung name ni pogi... Ren... ehem~ nickname ng isang crush ko! ayiiieh~ (bakit kaya lahat ng gumagawa ng stories dedicated for me ay connected pala sa totoong buhay ko? mga psychic siguro kayo noh?) ayan, kung anu-ano na naman naiimagine ko! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha.. Talaga po?? Hindi pa po ako makapag UD kanina kasi inayos ko yung blog ko. Nag eerror po kasi eh. Iuupdate ko na po bukas yung next neto.

      Delete
  2. shemay!!! I translated this page in English gamit ang google at tawa ako ng tawa sa mali-maling grammar!! Waahahahaha!! Try niyo rin!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^