Sunday, April 28, 2013

Wonderful Dream [Short-Story] - BV

 Wonderful Dream
( A Short-Story for Ate Aegyo/Ruijin )


Ruijin


TINIGNAN ko si Ren ng diretso sa mata niya. Napakaseryoso niya. Totoo ba? Totoo bang prinsesa ako dito sa mundong ito? Kaya ba nila ako kinuha kasi prinsesa ako? 





" 'Di nga? "  tanong ko sa kanya. 





Bumuntong-hininga siya at ngumiti sa akin ng pilosopo. 






"Joke lang ^___^V"  tinignan ko siya ng masama. Nag peace sign pa ang kumag. Loko to!





"Ewan ko sa iyo!" nakaka BV tong isang ito. Akala ko naman isa na siyang prince in shining armor! Oh, huwag na kayong mag reklamo na dapat knight in shining armor. May korona pa kasi ang kumag tsaka siya ang naglgtas sa akin kaya prince in shining armor. Oh, aarte pa? 


(A/N: Fan po ako ni Ava Chen kaya huwag kayong mag reklamo)






Humakbang ako palayo sa Prince in LATA armor. Buset to. 






"Uy! Nainis ba kita? Sorry naman! Katulad mo rin kasi, nagising nalang akong nandito. Hindi ko rin alam kung paano makauwi sa amin eh."  napatigil ako sa paglalakad ko at tumingin sa kaniya.





"Eh bakit may kapangyarihan ka?" takang tanong ko.





Napakamot siya ng batok niya at ngumiti na parang asong ulol. "Na discover ko lang kanina tapos sakto nakita kita. Hindi ako nag -iba ng lenguahe katulad nung may magic magic kaya huwag ka ng mag expect kung bakit die lang ang sinabi ko kanina."  tuloy-tuloy na saad nito.






Tumaas lang ang kilay ko pero kung nasa anime lang ako, siguro may light bulb na kaagad na lumitaw sa ulo ko.






"AHA! Mag adventure na muna tayong dalawa hanggang sa makahanap tayo ng paraan para malaman natin kung paano makauwi sa atin!" napapitik pa ako sa ere dahilan upang magulat ako dahil sa maliit na buhawing lumitaw pagpitik ko. Teka, kapangyarihan ko ang hangin sa kuwento namin ni Queen at Empress na Goddesses Karma diba?  Hindi kaya nasa isa akong kuwento ngayon??






Baka nga! Kasi kung ganoon, sa gumagawa ng kuwento ko ngayon, 






PAKAWALAN MO NA AKO!!!





---

(Author's Note: Dapat nung friday sana po ako nag update ang kaso, ginamit ng kuya ko ang laptop MAGDAMAG! Tapos kahapon naman po, magu-update na ako, kaso lang hindi ko alam na AALIS KAMI. Kaya ngayon, kahit tinamad akong magupdate, nag UD pa ako. Sorry po sa short update, yan lang ang nakayanan ko ngayon.


PS. Adik po ako ate Aegyo sa  Goddesses Karma niyo nila ate Empress at Queen. Sana ipagpatuloy niyo!! Ajujujuju XD)

2 comments:

  1. wag nio muna pkwalan c ate aegyo, ang saya p ng kwento! ahahahahahahhhhaa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha.. Di pa po nagsisimula ang tunay na adventure kaya hindi ko muna siya pakakawalan.. XD

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^