Monday, April 22, 2013

The Gift : My P.A.



My P. A.


           


“Stop this non-sense wedding!”


            What the fuck?! Ganyan ang makikita mo sa lahat ng mata ng mga nasa loob ng simbahan. They are all shock because they really don’t expect that this is all happening.

            “Who is she Jester, who the hell is she?! Tell me!” galit na tanong ni Indi sa lalake na pakakasalan nya.

            Jester on the other hand is really confuse, he really don’t know who is this girl. He look at his bestfriend Robin, asking him through his looks kung sino ba ang may sapak na babae na ito. Robin doesn’t have any idea who is she, but one thing is for sure. He likes what this girl did. Honestly, he wants to thank this girl for doing this scene because he doesn’t like the girl na pakakasalanan ng bestfriend nya.

            There are guys na lumapit kay Lee, sa babae na nagpa-tigil ng kasal. Teka nga, bakit nga ba nya ipinatigil ang kasal? Boyfriend pa nya si Jester?

            “Don’t you all dare to touch me, I’m gonna kill you all.” Masungit na sabi ni Lee. “I’m so sorry Father for my words, but that goddamn man can’t marry that slut girl.”

            Bigla namang nag-sign of the cross si father at nagdasal na patawarin ang nababaliw na dalaga na nasa harap nito ngayon. Nakakalokang babae to, parang super laki ng galit nya sa dalawa na ito.

            “Who is she Jester, what is she talking about?” tanong ulit ni Indi. “Answer me, Jester.”

            “I don’t know her, ngayon ko lang sya nakita.”

            Robin on the other side seems to enjoy the show, naka-upo na ito ngayon at prenteng pinanonood ang mga nangyayari. The hell he cares of what’s happening, he really enjoys watching this girl doing her best actress stint.

            “Pagkatapos mong buntisin ang pinsan ko, pagkatapos mong pagsawaan ang katawan nya, ngayon ibang babae ang pakakasalan mo! Anong akala mo sa pinsan ko, parausan, pokpok? Tant*do kang lalake ka, yung pinsan ko ang dapat mong pakasalan at hindi iyang malandi na yan!”

            Nagpalit-palit naman ang tingin ni Jester sa future-wife nya, yun ay kung itutuloy pa rin nito ang pagpapa-kasala sa kanya, at sa babae na ngayon ay halos mapatay na sya sa tingin.

            “I’m so sorry miss, pero hindi ko kilala ang pinsan mo.” Totoo naman yon, dahil ngayon lang nakita ni Jester si Lee. “Ano bang pangalan ng pinsan mo Miss? Saka baka pwedeng umalis ka na, kasi masyado ka ng nakaka-gulo eh.” Pa-simpleng pagtataboy nito.

            “Ikaw miss, sa tingin mo ba dapat mo pang ituloy ang pagpapa-kasal sa lalake na yan after mong marinig ang lahat ng ginawa nya sa pinsan ko? He fooled my cousin, and hindi malayo na lokohin ka rin nya kahit pa kasal na kayo.” Si Jester naman ang hinarap ni Lee. “Hindi pa ako tapos sayo Jester, kailangan mong pagdaanan lahat ng hirap at sakit na pinag-daanan ng pinsan ko! By the way, her name is Nesty.”

            And boom!!! Lee pull the trigger of the unseen gun, and hit Jester straight to his heart that make him stood still where he stands. Now Jester knows who Lee’s talking about.

+++++++++++++++++++++++++++


            Grabe, kapag naaalala ko yung kaululan ko na yon before, parang gusto ko ng bumalik sa bahay-bata ng mama ko! Kasalanan yun lahat ni Carmi, ng magaling kong kaibigan.

            “Lee, tara na baka ma-late pa tayo nyan sa trabaho eh.” Yan si Betty, ang bestfriend at pinsan ko na isa ring chambermaid. “Nananaginip ka na naman ng gising eh.”

            Wala naman na akong choice, ayoko naman na masigawan ni Mam Julie na malapit na yatang mag-menopause. Umakyat na kami ni Betty, sya sa 15th floor at ako naman sa penthouse.

            Hindi ko alam kung may galit ba sa akin si Mam Julie, kasi naman ang hirap kayang linisin ng penthouse ni Sir. Akala mo araw-araw may gyera, laging magulo ang kwarto kahit na araw-araw ko syang nililinis.

            What to expect when you’re expecting? Expect the mega-worst para naman kung worst lang ang situation, kahit pano masasabi mo sa sarili mo na ang swerte mo pa rin. Kagaya na lang ngayon, expected ko na naman na sobrang kalat ng penthouse, at hindi naman ako nabigo!

            “Grabe talaga ‘tong si Sir, talagang sinusulit ang ibinabayad sa mga chambermaids.”

            Super kalat talaga, yung bed sheet napunta sa kusina, yung unan sa sofa napunta sa kwarto. At ang pinaka-malala sa lahat, yung remote control ng tv sa sala napunta sa banyo! Nakanangtuts oh, mababali na naman likod ko nito eh!

          “Tao ba talaga ang amo namin? Sobra namang animal kung gumamit ng kwarto, akala mo galing sa bundok at ngayon lang nakita ng mga gamit na nandito sa loob!”

            Inuna kong linisin ang living room, susme ang mga nagkalat na bote ng alak. Kung lumaklak akala mo wala ng bukas! After kong maglinis ng living room, sinunod ko naman ang kusina. Basurahan! Literal na ginawa nyang basurahan yung sink nya, nandun lahat nung left-over foods nya, pati yung mga plastic nung pinamili nya siguro. Aabutin yata ako ngayon ng limang oras sa paglilinis lang nitong lecheng penthouse na to!

            “Sir naman, hindi basurahan ang sink. Hindi ba nya nakita tong basurahan na nasa gilid, bulag ba sya?!” nakaka-inis naman kasi talaga, ambaho pa! “Tingnan mo ngang amoy ng kusina, amoy dumpsite!”

            Kahit magreklamo ako sa Supreme Court, Court of Appeals, at Commission on Human Rights, hindi nila ako papakinggan, pero bwisit lang talaga, he’s so inconsiderate! Oo sya may-ari nitong hotel na to, pero sana naman konting ingat at concern naman sa hotel nya.

          “Alam ko hotel to, at hindi dumpsite!”

            After thirty minutes ng paglilinis sa kusina nya, natapos din ako at nawala na rin yung masangsang na amoy. Next stop, sa kwarto na nya!

            “Sana naman this time walang naka-kalat na condom at t-back.”

            Napaka-burara nung ibang babae na dinadala dito ni Sir, kung saan-saan nakalagay yung panty nila. Paano nila natitiis na lumayas sa kwarto na to ng walang undies? Kunsabagay, sanay na siguro sila kasi laging ganon ang ginagawa nila. Pero etong may-ari ng hotel, ibang klase talaga. Kung sino-sinong babae ang dinadala dito, tapos yung pinag-hunusan nung pag-aari nya kung saan-saan lang nandoon.

            “Anakngpucha naman oh, kakasabi ko lang na sana walang t-back at condom! Para namang nang-iinis pa, kung maka-hello pagbukas mo pa lang ng pinto!”

            Last month pa akong nag-titiis dito sa penthouse, oo nga at maganda yung tanawin kasi nasa taas ka, pero parusa naman sa trabaho. Mas ok pa na nasa suites ako, at least doon may mga tip akong natatanggaap, samantalang dito puro sakit ng kalooban, sakit sa ulo, at sakit ng katawan ang napapala ko!

            Una kong inayos yung kama, kasi sobrang gulo talaga, at sobrang baho pa! Tinanggal ko muna yung mga punda nung unan, saka ko sinunod na alisin yung pinaka-bed sheet. Alangya jackpot si Sir, virgin ang nagoyo, pero pucha naman sa dami ng marka na iniwan nilang dalawa, super sa wagas!

            “Hotel to Sir, hotel at hindi motel!” sigaw ko na lang sa sobrang inis ko!

            “Of course I know that, I own this hotel!”

+++++++++++++++++++++++++++++++++

            Nanigas naman si Lee sa kinatatayuan nya. Lee, simulan mo ng maghanap ng trabaho dahil malamang isang napaka-laking “YOU’RE FIRED” and ilalagay nya sa noo mo. Pero chill ka lang muna Lee hanggang wala pa syang sinasabi na sisante ka na, malay mo naman may natatago sya na maganda at maunawain na puso.

            “S-sir, kanina pa po ba kayo jan?” nabubulol pang tabong ni Lee sa amo.

            He smirked before he answers her question. “Just at the right time for me to hear all your rants on how I use this room.” Sagot nito habang palapit sa upuan na katabi ng kama nito. “What’s your name by the way?”

            “Ah ganon po ba? Ok! Sandali na lang po tong ginagawa ko, isipin nyo na lang wala ako dito at hindi nililinis ang mga dumi.” Chill lang na sabi ni Lee na akala mo wala syang sinabi na kahit na ano.

          “I like how you clean my room, so clean and it smells good.” Biglang sabi nito. “Can I take you home?”

            Bigla namang napa-tingin si Lee kung saan naka-upo ang kanyang saksakan ng arogante at pervert na amo. “I’m sorry Sir, but I work here as a chambermaid and not a prostitute.” Mataray na sagot ni Lee at itinuloy na nito ang ginagawa.

            Sa isip-isip ni Lee, gago pala talaga at manyak ang amo nya. Samantalang si Robin ay bumilib naman sa naging sagot ng tagapag-linis ng kwarto nya.

            Ano ba kasi ang problema ni Robin, bakit nya sinabi yon? Porke ba nakita nya si Lee na halos lumitaw na ang behind sa kaka-ayos ng malambot nyang kama, kailangan na nya itong iuwi?

            “Hey! That’s not what I mean...” sige Robin, magdahilan ka ngayon. “Gusto kong iuwi ka sa bahay ko para doon ka na lang maglinis.”

            Hindi naman pinansin ni Lee ang paliwanag ng amo nya, the hell she cares for his goddamn explanation. Mamatay na nanghihingi ng paliwanag nya. Tuloy pa rin sya sa paglilinis ng kwarto ng binata, pakelam ba nya kung pinapanood sya ng malibog nyang amo.

            “Teka nga pala, you are?” tanong ni Robin dito ng may bigla itong maalala. “Have we met before?” Naka-kunot naman ang noo ni Lee ng lingunin nya ang amo. Wala syang matandaan na pagkakataon na nagkita na sila ng lalake na nasa harap nya ngayon, except today. “Tama! Ikaw nga yung babae na nanggulo sa kasal ng bestfriend ko na si Jester!”

            Laking-gulat ni Lee sa narinig, of all people bakit ang bestfriend pa nung manlolokong si Jester ang naging amo nya?! She just wished that right at that moment, bumukas sana ang lupa at kainin yung nasa harap nya – his boss. Wala pa sa plano ni Lee ang mamatay no!

            “Why did you do that? I mean, that’s crazy and funny!”

            “Gusto mo gawin ko rin sayo yon kapag kinasal ka?” matapang na tanong ni Lee. Para saan pa na makipag-plastikan sya dito kung maya-maya lang ay sisante na sya? “Ginago nya ang pinsan ko eh, sapat na dahilan na yon para gaguhin ko rin sya. Saka nandon ka naman diba, so it means you heard what I said that time.”

            Really, as simple as that? Kung makapag-react sya noon akala mo sya yung nagoyo ng bestfriend nya, eh pinsan lang naman pala nya. Robin can’t decide if he’ll laugh or be mad at this girl. Hindi na sya ginalang nito.

            “Anyway, YOU’RE FIRED!”

            Hindi naman na nabigla si Lee sa narinig mula kay Robin, she saw it coming. “Ok!” at bigla nitong ginulo ang kama, ikinalat sa sahig ang LAHAT ng kalat na nakuha nya sa buong penthouse kasama na ang condom at t-back.

            On the other hand, Robin can’t believe what she’s doing. This girl is really crazy! Lee, that’s what her name plate stated. She like her guts for doing this, hindi pa sya nakaka-kilala ng babae na kagaya nya, yung hindi pinansin ang kagandahan nyang lalake at namumutok na sex-appeal.

            “What you think you’re doing Lee?” tanong nito sa dalaga pero hindi naman galit. “I fired you, but that doesn’t mean you can do all this.”

            “Yun na nga eh, fired na ako, bakit ko pa lilinisin tong kwarto mo eh hindi mo naman na ako babayaran? Saka as if namang makakahanap pa ako ng ibang trabaho!”

            “I fired you as a chambermaid, because I will hire you as my P.A.”

            Seryoso Robin, you’ll hire that crazy brat as your Personal Assistant, as in for real?

            Kung kanina na sinisante sya ng amo nya hindi nanlaki ang mata nya at nagulat, ngayon sya todo nagulat at napa-nganga na lang sa narinig.

            “W—wa-what?”

          “You heard me right, you’ll be my personal assistant that’s why I fired you!” paliwanag nito sa dalaga. Hindi rin naman alam ni Robin kung bakit nya biglang naisipan na kuhanin na P.A. ang babae na to, eh meron naman syang P.A. ngayon. “Look what have you done to my room, muka ng basurahan.”

            “Kagabi pa to mukang basurahan, ngayon mo lang napansin.” Pabulong na sabi ni Lee.

            “May sinasabi ka ba?”
                          
          “Eh kasi naman Sir… Ano nga pala pangalan mo?” sumagot naman si Robin. “Yun na nga, kasi naman Sir Robin basta-basta ka na lang nagpapakawala ng ‘you’re fired’ hindi nyo man lang nililinaw. Wag ganon, pano kung may sakit ako sa puso, eh di inatake na ako.” Dire-direchong sagot ni Lee sa amo nya.

            Robin really can’t believe the attitude of this girl, kanina kung makabitiw ng English nakaka-mangha, ngayon naman parang lumaki sa kalsada kung magsalita.

            “I’ll clean this mess na lang ulit. You need to pay me two times, ang hirap linisin ng kwarto mo, saka hindi to gawain ng P.A. katulong dapat ang gumagawa nito.”

            “Itigil mo na yan, I’ll call Julie para makapag-paakyat sya ng ibang chambermaid dito.”

            Did she hear it right, he’ll call the famous monster Julie, ang malapit ng mag-menopause na si Julie? Oh no, she’s in big trouble.

            “Sir, pwede bang wag mo ng tawagan si Mam Julie? Masasabon na naman ako ng nasa menopausal stage na yun eh.”

            He’s really amaze of this girl inside his room. The first time he saw her, he actually enjoy how she ruined his best friend’s wedding. And now, she’s beside him talking about her superior whom she called in her menopausal stage, and she even called her Mam.

            “Don’t worry; you’re not connected with her anymore. I fired you already, remember?” at sinimulan na nitong tawagan si Julie, ang head ng mga chambermaids. “Julie, I need a chambermaid right now… She’s here, she’s not a chambermaid starting today… because starting today, she’s my new personal assistant.” Seryosong sabi ni Robin sa kausap.

            So talagang seryoso si Robin na personal assistant na nya si Lee, pero bakit? After that call, hindi nagtagal ay may dumating ng chambermaid at kasunod nito si Julie. Sa pagkaka-alala ni Lee sa pag-uusap nitong lalake na to, at nitong babae na to, wala naman syang narinig na kailangan din nitong pumunta sa penthouse.

+++++++++++++++++++++++

            Since it’s her first day of being his personal assistant, he decided to bring her to a salon and to the mall. He just want to make sure that his assistant is well groom and dress, yun lang at wala ng iba.

            “Sigurado ka ba boss na kailangan pa to? Ganon ba ko ka-panget at jologs para dahil mo dito?” nasusurang tanong ni Lee sa amo nyang parang-aso lang kung ngumiti sa kanya. “Boss, wag mo ako masyadong titigan at baka hanap-hanapin mo na ako nyan.” Sabay tawa nito, na ikinalukot naman ng muka ng binata. “Eto namang si Sir hindi na mabiro, joke lang naman eh. Pero Sir Robin aminin mo, jokes are half meant truth.” at tumawa na naman ito.

            “Kung nalaman ko lang na ganyan pala ang epekto sayo ng blower at hair-cut, eh di sana hindi na kita dinala dito.” Naiiling na sabi na lang nito. “Bakit ba parang masyado kang hyper, kumain ka ba ng maraming chocolates kanina?”

            How Lee wish na marami nga syang chocolates sa ref nya, one month ng hindi nagpapadala ang mama nya ng chocolates. But somehow, ok na rin naman na hindi nagpapadala ang mama nya dahil madalas ng sumasakit ang ipin nya.

            “Nope, ubos na ang stocks ko. Pero kung gusto mo naman akong bigyan, umasa ka na hindi ko yan tatanggihan.” And she beams a very cute smile. “Sir! Nagba-blush ka oh, crush mo ko no?!”

            He can’t understand why he doesn’t hate her kahit na parang masyadong feeling close ang bago nyang P.A. He didn’t expect that even him, his boss, ay kukulitin sya nito ng bonggang-bongga kagaya ng pangungulit nito sa kapwa nya chambermaid noon. He asked some employees of the hotel kung paano ba mag-trabaho at makisama ang isang Aleesa Dela Rama Nismal. Lee is one of the likeable chambermaid in the whole hotel, halos lahat ng staff sa hotel ang nasasabi nila kay Aleesa is masayahin, friendly at masipag.

          “Kita mo na Sir, talagang type mo ako, natulala ka na oh.” biglang pukaw ni Lee sa pag-iisip ng amo nya.

            Bilang gustong baguhin ni Robin ang usapan, hinila nito ang tenga ni Lee na parang bata at saka pinag-sabihan. “Ikaw Lee, ang kulit-kulit mo. Assistant ang hanap ko at hindi clown.” Pigil na tawang sabi ni Robin.

          “So kailangan namimingot? Ang sakit ha!”

++++++++++++++++++++++++++++++++

          “You have a very pretty assistant Robin, is she still single?” tanong ni Keith sa akin, he’s one of my friend. “Baka naman pwedeng…”

            Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya, alam ko na ang ibig nyang sabihin. “Back off Keith, wag mong isama si Lee sa girl collections mo.” I know him very well, he’s a total dumbass playboy.

            Nandito kami ngayon ni Lee sa isang convention dito sa General Santos City, we have to be here for three boring days. Kung hindi ka gagawa ng paraan para malibang, malamang na nagpatiwakal ka na o kaya naman nagpa-hostage sa mga MNLF at NPA dahil sa sobrang boring. Good thing I have Lee, she really knows how to make me laugh, and entertain me.

            “Dude, ipakilala mo naman ako sa babaeng kasama mo.” Si Lowell naman yan, isa na namang dakilang playboy.

            Si Keith naman ang sumagot sa sinabi ni Lowell. “Pare, back-off na daw. Taken na si Ms. Gorgeous, wala na tayong pag-asa sa kanya kasi todo bantay ang boyfriend.” Ang natatawa pa nitong sabi sa kaibigan. Is he talking about me?

          “Boss, tara dun bilis!”

            Bigla namang sumusulpot tong assistant ko, bigla rin tuloy tumigil sa pagdaldal tong dalawa kong kaibigan. Ano na naman kaya ang problemang ginawa nitong babae na to at kung makahila sa polo ko akala mo anak ko.

            “Hi Miss!” bati nung dalawa sa kanya.

            She just looks at them and gives her usual grin. Hindi man lang pinansin ni Lee na pogi ang mga kaibigan ko, kagaya ko. Talagang super excited sya sa ipapakita nya sa akin.

            “Robin tara na kasi, bilisan mo.” Hila pa rin nya sa akin. Hindi naman sya masyadong excited, Robin na lang ang tawag sa akin, nawala na yung boss. “Excuse lang ha, hiramin ko muna sya.”

            Naiwan naman na naka-nganga ang mga kaibigan ko, akala yata nila girlfriend ko ang isang to. Mabuti na rin naman yon para tigilan na nila si Lee. Teka nga Robin, bakit ba parang gustong-gusto mo naman na isipin ng mga tukmol mong kaibigan na girlfriend mo ang P.A. mo?

            “Ano ba kasi yang ipapakita mo? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako jan, ha.”

            Suddenly she stops walking, hulaan nyo kung ano yung nakita nya na gustong-gusto nyang ipakita sa akin? Yung tower of wine glass! Ano namang nakaka-excite sa glass wine tower, meron din naman nyan sa Empire of Fire Hotel?

            “Oh, anong meron dito? Iyan na bang tower of wine glass ang ipapakita mo sa akin? Eh meron din naman nyan sa hotel ko ah.” Tanong ko sa kanya. “Don’t tell me iyan lang ang ipapakita mo?”

            Tumingin sa akin si Lee at saka ako binigyan ng plastic na ngiti. “Hindi naman iyan ang ipapakita ko sayo, ano naman gagawin ko dyan, maka-kain ko ba yan? Hindi naman diba!” so ano nga yung ipapakita nya? “That one, Boss gusto ko nun oh!”
                                                  
          “Gusto mong mag-bungee jumping?” maryosep, parang gusto ko na syang ibalik sa Manila. “Ms. Aleesa Nismal, I just want to remind you that we are here for the convention and not for a vacation.” Alam kong boring dito pero hindi tama yung gusto nya. Baka bukas nasa headline na kami ng Business Society section ng mga broadsheet.

+++++++++++++++++++++++++++++++

            “Ms. Aleesa Nismal, I just want to remind you that we are here for the convention and not for a vacation.”

            Of course I know that too, idiot! Hindi ko naman sinabi sa kanya na ngayon na kami magba-bungee jumping no, tinuro ko lang naman sa kanya. Masyado talagang assuming tong andropause kong amo. Kita nyo na, bigla na lang akong iniwan dito.

            “Wala man lang common sense, nakaka-inis!” nasabi ko na lang papunta dun sa patio ng hotel. “If he doesn’t like that activity, just say so. Hindi yung ang dami pang palusot, duwag naman kasi masyado.”

            “Kung hindi ka titigil kakasalita mo ng mag-isa, iisipin ng iba na baliw ka na.” oh, sino naman tong feeling close na to? “Hi!”

            Tiningnan ko lang sya at saka naglakad ulit. Alalahanin mo Lee, nandito ka para sa convention at hindi para magbakasyon at maghanap ng lalake, and that is according to your Lolo Robin.

            “You want to try that bungee jumping?”

            Inis man ako sa kanya dahil para syang buntot, hindi ko magawa kasi parang willing sya na samahan at ilibre ako sa bungee jumping. Saka muka namang mabait tong si Kuya, saka hindi rin naman ako ganong katanga no!

            “Eh ano naman sayo?” bakit ko ba sya sinusungitan, baka mamaya samahan nga nya ako eh. “Bakit, ikaw ba may-ari nyan? Kapag ba sinama kita dyan wala na akong babayaran?!”

            Nasa tabi kasi ng bangin yung hotel kung nasaan kami ngayon, kaya naman isa sa mga ino-offer ng hotel na ito ay ang nakaka-tanggal puso na bungee jumping, meron din silang zipline at canopy ride. I already tried zipline, ayoko naman ng canopy kasi boring, kaya bungee jumping talaga ang trip ko.

            “I’m not the owner of that bungee jump, but I’m Harvey that is willing to come with you to experience that adventure, and to scream my lungs out.”

            I like him na. How I wish ganyan din ka supportive ang boss ko, eh di sana wala kaming problema. Pero kahit na gusto ko sya, hindi pwede na basta-basta akong magtiwala ng wagas.

            “See you tomorrow, same place, and seven in the morning before the second day of convention starts. Bye!”

            Pumasok na ulit ako para hanapin ang bugnutin kong amo na si Boss Robin. Super busy ang tinamaan ng magaling, busy masyado sa pambababae, as if namang maganda yung kausap nya. Lamang lang sya sa akin ng tatlong bote ng lotion, at sampung banig ng gluta.

            Hindi nagtagal may tumawag na sa lahat ng participants ng convention na bumalik sa Royal Hall para ituloy yung pinag-uusapan kanina. Kung pwede lang na hindi na bumalik, hindi na talaga ako babalik at susubukan ko na agad yung BJ.

            “Let’s go!” biglang sabi sa akin nung lalake sa likod ko. “Lee, lumakad ka na!”

            Sa kakamuni-muni ko, hindi ko na namalayan na nasa likod ko na ang walking mannequin kong amo. Kabute ka Sir, isa kang shitake mushroom!

            Ng mamatay na yung ilaw sa buong hall, at ang liwanag na lang ay yung galing sa projector, kinuha ko na sa bulsa ko yung cellphone ko at inayos ang settings. MAGLALARO AKO!

            Nakaka-antok naman kasi yung nagsasalita, parang hindi nya alam yung sinasabi nya. Kung sino man ang nag-invite sa kanya, malamang na sobrang nagsisisi na sya sa desisyon na nagawa nya.

            Jusko naman, sumasakit na mata at ulo ko hindi ko pa rin mahanap yung work na adequate. Oo, naglalaro ang ng word search sa phone ko na ibinigay ng mabait kong amo kung minsan.

            “Asan ka na ba, masakit na mata ko kaya magpakita ka na!” hindi napigilang sabi dahil naiinis na talaga ako. “Naman oh!”

            Biglang may daliri na nag-highlight nung word na adequate na kung ahas yon eh natuklaw na ako. Nung tiningnan ko kung kaninong daliri yon, kay Sir Robin pala. Patay ka Lee, babalatan ka na naman ng buhay nyan sa sermon.

            “Para yun lang hindi mo makita, pano pa yung mas mahahabang words?”

            Hinanda ko na yung tenga ko, kasi akala ko talaga sisigawan nya ako o kaya pipingutin dahil hindi ako nakikinig. Yun pala magyayabang lang ang hudyo.

            “Alam kong gwapo, pogi, at cute ako, pero wag mo naman akong titigan ng ganyan. Hindi ka magkaka-top score kapag tumingin ka lang sa akin.” Nung hindi ko pa rin inalis yung tingin ko sa kanya “Amina nga yan, ako na lang maglalaro.” Dun lang ako nakabawi sa pagkagulantang ko.

            Hindi ko binitawan at hinayaang makuha ang phone ko, akin to kaya ako ang gagamit nito. “Boss, may sarili kang cellphone kaya iyon ang gamitin mo!” buti na lang yung mga malapit sa amin dedma lang.

            “Tulong na lang tayo sa paghanap.” Suggestion pa nya.

            Neknek nya, kumuha sya ng sarili nyang libangan. “Ayoko, akin lang to. Get your own happiness.” At saka ko iniwas yung phone ko sa kanya.

            Bigla naman syang may inilabas sa bag na dala nya, ipad tablet. Inggit naman ako, mas malaki yung screen nung kanya kaya mas madaling mahanap yung words. Pero hindi, ok na sa akin tong cellphone ko para hindi masyadong takaw antensyon.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

            Ngayon ko lang napansin, bakit sa iisang kwarto lang namin pinasok yung gamit naming dalawa. Hindi ko kasi masyadong napag-tuunan ng pansin yon kasi nagmamadali kami dahil late na kami. Kahit kailan talaga ang mga airlines, laging delayed ang mga flight.

            “Saan ang kwarto ko Sir?” tanong ko sa kanya nung makapasok na kami sa kwarto kung saan namin inilagay yung mga gamit namin.

          “Dito!”

            “Eh saan naman ang kwarto mo?”

          “Dito!” sagot ulit nya.

            Ahh… What? Sa iisang kwarto lang kaming dalawa, sa iisang kama? Magbiro na kayo sa lasing, wag lang sa isang Lee Nismal dahil talagang gyera ang mangyayare.

          “Yung mata mo, baka mahipan ka ng hangin.” Biglang sabi nya nung lumingon sa akin. “Wag ka munang magwawala, tatawag muna ako sa baba para itanong kung may vacan room pa sila.” Hay salamat naman at naisip nya yon.

            But sad to say, hindi ako kinampihan ng good omen ngayon. NO ROOM AVAILABLE! Ano ba namang klaseng hotel to, ang dami-daming kwarto tapos para isa lang naman ang kailangan ko hindi pa nila maibigay?!

            “I’m very sorry Lee but we have to stay together in this room.” Paker naman oh, wala na ba, wala na ba tong kasunod na bwisit? “And since I’m the boss and you are my Assistant, you’ll sleep at that couch.” What the… is he serious, doon nya talaga ako papatulugin?

            “Ayoko! Dahil ikaw ang lalake, ikaw ang matutulog sa couch!” matigas kong sabi. Hindi bagay ang ganda ko dun no. “Oh, etong unan at kumot mo.” At binato ko na sa kanya.

            “NO! ayokong matulog sa couch, and if you also don’t like to sleep there, we don’t have any choice kundi ang magtabi sa iisang kama whether you like it or not, you should like it!”

            As if I have a choice, right! Ayoko talagang matulog sa sofa dahil for sure pag-gising ko bukas nirarayuma na ang likod ko, saka may lakad pa ako bukas ng maagang-maaga no.

+++++++++++++++++++++++++++++

            Kung ganitong klaseng tanawin ang makikita mo everytime you wake up, siguro oras-oras akong matutulog at gigising just to witness this very beautiful view.

            “Good morning, beauty!”

            At kung ganitong ka-macho at gwapo ang babati sayo tuwing umaga, ay! You should wish upon a star na sana after ka nyang batiin ng ‘good morning’ ay gabi na at oras na ulit para matulog.

            “Good morning Kuya!”

            I saw his face crumple like a paper, and he manage to stay cute even with that kind of face. “Don’t call me Kuya, hindi naman yata ganong kalaki ang age gap natin.” Sabi nya sa akin nung papunta na kami sa aming destination.

            “Ok, well see. How old are you?” tanong ko sa kanya.

            “Twenty five.”

            See, I really should call him Kuya before we have a five years age gap. Ok lang sana kung four years, but it’s five.

            “I should call you Kuya talaga, you’re almost half decade older than me.”

            “Y-you’re just twenty?” ang di makapaniwala nyang tanong.

Bakit, matanda na ba ang itchura ko? Sa kunsumisyon na dinaranas ko sa amo ko, malamang nga na muka na akong matanda.

“You don’t look like one. I’m not saying that you look old already, the way you dress makes you look more mature. That’s what I mean, really.”

Defensive much, huh? “It’s ok, you’re not the first who told me that. Your name is Harvey, right? You’re my Kuya, and you are Harvey, so I therefore conclude that I will call you YaVy! As in Kuya Harvey, like that?” ang cute ng tawag ko sa kanya diba?!

“You may have the looks of a mid-twenty lady, but you have the brain of a thirteen year-old kid.” Sus, I know that too. “I like the pet name you gave to me, pero hindi naman pwede na ako lang ang may petname, you too should have one.” At talagang nag-isip sya kung ano pa talaga ang itatawag nya sa akin. “Anyway, what’s your name?”

“Aleesa, but you can call me Lee.”

“Lee… ano ba ang bagay na petname for you…” talagang pinag-iisipan nyang mabuti ha, tingnan mo yung noo, naka-kunot dahil sa sobrang pag-iisip. “I can’t say it’s cute but, pwede na rin siguro. Leeby, as in Lee my baby sister.” Leeby, I like that too.

May maganda rin palang bunga tong pagsama sa akin ni Sir Robin eh, may instant Kuya ako. “I like that Yavy, Leeby the baby. Hahaha!” dahil sa kadaldalan namin, hindi namin namalayan na nasa bungee jumping spot na kami.

Dahil gentleman si Yavy, ako talaga ang pina-una ng walangya. Nung tinitingnan ko sya kahapon, parang hindi naman nakakatakot, na parang madali lang, pero ngayon parang tinatawag na ako ni Inang Kalikasan dahil sa kaba.

“Don’t tell me Leeby that you want to back-out na? Kayang-kaya mo yan, don’t worry nandito lang ako.”

Si Kuya naman super busy sa pag-aayos ng harness ko. Aba dapat lang naman, mahal ko pa ang buhay ko at marami pa akong pangarap sa buhay na gustong matupad. Nung sigurado na syang mahigpit at nasa tamang pwesto na ako, pati na rin ang harness ko ay tinanong na nya ako.

“Ready, Mam?” Teka lang, teka lang! hindi na ba talaga pwedeng mag-backout? “At the count of ten Mam, tatalon ka na!”

“One… … Two… … Three…”

“Teka lang naman kuya, hinay-hinay lang sa pagbibilang. Kung may meeting ka kay San Pedro mauna ka na!” eto namang si Yavy, kung makatawa wagas. “Baka mamaya kapag ikaw na ang nandito hindi ka na makatawa ng ganyang katunog!”

“Four… five…”

“Ku---“

Hindi ko na natapos sabihin yung mga sasabihin ko kay Kuya, dahil ang tadong si Yavy tinulak na ako!

“Waaaaaahhhh!!! Humanda ka sa kin mamaya Harvey, anak ka ng ina mo! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa mamaya!”

Oh please patron of all saints, wag nyo po munang kuhanin ang life ko! Pangako ko po magiging mabait na akong bata, na magiging dalaga na po talaga ako. Saka po hindi ko na iinisin si Betty araw-araw, three-times a week na lang po! And hindi ko na rin po bobolahin si Uncle at si Auntie, basta wag nyo lang pong kuhanin ang buhay ko agad-agad. Si Sir Robin na lang po muna, tutal bugnutin naman sya!

“Pucha! Akala ko kuya katapusan ko na eh!” nasabi ko na lang nung tanggalin na ni Kuya yung harness ko sa paa. “Narinig nyo po ba yung mga sinabi ko?”

“Opo mam, nakakatuwa nga po kayo eh. Tingin ko nga po itutulak nyo yung kasama nyo mamaya kahit na wala pa syang harness dahil sa sobrang galit nyo.”

Last na po ito, promise. Huling pahabol na lang pong kalokohan bago ako tuluyang magbagong buhay. Hindi naman po ata ako makakapayag na malamangan ako ng magulang na si Kuya Harvey, hinding-hindi ako papayag!

Dali-dali akong umakyat kahit pa parang nanlalambot yung tuhod ko dahil sa sobrang tense, at excitement para sa huling pahabol ko.

“Hi Yavy, it’s now your turn. Asahan mo na susuklian ko ang pang-aalaska mo sa akin kanina.” Sabi ko kay Yavy habang kinakabitan sya ng harness ni Kuya. “Yavy, wag ka na kayang mag-suot ng harness?”

“Grabe ka Leeby, yung bibig mo dinig na dinig ng buong Gen. San. Kulang na lang isumpa mo ako na mabaog dahil sa pagtulak ko sayo.”

Oo nga no, bakit hindi ko sya sinumpa na mabaog para hindi na nya maikalat pa ang mapang-asar nyang kaalaman?

Tapos na sya ngayong ayusan ni Kuya, bibilang na lang sya ng one-to-ten at ready to fly na si Yavy.

“One…”

“Ano kuya, mag back-out ka na habang nasa one pa lang ang bilang ni Kuya.”

“Two… th---”

Hindi pa tapos ni Kuya yung word na ‘three’ tinulak ko na si Kuya Harvey, ahahaha. Akala yata nya sya lang ang may kaya na manulak, nagkakamali sya!

“You brat, am gonna twist your neck to death. I swear, I really swear!” sigaw ni Yavy.

Kami naman nila Kuya tawa lang ng tawa dahil kung maka-sigaw si Kuya, sobra. Nag-paalam na ako sa kanila at nagpasalamat na rin para sa isang napaka-wonderful na experience. Hindi ko na hinintay na umakyat si Yavy, baka kasi parang jelly-ace na ang tuhod nung dahil sa kaba, o kaya naman sa kawalan ng lakas dahil sa kaka-sigaw nya.

“You little bitch!” salubong sa akin ni Yavy. Inakbayan nya ako at naglakad na kami pabalik ng hotel. “Tara na, baka hinahanap ka na ng kasama mo.”

Super swerte ko kasi nga I found a brother here, sana he’s from Manila so we can bond again after this event.

While we’re on our way back to the hotel, suddenly he asked me. “You’re from Manila right, ikaw yung P.A. ni Robin Wong?” so what?

“Yep, why?”

“I think we will see each other often when we head back to Manila.” As in seryoso? Wow, that’s awesome. “Anyway, write your number here so I can contact you.”

Isinulat ko naman yung number ko kahit na hirap na hirap akong magsulat. Hulaan nyo kung saan nya pinasulat sa akin yung number ko? He just asked me to write down my digits at the hem of his white shirt, he’s totally crazy.

“Thank you Yavy for a very fun and excited morning. See you around! Buh-bye!”

I walk towards our room, hopefully he’s wide awake now. Ayoko naman na gisingin sya, I don’t have any idea if he’s not a morning person or what. I really don’t like the idea that he’ll shout straight to my face, and ruin the good morning that I have right now.

Unti-unti kong binuksan yung pinto ng room namin, wishing that there’ll be no any flying object that will hit my beautiful face. When I’m sure that walang kahit na anong lumilipad na bagay, tuluyan na akong pumasok.

“Where have you been?”

Akala ko biglang tumugtog yung player sa loob ng hotel room namin, akala ko si Rihanna na. Si Sir Robin pala yung dumali nung line na yon.

“Jan lang po Sir sa tabi-tabi, I just appreciate the wonder of nature has to offer.” Then I head to my luggage to get my attire for today. “Sir ako na po ang unang gagamit ng CR ha, I’ll be quick.”

++++++++++++++++++++++++++++

As in seryoso, mamaya pang ten ise-serve ang breakfasts? Hindi ba pwedeng ngayon na? Grabe, gutom na gutom na ako. Kung nalaman ko lang na mamaya pa kami papakainin ng mga damuho na to, eh di sana kumain muna ako bago nagpunta dito.

“Boss, baka naman may candy ka dyan sa bulsa mo, penge naman ako.” The hell I care kung parang sinakluban ng purgatoryo at impyerno yung itchura nya. Teka, pareho lang yon diba? “Boss? Bakit salubong kilay mo, gutom ka na rin ba?”

Nilingon nya ako at saka sumagot. “Shut the hell up Lee, naiinis ako sayo!” yung totoo, galit talaga sya, pero bakit? Ano ba ginawa ko?

Shut up daw sabi ni Boss, eh di shut up! Kahit na buryong na buryong na ako sa kakapakinig sa panot na nagsasalita kanina pa, wala naman akong ibang choice.

“Excuse me Mam, pinapabigay po ni Sir.” Sabay turo nung waiter sa isang direksyon.

Gagung waiter to, as if namang may nakikita ako eh ang dilim-dilim kaya. Pero nung ngumiti yung lalake sa banda dun sa tinuro nya, nakita ko na kasi lumabas yung shining-shimmering thirty two teeth nung nagpabigay ng kung ano man to.

Si Yavy yung nagpapabigay nitong hawak ko ngayon. Teka, ano nga ba tong binigay nya?

“C-candy?” aanin ko naman to, ano ko bata? Tumingin ako kung nasaan si Harvey, at nagtanong through look. “Kainin ko?” tapos bigla nyang tinuro yung tyan nya. Ahh, para magkaron ng laman yung tyan ko kahit pano. I mouthed ‘thank you’ and open the candy wrap.

Nag-concentrate na ulit ako sa pakikinig sa speaker, kaya lang failed. Si boss naman kasi, hindi ako pinapansin. Ano bang nagawa ko? Shemay na buhay naman to oh, kailan ba kami kakain? Baka kasi mamaya kaya lang sya hindi namamansin kasi gutom sya.

“That’s what composed the first part of my presentation. We can now have our breakfast.” Sabi nung malapit ng makalbo. “Good morning everyone.”

Ano pang good sa morning eh duling na kami sa gutom dahil sayo. Tapos etong may topak kong boss hindi na ako kinakausap, eh sino pa kakausap sa akin dito. As if namang kilala ko sila diba!

“Kung ayaw mo ‘kong kausapin, eh di wag mo!” bwisit.

Pumunta na akong mag-isa dun sa buffet table para kumuha ng pagkain, dahil gutom na talaga ako. Wagas pa naman sa pagiging gentleman yung ibang nandito, mga patay-gutom din.

“Alam kong gutom ka na, pero hindi ka naman mabubusog kung ikukunot mo yang noo mo!”

Paakelam ba nitong tao na to kung naka-kunot ang noo ko, bakit nakasalalay ba sa noo ko ang pagdami ng magche-check in sa hotel nila? Kapag ganitong gutom ako wag nila akong inisin at baka ihambalos ko sa kanila kong plato na hawak ko.

“Stop pestering me, will you? Kung mas gutom ka pa sa akin, oh sige mauna ka na!” at pina-una ko talaga sya sa akin, palit na kami ng pwesto matahimik lang sya!

“Leeby wag masyadong mainit ang ulo, sapat na yung kape at mga pagkain na lang ang mainit.”

He brightens up my mood… “Yavy!!!” pucha, bigla naman akong hinila ng andropause kong amo. I mouthed him na mamaya na lang kami mag-usap.

“Who’s that guy? Ayokong nakikipag-usap ka sa iba.”

Tung inuuu nya. Wag daw akong makipag-usap sa iba eh, ayaw naman nya akong kausapin. Sampolan ka kaya to ng konyat ng badtrip?

“Boss, amo kita pero ang gago mo. Ayaw mo akong makipag-usap sa iba, pero ayaw mo naman akong kausapin. Di ko na alam gagawin ko sayo eh.” Ang bwisit lang diba, ang labo nya talaga. “Jan ka na nga!”

Nauna na ako sa kanyang kumuha ng pagkain, kasi bukod sa gutom na ako badtrip pa ko. Tanging pagkain lang ang makakapagpahupa sa inis ko, kahit si Harvey walang magagawa sa gutom ko.

“Saan ka ba kasi galing kaninang umaga? Nagising ako wala ka sa kwarto na—“ takpan ko nga yung bibig nya, baka mamaya isipin nila may relasyon kami nitong amo ko. “Ang baboy mo naman Lee, nag-alcohol ka ba?”

Ka-selan, bading ba sya? “Bading ka ba boss, bat ang arte mo?” ay mali, hindi nga pala sya bading.

“You know me, Lee.”

Lalake nga pala talaga sya, lasi nga diba ilampong used condom, thong, at tback ang nakita ko sa penthouse nya.

“Sorry, ok. Kasi naman ang arte mo.”

Sinimulan ko ng kumain dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom na nararamdaman ko. Pero sadyang meron talagang pagkakataon na madaming epal sa mundo.

“Hi Miss Gorgeous!” sabay-sabay na sabi nung tatlong lalake na naki-share sa amin ni Boss Robin. “Kamusta ka na?” yung totoo, member ba sila ng Wonder Girls?

“Ano na naman ang kailangan nyong tatlo? Sa pagkaka-tanda ko hindi dito ang table nyo.”

Boss parang good na ulit ang status mo sa akin, tama yan, pagsabihan nya ang mga kaibigan nya na istorbo.

“Pare hindi naman ikaw kinaki-usap namin eh, si Miss gorgeous kaya.” Sabi nung isang lalake na kahawig ni Aljur Abrenica. “You like the food?”

“Bakit mo tinatanong, bakit hindi subukang kainin yang pagkain mo para malaman mo ang sagot sa tanong mo.” Badtrip kong sagot sa kanya.

Hindi naman na nagtangka na magtanong yung isa pa, kasi sopla din ang aabutin nya sa kin.

“Gutom yan, don’t disturb her.” Yan ang boss ko.

++++++++++++++++++++++++++++++++

            Welcome back!!! Yan yung bati sa akin ng polluted na hangin ng Manila. Back to Manila na kami ni Robin, at hindi namin nakasabay sa flight si Yavy. Malamang may kinalaman na naman tong lalake na to kung bakit hindi kami nagkasabay eh.

            After kasi nung second day ng conference nagkita kami ni Harvey dun sa lobby nung hotel, so syempre usap-usap, tawanan, at payabangan kung sino ang mas matapang. Bigla na lang may humila sa akin, akala ko nga yung dalawang kaibigan ni boss kasi sinungitan ko sila nung lunch, pero nagkamali ako kasi si Sir Robin mismo ang humila sa akin palayo kay Kuya Harvey ko.

            “Hey dude, you’re hurting Leeby.” Ganyan yung sabi ni Harvey nung hinihila ako ni Robin papasok ng hotel.

            Gusto ko na nga lang matawa kay Sir kasi para syang tatay na OA sa overprotective sa manliligaw. Kung hindi ko nga lang alam na may girlfriend si boss iisipin ko selos to the max sya, pero yun nga imposible yun ksi taken na sya. Pero nagtataka lang talaga ako sa kanya, bakit ayaw nya akong malapit kay Harvey.

            “Shut the hell up, and go to hell!” yan naman yung sinigaw ni Robin kay Yavy, ang intense diba. “Don’t you dare to lay even a single finger on her, or else you’ll Satan the same time you did that!”

            After that, hindi na nya ako kinausap. Hanggang ngayon wala pa rin syang sinasabi sa akin, mula Gen. San hanggang Manila hindi sya nagsasalita, lagi lang syang nagpapanggap na tulog.

          “Una na po ako Sir.” At pumara na ako ng taxi para maka-uwi na ako.

++++++++++++++++++++++++++++++++

            One week na after nung sa Gen. San, pero hindi na kami bumalik sa dati. Kinakausap nya lang ako kapag may kailangan syang itanong about sa schedule nya, sa mga papers na nasa table nya, everything na may kinalaman sa trabaho lang ang napapag-usapan namin.

            Ewan ko ba, hindi talaga ako sanay na ganito kami. Pero pakelam ko ba, kung ayaw ba nya akong kausapin eh di wag, di ko sya pipilitin no. Sa sobrang friendly ko na to, imposible na matahimik ang bibig ko.

            “Excuse me Sir Robin; you’ll have a meeting with Ms. Yee at Grecio Restaurant in eleven in the morning. After that, you will have a meeting here at your office with Mr. Lucero at two in the afternoon.”

            Ganyan lang lagi ang trabaho ko. “Thank you!” at laging ganyan lang din ang sinasagot nya sa akin.

            “Ok Sir, plese excuse me.” Papalabas pa lang ako ng office nya ng mag-ring yung phone ko, Yavy is calling. “Wazzup Yaby?” nakalimutan ko nasa loob pa pala ako ng office ni Sir. “I’m sorry, Sir.”

            Sakto naman na tumawag si Harvey kasi coffee break, hindi ako mapapagalitan ng amo kong bugnutin.

            “Hey, kamusta ka na Yavy? Long time no hears ah, akala ko hindi mo na ako tatawagan.” Nag-iinarte kong sabi sa kanya. “Na-miss mo ko no, kaya ka napatawag?!”

          “Ang kapal mo pa rin hanggang ngayon Baby Lee, may kailangan ako sayo kaya lang kita tinawagan.”

            Kapal ng muka nya, kaya lang pala ako naalala. “Ngayon ko lang naalala Harvey nasa trabaho pala ako, saka na tayo mag-usap kapag kasing yaman mo na si Christian Grey.” Ahahaha, ano naman kinalaman ni Mr. Fifty Shades?

            “Magkasing-yaman lang kami non, yung nga lang lamang sya kasi may Anastasia Steel sya ako wala.”

            “If you want me to be your Ana, sorry but I’m not innocent as Ana. Pero siguro pwede na ako na lang yung kapatid nya.” Ahahaha, really I can’t be Ana to Harvey if he’s Mr. Christian Grey. “So bakit ka nga napatawag?”

            “I need a secretary, a hard-working one.” So, hindi ako hard-working.

            “Wala ng libre sa panahon ngayon, may bayad ang paghahanap ko. Hindi naman ako isang man-power agency no.” pilosopong sabi ko sa kanya.

            Mababaw lang naman ang kaligayahan nya, kaya ayun, natawa naman agad sya sa sinabi ko. “You need to look for one. I want you to be my personal secretary.” Kalokohan naman talaga nitong lalake na ‘to, umaapaw.

          “Abnu ka Yavy, you know I can’t.”

            Natawa naman sya sa sagot ko, akala nya siguro nagbibiro lang ako. “And why not Leeby, ang sungit nyang si Mr. Robin Araneta na amo mo. Kung ako ang amo mo, hindi kita susungitan, pati sa bakasyon ko kasama ka.” Mayabang na sabi nya.

            “Hoy Mr. Pirate, kahit na masungit ang amo ko at saksakan ng bugnutin hindi ko pa rin iiwan yun. Sya kaya yung unang naka-appreciate sa kaya kong gawin kahit na hindi pa ako graduate.”

            Totoo naman yon, ngayong March pa lang ako aakyat sa stage para kuhanin yung katibayan ng apat na taon kong paghihirap. At talagang super proud ako sa sarili ko kasi nagawa kong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ko. Malaki rin ang pasasalamat k okay Bossing Robin kasi hindi nya ako sinisante.

            “What do you mean Lee?” naguguluhang tanong ni Harvey.

            I sigh first before answer his question. “Ngayong March pa lang ako ga-graduate ng college. Akala mo ba graduate na ako?” tanong ko sa kanya na parang ang yabang-yabang ko pa.

            “Actually I really thought that you already graduated to college. Remember nung convention, hindi pa tapos ang school year noon, and yet you’re there.”

            Kahit ako rin naman, nagulat din ako na nandun ako eh malapit na ang mid-term that time tapos nakuha ko pang mag-lamyerda. Nagtataka din ako kasi nakapasa ako sa lahat ng exams ko, with flying colors yan ha.

            “Eh ganun talaga kapag matalinaw, I mean matalino. Teka nga, mamaya ka na lang ulit tumawag, busy nga pala ako! Bye!” at pinindot ko na yung end button. “Sorry po Sir Robin!”

++++++++++++++++++++++++++

             I heard everything that they talked about, and God knows how much patience I gave para lang hindi umepal sa usapan ng secretary ko at nung Harvey na yon. I actually don’t know why I’m feeling this emotion, nasira na yata ang ulo ko dahil sa kakasama ko dito kay Lee.

            I feel happy kasi kahit na bugnutin ako, that’s according to her ay hindi pa rin nya ako iiwan. Wala rin naman akong balak na pakawalan pa sya. She’ll be my permanent assistant, and permanent partner too.

            “Lee!” bulong ko sa kanya.

            Hindi nya kasi namalayan na nasa likod na nya ako dahil busy sya kakalaro nung doodle jump, parang bata lang eh. I saw her stiffen nung bulungan ko sya, kasi masyado talagang malapit yung bibig ko sa tenga nya.

            “Sir Robin!!!” bigla naman syang napaharap sa akin, saying hindi umabot yung lips nya sa lips ko. Yan ang disadvantage ng pagkakaroon ng matangos na ilong. “Bati na tayo, hindi ka na galit? Wala ka ng toyo, hindi mo na ako aawayin? At lalong hindi mo na ako susungitan at sisigawan?”

            Sunod-sunod na tanong nya, eh di si Lee na ang mayaman sa tanong. Hindi ko tuloy alam kung ano uuahin ko. And because hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, nginitian ko na lang sya, and give her a peck on her soft lips.

            Natulala naman sya sa ginawa ko, kahit ako nagulat eh. I don’t let her to say anything, hinila ko na lang sya palabas ng office papunta ng elevator para makapag-early lunch na kami.

            “Hoy saan tayo pupunta, oras pa ng trabaho ah! Baka mamaya mawalan ako ng trabaho dahil sayo! Saka may meeting ka pa kay Mrs. Holandez mamayang lunch time!”

            Baliw talaga! Sa sobrang kaba at takot nya siguro nakalimutan na nya na ako ang mag-ari ng pinapasukan nya, sya ang secretary ko, at ako ang nag-hire sa kanya kaya walang karapatan ang kahit na sino na tanggalin sya sa trabaho maliban sa akin.

            “Screw that meeting!” sabi ko sa kanya nung makasakay na kami ng kotse ko.

+++++++++++++++++++++++++++++++

            Ngayon ang araw ng graduation ni Lee. She doesn’t give a damn if she’s already twenty two when she finished college, what matters to her is she graduated. She’s really happy because her auntie and uncle are with her to witness this very important day of her life, though she’s sad dahil hindi makaka-uwi ang parents nya.

          “I’m sure super proud sayo si Tito at Tita, kasi naka-graduate ka pa rin kahit na nagta-trabaho ka na!” that’s my cousin and bestfriend Betty. “Congrats bestfriend pinsan!”

            Super shock si Lee ng makita nya sa invitation na ang amo nya palang si Robin Wong ang guest speaker nila. Yung totoo, ano naman ang sasabihin nya eh parang naglalaro lang naman sya sa trabaho nya?

            Nagsimula na yung ceremony, at matatapos na rin si Robin sa kanyang speech. “Congratualations to my love who graduated today, congrats Alee. Again, congratulation to all of you and goodluck.” So kailangan Robin special mention si Alee?

            Robin Wong finally realized that he really likes Lee, to the point that he really wants to take her home after work. He waited for this day to come, na natupad na ni Lee ang matagal na nitong pangarap – ang maka-graduate sa college.

            Lee on the other side of the hall, tingin ng tingin kung saan nung marinig na may tinawag ang amo nya na love nito. She doesn’t have any idea na meron na palang mahal na iba ang mahal nya. It’s the worst gift she ever received as a graduation presen, she can’t take it!

            Natapos na ang graduation na hindi na ulit nangiti ng tunay si Lee. Ikaw ba naman ang makarinig na meron tinawag na ‘my love’ yung lalake na gusto mo, ewan ko na lang kung hindi gumuho ang buong mundo mo. Nun ngang inabot na sa kanila yung kunwaring diploma nila, hindi nya tiningnan ang gagong amo nya. Eh kung pwede nga lang na lagpasan to, at wag ng kamayan ginawa na nya.

            Tapos na! Tapos na ang graduation ceremony at kasabay non ang pagkawala ng pag-asa ni Lee na magustuhan din sya ng bugnutin pero hot nyang amo.

            They all headed to a restaurant, it’s her uncle’s treat. Ang tito, tita, at si Betty ang kasama nyang magce-celebrate. Kulang talaga sya, she wish that she will celebrate this day with ALL of the person that she loves, pero wala si Robin ngayon sa tabi nya.

++++++++++++++++++++++++++++

            Tapos na ang one week leave na ni-file ni Lee, kaya back to warzone na naman sya. Warzone where she needs to fight her feelings for her handsome boss, and where she has to deal with all of his boss’ dilemmas.

            Ang dami nyang trabaho, parang kulang ang isang araw para matapos nito ang lahat ng nasa table nya. Walang kwenta naman yung nakuhang reliever ni boss, eh parang wala naman syang ginawa dito eh. Yung mga papeles na kailangan ng pirma ni Robin nandito pa rin, eto eto na yung mga iniwan ko bago ako magleave eh. Sa isip-isip na reklamo ni Lee.

            “Busy ka?” biglang tanong ni Robin sa kanya.

            “Ay! Available nationwide!” ang nagulat na sabi ni Lee. “Boss naman, papatayin mo ba ko?!” naiinis na tanong ni Lee sa amo.

            She can’t help it; she has tons of things to do before the day ends, but this Greak-God like boss of her is a constant distraction. How can she concentrate on her paper works, and her plan that she has to forget her feelings for this handsome creature?

            Natawa naman si Robin sa naging reaksyon ni Lee, her expression was so natural. She looks so beautiful even in a candid shot. Yes, Robin took a picture of Lee on his phone. He really find her cute whenever she’s mad, frowning, yawning, and especially when she’s blushing.

            “May kailangan ka ba?” ganyan kabastos na secretary sa amo nya, lalo na kapag madami talaga syang ginagawa. “Kung wala kang kailangan leave me alone, I need all the peace that left in this planet para matapos ko lahat ng to!” at hinarap na ulit ni Lee ang mga papel.

“Kukuha lang ng reliever tamad pa napili. Eh eto pa rin yung iniwan ko, anong ginawa nun? Nilandi lang si Sir?” pabulong na reklamo ni Lee. “Kung hindi lang kita gusto… hindi ako magtya-tyaga sayo!” she cursed. Ang hindi nya alam hindi pa rin umaalis si Robin sa kinatatayuan nya.

“And who told you I hired a reliever for your job?” uh-oh, she is really in big mess. “And what did you just said? Kung hindi mo lang ako gusto, hindi ka magtya-tyaga dito, did I heared it right?”

She silently pray na sana dumating si Iron Man at buhatin sya nito palabas sa galaxy. She feels her face heated a sign that she’s blushing oh so hard. Paano kang hindi mamumula if you’re the one you secretly adore hear you confession?

“To my office Miss Nismal, NOW!” and he turned his back to Aleesa.

Hindi naman agad makatayo si Lee dahil sa kaba, at takot sa bossing nya. Inaamin nya, gusto nya ang boss nya pero hindi naman nya naisip na magagalit ito dahil may gusto sya dito.

“Kung ayaw mo Iron Man na tulungan ako, Captain America come and help me!” parang nababaliw na sabi ni Lee. “Kung ayaw mo rin Capt. America, Hulk come here and smashes me till I disappear in thin air!”

Naabutan naman ni Robin na tinatawag ng dalaga si Hulk. Gustong tumawa ng malakas ni Robin, but he stop his self from doing that.

“MS. NISMAL, to my office NOW!”

            After Robin shout, dali-dali ng pumasok si Lee. She prepared herself already sa kung ano man ang pwede nyang makuha mula sa hot nyang amo, pero sana lang wag syang isumpa nito na wag syang magkaron ng magandang love story.

            Ilang minuto ng nasa loob ng opisina ni Robin si Lee, pero hindi pa rin ito nagsasalita. Actually, tuwang-tuwa sya na malaman na gusto rin pala sya ni Lee, at least alam nya na may patutunguhan na maganda ang mga balak nya.

            “I like you too, Lee. And because I like you and you like me too, I will marry you whether you like it or not!”

            Her eyes widen like a saucer, she’s really shock of what he just said. Pero minsan wala talagang tiwala si Lee sa ganda at alindog nyang taglay.

            “I-I don’t believe you. Sino si ‘my love’ mo nung graduation namin? Siguro binasted ka nya, kaya ako naman ngayon ang nakita mo.”

            Hindi pala na-gets ni Lee ang sinabi nya, wala talaga syang idea na sya ang tinutukoy ng binata. But deep inside, kinikilig na ang bruha. Imagine, maging boyfriend lang nya si Robin ang pangarap nya, pero ngayon kasal agad ang sinasabi ng binata sa kanya.

            “Ikaw yon! Ang slow mo talaga minsan!” at pinitik pa nito ang noo ng dalaga. “I love you, and you have to marry me!” kasal na agad, wala man lang ligawan? “But not know, I’ll prove and show to you first how lucky you are dahil nililigawan kita. You should be proud dahil ngayon lang ako manliligaw.” Mayabang na sabi ni Robin kay Lee.

++++++++++++++++++++++++++

            After two years na panliligaw ni Robin kay Lee, she finally said yes! Akala ni Lee nililigawan sya nito parang maging girlfriend sya, yun pala para maging asawa na agad. Syempre nagulat si Lee, pero sobrang saya nya na mahal sya ni Robin ng sagad hanggang small intestines, at syempre pa masaya sya dahil ito ang minahal nya. They can’t ask for anything else, because they know that they have all what they need.

            Masyadong tiwala si Robin na sasagutin sya ni Lee ng araw na naisip nya na mag-propose dito, and hindi naman sya nagkamali. At dahil doon, naihanda na nito ang lahat ng kailangan para sa kasal nila. The they when he asked her to marry him, was also the day when they got married. Sobrang saya ni Lee nung mga panahon na yon, dahil hindi nya talaga ito inaasahan. Wala na syang mahihiling pa that time, maliban na lang na sana ay nandoon ang mga magulang nya para ihatid sya sa harap ng altar. Hindi naman sya binigo ni Robin, dahil hinihintay na pala sya ng mga ito sa simbahan. Ginawa ni Robin ang lahat ng iyon sa tulong na rin ng bestfriend at pinsan ni Lee na si Betty.

            Noong araw na iyon, you see smile all over the place, lahat sila ay masaya para kay Lee at Robin. At kung meron mang tao ang nangingibabaw ang ligaya, that’s Lee.

            Imagine, hindi naman talaga nya type ang amo nyang burara noon, pero heto sya ngayon at asawa ng lalake na kina-iinisan nya. Nakita nya kasi na hindi naman mahirap magustuhan ang isang tulad ni Robin, bukod sa hot at sexy ito, ay abnormal din ito katulad nya.

          “I LOVE YOU!”

          “I LOVE YOU TOO!”

          Robin finally found his P.A., his PERMANENT ASSISTANT. His permanent assistant sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras, at sa lahat ng pagkakataon.

***The End***

1 comment:

  1. what??? hahaha!!!!!.. gabe naman ang guts ko dito teh!!! inabsorb ko ata lahat na lakas ng loob ng mundo!! hndi ako ung nabuntis,pero ako pa ung mei ganang mag wedding crash!! hahah.. ai award!!! pang famas ang acting!! ako na ang makapal ang mukha!! ilang layers at pages pah!!..

    oo nga naman.. kung mg eexpect ka rin lang naman, eh yong todo nah.. para hndi na masyadong masakit.. grabe nman sa kalat!! walang awa portion!! baka talunin pa nito ang level ng payatas.. ilang ipo-ipo ba ang dumaan sa room ng among kong ito??..

    wagas ang pag welcome ng pinaghunusan at undies!! anak ng!! hahahha.. parang hindi ko kaya to sa real life!! at nanalo pa sya sa jackpot dahil sa nagoyo nya!! gosh!!! ang high lang talaga!! hahaha.. sh*t ka! at ako pa talaga ang mglilinis noon! ipakain ko sa kanya kalat nya eh at sa dragong julie na yun.. hahaha..

    instant PA kagad eh.. so kaya pala PA.. ako pala yun.. hahaha.. seriously!! ganyan ako sa real life ateng!! ng hihyper ako if i ate too much chocos!!! yung totoo, kamag anak mo ba si madam auring??

    wow naman! FC na agad ako sa kanya!! iba nga nman pag madaming hangin sa katawan.. gawin ba nman akong clown! punta ka sa circus, find one! haha at talagang sa isang kwarto lang?? baka nman gpangin ako nyan.. hahha.. wish ko lang.. tunog pervert na tuloy ako.. pak!umayos ka demi!

    eehh!! ang gara namn tong si harvey! ang sweet nya sa BJ namin.. at talagang namin??hahaha..thoughtful pah.. eh bakit kasi kapatid lang ang tingin sakin ni havy ko.. just a SISTER!! my gass!! ,di ba pwedeng lumagpas dun?.. age doesnt matter nman sakin eh.. hahah.. lagot ako kei fafa robin ko when he hears me about this,ssshhh.. censya nemen! bias ako lagi eh.. ngkakagusto ako lagi sa hndi ko nakakatuluyan.. in fairness,ang cute ng HAVY at LEEBY ah!!

    lokong waiter na yun ah!! alam na ngang madilin,ituturo pah.. hahhaha!! at talagang walang pakilaman pg gutom ako.. nangangain ako ng buhay at bumubuga ng apoy!! bakit kilalang kilala mo ko ateng? mei powers ka ba?haha.. ayiieh1 ito naman si robin, protective masyado! dumadamoves ka rin eh!! at talagang nasama pa ang the avengers dito! hahha..

    oo na po! ako na ang slow! hehe.. nakaya niyang hntayin ako for two years?? isang himala hahah.. my goshh!!!! i have now my very own "Robin hood" ^____^

    you really know me nah ate josa ko.. parang ako lang talaga to.. makulit,alog, mei sapak at bipolar!! hahaha.. yung totoo, nanay bah kita?.. thank you so much for this wonderful gift!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^