Sunday, April 7, 2013

Over Again : Teaser

Author's Note:
Dahil hindi ko pa madagdagan yung Story na 'to para matapos na, edi bibigyan ko muna kayo ng mga parts ng Story na 'to as a Teaser. :)

Dedicated to Ate Allison

First Teaser: Awkwaaaaaaard! :)

"Clarissa, mahal mo pa ba ako?" Biglaan niyang tanong.

Kapag sinabi kong mahal ko pa siya, parang sinasaktan ko lang lalo sarili ko. Kapag naman hindi, pwedeng makamove on na talaga ako.

"Hindi na." Sagot ko.

Nabigla kaming dalawa. Agad naman siyang nakarecover tapos sumagot siya. "A-ah. Mabuti naman kung ganun. May ipapakilala kasi ako sayo na girl."

"Bago...bago mong girl...girlfriend?" Tanong ko na medyo nauutal.

"Ka-MU pa lang. Pero malapit na." Sagot niya.

AWW. </3

"I...Ikaw? Mahal mo pa ba ako?" Pabalik na tanong ko.

Napatigil siya. Dumaan ang mahabang katahimikan.

"O...oo. Pero alam ko di na natin maibabalik yung dating tayo. Nasaktan na kita eh." Sagot niya.

"Ikaw kasi eh."

"Wow! Ako pa ha!" Biro niya.

"Oo! Sinaktan mo ko kaya ako nakipagbreak sayo!" Sagot ko.

"Woah! Wag kasing selfish!"

"Baka selfish! Ikaw nga, playboy eh. Sa bitch pa napatol." Bawi ko sa kanya.

"So... Bitch ka pala?" Tanong niya.

Napatigil ako.

AKO?! Bitch!? What the Heck!

"I'm not!" I retorded.

"Easy lang! Tinanong ko lang eh." Sagot niya.

"Korni mo!"

Lumapit ako sa pinto at kinalabog ko ulit.

"Mae! Tita!" Tawag ko.

"Alam mo, humiga ka na muna rito. Di rin sila magpapalabas eh. Badtrip." Tawag niya.

Lumingon ako sa kanya na nakataas ang kilay.

"Ako? Tatabi sayo? Hello?! Ex-boyfriend, naloloko ka na ba?" Tanong ko na di makapaniwala.

"Aray naman! Pinapangalandakan mo naman sakin na EX na lang ako para sayo eh." Sagot niya.

"Eh anong gusto mo? Boyfriend? Duh? Anong silbi ng 'Break Up' ?" Tanong ko ulit.

"TSK!" Iritable niyang sabi saka kumamot sa batok.

"Bago-bago din! Walastek yan!" Iritable niyang sabi ulit tapos humiga.

"Hoy! Nag-uusap pa tayo!" Sigaw ko.

"Pwede ba? Ang ingay eh!" Saway niya.

"Ayoko! Mag-iingay ako hanggat gusto ko. At hanggat di ka bumabangon diyan at di ako kinausap, sisigaw ako dito nang sisigaw." Pilit ko.

Bumangon siya at lumapit sakin. Inipit niya ako.

"Tatahimik ka o hahalikan kita?" Panakot niyang sabi.

Tinakpan ko agad yung bibig ko at umiling.

"Bahala ka dyan!" Sabi niya tapos humiga ulit.

Umupo ako sa lapag saka pumikit.


3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^