Saturday, March 23, 2013

[Random Post] Kwentong Panaginip ni DanE


A/N: Just sharing my feelings .. Feelings ko lang naman 'to .. As in nararamdaman ko ngayon .. :DDD


Nung nabasa ko yung post nung isa sa co-writer ko dito na si HANNAH JEWEL about kay GOD [ HERE ].. may bigla ako naalala na panaginip ko .. Wala lang .. Di ko alam kung connected pero bigla ako kinabahan dahil sa mga napanood kong testimony .. :DDD Kwento ko senyo panaginip ko .. Okay lang .?? :DDD


===

2009 [First Time ko makapanaginip ng tungkol kay GOD]

Yung lugar daw namin parang sinasakop ng Demonyo .. [Naiiyak nanaman ako pag-naaalala ko 'to]
Basta sinasakop daw ng demonyo .. Parang gusto nyang kontrolin yung mga tao ..
Kasama ko daw buong pamilya ko .. Mga kapit bahay ko .. Pati mangi-nginom sa may kanto namin .. Pati na rin yung mga Adik adik sa labasan namin kasama ko daw ..
Takot na takot daw ako nun .. Di ko alam kung ano gagawin ko ..
Hanggang sa may boses daw akong narinig .. Sabi mag-tago daw kami sa bahay ..
Sinunod ko daw yung boses na yun .. Nag-tago kami sa bahay ng kapit bahay namin ..
Pinapasok ko daw dun lahat ng kasama ko including yung mga mangi-nginom sa kanto ..
Pero may mga iba parin daw na naiwan sa labas ..
Ito ang worst! Di nasa loob na daw kami .. Nakita ko yung Demonyo!!
Palibot libot daw sya sa labas ng bahay!! Tapos huminto sya sa may pintuan kung saan ako nakatayo ..
Di sya makapasok sa loob .. Nakatingin sya sakin na may pang-asar na tawa ..
Yung tsura nya parang goblin .. Parang si golum ng Lord of the Rings!! Promise!!
Inaasar nya ko na lumabas daw ako .. Kasi pag lumabas ako masisira yung harang na ginawa nung boses ..
Takot na takot daw ako hindi ko alam kung ano gagawin ko .. Biglang narinig ko ulit yung boses ..
Sabi nya "MAG-DASAL KA LANG, MAG-DASAL KA LANG" ..
Two times nya inulit .. Tumingala pa nga ko nun pero wala ko ibang makita kundi liwanag lang ..
Di sinunod ko yung utos nya .. Dasal lang ako ng dasal ..
Pero dahil di ako mauto nun demonyo .. Yung mangi-nginom sa kanto yung inuto nya ..
Ayon! Nauto yung mangi-nginom .. Lumabas sya sa bahay .. Nasira yung harang at lampas hanggang tenga tawa ng demonyo .. Dun na ko nagising ..


===

MY COUSIN IS GOING TO HEAVEN [2010]

Namatay kasi pinsan ko .. Yung pinaka-favorite kong pinsan! Umuwi kami nun sa probinsya .. After nya mailibing .. Kinagabihan napanaginipan ko sya ..

Umaakyat nya sya sa langit kasama nya yung mga Angels! Alam mo yung mga nakikita mong pictures ni GOD na umaakyat sa langit na parang may mga rays ng sun .. May mga ulap or smokes tapos may mga Angels sa paligid nya .? Ganung ganun yung napanaginipan ko sa pinsan ko .! Yung mga Angels di ko na maalala pero sure ako na nakasuot sila ng puting mahabang damit. Yung pinsan ko naman naka-suot sya ng puting damit tapos yung brownna pants .. Yun .. Umaakyat sya sa langit .. THANKS GOD!!


===

MORNING NIGHTMARE [2011]

Kala ko katapusan ko na ng mapanaginipan ko 'to!!

Nasa gubat daw ako tapos parang may killer na lalaki .. May mga chinap-chop syang katawan .. Nakita ko pa nga daw yung kamay eh .. Nung kunin daw nya yung kamay may bigla na lang malaking gagamba na lumabas na gusto sya kainin .. Alam mo yung gagamba na alaga ni Hagrid sa Harry Potter? Ganun sya kalaki .. Hanggang sa ako na daw yung gusto kainin ng gagamba .. Napahiga daw ako sa lapag nun tapos nasa dib dib ko na yung gagamba ..


Di na ko makahinga .. Yun pala binabangu-ngot na ko .. Hindi talaga ako makahinga .. Hindi rin ako makagalaw pero nakikita ko yung bintana ng kwarto .. Alam mo susuko na sana ko nun .. Kasi di ko na talaga kaya! As in kapos na kapos na ko sa pag-hinga .. Pero may boses ako narinig na sabi "WAG! MAG-DASAL KA!" Di nag-dasal ako ng HOLY MARY .. Napalingon ako sa pinto .. Nakita ko may bumukas nung pinto .. Kita ko talaga kasi gising ako nun pero tulog yung katawan ko .. As in conscious ako pero tulog katawan ko .. Yun nga may nakita ako pumasok sa loob .. Lalaki sya na naka-puti syang damit .. Nakakasilaw nga eh .. [Naiiyak din ako pag naaalala ko 'to]

Hinawakan nya yung kamay ko .. Sa isang iglap nagising ako!! Walang biro! Tapos tiningnan ko yung pinto nakabukas sya .. Lumabas ako para tingnan kung sino pumasok .. Kasi may mga natutulog sa labas eh .. Yung tito ko pati pinsan ko na lalaki .. Pero ni isa sa kanila hindi nakasuot ng puting damit .. Laki talaga pasasalamat ko nun .. Kasi kung di dahil sa humawak sa kamay ko baka di nyo na nababasa kwento ko .. :DDDDD kung sino man sya .. Salamat sa kaniya .. THANKS GOD ..


===

2011 NEW HEAVEN??

Kakaiba naman 'tong panaginip ko na 'to .. May bago na daw langit at nakapunta ako dun ..

Una parang nasa karagatan pa kami .. May kasama ako nun eh .. Ewan kung sino .. Sa mga naka-basa ng Witchcraft and Wizardry .. Alam nyo yung Nubus Illa? Yung isla sa langit? Sa panaginip na 'to ko binase yung Nubus Illa .. :DDDD


Basta umakyat daw kami dun ng kasama ko .. Pero bago kami naka-akyat dumaan muna kami sa parang gitna ng tubig na parang may yelo yelo pa .. Hanggang sa nakarating kami sa taas .. Dun daw parang may isang malaking bahay tapos wala kang makikita sa paligid kundi mga halaman, puno, bulaklak .. Ang green green ng paligid .. Two words to describe it .. "SOBRANG GANDA!" May ilog sa harapan .. Tapos may kakaibang mga hayop na sa panaginip ko lang nakita .. :DDD May kalabas na parang baka yung itusa tapos ang laki laki nya .. Nakasakay pa dun yung isa kong pinsa ..


Tapos may isang lalaking dumating sabi nya "WELCOME SA BAGONG LANGIT" ..



===

2011 AFTERNOON NIGHTMARE

Nung umuwi kasi ako sa probinsya .. Sinama ako ng pinsan ko sa simbahan nila .. Christian Church sya .. Catholic naman ako .. Kaso isang beses wala akong kaalam alam na maco-convert pala ko into Christian .. Na-convert ako .. Two days after ng bible study sa bahay namin .. Nag-kasakit ako, sabi ko sayo .. First time kong ma-hallucinate dahil sa sakit ko ..


First time ko rin maramdaman yung ganung klase ng sakit .. Yung tipong ewan di ko maintindihan! Sobrang sama ng pakiramdam ko, kaya kinahapunan natulog ako dun ulit sa kwarto kung saan ako binangungot .. Ar binangungot ulit ako .. Mga bangungot ko sa kwarto na yun parang makatotohanan talaga eh!


Kasi sa panaginip ko na 'to rinig na rinig ko yung iyakan at sigawan ng mga tao .. Kitang kita ko yung action na para bang nandun mismo ako sa lugar na yun pero ang totoo nasa kwarto lang ako ..


At ito yung panaginip ko nung marinig ko yung tungkol sa "CHIP NA INAPRUBAHAN NI OBAMA" ..
Sa panaginip ko na 'to lahat daw ng tao robot na .. Alam mo yung Terminator na palabas? Ganun nung tema ng panaginip ko .. Hilong hilo ako tsaka sukang suka kasi nag-papatayan yung mga tao .. Lahat sila mga robot na pero may ilan paring tao pa naman .. Pero sila daw yung pinapatay ng mga robot na tao .. Tapos yung itsura ng paligid madilim na .. Sira sira yung mga buildings .. Usok dito, usok dun .. Maririnig mo yung iyakan ng mga natitirang tao pa yung katawan ..


Pero kahit na half-awake na ko nun kitang kita tsaka rinig na rinig ko parin yung mga nang-yayari .. Parang may malaking monitor na harapan ko na may pinapalabas na ganung eksena .. Nasusuka ako na hindi ko maintindihan .. Buti na lang nagising na ko nun ..


===

2011 END OF THE WORLD

The following day may continuation yung panaginip ko .. Ang nakakatakot .. End of the World na daw .. Sumabog yung mundo pero yung mga totoong tao na lang daw yung natira ...






***

Simula nung nag-simba ako sa church ng pinsan ko .. Madalas ako managinip ng mga religious dreams .. Madalas tungkol sa katapusan ng mundo .. May tsunami daw sa MOA .. Earth quake .. Pero laging tsunami yung napapanaginipan ko .. Everytime na nakakapanaginip ako ng mga ganun lagi ko nakikita sarili ko na nag-dadasal tapos pag ginagawa ko yun nakakaligtas naman ako ..


Ewan ko kung panaginip lang yang mga yan or may meaning .. Pero kasi simula nung mahinto na ko sa pag-sisimba dun sa church na yun wala na kong napapanaginipang religious dreams .. Para sakin nakaka-kaba yun .. Hindi dahil wala na kong nakikitang mga signs or whatever ..


Kundi dahil kasi kaya hindi na ko nakakapanaginip ng mga ganu kasi nalalayo nanaman ako kay GOD .. Nakaka-alarma lang ba.. Tsaka wala na rin yung strong feelings na ramdam mo talagang nandyan sya .. Nung nag-sisimba kasi ako sa church na yun ramdam na ramdam ko si GOD eh .. Ewan ko lang kung naramdaman nyo na yun hu .?


Pero alam mo yung strong feelings na may kasama ka .. sa safe ka .. na basta! Yung strong feelings na secured ka .. Dati ramdam ko yun .. pero ngayon wala na eh .. Dahil dun sa church na yun tumibay yung faith ko kay GOD .. Dahil sa mga salita na naririnig ko sa bible .. Basta mga atey!!


Kakaiba talagang feelings pag ramdam mong andyan lang si GOD sa tabi mo!! Hirap kasi i-explain!! Di ko rin pwede i-example yung security na nararamdaman mo sa Parents mo or boyfriend/girlfriend mo kasi masasabi ko na much more better yung feelings na naramdaman ko noon eh!!


Kaya lang di ko na sya maramdaman ngayon kasi lumalayo na ko sa kaniya .. [Naiiyak ako ..] Naiiyak lang ako .. Sabihin nyo na na O.A ako or whatever pero kasi ito yung mararamdaman mo kapag na-feel mo sya .. To be honest hindi ganun kalakas faith ko noon .. Oo naniniwala ako pero di ganun kalakas faith ko .. Tinatawanan ko pa yung mga tao kapag nag-kukwento sila tungkol kay GOD .. Pero di ko alam dadating pala sa point na ako naman ang mag-ku-kwento ..


At ikaw na tumatawa sakin ngayon .. Tawa ka lang boy .. Dadating din yung time ikaw naman magku-kwento dito .. LOL .. ^________^ Makinig ka lang ng mga testimony tsaka mga pangaral tungkol kay GOD sa Youtube .. :DDD


Anyways .. Masyado na mahaba 'tong post ko .. Gusto ko lang sabihin .. Totoo ma o hindi yung pag-gunaw ng mundo .. Wala tayong ibang pwedeng kapitan kundi sya lang .. Si GOD lang .. Believe me or not .. PAKINGGAN MO LANG SYA MAG-PAPARAMDAM SYA SAYO, O BAKA MAG-PAKITA PA SYA SYO ..








itsDanEbay





1 comment:

  1. Parang nangilabot po ako sa panaginip mo. Ilang beses narin po ako dating nanaginip ng mga ganayan tapos sasabihin ko sa mama ko. Para na pong konektado yung panaginip mo sa pinost ko kahapon eh. ^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^