Wednesday, March 27, 2013

Right Mistake [One Shot Story]


RIGHT MISTAKE


Have you ever done a mistake in your life??
Did you ever regret doing it??
But what if the mistake you have done does the right thing in your life??



[A/N]: 



nakarinig na ba kayo ng tama na mali ?? yung tamang pagkakamali, nagkamali ka pero tama lang na nagkamali ka ?? medyo magulo nu? mali nga tapos tama ?? teka ang hirap kasi iexplain e, baka magkamali kayo ng intindi, ganito na lang para tama ang lahat, basahin nyo na lang tong story ko.. itong story kong ito ay para dapat sa nalalapit na kaarawan ni AKIRARA :)) kaso nagkaproblema, ngayon ko lang natapos, kaya sorry po…magugustuhan nyo to, kung di ao nagkakamali.. tama ba ??



"Hoy elle .. whats your problem ?" that's Danica, andito kami ngayon sa canteen ng school namin.

"Nothing .."   

"Nothing ka dyan? para namang di kita kilala.. bestfriend mo kaya ako," yeah right, she's my bestfriend since birth .. OA ba masyado pero bestfriend ko talaga siya since birth kasi naman bestfriend yung mga parents namin, and one more thing sabay kami pinanganak sa iisang hospital.. galing nu ?? 

"Si Mark kasi e.." 

"Si Mark ? yung hayop mong EX ?????! oh anung meron sa kanya?? buhay pa ba yun ??"   

"Over ka naman, ou, buhay pa nagtext pa nga sakin kagabi ee."   laki ng galit nya nu ?? super niloko kasi ako nun badtrip ee . 

"tinext ka ?? anung sabi ?? mamatay na ba daw siya ??" 

"hindi pa ee.. mukhang malabo pa .." 

"edi patayin na natin,, e anu bang sabi ??" 

"sabi nya , hi do you miss me hon ?? still inlove with me ??? by the way i'll be there at your school next week.. see you " ang kapal di ba ?? ang yabang, ewan ko ba kung bakit nagkagusto pa ko dun.

"ang kapal din talaga nun no ?? kainis . wag siyang papakita sa akin.." 

nga pala, im Janelle Dizon. Elle na lang for short .
at yung pinaguusapan namin kanina .. si Mark .
my ex boyfriend. my first love pero niloko at pinaglaruan lang ako .
4th year highschool nang maging kami.. 
at before ng anniversary namin. 
nalaman kong niloloko nya lang pala ako, may iba siyang girlfriend bukod sa akin.. 
at ngayon eto na naman siya ginugulo ang buhay ko ..
aaminin ko, hanggang ngayon may puwang padin siya sa puso ko, pero tama na .. sobrang nasaktan na ako nun. 




at kahit anung pilit ang gawin ko para mapigilan ang pagdating ng araw na to .. wala ee.. 
dumating pa din .. 
nasa may school canteen na ako nung may mapansin akong pamilyar na tao .. 
at ... at si mark yun ! alam ko siya yun kaya tumakbo agad ako palayo at dun naman ako sa gym pinadpad ng mga paa ko ..



<ringggg> 



si danica natawag .. 



Danica: hello Elle ?

Elle: Danica.. nakita ko na siya, nakita ko na si Mark anung gagawin ko ?? 

Danica: may solusyon na ako dyan. 

Elle: ha ? anu ? 

Danica: asan ka ba ngayon ? 

Elle: andito sa may gym. 

Danica: tama. may pinsan ako jan na maglalaro ng basketball yung kalaban ng school natin. sinabihan ko
na siya na magpanggap muna na boyfriend mo. 

Elle: anu ??!!

Danica: anu ka ba mas okay yun para tigilan ka na ni Mark. 

Elle: Ayts! sige na nga anu bang pangalan ng pinsan mo ? 

Danica: John Santos. basta makikita mo naman sa jersey na suot nya yung apelyido nya ee. 

Elle: ayt. sige sige.. 



"Elle!!" may narinig akong sumigaw, paglingon ko si ... 
Si MARK !! at papalapit na siya .. 
my gosh anung gagawin ko !! teka yung pinsan ni Danica.. asan na ba yun . 
papasok na sana ako ng gym ng may nabangga ako .. 



(boogsh) 



"Sorry, ayos ka lang ba miss?"  paumanhin nya



"ou, sorry din.."  



papalapit na ng papalapit sakin si mark.. tapos napansin ko pagtalikod nung lalaking nakabunggo sakin. napansin ko yung surname nya sa jersey nya .. 
SANTOS.. 



teka ito na ba yung pinsan ni Danica ?? 
shocks wala nang time eto na si Mark ! 



hinila ko agad yung lalaking nakabangga sakin tapos humawak agad ako sa braso nya.. 
halatang nashock yung lalaki pero wala na talaga akong choice saka isa pa siguro naman nagets na nya na ako yung bestfriend ng pinsan nya. 



"Is he your boyfriend?"  tanung ni Mark. 



" yeah, he's my boyfriend, my loving FAITHFUL boyfriend. so pwede tigilan mo na ako, cause I already moved on.. " 



" really ? if I know, panakip butas mo lang yang lalaki mong yan . tss .. by the way im Mark, Elle's firstlove, first boyfriend"  tapos inabot nya yung kamay nya dun sa pinsan ni Danica. 



" Correction, you're his EX boyfriend.. Im Edwin Santos, her boyfriend.."  sagot nung pinsan ni Danica.. medyo nakahinga ako ng maluwag, mukhang na train na to ni Danica kung anung gagawin at sasabihin. .. pero teka.. tama ba ako ng rinig ?? Edwin? pero diba John yung sinabi ni Danica??? .. hmmm.. bahala na nga .. 



" okay,  I really have to go, pero Elle, im telling you, di mo na kailangan ng panakip butas, im here. you can go back to me, hon.."  paalam nya.. 



" dont worry Mark, hindi ko naman talaga kailangan ng panakip butas at wala ako nun, ang meron lang ako, boyfriend na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko din, dont think na babalik pa ako sayo, kasi hindi ko ipagpapalit yung taong mahal ako sa taong niloko lang ako.. tara na babe? pasok na tayo sa gym, may game ka pa diba ?"  tapos pumasok na kami sa loob ng gym. Bumitaw agad ako sa pagkakahawak ko sa braso nya.




"hayyy.. salamat nga pala sa pagpapanggap ah.. buti na lang kinausap ka ni Danica, kasi kung hindi, hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko ee.."  nakahinga na din ako ng maluwag kasi nga okay na yung lahat. 



"Danica?? sinung Danica?"  



"yung pinsan mo .. diba ikaw yung pinsan nyang si John Santos?? yung kinausap nyang magpanggap na boyfriend ko" 



"Im Edwin Santos, not John Santos at wala akong pinsan na Danica, actually nagulat nga ako nung bigla mo akong hinila at sinabing boyfriend mo ako.. but still okay lang, it’s my pleasure to have a  girlfriend who is beautiful like you"  tapos nagsmile siya .... 



"What ?? hindi ikaw yung pinsan ni Danica???"  OMG ! nakakahiya ako ! anu ba yan ibang tao pala yung nahila ko .. my gosh ! 

" Hindi, but it’s okay dont worry, nga pala can I borrow your phone ??"  tapos inabot ko naman yung phone ko .. tapos may dinial siya tapos binalik din naman nya agad.

“Honestly, im happy knowing you ..” tapos umalis na din siya agad..

Ako? Naiwan akong tulala.. anung kahihiyan ba tong pinasok ko.. bakit kasi santos yung surname nya??

“Excuse me?? Are you Janelle??” tanung nung guy na kumalabit sakin mula sa likuran ko ..

“yes, and who are you ??”

“Im John Santos, Danica’s cousin, he ask me to pretend as your boyfriend..” syete naman eto pala talaga siya …

“you’re too late, okay na ang lahat.. thaks you na rin…” tapos lumakad na ako papalayo..

actually hindi okay, kasi may panibagong gulo naman nakong hinarap..

kinwento ko yun kay Danica, at pati sya shock sa mga nangyari.. hay buhay…


09350000000 calling …

Oh sinu naman kaya to ??


Hello ? who’s this?

Hi babe ..

BABE?? Sorry but I think you’re wrong number..

Its Edwin remember ??

E-Edwin?? Edwin Santos??

Yep, hmm. May gagawin ka ba ngayon? If wala pwede ba tayong magkita ?? text ko na lang sayo kung saan .. bye ..

Teka teka--

-- Call ended --


 Anu ba yan, di pa nga ako um-oo ee.. pero bat ganto parang kinakabahan ako..


--

“Babe !” tawag nya sa akin. Lumapit ako sa kanya umupo sa may chair katapat nya.

“stop calling me babe”

“oh bakit akala ko ba boyfriend mo ako ?”

“kahapon yun kasi .. kasi kelangan ko ngayon hindi na.”

“well I think mukhang kailangan mo pa..”

“huh? What do you mean..?” tapos tumingin siya sa likuran ko ..

Shemay naman oh, bakit ba ang liit na naman ng mundo ..
“oh, Elle .. kamusta ? nagbago na ba ang isip mo?” andito din pala tong manloloko kong ex, and what’s worst .. may kasama siyang girl ..

“im sorry Mark pero kahit kalian si magbabago ang isip ko”

“hmm tutal you and your rebound boyfriend we’re having also a date.. would you mind if we join you? Double date kumbaga ?” double date ?? sira ba siya ?

“correction im not her reabound boyfriend, but sure, may alam akong place kung saan mas magandang magdate..” aba pumayag pa siya ..

“sure san ba yan pare??”


--

Theme park.. tss pambata naman to ..
Andito kami sa may parang basketballan ..

“babe, gusto mo ba nung stuff toy na yun?”

“yeah, I really like it babe ..” ewan ko ba dapat pala nag artista na lang ako .. hahaha

Tapos narinig kong nagsalita si mark, “hon, ikaw gusto mo ba din yun?”

HON??? Hon yung dating tawagan naming tas yun tatawag nya dun sa  babae nya ?

“yes hon, I really like it .”

“oh pare panu ba yan ? paramihan na lang ng shoot, may the best man win.. “
“for sure naman ako makakakuha nun, ako na mauna” yabang talaga nitong Mark na to ..


Nagsimula na nga yung game at ang taas ng points na nakuha ni Mark infairness.. 193 points ..



“oh pare goodluck na lang sayo kung matatalo mo yan.”

pero bago magsimula ng game si babe, este si Edwin lumapit muna siya sa akin…

“babe, wala bang goodluck kiss mula sa licky charm ko??” what ??? goodluck kiss ??

I gave him a what-do-you-think-your-doing look..

Then he smile and gave me a  just-do-it look .. tapos tiniro nya yung pisngi nya ,,

Nakita ko nakatingin samin si Mark so gave him a sweet kiss on his cheek as he requested.

“yun oh, mukhang mananalo na ako nito” then he start playing the game..

Bago matapos yung time naka 214 points sya. At sabi nung guy na nagbabantay dun sa game, siya daw yung may pinaka mataas ng score mula pa kanina kaya yun as prize binigay nya sa ain yung malaking stuff toy na kulay pink..

“thank you babe..” sabi ko kay Edwin then nakita ko kung ganu ka disappointed si Mark at yung so called ‘hon’ nya hahah ..

Then and dami naming nilarong game sa theme park pero as usual lagging nananalo si Edwin, kaya ayun pikon na pikon naman si Mark .

Then we decided to take a rest on the bench near us, while ating some ice cream ..

“wait, babe.. mag cr lang ako, naiihi na ako ee,.” Tapos tumakbo na ko papuntang cr..

Paglabas ko ..

I saw Mark waiting for me. Dinaanan ko lang siya na parang di ko siya nakita pero hinila nya yung kamay ko sinandal sa pader ..

“anu ba Mark?? Ano bang problema mo ??”

“ikaw.. tigilan mo na nga yan. Alam ko naman na hindi mo talaga mahal yan Edwin na yan ee. Alam kong ako pa rin ang mahal mo . kaya wag mo na akong pahirapan ..”

“pwede ba ikaw ang tumigil dahil hindi na kita mahal at alam mo kung anu na lang nararamdaman ko para sayo ?? Galit, inis at awa ..” tapos tinulak ko siya palayo at lumakad na ako.. totoo naman yung sinabi ko.. ewan ko pero parang biglang nawala yung nararamdaman ko para sa kanya . hindi ko alam kung bakit .

Then hinila na naman nya ako..

“sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo..” tapos pilit nya akong kinakaladkad palabas ng theme park.

“anu ba Mark! Ganyan ka na ba kadesperado. Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako  !!!” umiiyak na ako nun, kasi naman ang sakit sakit kaya ng pagkakahawak nya sa akin, isa pa natatakot na ako sa kanya ..
Tapos biglang may humila sa akin mula sa kanya..

“bitawan mo siya, nasasaktan na siya pare” si Edwin,,

“pwede ba.. wag kag makialam dito..”

Tapos biglang tinulak ni Edwin si Mark kaya nabitawan ako nito at ako, andun lang ako sa likod ni Edwin,. Natatakot ako ee..

Biglang tumayo si Mark at susuntukin nya si Edwin pero nakaiwas naman ito agad at sinuntok nya agad si Mark. Bumagsak si Mark maya maya may dumating na guard..

“manong pakilabas na nga po ng theme park yang desperadong lalaki na yan . at wag nyo na po siyang papasukin dito..” utos ni Edwin tapos hinila nya ako papunta sa Ferris Wheel .

“sir kayo po pala.. sige po sakay na po kayo” sabi nung nagbabantay sa ferris wheel kaya ayun kahit may mga nakapila nakasakay agad kami.. tapos bigla nyang inabot sa akin yung panyo nya .

“tumahan ka na.. ligtas ka na dito” ewan ko pero pagkasabi nya nun, automatic na tumigil na ako sa pagiyak.. siguro kasi pakiramdam ko safe na ako,. Safe ako pag andyan siya .

“salamat ah..” sagot ko

“ako dapat ang magpasalamat ,.”

“huh? Bakit ?”

“salamat kasi ako yung nahila mo nung time na kailangan mo nang magpepretend na boyfriend mo. Honestly. Matagal na akong may gusto sayo. Una palang kitang nakita nun sa school, nagustuhan na kita . kaso hindi ko naman magawang lumapit sayo dahil nahihiya ako sayo.. natotorpe ako pag sinusubukan kong lumapit sayo, isa pa alam ko naman na hindi mo ako mapapansin. Pero kahapon nung sinabi mo na boyfriend mo ako, sobrang masaya ako kasi saw akas nagkaroon din ako ng chance na mapalapit sayo .. I should be the one to thank you, thank you for having a mistake .. a right mistake .. Elle, I like you .. I love you ..”

Ako ? tulala. Super nashock ako sa mga sinabi nya .. pero ewan ko nakaramdam ako ng saya dahil nalaman ko a gusto nya ako.. ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko ..

Tapos may kinuha siya sa bulsa nya, yung phone nya tapos narinig ko may kinausap siya ..”okay na”

“Elle, tumingin ka sa labas ..” then I was so shock and amazed ..

Kasi may fireworks tapos nakasulat ..

“Elle, can I court you? “

Tumingin ako sa kanya ..

“yes, you can court me, and im happy to know that you like me, that you love me ..”

Then I hug him .. ewan ko pero para akong lumulutang nung sandaling yun.. I was so amazed, shock but most of all happy ..

Minsan pala hindi masamang magkamali, kasi minsan yung pagkakamaling nagawa mo yun ang nagtutulak sayo sa tamang tao.. im happy knowing Edwin , my savior, my comfort zone and my right mistake ..



[N/A]: gagawan ko pa po yan ng part two.. pero sa ngayon. Yan na lang muna J
Thanks for reading 
pasensya na nga pala sa mga typos :)



-- ixsha 















No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^