Thursday, March 21, 2013

Operation L.O.V.E. - Chapter 4

Chapter 4:
He Likes Tall And Sexy Girls


"Wag ka mag sunbathing ah! ayoko na umitim ka!"

"Whatever."

"Kung umitim ka, itatakwil kita! babayoo!" =____=...really?! kung iitim ako, itatakwil niya ako!? anung klaseng ina siya!? hayyy! siya lang ata ang ina sa mundo na ganun eh.

"Tss! sana maflat ang tire ng bus niyo o di kaya sana makidnap kayong lahat." Walang iba pang tao sa mundo na kakausapin ako ng ganyan except sa kapatid ko na si Jemie. Siya lang ang kilala ko na parang weather na hindi napepredict ng mabuti ng mga nagweweather forecast. 

"Bitter! sabihin mo na kasi saakin na naiinggit ka."

"Hindi ako inggit sa'yo, loser." at pumasok na siya sa kwarto niya. I smirked. Because of course, obvious na obvious na nga na naiinggit siya eh! mwahahahaha! mainggit siya!

Umalis na ako sa bahay at naglakad papunta sa school. Buti, walking distance ang bahay namin papunta sa school. Eh kasi, kapag malayo eh kelangan ko pang magjeep. Ayoko ko pa naman magjeep, kakatamad maghintay!

"Dwayne!" laking gulat ko nang makita ko si Abigail na tumatakbo papunta saakin. Bakit parati kaming nagkikita papuntang school? stalker ko ba siya? hinihintay ba niya ako na umalis na sa bahay?

Wow, Dwayne. Mag-assume ka jan. May gusto na siya no! baka coincidence lang na nagkikita kami. 

"Good morning."

"Morning. Bakit parati tayong magkasabay papunta sa school?" tanong ko sakanya at sabay na kaming naglakad papunta sa school.

"Magkapareho kasi ang route natin papunta sa school." sagot niya. "Aaahhh..."

"Bakit?" tanong niya saakin. "Wala...wala, ngayon ko lang kasi napapansin na parati na tayong magkasabay papuntang school." sagot ko sakanya. Ngumiti nalang siya.

School...

"Good morning pare!" sabay tinapik ako ni Aldrich sa balikat ko. "Wow, dami mo namang dala ah." I said while looking at his bagS. Ang dami niya kasing dala dala na mga bag. Baka magcacamping siya.

"Aaah! plano ko kasing magbonfire, kaya may dala dala akong mga marshmallows at mga...alam mo naman, pang bonfire."

"Aaaah..."

"Uy, eto number mo oh." at iniabot nya saakin ang isang papel na may nakasulat na number. Tiningnan ko kung anung number...number 5.

"Ano 'to?" tanong ko sakanya. "Bus no. mo." sagot niya. "Kakainggit ka, kabusmate mo si Jessica." dagdag niya.

"Ede, magpalit tayo ng number."

"Uy! hindi pwede! baka magalit pa si Ma'am Krissy! Alam mo naman na genius siya, memorize niya lahat ng mga numbers natin. Siya pa naman nag nagdistribute ng mga numbers."

"Ay, oo nga no. Too bad! haha! mainggit ka!"

"Pakyu pre!" at sinuntok niya ako sa balikat ko. "Aray! sakit nun!" 

"It's a revenge. O sya, sya, sya! nandito na yung bus naming mga number 3, mauna na ako!" at tumakbo na siya papunta sa kakarating lang na bus.

Naglakad nalang ako papunta sa mga teacher para tanungin kung nasaan ang mga kabusmate ko, habang naglalakad ako ay bigla nalang may tumapik sa braso ko. Tiningnan ko kung sino at laking gulat ko ng makita kung sino.



"Hello!" at kumaway siya saakin, then I waved back at her. Siya si Suzy Sarlos, the most popular girl in our school. Siya yung pinakamatalino, pinakamaganda, at pinakamabait dito. Siya ang dream girl ng lahat ng mga kalalakihan dito except saakin.

Siyempre, dahil sa gwapo ako *ehem* *ehem* ay nagkagusto siya saakin, paano ko nalaman? it's because I have connections! Siyempre, nakiride lang ako sakanya!

"Anung bus no. mo?" Tanong niya. "No. 5" sagot ko sakanya at bigla nalang nag-twinkle ang mga mata niya. "Oh my gosh! we're busmates."

"Oh! good!"

"Hihi, pwede tumabi sa'yo?"


"Okay."


"Hihi! o sige, uhm, nandyan na pala ang bus. Let's go na!" at hinatak niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa bus. Umupo na kaming dalawa sa seat namin at masaya siyang nakipag-usap saakin. 

Habang nag-uusap kaming dalawa ay laking gulat ko nalang na bumungad sa harapan namin si Abigail. Shock was written all over her face too. "Oh, Abigail! Hi Abbie!" pagbati sakanya ni Suzy at kinawayan niya si Abigail. "As you can see, Abbie is my friend." sabi saakin ni Suzy.

"Oh? may kaibigan ka pala Abigail."

"Hi...hi..." at hindi siya pinatapos magsalita ni Suzy."We always hang out together!"

"Okay..." nilagay ni Abigail ang bag niya sa taas at umupo na siya. Lumarga na ang bus at lahat ay masayang nag-uusapan kung anung mga gagawin nila sa field trip. Siyempre, ganun rin kami ni Suzy. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga gagawin niya sa field trip.

Habang nagkukwentuhan kami ni Suzy ay hindi ko maiwasang tingnan si Abigail na nakikinig sa music habang nagbabasa ng Manga. Hindi ko maiwasang matawa sa papalit palit niyang mga expression. Ngingiti siya tas bigla nalang siyang bubusangot. Nakakatawa lang, para siyang tanga.

I chuckled at nabigla si Suzy. "Meron ba akong sinabi na nakakatawa?" pagtanong niya. "Wala, wala. Matulog muna tayo, mga 4 hours pa bago tayo makarating sa resort."

"Okay!" I put on my headphones and looked outside the window. Para na akong nasa isang music video. Lubus lubusin ko na 'to. Paminsan minsan lang ako magpakafeeler.

Habang pinagmamasdan ko ang nasa labas ay bigla nalang may na-ano sa balikat ko kaya agad ako napatingin sa balikat. Oh? ginawang unan ni Suzy ang balikat ko. I don't know but there is a dark aura here. Tiningnan ko ang paligid at nagulat ako kay Abigail. Nakatingin siya saamin at ang mga tingin niya parang papatayin niya na kami ni Suzy eh.

Inirapan niya nalang kami at nagpatuloy siya sa pagbabasa ng kanyang Manga at ibinalik ko naman ang tingin ko sa labas ng bintana.

After 4 hours...

Sa wakas! nakarating na kami sa resort. 


Lahat kami napaWOW sa ganda ng resort. Ang puti ng buhangin tas ang dagat, woah! so breathtaking! Dahil sa sobrang excited maligo ang iba ay agad silang naglaro ng water fight sa dagat kaya pinagalitan sila. Pumasok na kami sa cottage namin. Each cottage ay may 10 students, malaki naman ang cottage kaya okay lang. At saka, separated ang mga babae at lalake baka may mangyari daw na kababalaghan.

Cottage...

"Oh pare! magkaroom mate pala tayo!!!" at nag-high five kami ni Aldrich. "Yeah! at saka buti, lahat ng mga karoom mate natin ay lahat natin kateam mate sa basketball team."

"Oo nga, awkward kaya kapag karoom mate ay hindi mo kakilala."

"Tama ka." at nilagay ko ang bag ko sa kama ko. "Pare, mag-swimming na tayo! excited na akong maligo!" tinawanan ko nalang siya. Halata kasing excited siya eh, suot suot na niya swimwear niya. Sinuot ko na rin ang swimwear ko at pumunta na kami sa beach.

Siyempre, lahat ay napapatingin saakin kasi may ang gwapo ko at ang hot ko. I'm not bragging about my body. I'm just stating a fact.

(Sorry, hindi ako nagsearch ng picture ni Kim Hyun Joong na nakikita ang abs niya. Ayoko talaga makakita ng isang half-naked na tao. Feeling ko kasi nakahubad talaga sila!!! >.<)

Lahat ay naglalaway. Lahat ay na-aattract. Lahat ay naiingit. Siyempre, dahil gwapo ko. Kung sino ang aangal ay may sira ata sa mata.

"Dwayne!!!" napatingin kaming dalawa ni Aldrich sa tumawag saakin. It was Suzy. "Oh, Suzy." at tumakbo siya papunta saamin. "Wow, you really are a heartthrob." pagcompliment saakin ni Suzy. Nginitian ko nalang siya.

"And, you look...." at tiningnan ko siya. "Pretty?"

"Thank you! hihihi! mag-swimming na tayo!" at hinatak niya ang kamay ko. Mahilig talaga siya manghatak ng kamay nga tao. Napatigil kaming maglakad ng biglang may nag-woah. "Woah!!!" lahat ng mga kalalakihan ay nagulat sakanilang nakita. It was Abigail and her friend. They're not wearing a bikini but, their impact is...uhm, what's that word? oh yeah, sexy!!!

"Wow, may tinatago palang kaseksihan yang si desperada girl." 

"Yeah." Yeah, I admit it she's gorgeous, tall and...uhm, sexy. Marami atang magkakandarapa sakanya. I don't know why, but I can't stand it. Gusto ko na walang makakapansin sakanya. Gusto ko na ako lang ang makakapansin sakanya. 

Automatic na gumalaw ang mga paa ko at kinuha jacket na dala dala ni Aldrich at naglakad papunta sakanila.




Author's POV...

Naglakad na nakatungo si Abigail kasama ang kanyang kaibigan. Hindi siya sanay na maraming nakatingin sakanya. Sanay siya na walang nakakapansin sakanya. "Uhm, bu...bumalik muna tayo sa cottage natin. Magpapalit ako ng damit."

"Ano ka ba?! marami kayang magkakagusto sa'yo kapag yan ang suot suot mo."

"Pe..pero, hi...hindi ako sanay na lahat ng mga mata ay nakatingin saakin."

"Ede masanay ka."

"Hmf! pupunta pa rin ako." naglakad pabalik si Abigail pero bigla nalang may humawak sa kamay niya kaya napatigil siyang maglakad. Laking gulat niya nang makita niya si Dwayne na walang suot suot na T-shirt or undershirt man lang. Tumibok nang malakas ang puso niya at agad siyang namula kaya tinakpan niya ang mga mata niya. "Hmm? Abigail?"

Nagtaka si Dwayne kung bakit tinakpan ni Abigail ang mga mata niya. Napangiti nalang siya dahil naisip niya na baka nakakasilaw ang kagwapuhan niya. "D...Dwayne, a...anung kelangan mo?" tanong ni Abigail na hanggang ngayon ay nakatakip parin ang mga mata niya. "Gusto ko lang sana na pasuotin ka nito." sagot ni Dwayne.

Nagulat si Abigail nang inilagay ni Dwayne ang jacket sa balikat niya. "Bumalik ka sa cottage at sumuot nalang ng T-shirt at pants." 

"H...Huh?" nagtaka si Abigail kung bakit siya pinapabalik sa cottage. Baka, dahil sa hindi niya nagustuhan ang suot niya. 

"Tingnan mo oh! ang daming nakatingin sa'yo at ang mga tingin nila parang irarape ka nila eh!" napangiti si Abigail sa sinabi ni Dwayne. Concern si Dwayne!!!

"O..okay!!!" at tumakbo pabalik si Abigail sa cottage.

Dwayne's POV...

Haaaaay, hindi ko na alam ang sarili ko. Bakit bigla nalang akong naging conservative kay Abigail? Bakit ayoko na may nakatingin sakanya? Bakit gusto ko lang na AKO LANG ang nakatingin sakanya? weird! magswimming nalang kaya ako!

Bumalik na ako kina Aldrich at nagsimula na kaming mag-swimming.

After a while...

Gabi na ngayon. Yung iba nagsuswimming parin. Yung iba naman ay nagpipicture picture. Yung iba naman ay nagbonfire. Siyempre, ako naman ay naglalakad lakad.

"Dwayne!" pagtawag saakin ni Aldrich. Naglakad ako papunta sakanya na kasalukuyang nasa bonfire siya.

"Sinira mo moment ko, anung kelangan mo?"

"Kakanta si desperada girl." at tinaasan ko siya ng kilay. "So?"

"La lang, baka gusto mong marinig and I know you want to hear it." at binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti. "Whatever!"


video

(Listen to the song!!! all credits to Alexandra Gozum. I like her voice kasi eh! pakinggan niyo siya sa soundcloud!)

Nagsimula nang kumanta si Abigail. Lahat kami nagulat nang kumanta na siya. Ang ganda kasi ng boses niya eh! hindi halata kasi sa itsura niya na magaling siyang kumanta.

Nakapikit lang siya habang kumakanta siya. She's nervous. Nanginginig kasi ang mga kamay niya eh. Nagclap si Aldrich. Tugmang tugma sa kanta ang pagclap niya kaya nakisali narin sakanya ang iba.

Sa di kalaunan ay nakisali na rin ako. Enjoy na enjoy kaming lahat sa pagkanta niya. After she sang, lahat kami pumalakpak.

"Ganda pala ng boses mo!"

"Kumanta ka palagi!"

"Oo nga!"

"Hey, hey, hey! may nahanap ako na kweba dito!" sabi ng kabatch namin habang tumatakbo siya papunta saamin.

"Cave? tara punta tayo!!!"

"Oo nga!!!" 

k....kweba???? noooo.....waaaay! I don't like caves!!! especially the pests inside it!!

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^