*ONE*
“Sinabi ko na sayo yat, iwanan mo na kasi
yan si Nelvin. Di ka ba naaawa sa sarili mo?” malakas na sabi ni
Kimberly kay Ladee.
Nandito na naman sa condo ko ‘tong dalawa kong
officemates na nagbabangayan tungkol sa mga lovelife nila. “Yat” – endearment
nila yan, short for “payat”. Nakaka-insecure nga minsan kasi ang sesexy nila
pareho. Hmm. Sexy din kaya ako. xD
”Ayoko. Di ko kaya yat. Mamamatay ako,”
mangiyak-ngiyak namang sabi ni Ladee.
“Hay naku Lade. Wag ka ngang martyr dyan.
Niloloko ka na nga eh. Nambababae na ayaw mo parin pakawalan?” sabat
ko.
“Palibhasa kasi wala ka pang boyfriend
kaya di mo feel itong feelings ko. Nakakainis kayong dalawa ah! Imbis na
magbigay ng advice, parang dahan-dahan nyo pa akong pinapatay sa sobrang
sakit!”
“Excuse me. Alam ko kaya yang feelings
mong yan. Na-brokenhearted din kaya ako!” bulyaw ko sa kanya.
“Kanino? Dun kay Aliff?” At
nagsabay pa sila sa pagkasabi nun ah!
Hindi ako kumibo.
“Eh hindi nga naging kayo eh. Di ba?”
Ngumiti ng palihim si Kimberly.
“Ano ba kayo. Wag nyo nga ipaalala! Ang
tagal na kaya nun.” Tinalikuran ko sila at nagpunta sa kitchen para
mag-prepare ng meryenda namin.
“Ayusin nyo muna yang problema nyo
dyan tungkol kay Nelvin. Naku! Pag nakita ko talaga yun, susuntukin ko yun sa
mukha! Manlolokong tao. Di marunong magpahalaga!” Dagdag ko, para
change topic. Naikwento ko kasi sa kanila yung experience ko dati nung nasa
Singapore ako saka alam din nilang wagas yung pagkainlababo ko noon kay Aliff.
Teka, did I say “noon”? Parang hanggang ngayon pa din eh.
Umiyak ng tuluyan si Ladee habang sinusubukan
naman syang i-comfort ni Kimberly sa pamamagitan ng paghimas sa likod.
“Tama na nga yan. Nakakahiya na kay
Barbz. Nandito pa naman tayo para ayusin ang Valentines Ball natin. Bakit ba
kasi tayong tatlo pa ang napiling maging organizers ng event eh,” sabi
ni Kimberly.
Hinayaan ko na sila at nagtungo na sa kitchen. As
always and forever, I prepared my favorite sandwich with strawberry jam. Gusto
ko na sanang itigil ang pagkain nito dahil lagi kong naaalala yung breakfast
moments namin ni Aliff at Ate Emgee nung nasa Singapore pa kami five years ago.
Kaso, ang sarap eh, saka favorite ko talaga.
After preparing the sandwich, nagtimpla ako ng
orange juice at nilabas yung kalahati ng caramel cake. My stomach starved kaya
marami akong kakainin. Haha!
Bumalik ako sa sala at nilapag sa glass table ang
foods at juice.
“Quiet na Ladee. Marami pa tayong
pag-uusapan ngayon. Dalawang tulog na lang Valentines Ball na natin,” sabi
ko saka umupo sa sofa.
“Oo nga yat. Tumahan ka na dyan,”
sabi ni Kimberly sabay abot sa sandwich.
“Teka…eto pa rin ba yung cake na kinain
natin kahapon Barbz?” Tumahan si Ladee at parang biglang sumigla
pagkakita sa cake.
“Yup,” maikli kong sagot.
Sumigla nga sya dahil sa cake. Favorite nya kasi.
Buti napasaya ko sya kahit papano.
“So what’s the plan now? Dinner after the
short program then dance? Final na ba yun?” tanong ko sa kanilang
dalawa.
“Wala ba tayong special guest? Kahit si
Coco Martin lang?” tanong ni Kimberly sabay pout.
“Bruha! Mahal kaya talent fee nun!”
Usal ni Ladee.
“Oh my! Special guest nga pala! Hmm.
Tatanungin ko si Ate Emgee. Baka may i-recommend sya na mas mura ang talent
fee.”
“Sige! Baka may friend syang Malaysian na
mukhang artista dun at kaya nyang dalhin dito para mag-guest sa ball natin!” excited
na sabi ni Kimberly.
After we settled everything, from programme,
invitations to catering services, tinawagan ko si Ate Emgee para magtanong na
baka may kilala syang pwede maging special guest namin sa ball. Medyo busy yun
sa pag-aalaga kay baby Maku, 3-year-old na anak nila ni Kuya Marco. Syempre
dahil nasa Malaysia na sila nakatira ngayon, nag-skype na lang kami.
Nung nakauwi na sina Kim at Ladee, nag-eemote na
naman ako. Ako lang kasi mag-isa dito sa condo ko. Sa isang publishing company
ako nagta-trabaho bilang editor ng women’s magazine at sina Ladee at Kim naman
ay mga editors din na naging bestfriends ko since I started working there. Di
naman boring yung work saka marami din namang gwapo sa kompanya. LOL! Lumalandi
ako paminsan-minsan pero wala akong boyfriend. Focus kasi ako sa work. Chos!
Actually, may laman pa kasi itong heart ko eh. Walang space para sa iba. xD
Ate Emgee told me na pupunta daw silang dalawa ni
Kuya Marco sa Valentines Ball namin. Yung CEO kasi namin ay family friend nina
Kuya Marco so close sila malamang, di ba? And accordingly, isasama raw nila
yung magiging special guest namin. Singer daw yun. Sikat sa kanila pero hindi
internationally.
Kung anong gagawin nya sa ball namin, syempre
kakanta ng love songs at mag-eentertain ng mga single ladies. Kasama ako dun
kaya na-excite naman ako. Lels lang!
Kinabukasan, nag-lunch kaming tatlo nina Kim at
Ladee sa Tokyo! Tokyo! We all love Japanese foods kaya madalas kami dun.
“Kumusta na pala kayo ni Nelvin, Lade?”
I asked to break the silence. Super lungkot ng expression sa mukha nya. Depress
na depress. Bakit kasi nag-boyfriend ng gwapo.
“We broke up.”
“WHAT?” Shocked ako.
“Aba Barbz! Bingi kana pala ngayon?”
kantyaw sakin ni Kim.
“Langya ka. Nagulat kaya ako.”
“Ang kapal ng mukha nya Barbz. Akalain
mo, sinabi pa nya sa pinsan ko na sya nakipag-break sakin! Hindi naman yun
totoo. Akala mo kung sino. Ipinagpalit ako sa bruhang salad na malanding yun.
Grr!” Napadiin ang paghawak nya ng chopsticks.
“Yeah right. Iniwan nya ang pure at mas
pinili yung ewww!” sabat naman ni Kim.
“Gusto mo Lade salvage natin?”
Tumawa ako ng palihim.
“Wag naman. Hihintayin ko pa kaya kung
ano reaksyon nya pag dalawin na sya ng karma!” Umirap si Ladee.
“Tama. Let’s watch him suffer from karma
first. Saka, wag kang paapekto. Di lang naman sya ang nagmamahal sayo eh.
Marami kang kaibigan. Nandito kami. Di ka namin pababayaan. Swear!”
Ngumiti ako.
“Aww…Ang sweet mo naman.” Hinawakan
ni Ladee ang kamay ko.
“Wag nga kayong emo dyan. Kumain na tayo
at darating ngayon si Kent ko,” Kim giggled with excitement.
“Na naman?” tanong ko.
“Syempre!” Ang tawa ni Kim
sobrang landi na talaga. LOL!
“Buti ka pa yat,” napayoko si
Ladee.
“Wag sabing emo eh!” saway ko.
“Oh my! Ayan na pala si Kent ko!”
Kim giggled again.
Pumasok si Kent sa loob at lumapit sa amin.
“Hello! Hi bham,” bati nya.
Of course nag-kiss sila ni Kim, just a smack in
the lips. Mas lalo tuloy nalungkot si Ladee. Nainggit siguro. Sa bagay, di ko
rin naman sya masisisi.
“Hoy kayong dalawa. Kung may lakad kayo
pwede bang umalis na kayo agad at may sumisikip ang dibdib dito,”
bulyaw ko.
“Sorry yat. Sige alsi na kami.”
At tuluyan na ngang naglaho sa paningin namin ni Ladee ang lovers.
“Choks lang yan, Lade.” I tried
to comfort her.
Afterwards, tumunog bigla ang celphone ko. So
shocked seeing Ate Emgee’s name in my phone screen, muntikan na akong
mabilaukan.
“Nak ng nalantang gulay naman oh!”
“Bakit Barbz?”
“Si Ate Emgee tumatawag. Wait lang Lade
ah, sasagutin ko muna.”
Then I pressed the answer button.
“Hello couz! Napatawag ka? Excited lang
sa pag-uwi?” Ngumiti ako.
(On the phone) “Asan ka ba? Bat walang
tao dito sa condo mo?”
“WHAAAT!? Do you mean – “
(On the phone) “Yeah. Nandito na kami ni
Marco at baby Maku sa condo mo ngayon! Luckily, binigay sakin ng maintenance
man yung duplicate ng susi. Nagmakaawa na kasi ako sa kanya kasi ang dami
naming dala. Tapos exhausted na masyado ang mukha ni A – ahm nitong celebrity
na kasaama namin.”
“Holy macaroni! Why didn’t you inform me
first? Ayan tuloy, di ako nakapag-prepare. I’m with Ladee now couz. Pero
pupunta na ako agad dyan.” (*wide smile*)
(On the phone) “Sige. We’ll wait for you.
Bilisan mo ah? Excited na si baby Maku na makita ka.”
“Okay.”
I ended the call then told Ladee that I have to
go kasi nasa condo ko na sina Ate Emgee. Natuwa naman sya at nagpa-extend na
lang ng regards. Ate Emgee knew her and Kim but they haven’t met in personal.
ANg gAnda,,, wUhoo,,, neXt chApter n aq,,,
ReplyDelete