Saturday, February 16, 2013

Second Chance: Chapter 1



SPAGHETTI (part 1)

okay break time .. 
first day ng school, nakaka dalawang class na ko, 
may tatlo pa mamaya after break time.. 


andito ako ngayon sa canteen namin.. 
kasama ko si Mich, bestfriend ko .


"Mich anung masarap kainin ??" 



"Malay ko sayo..kaw kakain e .. kahit ano .." yan ang bestfriend ko, diba napakasarap kausap.. 



 "alam ko na, Spaghetti !!"  favorite ko yan spaghetti .. 
parang bata nu ? e gusto ko e .. 


"Spaghetti na naman ? di ka ba nagsasawa? highschool palang yan na lagi mong kinakain hanggang ngayon ba naman ??" tama, highschoolpalang kasi favoriteko na to, e anung magagawa ko gusto ko to ? haha 


"eee.. masarap kaya .." masarap naman talaga diba ?


"bahala ka .." yun, ibig sabihin nun,go ..
kaya umorder na ko, mahirap na baka pigilan pa ako e.. 


"Ate isang order nga pong spaghetti .. ate pakidamihan po yung cheese .. thank you" 


" oh miss, eto na yung spaghetti mo oh.."  yun oh, 


"tara mich, hanap tayong table.." 


"eh may tablepa ba na available ?? parang puno na lahat e.."


"ou nga .." bat naman kasi ang daming studyante dito e..
sinakop na lahat ng pwesto sa canteen .. 


teka, ayun, nakakita na ako .. 


"Mich ! ayun oh .. tara bilis.. baka may mauna pa dun .." kaya ayun nagmadali akong pumunta dun .. 


"teka Althea.. magdahan da -- patay "


"patay nga .." kasi sa sobrang pagmamadali ko, di ko nakita na may makakasalubong pala ako .. 
kaya ayun nabangga ko, 
at mas malalala??  


natapon ko sa damit nya yung spaghetti.. oh my ... patay  talaga .. 
at .. 
at mukhang galit siya .. 


"aish !! anu ba naman yan !!" 


whaaaaaaa !! galit nga sya! anung gagawin ko ?? 


binaba ko agad sa pinakamalapit na table yung plato tapos kinuha ko yung panyoko tapos pinunasan ko yung damit nya .. 


"hala, sorry po, di ko sinasadya .. sorry talaga sorry !" tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko tapos nilayo sa kanya .. tapos dire-diretson silang umalis nung kasama nya ding lalaki umalis . 


"ang sungit nagsorry na nga e" bulong ko .. kainis suplado pogi pa naman .. 




tapos bigla siyang lumingon .. 
shocks, ang sama ng tingin nya ! 
scary talaga .. 





" di lahat ng bagay nadadaan sa sorry next time matuto kang tumabi hindi yung haharang harang ka sa daan, saka sinu ba nagpapasok ng grade school dito ?? !" di lang pala siya masungit ! mayabang pa. saka teka .. 


"grade school ?! maliit ako ou, pero di ako gradeschool nu !" 


"fine, pero pwede next time wag ka haharang harang sa dindaanan ko ?? nakakasagabal ka lang e " napakayabang talaga nakakainis .. 


at dahil naiinis ako sa kanya .. 
anung ginawa ko ?? 


haha.. hinagis ko sa pagmumukha nyang gwapo, este makapal yung panyong pinampunas ko sa damit nyang puno ng spaghetti .. 


tapos sabay hila kay mich at .. 


"Tara na mich ! takbo!" 


ngayon dito na ako sa room para sa next class ko .. 
badtrip na lalaki yun dahil sa kanya di ako nakakain.. 
nagugutom pa naman ako . 


kaso panu pag nakita ko siya ?? 
patay ako .. 
kasi naman Althea kahit mayabang yung gwapong lalaking yun di mu pa din dapat ginawa yun ..  




               (disclaimer: I do not own any photos used in this post. Credit goes to its owner/s) 


4 comments:

  1. di nya yata alam na nai-publish nya 'to .. kc nakita ko naka-sched pa yung prologue nya ee ..

    ReplyDelete
  2. hehehe . sorry napublish ko siya agad nung isang beses,. pero ayan na po talaga siya :)) sana magustuhan nyo

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^