Monday, February 11, 2013

Alyessa and The Wizard : Chapter Four

Chapter Four : He's the Savior
(Danzell Leighton's POV)



Tawa sila ng tawa nung iwan ko sila.



"Ahm... Danzell... Pinapatawag ka po ni Mr. Leighton." Nahihiyang lapit nung babae.


Pumunta agad ako papunta sa Office ni Dad. Tsk. Heto na. Ano nang gagawin ko? Baka Detention bagsak ko nito... Tsk.


*Tok Tok Tok!*


Bumukas ang pinto kaya pumasok ako. Tsk. Pati pinto ginagamitan ng spell. Napakatamad talaga ng tatay ko. -________-


Naupo ako sa harap ng table niya.


"HAHAHAHA!!" Hagalpak ni Dad.


"Tsk! What now, Dad? Laughing at your son? Cool, huh." Naiinis kong sabi.


"HAHAHA!! Why So Serious, Danzell?" Tumatawang sabi ni Dad.


"Tsk! Ano na?! Handa na nga akong mapagalitan oh!" Medyo nagtatampo kong sabi.


"Silly Kid. HAHA. Ano bang nangyari dyan sa buhok mo, ha?" Tanong niya habang hinahawakan yung tusok tusok kong buhok.


"Aray! Wag dad! Masakit!" Reklamo ko.


Nagcast siya ng Spell kaya bigla na lang bumagsak ulit yung buhok ko. Ang kaso... Matigas pa rin.


"HAHAHA!! I'm sorry son... Yun lang ang nakayanan ko eh. xD" Paumanhin ni Dad sakin.


"TSK! Kunwari pa! Gusto lang akong pagtawanan eh." Bulong ko.


"Alam mo, hindi ko palalambutin yang buhok mo hangga't hindi tapos ang punishment na ibibigay ko sayo." Seryosong sabi niya.


"WHAT? Hanggang kelan 'to?" Tanong ko.


"Its up to you. Kapag may nakita akong pagbabago sa samahan niyo ni Alyessa, lalambot na lang ng kusa yang buhok mo. But remember... Don't let her to be sad... especially... Never let her Cry, or else titigas na naman yang buhok mo." Sagot ni Dad.


"But... But How?" Tanong ko na naman.


"You'll be her savior while she's still here." Sagot ulit ni Dad sakin.


"Pero first year pa lang siya... Habang ako 4th year na." Naguguluhan kong sabi.


"Bahala ka. Again, its up to you kung paano mo yan didiskartehan. Once na magawa mo 'tong punishment na 'to, ikaw na talaga ang pinakamagaling na Fire Wizard." Sabi niya.


Tinaas niya yung wand niya. "Go, Danzell. Do your best." Ngiting sabi in Dad.


Tumayo na ako at hindi nga ako nagkamali ng hula... Nakabukas na ang pinto. TSK! Tamad eh.


Paglabas ko bumalik agad ako kila Clifford.


Hala?


"Hoy anuba! Itigil niyo na yan sabi! Kapag nakita kayo ni Zell panigurado magagalit sa inyo yun!" Sigaw ni Michi.


Nakikipagsabunutan si Alyessa sa mga babae.


"HOY! ITIGIL NIYO YAN!" Sigaw ko saka tumakbo palapit sa kanila.


Pinipilit kong tanggalin yung mga kamay nung mga babae sa buhok ni Alyessa.


"LET HER GO!" Sigaw ko ulit.


Natigilan yung mga babae at binitawan yung buhok ni Alyessa.


Niyakap ko siya habang nakatingin ako ng masama sa mga babaeng umaway sa kaniya.


"Sinong may sabing pwede niyo siyang saktan?" Matapang kong tanong.


Tahimik ang buong paligid. Walang may gustong magsalita.


"Ano! Sagot! Sinong nagsabi sa inyo na pwede niyo siyang saktan?!" Sigaw ko.


"Danzell, sila ang nagsimula. Nagulat na lang kami ni Clifford nung biglang may humigit nung buhok niya." Singit ni Michi.


"Totoo ba 'yon?" Tanong ko dun sa mga babaeng umaway kay Alyessa.


Nagnod lang sila. 


Hindi ko alam pero mas lalong naginit ang ulo ko. Ginagawa ko lang 'to para mabalik na yung dati kong buhok. 


Kinalas ni Alyessa yung yakap ko sa kanya.


Umiiyak pa rin siya pero pinilit niyang magsalita. "Wa... Wag mo silang gawan ng masama... Ha?" Humihikbi niyang sabi.


"Pero..."


"Please..." Pakiusap niya.


Bigla na lang siyang natumba buti na lang nasalo ko siya.


"Alyessa! Alyessa wake up!" Natataranta kong sabi.


Lumapit sila Clifford at Michi sakin. Pinaypayan ni Michi si Alyessa habang pinipilit ko siyang gisingin.


Tumayo ako at binuhat siya. Dadalhin ko na lang siya sa Clinic.


~CLINIC~


"Nurse, ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko.


TSK. Sagutin ko pa yun kapag nagkataon.


"Kailangan niya lang ng kaunting pahinga. Napagod lang siya sa kakaiyak. Paalala na lang po muna, bawal po siyang mapagod ng sobra dahil madaling magbreak down ang katawan niya." Sagot nung nurse sa tanong ko.

"Sige po. Salamat po." Saka ako tumango.


"Sige po sir, maiwan ko na po kayo." Paalam nung nurse saka na umalis.


Umupo ako sa may upuan malapit sa hinihigaan niya. Tsk. Pahamak talaga eh



3 comments:

  1. yey! mei upd8 n rin 2 s wakas! akla q mao-onhold n tlga 2 ksi ang tgal q n hinihintay ang update..

    ReplyDelete
  2. wOw!!! ang tGaL q riN to hiniNtAy,,,

    ReplyDelete
  3. ((Buti tumingin ako sa mga previous pages ng site))

    ((Nakita ko na rin na may update ito))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^