Monday, December 3, 2012

Love Tutorial : Chapter 19


"aray ! dahan dahan naman !" sigaw ko sa kanya

"ang arte ! hinihilot ko na nga yan paa mo e, "

"hinihilot ? para ngang binabali mo e, " ang sakit kaya,

"baliin ko na nga lang kaya tong paa mo .. "



"tss.. ilang araw na nga pala tayo rito, anung balak mo ? panu tayo makakaalis dito ?" tanung ko ..

"di ko alam .." tapos bigla siyang tumabi sa akin

"namimiss ko na sina mama at tita, gusto ko nang umuwi .. ayoko na dito .." eto na naman po ako , bigla akong nagiging emotional ..

"ako din naman e, kaso sa laki ng dagat na yan, di naman natin pwedeng languyin yan para makaalis tayo rito "

"ayoko na dito <sniff> gusto ko nang umuwi"

"umiiyak ka ba ?"

"hindi tumatawa ako, " panira naman ng moment to

"punasan mo nga yang luha mo para kang bata, hahaha" edi ako na parang bata, siya na hindi

" ewan ko sayo" tapos pupunasan ko na sana yung luha sa mata ko, kaso bigla siyang humarap sa akin, hinawakan nya yung mukha ko, tapos gamit yung kamay nya, pinunasan nya yung luha ko ..

<dugdugdugdug>

hindi ko napansin nakatitig na pala ako sa kanya

"baka naman matunaw ako" bigla akong umiwas ng tingin, anu ba yan bat parang lahat ng dugo ko, umaakyat sa mukha ko.. anu ba to ..

" ang kapal mo, bat kita tititigan ?? "

"asus, baka naman naiinlove ka na sa akin?"

"ako ?!! maiinlove sayo ? ang kapal mo talaga !"

"okay lang naman e, hahah .. di kita pipigilan .. hahah "

"ang kapal mo talaga !" tapos bigla kong dumakot ng buhangin at sinaboy ko sa kanya ..

"aray !" sigaw nya habang nakatakip yung kamay nya sa muka nya

"aray ka jan buhangin lang yan "

"napuwing ako sira ! ang sakit "

"ha ? sorry , anung gagawin ko ?" guiltyness naman ako, malay ko bang mapupuwing pala siya

"hipan mo bilis !" tapos hinipan ko yung mata nya,pero medyo malayo ako ng konti .

"sira ka ba ? lumapit ka kaya, "

" ha ? sige" ang lapit ko sa mukha nya, anu ba yan, bat ba ako naiilang,

"tama na nga, sa susunod kasi wag kang magsasaboy ng buhangin sa mukha "

"ang kapal mo kasi e .." bulong ko ..

"anu ?!"

"wala po !"

<dugdugdugdug>
may sakit ba ko sa puso ? bat parang nag aabnormal yung puso ko,
bat parang ang bilis ng tibok, bat ganto ?
nahuhulog na ba ko sa kumag na to ?
wag Jessie !!! di pwede,
asar ka sa kanya diba ?? badtrip ka sa kanya diba ?
ayaw mo sa kanya diba ??
haii.. anu ba to ..




2 comments:

  1. ~angel is luv~

    Wow! I miss this story!! Updated na pala ulit!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^