Tuesday, December 25, 2012

A Messy Lovelife: Chapter 8

Nicole's POV

"Oh anak, may pupuntahan muna ako sandali ah! inumin mo ang gamot mo kung hindi, babatukan kita!"

"Opo!" at umalis na si inay sa bahay.

Haiiist! agad ako bumangon sa pagkakahiga ko sa higaan at nagstretch! aish! ilang oras na kaya akong nakahandusay sa higaan? ang sakit na kasi ng katawan ko eh!!!

"Ang init!" sabay paypay ko sa sarili ko, pinapawisan na ako!

Kasalukuyang, absent ako sa school dahil may lagnat ako....


jowk!


Isa sa mga imposible na mangyari saakin ang magkaroon ng lagnat, ganun rin ang halikan ako ni Tyrone...pero...pero......UWAAAAA! hinalikan niya akoooooo!!!! kahit ilang times kong hinugasan ng tubig ang labi ko pero...uwaaaaaa! nararamdaman ko pa rin ang labi niya!

"Nothing is impossible..."

Oo na! oo na! oo na! Kenneth, walang bagay na imposible except ang magkaroon ng lagnat.

Nag-absent kasi ako kasi parang...parang....hindi ko siya kayang harapin, kasi...kapag haharapin ko siya, feeling ko...hihimatayin ako eh! kaya nagkunwari ako na may lagnat para may rason akong mag-absent kasi kapag sabihin ko kay inay na feel ko lang mag-absent, baka paluin niya ako ng walis papunta sa school.

O sya, sya, sya....kain muna ako! nagugutom na ako eh!

Tyrone's POV...

Nasa rooftop ako ngayon, natutulog...feel ko eh, may angal ka? kung wala...ikikiss kita.

Habang pinagmamasdan ko ang langit ay ininom ko ang alak na nakabalot sa cellophane na nilalagyan ng iced tea, kasi baka, dalhin ko mismo yung bottle ay madetention pa ako at ang boring kaya sa detention! wala kang ginagawa doon kundi ang umupo at maghintay ng ilang oras! psh! kakasayang ng oras eh no!

Bigla nalang sumagi sa isipan ko ang paghalik ko ay Nikkiss...Haiiist! hanggang ngayon?! as you can see, hindi maalis alis sa isipan ang paghalik ko kay Nikkiss...

At ganun na rin ang labi niya...

Haist! wateber! makapunta na nga lang sa classroom niya at paglaruan siya!

Naglakad ako papunta sa classroom niya at nadatnan ko si Sam. Tinitigan namin ang isa't isa ng mga ilang segundo...ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Asan si Nicole?" then suddenly, her hands formed into a fist. "Absent siya." sagot niya, tas naglakad nalang ako at nilagpasan siya, pupuntahan ko nalang si Nicole sa bahay niya...wala naman akong magagawa dito eh! 

"Ka...kayo na ba ni Nicole?"

"Paano kung sinabi ko sa'yo na....kami na?" tas iniwan ko na siya...I need to hurt her more, in order for her to stop loving me...I'm not a sadist, okay?! oh, maybe a little bit...like 20%.

Nicole's POV...

Uwaaa! ang saraaaaaapppp! ang sarap ng pagkain! ang sarap ng Pancit Canton! hahahaha! ang sarap pala ng feeling kapag absent ka...walang teacher na nanenermon sa'yo na akala mo lola mo sila, walang mga students na nangbubully saakin, walang Tyrone na nangmamanyak saakin! 

Sana, everyday may sakit ako para makapag-absent ako, pero....ayoko! hahaha! baka mamatay ako eh!

"Hoy Nicole, akala ko may lagnat ka."

"Oh? Page." natatandaan niyo pa ba si Page? kaibigan ko siya, sa mga shunga dito na half lang ang brain ang gumagana....eto si Page.



Hayy, as usual, nakauniform siya.

"Che! feel ko mag-absent, may angal ka? at tsaka mayroon akong iniiwasan no!"

"Ohhh! at sino naman siya?" sabay upo niya sa sofa.

"Basta! at tsaka, hindi na tayo parating tumatambay, nagiging busy ka na ah! ang dami mong ginagawa ah!"

"Aish! ang dami kasing mga missions na walang kakwenta kwenta!" sagot niya.

"Hah?!" anung pinagsasabi 'tong babaeng 'to? paminsan minsan tinotopak yang Page na yan! bigla nalang kasi siyang magkukwento tungkol sa mga mission mission tas...yung Francis na yun na ewan!

"Ba...basta! makaalis na nga!" at tumayo na siya para umalis.

"Yo!"

"Hah?! sino ka?!"

"TYRONE?!!!"

"Oh Nicole, akala ko may sakit ka...anyways, ako nga pala si Tyrone, kaibigan ni Nicole." sabay inilahad ni Tyrone ang kamay niya para makipaghandshake kay Page.

"Di uso yang handshake na yan tss! at tsaka, mukha kang pamilyar ah! kaibigan mo ba si Francis?"

"Francis? may kaibigan ako na Francis ang pangalan."

"You mean si Francis Wyrick?"

(Para sa mga shunga na half ang brain ang gumagana! eto si Francis Wyrick...


Opo! siya po si Flippy ng Happy Tree Friends..hindi po yun anime, cartoon po yun, this picture is just a Fan art)

"Huh? Oo, siya nga! teka, how do you know about Francis?"

"Basta! pake mo! pakisabi sakanya na bumalik na siya sa headquarters!"

"Hah?! che, whatever! Oo, sasabihin ko sakanya!" tas umalis na si Page...at nagkatinginan kami ni Tyrone...tas nagsmirk siya.

"May lagnat daw"

"Eh pake mo!! umalis ka nga dito!!" ewan ko pero ang init init ng mukha ko, feeling ko namumula ako ngayon....everytime kasi na nagkikita kami ni Tyrone, natatandaan ko ang nangyari kahapon.

"Bakit ka nag-absent?"

"So?! bakit?! yayaman ba pamilya mo kung nalaman mo ang rason ng pag-absent ko?! umalis ka na nga sabe eh!" tas tinapon ko ang maliit ko na unan sa pagmumukha niya pero, nasalo niya. Grrrr! I hate you Tyrone, I hate you!

"Matagal nang mayaman ang pamilya ko, loser."

"Grrr!" at kinuha ko ang isang unan namin at itatapon ko sana sa mukha niya pero...

"Dahil ba sa ayaw mo ako makita?"

"O...Oo!!! Naiinis ako sa ginawa mo saakin kahapon! I hate you! I hate you! I hate you!"

"Kung alam mo lang ang dahilan...hindi ka saakin magagalit."

"Wow! at ano namang rason yun ha?!" sabay umupo ako, at umupo na rin siya sa upuan na malapit saakin.

"I only did it because that's the only way to drive Sam away from me."

"A...alam mo ang nararamdaman sa'yo ni Sam?"

"Oo...matagal na, hindi ako ganun kamanhid."

"Aaaahh..."

"Pero, alam ko na mamahalin parin niya ako kahit nahuli niya ako na hinalikan ka kaya, kelangan ko ang tulong mo."

"Ano naman ang maitutulong ko ha?"

"We just need to pretend that we are a couple."

"WHAT?!"

Gusto ko makatulong kay Kenneth, pero wala akong magawa...let me think some other things...









wala...wala akong maisip! yun lang! yun lang ang way para mawala si Tyrone sa puso ni Sam (yuck! ang korne!) 

"Haist! tama ka! o sige, o sige! kapag nakamove on na si Sam ay titigilan na natin ang pagpanggap, kay?"


"Oo, alam ko."

simula bukas............kami na ni Tyrone.........in disguise!




2 comments:

  1. kiLaLa q uNg si pAge pEio c frAncis wYrick ngAun q LNg nkitA,,, iSa pO aq s mgA shuNga n haLf aNg brAin,,, hwaHehe,,,

    ReplyDelete
  2. ate, alam mu ba super galing mong magpakilig sa story na ito! ang dami nang may gusto kei tyrone kaya kay kenneth na lang ako.

    ────────────────────░███░
    ───────────────────░█░░░█░
    ──────────────────░█░░░░░█░
    ─────────────────░█░░░░░█░
    ──────────░░░───░█░░░░░░█░
    ─────────░███░──░█░░░░░█░
    ───────░██░░░██░█░░░░░█░
    ──────░█░░█░░░░██░░░░░█░
    ────░██░░█░░░░░░█░░░░█░
    ───░█░░░█░░░░░░░██░░░█░
    ──░█░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──░█░░░░░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──░█░░█░░░█░░░░░░░░█░░█░
    ─░█░░░█░░░░██░░░░░░█░░█░
    ─░█░░░░█░░░░░██░░░█░░░█░
    ─░█░█░░░█░░░░░░███░░░░█░
    ░█░░░█░░░██░░░░░█░░░░░█░
    ░█░░░░█░░░░█████░░░░░█░
    ░█░░░░░█░░░░░░░█░░░░░█░
    ░█░█░░░░██░░░░█░░░░░█░
    ─░█░█░░░░░████░░░░██░
    ─░█░░█░░░░░░░█░░██░█░
    ──░█░░██░░░██░░█░░░█░
    ───░██░░███░░██░█░░█░
    ────░██░░░███░░░█░░░█░
    ──────░███░░░░░░█░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░█░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
    ──────░█░░░░░░░░░░░░░█░
    ████──░█░████░░░░░░░░█░
    █──█──████──████░░░░░█░
    █──█──█──█──█──████████
    █──█──████──█──█──────█
    █──█──█──█────██──██──█
    █──████──█──█──█──────█
    █─────█──█──█──█──█████
    ███████──████──█──────█
    ──────████──██████████
    ★══════════★★══════════★

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^