Monday, December 17, 2012

A Messy Lovelife: Chapter 7

Chapter 7

Nicole's POV

"Ano bang nasa sa'yo ngayon at gusto mo na lumayo ako kay Tyrone?"

"Wa...wala, ba..basta, kumain nalang tayo."

Kenneth, alam ko na may tinatago ka saakin, obvious na obvious nga jan sa pagmumukha mo eh.

It's been bugging me since yesterday. Bakit? Bakit bigla nalang nag-iba si Kenneth? kinidnap ba ng mga aliens ang totoong Kenneth? or baka, multo yung Kenneth kahapon?

Hayyy! ano ba naman yang pinag-iisip ko?! lahat mga imposible!!! sabay ginulo ko ang buhok ko, baka sakaling bumalik ako sa realidad.

Nandito ako ngayon sa garden, nag-iisip ng malalim.

Habang nag-iisip ako ay bigla nalang sumulpot sa harap ko si Tyrone.

"T...T...Tyrone!"

"Mag-usap tayo sa rooftop sa lunch, kung hindi ka susulpot irarape kita, bye." at umalis na siya.

"Hah?!" r...r....r.....r...rape?! I'm definitely going, ayoko marape ng isang manyak na lalake.

Sam's POV


Lalalalalalala~~~~

I'm in a good mood na! hihihi!

walang Kenneth na sumusunod saakin..walang Kenneth na nangungulit saakin..walang Kenneth na nakakairita....JK

at walang Kenneth na dapat kong saktan...

pero..parang may part saakin na nalulungkot, at namimiss si Kenneth. Ano ba Sam?! wag ka nga ganyan! just smile and enjoy life!!

"Sam" Huh? familiar na familiar saakin ang boses na yun ah...

"Sam" 

dug dug dug dug...

tama ang hinihinala ko...si Tyrone nga yun, siya lang kasi ang may kakayahan na patibokin ang puso ko ng ganito kaya agad ako napatingin kay Tyrone.

"T..Tyrone, a...anung kelangan mo?"

"Pumunta ka sa rooftop sa lunch, may sasabihin ako sa iyo." at umalis na siya.

r..rooftop??? l...lunch?????

WHAT?!!

HE WILL CONFESS TO ME!!!!!!!!!!! UWAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" at lahat ng mga students sa paligid ay napatingin saakin.

"Peace!" hihi!

Nicole's POV...

"In parallelism, those group of words must all be the same, for example, if the group of words are all prepositional phrase, then it must all be prepositional phrase meow...meow...meow...aww...aww...aww...oink...oink...oink..."

AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH...........Hindi ako sumisigaw okay?

Nandito ako ngayon sa classroom, nakanganga, hindi ko kasi maintindihan ang teacher eh...parang instead of words..mga tunog ng mga hayop ang naririnig ko. Haaay, baka namimiss ko ang bukid, bumisita kaya kami doon sa holiday break.

Hindi parin maalis alis sa isipan ko ang sinabi ni Tyrone...

"Mag-usap tayo sa rooftop sa lunch, kung hindi ka susulpot irarape kita, bye."  

Haaay! ang hirap basahin ang utak ni Tyrone, I mean...ang hirap mafigure out kung anung iniisip ni Tyrone...puro random things! haaay!!!

pupunta ba ako doon o hindi? wag nalang! baka kung anung gawin niya saakin..

"....kung hindi ka susulpot irarape kita." pero ayoko marape!!!

hayy! sige na nga! sige na nga! pupunta ako doon! pero, bago ako doon pumunta mag-ready muna ako..ano kayang magandang weapon???

Tyrone's POV...

I'm cutting classes, I'm currently on the rooftop. Wala naman akong mapapala doon eh, kasi...ewan ko! parang kinakabahan ako na ewan! haaay!

Ininom ko ang energy drink ko at napatingin sa taas.

"Ede, anung plano mo?"

"Para bumalik si Sam kay Kenneth, I have to break her heart."

"Huh?!"

"Of course, I need Nicole's help."

I closed my eyes for a second....I hope it will work out...

Nicole's POV...
Lunch...

Naglalakad ako ngayon papunta sa rooftop, hindi ko alam pero...kinakabahan talaga ako! parang...parang may masamang mangyayari! ano ba?! makikipagkita lang ako kay Tyrone? yun lang! hindi naman ako pupunta sa principal!

Nasa hagdan na ako ngayon papunta sa rooftop...I stopped walking and I formed a fist...

"Ano ba Nicole? just act normal."

at ipinagpatuloy ko ang pag-akyat tas nasa tapat na ako ng pintuan at binuksan ko ito...

"I thought you will never come."

"Hmph!" at naglakad na ako papunta sakanya.

"Anung kelangan mo ha? kelangan ko pang kumain." sabay tingin ko sa orasan ko at ibinalik ko ang tingin kay Tyrone, nabigla ako sa expression niya....he's expressionless but...he's looking at me intensely, kaya parang nanigas ako at hindi ako makagalaw...

He held my shoulders and said "I need you Nicole...." huh?! tas niyakap niya ako.

"Sorry if what I'll do to you will break your friendship with her..." tas tiningnan niya ako ng malapitan...mga ilang inches...este centimeters ang nasa pagitan namin.

He held my cheeks softly...at...at...

"Tyrone, anung..mmph!!!" hindi ako nakatapos magsalita ng bigla akong hinalikan ni Tyrone.



WARNING!!!
Wag niyo titigan ng mga ilang minuto o segundo, baka ikasanhi ito ng heart attack, hohoho!

MY FIRST KISS!!!!!!!!

Sam's POV...

Hihihi! uwaaa! excited talaga ako!!! kung ano ano ang naiisip ko! uwaa! naiimagine ko tuloy ang pagconfess saakin ni Tyrone.

"U..Uhm, Sa...Sam, I've been loving you for how many years, and I can't hide it anymore, Sam, I love you....will you be my girlfriend?"

"Why do you even need to ask me? the answer is so obvious."

chu~~~

KYAAAAAAAAAAAAAA! nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng rooftop, kailangan ko munang magprepare baka himatayin pa ako...

"Hihi! This will be the best day ever..." tas binuksan ko ang pintuan slowly while smiling pero ang ngiti ko ay agad napalitan ng simangot...at gulat....

Tyrone.is.kissing.Nicole.

I...I can't take it anymore!!! agad ko sinarado ang pintuan, eksaktong bumagsak ang mga luha ko ng maisara ko ang pintuan.

I can't believe this...

Agad ako tumakbo papunta sa garden, yun lang kasi ang lugar na pwede ko ilabas lahat ng sama ng loob ko...

Nang nasa garden na ako, nadatnan ko si Kenneth...nagulat siya ng nakita niya ako.

"I saw them..." I said while tears are continuously flowing down my face. "I saw them kissing..."

"S...Sam"

"Oh ano? masaya ka na no? kasi, nasaktan ako! sigurado ako na iniisip mo na deserve na deserve ko ang nakita ko kanina." sabi ko habang siya naman ay naglalakad papunta saakin.

Tumigil siyang lumakad nang nasa tapat ko na siya....

"How can I be happy if the girl I love is hurt?" he said while looking at me with those sad eyes...

Hindi ko alam pero bigla nalang akong humagulgol sa harap niya, at niyakap niya ako at hinimas himas niya ang likod that made my even cry more.

Kahit palagi kong tinatakasan si Kenneth, still, hindi parin siya sumusuko, still, minamahal parin niya ako...

fudge! bakit pa ako nahulog sa maling tao?! bakit hindi ako nahulog kay Kenneth?! sana sakanya nalang ako nahulog para hindi ko maramdaman ang sakit na ito!!!

Kenneth's POV...

Nandito ako ngayon sa garden, nagrerelax...

Hindi parin maalis alis sa isipan ko ang tanong saakin ni Nicole...wala akong masagot sakanya...

and at that time, I realized that..what I'm doing is wrong......

I shouldn't involve Nicole to this situation....and I also realized that, I'm a really bad friend...

Ang bait ni Nicole simula nang nagkita kami, at susuklian ko yun ng paghihiganti??? ano ba?! hindi ako ganung tao!!!

I can't believe that I could be like this because of love...

I'm no superman

I can't take your hand

And fly you anywhere you wanna go yeah~

Oops! that's my phone...kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang message

From: +639**********

sana masaya ka na.

Huh? baka...wrong send 'to...

habang nakatitig ako sa cellphone ko ay may narinig akong mga yapak at...at...

*sniff*

may umiiyak? napatingin ako sa taong umiiyak at laking gulat ko nang makita ko si Sam na umiiyak.

"I saw them..." sinong them? wait...sina Nicole at Tyrone? baka.....isa sakanila ang nagsend saakin ng message na yun. "I saw them kissing..." mas lalo akong nabigla sa sinabi niya, don't tell me.....matagal nang sila????

"S..Sam"

"Oh ano? masaya ka na no? kasi, nasaktan ako! sigurado ako na iniisip mo na deserve na deserve ko ang nakita ko kanina." sabi niya habang ako nama'y naglalakad papunta sakanya...

Silly Sam! hindi ako ganung tao para isipin yun! Oo, inaamin ko, may parte saakin na masaya dahil sa nakita ni Sam kanina dahil at last! at last! nararamdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko tuwing tinatakasan niya ako...pero...hindi ko kayang maging masaya dahil mahal na mahal ko siya...

Tumigil akong maglakad nang nasa tapat ko na siya, at binigyan ko siya ng isang malungkot na tingin...

"How can I be happy if the girl I love is hurt?" at dahil doon....humagulgol siya sa harap ko.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Sam ngayon, at hindi ko yun gustong maramdaman, at hindi ko gustong maramdaman iyon ni Sam

kaya niyakap ko nalang siya, at hinimas himas ko ang likod niya tulad ng ginagawa ko sakanya kapag umiiyak siya nang mga bata pa kami...

and it made her even cry more...

to the point na nakatulog na siya sa kakaiyak, kaya dinala ko sya papunta sa clinic...

clinic...

"Si...Sir Kenneth.."

"Pwedeng patulugin mo dito si Sam? may pinagdadaanan sya ngayon kaya kailangan niya munang magpahinga."

"Okay lang po yun" then I layed her on the bed, nang mailagay ko na siya sa higaan ay hindi niya binitawan ang sleeve ng damit ko...Sam needs someone right now...

Umupo nalang ako sa tabi niya, at pinagmasdan ang mala-anghel niyang mukha.

"Hindi po kayo babalik sa room niyo?"

"Yes, she needs me"

Hinintay ko na bitawan niya ang sleeve ng damit ko, at binitawan niya ito nang nagpalit siya ng position. Tumayo na ako at tiningnan ko siya ulit. I stroked her hair that made her eyebrows furrow, then I smiled.

"Sweet dreams Sam." at umalis na ako sa clinic.

Habang naglalakad ako ay nadatnan ko si Tyrone na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"I know what you did with Nicole." I said that made him stop walking then he looked at me for awhile.

"Oh ano, masaya ka na ba?" tanong niya. Sabi ko na nga ba eh. Agad ako naglakad papunta sakanya, at binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha niya kaya natumba siya, at kinwelyuhan ko sya, at susuntukin ko na sana siya ulit, pero may sinabi siya na nakapagpigil sa suntok ko.

"Breaking her heart is the only thing that I can do, in order for her to stop loving me."

"Pero...hindi ka ba natatakot na ang pagmamahal niya sa'yo ay mapapaltan ng kapootan?" tas binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at siya nama'y tumayo.

"Huh? pagmamahal? kapootan? tss! wala akong pakialam doon."

"Kahit magkababata kayo?" tas binigyan niya ako ng isang seryosong tingin.

"Hindi ako natatakot kahit magkababata kami."at nilagpasan niya ako. Tumigil siyang maglakad at tiningnan niya ako. "Ang ikinatatakot ko ay ang taong mahal ko na pinagkakamuhian ako." at naglakad siya ulit.

kinalimutan niya talaga ang kabataan niya simula nang mangyari ang aksidenteng iyon...



(Hohoho! medyo maaga ako nag-update hehehe! oh ano? tinitigan niyo ang picture no? sana hindi kayo hinimatay or sana hindi nasira ang ginagamit niyo para mabasa 'to hohoho! anyways! wala akong teaser! kasi, hindi ko feel ngayon! 

DE JOKE LANG! HAHAHAHA!

OH ETO...


opo! may sakit po si Nicole!!!)



3 comments:

  1. KuNg c tyROne aNg magssBing reRapin niA aq, ndE tLgA aq pupUNta at naNg matuLoY un,,, hwaHOhO,,, aNg tGaL qNg tinitiGan uNg gif,,, aTey dALhiN niO n aQ s osPitaL,,, nihEart attAck n aq,,,


    At sAm,, aNjan c keNnetH,,, i kNow fOr sURe n mtutuTunaN mo riN xAng mahALin,,,

    ReplyDelete
  2. at bKit kaYa nGkasaKit c niCoLe????? LoVenaT??? aNg gaMot niAn kiSspiriN muLa uLt kEi tyRoNe,,,, kyAaaahhh,,, kiLig muCh itOng updaTe n to tLga,,, guStu ko LNg maGcommNt ng mAgcommNt,,,

    ReplyDelete
  3. sobrang ganda ng update!.. heart attack sa kiss scene!!
    kakainlove much din si tyrone kasi naiisip ko talaga si usui ..!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^