Sunday, November 11, 2012

The Brother Gods : Chapter 7

Chapter 7 

Andrew Levesher POV 



Aywan kung bakit naging mapagmahal ako sa pagbabasa ng libro. Basta na isipan ko lang na baka doon may makikita akong impormasyon about sa scythe. Naaasar din ako minsan kasi nagmumukha akong baliw dahil

nauubusan ako ng effort sa binabasa ko. Masyadong malayo sa gusto kong impormasyon kaya ito nasa library ako. Maghapong nagbabasa. Mabuti di nagaalboroto si Crezy dahil di ko sinusunod ang deal namin. Sa palagay ko sapat na yong nangyari nung first day ko dito para makumbinsi si Darren Youssef na di siya mahal ni Crezy.




Ang mga taong to! Ang hina pagdating sa love. Marami pang pasikot-sikot na nalalaman sa huli bibigay din. Naalala ko tuloy si Lilian,goddess of love. Ang kapatid kung malandi na mahilig sa love. Ngayon na tao ako,matutuloy na ang balak niya na pa-inloven ako. Subukan niya,lilitsonin ko siya. 




Kinati ko ang noo ko. Kapagod magbasa na ngayon na tao ako. Aba,halos isang daan na nabasa ko ngayong araw.Nabibitin pa rin ako. ‘world atlas’ paborito kong libro kasi nakasiwalat ditto ang mapa ng lahat ng bansa sa mundo. Gusto kong bisitahin ang Russia. Mukhang interesting ang lugar na iyon saka sa palagay ko nandoon ang scythe. Mahilig sila sa artifacts saka high tech na din ang gamit nila. 




“Five minutes remaining before the library close.”inform ng librarian kaya naging crumble paper ang mukha ko.Tumayo ako at nilisan ang library. Takte bitin ako ngayon. Saan kaya may 24 hours na library dito? Makapunta na nga sa classroom ni Crezy. Malamang abala pa rin iyon sa project niya. 





“sis malapit na ang holloween,please sumali ka na sa drama club kasi compatible ka para maging lead actress.”sabi nung babaing katabi ni Crezy na medyo bushy ang buhok. Si Suzanne ata.



Kumunot-noo si Creza Crossford. 



“Wee,ayoko nga. Akala niyo madali lang yon.”welga niya. 



“Kung alam mo lang, mas magaling ka pa kaya keysa kay The Grudge ng campus! Kahit anung play kaya mong gampanan bilang lead actress. Ikaw eh,ang selfish mo. Ibunyag mo na yang hidden talent mo.”litanya ni Suzanne pero di kumbinsido ang mukha ni Crezy.


“The Grudge ng campus,WHO?”tanong niya. 




“Si Shantal Santillan.”sabat nito. 




Narinig ko na yang pangalan na yan minsan ha. Ah,yong babaing kausap ni Darren. Yong time na nag eavesdrop si Crezy sa x niya daw. 




“Huwaat? Ang babeng dead na dead kay Darren. Gosh,ayoko siyang masagupa. Hayaan niyo nalang ako sa Photography club ko. Ayoko ng gulo.” 



“Di naman gulo yun ha! Di kasi karapat-dapat maging lead actress si The Grudge kasi ang oa niya.”demand ni Fiona. 



“Plea-ush! Tigilan niyo na ako! As I said,AYOKO! A-Y-O-K-O!”proclaim ni Crezy. “I want to be a typical student of Fransisco Uy Memorial High School.Yun lang!” 




“Welga kami! We want you to be a next lead actress of FUMHS drama club!”sabi ng dalawa in unison. 




Kumati lang ulo ko. Matotopak din pala tong mga batang ‘to.Hindi sila halatang 15 years old sa awayan nilang walang kabuluhan.Naalala ko Carlo at Lilian sa pag-aaway nila about sa nymph na ninakaw ang golden apple nila. Si Carlo,god of war. Bagay sila ni Lilian dahil palagi silang magkaaway. Kailan pa kaya magkakatuluyan ang dalawan yun. 




“Hi girls!” sabad ko sa kanila kaso di man lang nagbago ang expression nila. Naiinis mode si Crezy. Namimilit mode ang dalawa. 




“Sa ayaw’t gusto mo,papasalihin ka naming sa drama club. Prepare yourself dahil ikaw ang bida sa role play ngayong Halloween. Bye!” sabi ni Fiona na tumayo kasabay si Suzanne. 




Hindi na maipinta ang mukha ni Crezy. Parang gusto niyang kuyumin ang dalawang iyon. Walk out effects pa.


“Damn! Sumusubra na kayo!’yell niya na nangigigil na tumayo.



“Calm down crazy.”usal ko sa malambing na tono. Tinapunan niya ako ng nakaka-shrill na tingin. 



“Sino bang magka-calm down sa kabwesitan ng dalawang iyon? Alam na nga nilang ayoko eh,ini-insist pa nila. So damn diba?”


“Tanggapin mo na lang. Andito naman ako para suportahan ka.”linapitan ko siya. 



Tinirik niya ang mga mata, “Isa ka pa eh,fine. I accept it.”she shrugged. 





“Yan naman pala eh,tinggap din sa huli. Nagdedeny pa. Aminin gusto mong maging lead actress noh?”



“Of course!” she closed her eyes. “Ang ayoko lang ay makipag-contest kay Shantal Santillan nay an.” 




“Ah yong babaing dead na dead ata sa ex mo? Hayaan mo nay un,lalong maiingit sayo un kapag tinuloy mo to.”


“alright. Ayoko nang pagusapan pa!”linayasan niya ako. 



Hinabol ko siya. “Hey! Wala naming iwanan oh! One week na nga tayong magkasama nagiiwan ka na!” 



“Bagay lang yan sayo.” 



“Sae no leman. [Ang sama naman.]” I mumble. 



Huminto siya para lingunin ako. “Ah! Yon pala! Sige masama na kung masama.” Binalik niya ang ulo sa direksiyon na dadaanan niya. Nagtataka ako,naiintindihan niya ata ang deutongue. Paanong nangyari yun? Hindi siya mythical creature para maintindihan iyon. Kakaiba ang babaing to. Subukan ko nga mag deutongue ulit. 




“Nae Joeke lamen. [I’m just kidding]”sabi ko. 




“Bahala ka sa buhay mo!”pinatuloy niya lang ang paglalakad.




“Teka lang!”habol ko. 




…… 













Sa bahay ni Creza Crossford. Nawala na ata ang inis niya sa gabing to. May gana siyang magtimpla ng kape ngayon. Puro cappuccino binigay niya sa akin. Kamiss ng favorite drink ko ha. Nalimutan ko na ang pangalan. Parang kape din ung lasa. Nasa labas ako ng bahay nila. Nakaupo sa swing.Nagpapahangin at nag-iisip-isip kong saang mayroong 24 hour na library. 




“Crezy are you okay now?”tanong ko nang makita siyang papalapit sa akin. 




“What do you think?”She lifts her eyebrow. 




“okay ka naman.”umupo siya sa tabi ko. 




“Yong nangyari kanina,sorry ha kung ikaw binalingan ng init ng ulo ko. Kakainis kasi sila eh.”



“Wala yun.”I smirk. 




“Coffee oh!”inabot niya sa akin ang mug ng cappuccino. 




“Thanks.”kinuha ko saka sinipsip. “Sarap,di halatang bad mood ka kanina.”



“Haha! Forget mo na yun.May ishare pala ako sayo.”umupo siya sa bakanteng swing sa left side ko.



I looked at her. “Ano yon?”



“Kasi mayroon kaming bagong kaklase. Kapareho mo ng apelyido. Levesher din. Saka first ever exchange student siya ng FUHS from Austria.”lahad niya.



“Anong first name?”I asked brightly.




“Luke.”direct answer niya. 




I paused. Si luke yun wala nang iba. Nandito na pala ang balasubas. Kailangan maging alerto. 




“My brother.”I whisper. 




Namilog ang mga mata niya. “Your brother?” 




“Yap! The god of underworld is here!”sagot na ini-imitate siya.


Namilog ang mga mata ni Crezy. "Mabait din ba siya kagaya mo?"tanong niya.

"Mas masahol siya kaya dapat kang mag ingat sa kanya. Simula ngayon,kailangan puspusan na ang paghahanap ko bago pa niya pa ako maunahan."negative answer ko tungkol kay Luke. 




" Yung sycthe ba tinutukoy mo? Maaari ba akong makatulong?"recommend niya. 



" Delikado sa inyong mga na tao ang makialam sa gawaing ito. Sapat na sa akin ang tulong mo ngayon. Ayokong maging pabigat. Isa pa, may gawain pa ako sayo."I renounce her recommendation. Di naman siya na dismay.


"Ah,yung deal natin. Matagal na ring di nagpakita si Darren malamang hopeless na siya ng malaman na may boyfriend ako. Pero ung deal ha,until sa katapusan ng school year."naalala niya ung deal. hyss..ang haba naman. 



" Ang mahalaga,di dapat malaman ni Luke na nandidito na ako at malapit pa sa kanya. May alam ka bang 24/7 na library dito?"sinipsip ko ang kape.


"ow gods,wala. Walang 24/7 eh. Gusto mo bilhan nalang kita ng libro? Samahan mo ko bukas sa bookstore."nalungkot ako sa sinabi niya.



"saele man nae. (marami ang kailangan ko.) kaya ba un ng badget 

mo?"deutongue gamit ko.

"hyss..pwede tatlong libro. Kaunti na lang allowance ko."reklamo niya na kinati ang noo. 



"ok."tumayo ako." nytee goodie fellas. Siewte dranae (good night friend,sweet dreams)" 




"fellas?" 




"jae nali? (bakit?)"

"ah..wala..wala."nag smirk siya, bakit kaya nagtataka siya nang tawagin ko siyang fellas. Gusto niya siguro tawagin ko siya 'AMOURIE' (MY LOVE). Pambihira toh. Wala akong balak na makipag amourie sa mga tao. Iniwanan ko siya para umakyat sa loob. 


A/N: Hyss..matagal na to naka tambay..yan ud ko na... 

2 comments:

  1. Naamaze ako dun sa mga usapan.. Gawa-gawa mo lang ba yun?? O baka may ganyan talagang dialect.. Ito palang ang nababasa ko sa story.. Ngayon ko pa lang sisimulan from the start..

    ReplyDelete
    Replies
    1. imbento ko lang lahat ng un..para mapatawa ko ang sarili ko..hehe..sana makilala kita sis..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^