Friday, November 2, 2012

Necklace [One Shot]

[A/N: Ate Ruijin, peram muna ko ng name ni Prince Rouel ha! ^__^ Wala kasi akong maisip na ibang name eh. Ahehe. Parang fan fiction lang. ^__^]


One-shot : Necklace
by TheSweetGirl14
(Tracy Montenegro's POV)



"Hoy Tracy! Yung kwin--"





Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nilagay ko yung index finger ko sa labi niya.





"Sheesh! Stop the homily, Rouel. You're not a priest."





"Per--"





"Op! Yes my dear, nakatago yung necklace."







"Make sure--"






"I always check it."






"Ais--"






"Let's get some lunch."






Hinila ko na siya papunta sa Cafeteria.





Oo nga pala. Siya ang nag-iisa kong Prince Rouel sa buhay ko. Ganyan talaga siya, masyadong strikto lalo na sa mga gamit na binibigay niya.





Habang naka-pila siya at ako naka-upo sa may bakanteng table, nakita ko siyang naglabas ng phone. Nilabas ko rin yung phone ko saka ko siya tinext.




'Hoy! Prinsipe ko! Wag kang magtext habang pumipila!'





Sent!




Maya-maya nakita ko siyang kumamot sa batok niya saka tumingin ng masama sakin.






'Belat!' I mouthed.





Inirapan niya ako.






Haha! Ang kulit-kulit niya lang talaga!






Maya-maya dumating na yung pagkain.






"Let's eat!"






Umupo siya saka tahimik na kumain.





TSK!






Seriously?







Di ako sanay na tahimik siya. It bothers me.







"Hey."






Mahinang tawag ko.






Di siya lumilingon. Kain lang siya ng kain.







"Rouel?" Tawag kong muli.






"Boo ko?" Lambing ko.





Di pa rin siya lumilingon!!






Pusakal!





Kapag di pa rin siya nagpasuyo sa gagawin ko. Nako!






"Prince Rouel Glaciever ko? Yoohoo!" Lambing ko na naman!






Aah ok!





Tumayo na ako at dinala yung plati na ginamit ko din sa lalagyan ng marurumi.






"Ahm... Attention Please!"







Lumingon yung mga tao dito sa cafeteria papunta sa direksyon ko. Nagtataka sila na tumingin at tumigil sa kanilang mga ginagawa. Yung iba nagbulungan pa. Pero who cares? Ginagawa ko 'to para sa mahal ko.







"Nagtatampo po kasi yung boyfriend ko. Kahit anong gawin kong suyo sa kanya ayaw niyang magpasuyo. Binibiro ko kasi siya eh. Please... Pakisabi sa boyfriend ko, sorry. Mahal na mahal ko yun eh."Pakiusap ko.







Syet! Baka maiyak ako nito. Yumuko ako at tinakip ang mga palad ko sa mukha ko.






"Ui! Diba boyfriend niya si Prince Rouel?"






"Dali sabihin niyo kay Prince Rouel sorry daw!"







"Ayan na pala eh."








May biglang humila sakin papunta sa garden. Niyakap niya ako kaya naka-sandal yung pisngi ko sa dibdib niya.







Hmm... Bango!






*SNIFF. SNIFF*






"Ui. Wag ka na umiyak. Pasensya na sa pagtatampo ko..." Paumanhin niya habang yakap pa rin ako.






Yumakap ako ng mas mahigpit pa kaya bumaon lalo yung pisngi ko sa dibdib niya.






Huwaaa~ Ang bango-bango ng Boo ko!!






Nagulat ako nung halikan niya yung bumbunan ko.






"Ang bango-bango mo talaga, Boo ko. I love you, Boo."






Kyaaaaa~~~






Mabango daw akoooooooo~







Binaon ko lalo yung mukha ko sa dibdib niya.







"Ikaw din Boo. Ang bango-bango mo!! I love you too!"







Sheez. O.O Did... Did I just said that?






"Ikaw ha! Pinag--"








"Waaaaaaa~ Hinde! Hinde! Ang lakas lang talaga ng amoy ng pabango mo!!! Hindi ka mabango!"







Syet! Naghi-hysterical na ko dito eh!!






"Talaga? Hindi kasi ako nagpapabango eh. Nagkakarashes kasi ako kapag nagpapabango ako sa katawan. So hindi na lang rin talaga ako nagpapabango."







OMG!! Do ko alam yun ah?







"Basta hindi ka mabango! Mabango lang yang damit mo... Tama! Yung damit mo nga lang!"







"Wala namang masama kung aaminin mo, Boo."









Bumitaw ako sa yakap tapos tinakpan ko yung tenga ko.








"I'm not listening! I'm not listening! Waaaa~"








Ngumiti siya ng malapad kasabay ng mata niyang ang saya-saya.








"Di na ko nagsasalita eh."







"Eh anong tawag mo dyan sa ginagawa mo?"









"Nagsasalita."








"Ohdi may sinasabi ka pa rin! Basta! I'm not listening! I'M. NOT. LISTENING!!!"








"Kanina ka pa, Tracy. It's not funny anymore."







Nagkibit-balikat ako.








"Tss... Lagi ka namang seryoso eh."









" 'Cause you're being so Childish again. And that's not funny."







"Yun naman ang isa sa mga nagustuhan mo sakin eh. And don't you dare deny the fact."








"Fine. You win."





~~~~~~~~



Fieldtrip na namin ngayon. October 23, 2012. Nandito kami sa bus at katabi ko ang hindi namamansin na si Prince Rouel. Tss. Palibhasa naglalaro ng Temple Run sa iPad niya.






Nagpunta kami sa Planetarium, Manila Ocean Park, and lastly... Star City.








"Okay! Everybody, prepare yourselves!" Utos nung tourguide namin.






Nag-ayos na ako ng gamit ko. Hinubad ko rin yung kwintas ko.








"Tara na, Boo!"







"Susunod na ko! Ilalagay ko lang 'to sa bag ko."








Umalis na si Prince Rouel. Nilagay ko sa may bulsa ng bag ko yung kwintas ko saka na sumunod.








Pumunta muna kami sa Snow World dahil ang init kanina sa pasukan.







"Tara dun sa Slide!" Yaya ko kay Rouel saka ko siya hinila papunta sa Slide.







Umupo kami sa dulo ng slide saka ko nilabas yung camera ko sa bag ng camera. Nagpicture kami ng magkasama. Ngiti dito. Pose diyan. Yung last na picture namin, naka-kiss siya sa pisngi ko habang ako nakangiti sa cam.






"Dun tayo sa Star Flyer."





Hinila na ako ni Rouel saka namin iniwan yung jacket at lumabas na. Dumiretso lang kami sa Star Flyer kaso...






"Haba ng pila. Ano, Surf Dance na lang?"







"Mas mahaba pila dun, Boo. Dito na lang tayo."







"Sige. Sabi mo eh."

~~~~



After namin magstar flyer. Pumasok kami sa Gabi ng Lagim. Tapos sa Roller Coaster. Then kumain kami ng hotdog sa tapat ng jungle river.






"Tracy, time na daw para bumalik sa bus."







Pagtingin ko sa orasan ko... 8:00 pm na pala. Ang bilis ng oras. Tsk! Nasaan na ba yun si Boo?





"Nakita niyo si Boo?"








"Pasensya na. Hindi eh."







"Ah. Pakisabi kapag nakita niyo siya balik na siya sa bus."








"Sige. Pero pabalik na rin kasi kami eh."







Tumakbo na agad ako pabalik sa bus. Wala pa dun si Rouel sa pwesto namin. Umupo na ako at kinuha sa tabi ko yung bag ko. Binuksan ko yung bulsa ng bag ko pero nung kapain ko...





"Shit!" Napamura ako.






Asan na yun? Nalimutan ko atang hubarin yun eh. Hala? Asan na ba yun? Alam ko nilagay ko yun dito.







"Khim, nakita mo yung kwintas ko?"






"Diba suot mo yun?"








"Tsk! Nasaan ba kasi yun?"







"Baka naiwan sa loob."









Hindi kaya...







Dali-dali akong tumakbo papasok ng Star City at nagmamadaling pumunta sa Sonw World. Dire-diretso ako sa may slide pero wala dun. Take note. Wala akong jacket na  suot. At syet talaga! Lamig na lamig na ko dito!







"Asan na ba yun?"







Nalibot ko na ata ang buong Snow World pero wala pa rin akong nakita.








God... Please help me...


(Rouel Glaciever's POV)




"Rouel, nauna na si Tracy sa bus. Balik ka na rin dun. Tatawagin pa kasi namin yung iba eh."




"Sige salamat."






Dumiretso na ako sa bus pero di ko nakita si Tracy.






"Khim, si Tracy?"






"Nag-CR ata eh."





"Geh, salamat."





"Kumpleto na ba?" Tanong ni Ms. Reyes.






Asan na ba si Tracy?! Shit naman oh!






"Ms. Reyes! Hahanapin ko po muna si Tracy! Wala pa po kasi siya eh."







"Bilisan mo, Rouel. Aalis na ang bus."






Tumayo ako at lumapit kay miss.






"Text ko na lang po kayo kung matatagalan ako sa paghahanap sa kanya."






Tumango si miss.






"Ano ba yan! Pampatagal yang Tracy na yan eh!"






"Oo nga!"





"Miss sila na bahala sa sarili nila! Alis na po tayo!"






"Oo nga miss!"





"Alis na po ko, miss."





Tumakbo ako agad papasok ng Star City.





Tsk! Tracy nasaan ka na ba?






Naisipan kong unahing hanapin si Tracy sa Snow World. Kumuha ako ng jacket pati ng gloves na tela.






Nag-lakad-lakad ako at palinga-linga. Napatigil ako sa nakita ko.





"Tracy!!"






Tumakbo agad ako para lumapit sa kanya.







"Tracy! Tracy are you alright?" Niyuyugyog ko siya pero nakapikit lang siya.






"Tracy, please answer me!"






"Rouel. Yung necklace..." Sabi niya na nanghihina. May nakita akong luhang lumabas sa mga mata niya. Ibinuka niya ang kaliwa niyang kamay. "I Found it. Sorry, Rouel." Saka siya pumikit.





Hinubad ko yung jacket pati yung gloves na suot ko. Ipinatong ko sa balikat ko yung jacket tapos hinaakan ko yung gloves saka ko maingat na binuhat si Tracy.




Pagdating sa may labasan, inabot ko na pabalik yung jacket pati yung gloves. Dumiretso ako sa Food Court habang buhat ko pa rin si Tracy. Naghanap ako ng mauupuan, kaya nung makahanap ako agad akong umupo at inupo ko si Tracy sa hita ko saka ko sinandal ang ulo niya sa dibdib ko.




Nilabas ko yung phone ko saka ko tinext si Dazy.




'Kaw na bahala sa bag ni Tracy. Pakisabi rin kay miss, nahanap ko na si Tracy at pwede na kayong umalis. Ako nang bahala kay Tracy'




Sent.





Ang lamig pa rin ng balat ni Tracy.





"Hmm..." Naalimpungatan na si Tracy.





"Hawak ko pa pala yung necklace..."





"Wag mong intindihin yung necklace, Tracy. Mas importante ka sakin."




Saka ko hinalikan yung ulo niya.






"Always remember, it's just a necklace. Iloveyou, Boo."




"No, Boo. Hindi lang yun basta necklace sakin. Bigay mo yun eh. Iloveyou too, Boo."








[A/N: And yung tawagan po pala nila na 'Boo' :) Ayan wala rin akong maisip na ibang tawagan eh. ]





3 comments:

  1. ANg sweEt,,, sNa gaNyaN kabaiT si roUeL sa WT eE,,, mas guSto kO xAh dtO,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    nagsusungit pa rin ang prince rouel dito pero medyo tamed siya dahil kay tracy! haha!!! gusto ko yung nagtanpo siya kunwari at inamo ni tracy! grabe ang cute!!! nakakakilig din yung katapusan! bet na bet ko! ang sweet nila!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^