Tuesday, October 30, 2012

You Are My Life : Chapter Three


(Martin's POV)



"Beb, paki-dala naman 'to kay Ms. Orellano." Utos ko sa kanya tapos inabot ko sa kanya yung mga folders.



Tinaasan niya ko ng kilay pero tumayo pa rin siya.


"So utusan mo na pala ako ngayon?" Sarcastic na tanong niya.


"Sige na, Beb. Marami pa kasi akong gagawin eh." Pakiusap ko.


"Fine." Tsaka niya inabot yung folders at lumabas na.


*RIIIIIIINGG! RIIINGG!*


Sino naman 'tong tumatawag na 'to?


(Calling: Kristoff)

" 'Tol, bakit?"

[Pre, may balak mag-balik.}

Bigla akong kinabahan.

Balak magbalik... Parang kilala ko na yun ah?

"Sige, pagnatapos ko na 'to punta agad ako dyan sa Hideout natin."

[Pre, problema yun. Alam mo namang mahal nun si--]

"Wala akong pakielam. Nandyan ba siya sa Hideout natin?"

[Pre, wala ako sa hideout ngayon. May inaasikaso pa ko dito sa kumpanya namin eh. Tinawagan lang ako ni Prince, may mga kasama daw siya at kapag di daw siya pinasali ulit sa Gang natin, may mangyayari daw na masama.]



Nahampas ko ng malakas yung mesa sa harap ko. Nalaglag pa yung ibang folders. Bumukas yung pinto kaya bigla kong tinago yung phone ko.



"Anong nangyari, Martin?" Tanong agad ni Danielle.


Napatingin siya sa mga folder na nalaglag kanina sa sahig. Lumapit siya at kinuha yung mga folder.


"Lalabas lang ako." Paalam ko saka na ako tumayo at lumabas.


(Danielle's POV)

*BOOG!*

Kahit naka-heels ako, napatakbo ako papunta sa Opisina ni Martin.


"Anong nagyari, Martin?" Tanong ko agad.


Napatingin ako sa mga folder na naka-kalat sa sahig. Lumapit ako at pinulot ang mga ito.


"Lalabas lang ako." Paalam niya saka na lumabas.


Anong nangyari? Bakit parang na-badtrip siya?


*Eeengkk*

Napalingon ako sa pinto.


Anong ginagawa niya rito?


Tumayo ako ng ayos at inilapag na ang mga folder sa mesa.


"Matthew.." Banggit ko sa pangalan niya.


Ibinulsa niya ang mga kamay niya. "Si Martin?" Tanong niya.


Napa-kagat labi ako. "Wa...wala. Lumabas kasi siya eh." Medyo natatakot kong sabi.


"Ah. Oo nga pala. Secretary ka ba niya?" Tanong niya sakin.


Tinuro ko ang sarili ko. "A-ako? Hi-hindi ah." Sagot ko agad.


*TOK! TOK! TOK!*


"Danielle, yung pinto buksan mo." Utos ni Martin sa labas.


Patay. Pano ko ba 'to gagawin? 

Baka magalit sakin si Martin kapag nalaman niyang nandito si... 


Hinila ko agad si Matthew papunta sa CR at isinara ito.

Nagulat ako nung nakayakap na siya sakin. Nakatitig siya sa mga mata ko at unti-unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko. Tinitigan ko ang labi niya. Akala ko ba patay na siya? Pero ano 'to? Bakit ganito?


Hinalikan niya ako ng dahan-dahan. Making it more passionate and gentle.

*TOK! TOK! TOK!*

"Danielle ano ba?! Yung pinto naman buksan mo! Marami pa akong dapat gawin!" Sigaw ni Martin sa labas.


Humiwalay ako sa halik tapos kinalas ko yung yakap niya.

Tumalikod na ako at bubuksan na dapat yung pinto pero hinila niya yung isa kong kamay.


"Sorry. Pagbubuksan ko pa ng pinto yung boyfriend ko eh." Paumanhin ko.

Tinanggal ko yung kamay niya at lumabas ng banyo. Isinara ko ulit yung pinto saka pinagbuksan na si Martin.


"Bat ang tagal mong buksan yung pinto?" Strikto niyang tanong.

"Pasensya na... Nag-cr pa ko eh." Sagot ko saka na dumiretso sa couch at umupo.


"Tsk. Di naman kasi dapat i-lock yung pinto eh." Pagmamaktol niya.


"Hoy!" Saway ko sa kanya.


Pagpasensyahan niyo na. Mababaw po talaga boyfriend ko. Galit agad.


Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.


"Wag ka na magalit. Eto naman eh... Nag-cr lang ako, galit ka na. Sorry na ha? Dun ka na lang muna sa Condo ko matulog." Lambing ko sa kanya.

Marahan niyang kinalas yung dalawang braso ko na naka-patong sa balikat niya. Tumayo siya sa niyakap ako sa bewang.


"Sige na nga, sorry na rin dahil nagalit ako agad. Na-badtrip lang talaga ako, di ko alam kung bakit." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. 


Bumaba sa tip ng nose ko at bumaba sa lips ko.


"Sige na, upo ka na lang dun sa couch. CR lang ako tapos pupunta tayo sa Restaurant namin." Nakangiti niyang sabi.


OHSHET!

Sa CR?!


"Saglit, saglit!" Pigil ko nung bubuksan niya na yung pinto ng banyo.


"Ano ba yun?" Tanong niya na magkasalubong yung kilay.


Kinawit ko yung dalawa kong kamay sa batok niya saka ko siya ulit hinalikan sa labi. SHIT. SHIT.


"Namimiss mo ko masyado, ha?" He said between our kisses.


Humiwalay siya sa halik saka na pumasok sa banyo. Sinara niya yung pinto and leaving me BREATHLESS.



FUDGE! Baka makita niya dun si Matthew!


 Hinawakan ko yung doorknob at pinihit.


"Woi! Tama na yan ah! Lumalagpas ka na sa limitations mo, Beb! Pati ba naman sa pagsilip sakin!" Medyo natataranta niyang sabi.


Tinulak niya yung pinto kaya sumara ulit at narinig ko na nga yung pag-click. Tsk. Ni-lock eh.


"Hehe. Sorry na, bebe. Just Checkin' "Paumanhin ko saka na ako pumunta papunta sa couch. Tumalon ako dun at tinakip sa mukha ko yung throw pillow na isa.


Shet! Namumula na ata ako! Bigla na lang naginit eh! Tsk! Ano ba 'to!!


"Danielle?" Tawag ni Martin sakin.


Napa-upo ako ng ayos at kinandong yung throw pillow na hawak ko.


"A-ano yun?" TSK! Nautal pa ko eh.


Lumabas na siya sa CR at lumapit sakin. Tinabihan niya ko sa couch saka ako niyakap.


"Bat naman binuksan mo yung bintana sa CR? Ang lamig tuloy sa loob." Nakapout niyang sabi.


"Ha? Eh hindi ko naman--" Bigla kong naputol yung sasabihin ko. Nalimutan ko, baka dun dumaan si Matthew.


"Ah. Nainitan kasi ako kanina eh. Pasensya na, Beb. " Sabi ko.

Lumingon ako sa kanya saka ko siya binigyan ng smack sa labi.

Tumayo na siya at inalalayan akong tumayo. 

"Punta na tayo sa Restaurant NATIN." Sabi ni Martin saka na kami lumabas ng opisina niya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:

:) Matured Scenes. Tentenenen~

Wahaha! Wala talaga akong maisip na magandang chapter para sa story na 'to. Di kasi ako maalam pagdating sa matured scenes, pramis!


2 comments:

  1. NagbALik na si maTthEw,,, haLa daNieLLe kUng aKo nsA LuGar mU mLoLokA diN aq,,, hWaaaAah,,,

    ReplyDelete
  2. a grbe ngbalik n c matthew!! whats happening!!!! kun kelan nmn npmhal n aq kay martin!!!! mato-torn aq s dlwang to 4 sure!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^