Sunday, October 7, 2012

The Brother Gods : Chapter 3


Chapter 3


Andrew Levesher POV




Ang sikip naman ng damit ni Crezy sa akin. Okay na 'to kasya naman eh. bahala na ang desinyo ng damit,pambabae talaga. Kulay rosas na may drawing na babae sa gitna. Nagmumukha na yata akong bakla nito katulad ng mga alagad ni Napoleon sa Deo Paradisum. Namimis ko na ang valley ha. 

Hay,bakit sa dinami-dami pa ng pwede kong pagkahulugan ay dito pa sa rubbish na lugar ng isang teen. Sa katunayan nasa form ako ng teen ngayon. di halatang eon ang edad ko. Ang galing talaga ni ama mag-set ng lugar na pwedeng maging battlefield namin ni Luke.

Teka nasaan na kaya yong darklord na iyon. Sana sa eskinita siya mapapad para kapareho na niya ang mga pulubi doon. Sa katunayan wala naman silang pagkaibahan.

Tara na nga sa baba bagamat masikip ang damit ko titiisin ko na lang. tingnan nga natin kung ano ang nilalaman ng bahay ni Crazy este ni Crezy. Ginala ko kaagad ang eye-balls ko pagkapanaog. Maayos naman ang bahay nila. simple lang at halatang puro babae ang nakatira dito. Si Crezy at Agatha lang yata dito. Wala ba silang parents.Nevermind.

Nilibot ko nga ang bahay.Malinis at kumikintab ang marble na sahig. Maganda ang pagkakaayos ng lavender na kurtina. Medyo malamig ang bahay.fair ang weather. Sinipat ko ang sa labas mula sa bintana. Yellow-orange na ang paligid. Hapon na pala,uwiin na ng estudyante. Nasubrahan ako sa tulog. Walang magawa eh.




Maya-maya,kumakalam ang sikmura ko. Sinyales na nagugutom ako. Ano kaya makain dito. Saan ba ang lagayan ng pagkain nila. Complex ang mga tao. Marami silang alam na bagay na kay hirap intindihin. Mahilig sila sa small things.Bahala sila. ang importante makahanap na ako ng pagkain para mawala na 'to. Sana meron silang Lambourgini,especial na dessert para sa aming mga diyos sa deo paradisum. Gawa iyon sa sacred na Wilsham berry na makikita lang sa Syneux Land,lugar ng mga Werewolf na kinahihiligan tambayan nli Alohara(hunt Goddess)tuwing summer solstice. However,wala namang Wilsham berry dito. Saka wala namang knowledge ang mga tao na gumawa ng Lambourgini. Mga food sorcerer ang may kaya non.Saka ang lambourgini di lang simple ang ingredients non. Meron pang potion iyon para bigyan kami ng good health saka pwede din yong gamot kung maka-sugat ka.




dito na nga ako sa kusina nila,maghahalughug ng pagkain. May nahawakan ako malaking kahon na nakatayo.di siya yari sa kahoy. Sa plastic at metal yata. Ano nga tawag nito. hmm,refrigirator yata. Gamitin ko willpower ko para malaman 'to. ah,ito pala yong bagay na ginagamit ng tao para tambayan ng mga pagkain at left-over nila. hmm,let's open and find some fine food.




May nakita akong pagkain,bilog siya na may malagkit na bagay. Cake to. Kinuha ko at ini-scoop gamit ang kamay ko. Masarap.Matamis.Sapat na 'to.




"I'm finally home. Hay kapagod mag-aral. Makainum na nga ng tubig."bumukas ang pintuan sa sala. Syempre na bulabog ako. Kaya ito,natataranta na kong saan pupunta. Kabilin-bilinan ni Crezy wag akong baba hangga't wala pa siya. Lagot ako sa kanya at lalong lagot ako sa ate niya,si Agatha Crossford nandito na. Papalapit sa kusina.




Its time to run.Wooh!




"Uwwaaaaaaaaaaaaaah! Who the heck are you?"no way to move.huli na ako sa acto. Nahulog pa ang slice of cake sa kamay ko.

"Vus aviso.(I'm sorry)"deutongue gamit ko. Natataranta ako sabay takbo patungo sa itaas.




"Ohhh nooo! Pinasok kami ng magnanakaw. My neighbor help me!!"tili niya.Takbo lang ako ng takbo hanggang makapasok sa kwarto ni crezy."Walang hiya ka,stranger. How dare you na pumasok sa kwarto ni Crezy. Tatawag ako ng pulis."patuloy niya.




Tumago ako sa ligod ng pintuan.

Papaakyat siya sa itaas. Ginamit ko willpower ko. May dala siyang soft broom. Panghampas sa akin.

"Kung di man ako makahingi ng tulong puwes ako ang papatay sayo. Lumabas ka sa silid ng kapatid ko,stranger!"bulyaw niya.

Suko na ko. Hulihin mo na ko. Patay talaga ako nito.

"Stranger!"siya ulit habang binubuksan ang pintuan.

"Nae kaumlavum halanae crezy.(kaibigan ako ni Crezy)"deutongue ulit ng sumuko ako sa kanya. "Naru jum nae labaavisum.(Wag kang magaalala mabait ako.)"

Sumakit yata ang ulo niya.

"Your mad person! Lumayas ka sa bahay ko. Err! Kakatakot ka."usal niya na tila nanginginig.

"No!"sagot ko.

Lalo siyang nanginig saka nagkapawis pa.

"Mommy help me!"umiiyak na siya sabay bitaw sa walis. Mistula siyang 5 years old na bata. Collega ba talaga siya?

"Agatha duenae sacress. Nae haekless.(Dont be afraid,im harmless.)"

Lalo siyang umiyak.

"Stranger!huhuhu!"

'Im so sorry,di ko balak na umiyak ka dahil sa takot. hindi naman ako masamang tao. Nandito lang ako dahil may rason."sabi ko sa language nila.

"Paano ka nakapasok sa bahay ko?"tanong niya na pinahid ang luha.

"Alam kong sasakit ulit ang ulo mo kapag sinabi ko. May alam si crezy nito.Ipapaliwanag ko ito mamaya kapag nandyan na siya."

"Si crazy? Who?"

"I mean creza.ang kapatid mo."

"Huwaat? Ang ek-ek niya. boyfriend ka ba niya."

"No. Hindi.Hindi."

"E sino ka ba?"

"Im andrew levesher,her new friend. Sana wag mong masamain ang biglaang pagsulpot ko sa bahay niyo. Kailangan ko lang ng matutuluyan."

"E marami namang apartment at boarding house dyan ha. Bakit dito pa?"

"May rason kaya nandito ako." 

"hindi ako naniniwala.Lumayas ka sa bahay ko."tinulak niya ako.

"Teka lang."pigil ko pero tinutulak niya ako patungo sa hagdan.

"Ate?"dumating na si Crezy. Mas malala ito."Oh myyy."

napatutup niya ang bibig. Naging statue naman ako habang nakatitig sa kanya.

"Ano ito creza? Ipaliwanag mo nga?"sabi ni Agatha na nakahalukipkip.

"Ate. (lagot)"sabi niya saka bulong. Mukhang kinakabahan siya. Papatayin niya ako ng sindak mamaya. Kaya dapat ng paghandaan.

Umaakyat siya sa itaas.

"Ate don't scold me. siya si Andrew. Bago kong friend."sabi ni Crezy nang lumapit na sa amin. Lumayo si agatha sa amin.

"Ate ipapaliwanag ko 'to.Sana wag kang mabigla."continue niya.

"Saan mo naman na pulot ang andrew na iyan."nakataas kilay nitong tanong.

"Ang totoo. err. Magagalit ka sa akin. Sana maiintindihan mo."napakalmot ni Crezy ang ulo.

"Ano ba yon?"

"si andrew ay hindi tao!"exclaim ni Crezy. Halos mapaigtad ako.

"What?"lumaki ang mga mata ni Agatha.

"Di siya alien,di siya engkanto lalong di siya anghel. Siya ay isang diyos."declare ni Crezy.

Sumikip yata ang dibdib ni Agatha.

"Isang kabaliwan."yon reaction niya. wala lang. Parang tatawa nga eh. hindi siya na shock. mukhang mahilig yata sa fantasy. Advance reaction siya

"Isang god. woo. fine. Magnanakaw yan eh."kumibit balikat si Agatha.

"Not ate! god siya. Natagpuan ko siya sa kwarto ko kaninang umaga. Natutulog sa kama ko na hubo't hubad na tinatakpan lang ng white feathers at kumot ko."nagmamadaling pahayag ni Crezy.

Ngumiwi si Agatha.

"Creza! nagiimbento ka naman. aba,naimpluwensiyan ka ata ng cyber-"

"ate please. totoo ang sinasabi ko. andito si andrew dahil kailangan niya ang tulong ko saka isa siyang god na pinarusahab kaya nalaglag dito. god natin siya ate,tandaan mo yan."explain niya nahalos luluwa ang ugat sa sentido siya. Malamang oras na para ipaliwanag ko ang pakay ko rito.

"Ahem,sa katunayan-"

Tumigil siya ng magkasabay na tumitig ang dalawa sa kanya. 

"Di lang ako magisa na pinarusahan. Kasama ko ang kapatid ko na ubod ng sama. Kasalanan niya kaya nandito ako. Binibintangan niya ako sa ginawa niyang kalokohan. Pinatapon kami pareho."

"Ano ba yong kalokohan niya?"masyadong kaswal na tanong ni agatha.

"Nawawala ang sacred armor ni Ama. Ang sycthe. Pero sa tingin ko kinuha ni luke.Mabuti magaling ako makiusap kay ama,imbes gawin niya kaming normal na tao habang buhay ay pinakiusapan ko siya na payagan niya ang isa sa amin na bumalik sa deo paradisum if mahanap namin ang scythe niya. Ngayon,seseryoson ko ang saying na "survival to the fittist."kailangan kong maunahan si Luke."

"nakakanerbyus iyan. fine,naniniwala na akong god ka."iniba ni agatha ang direksiyon ng mukha."Pero..teka..ang supreme god ba ang ama mo? E ano kanamang god? Ano naman yong kapatid mo?"

Tumango ako,"Im a god of sky. Luke is god of underworld."sagot ko sa quiet voice.

"Yong scythe na sinasabi mo,mukhang mahirap napanapin iyon. Paano na yan?"yumuko si crezy.

"Naniniwala akong mahanap ko yan.May willpower pa naman ako."proud kong tugon."O naniniwala na sana kayo."

"Oo naman.'chorus nilang sagot.

"Welcome sa bahay namin.Sana ma enjoy ka sa stay mo dito. I honor na makausap ang isa sa mga god ng universe."humakbang patalikod si Agatha.

"Actually,ang universe ay di balance sa absence namin.Lalo na ang absence ko. Kawawa ang mga pawn ko lalo na ang sumasamba sa akin."sabi ko. Huminto si Agatha.

"Huwaaat? Ang sama naman papa mo,di niya muna tinitignan kong tama ba ang ginagawa niya."react niya na tila sasabog sa inis.

"Keep calm and live while were young. Wag mo nang isipin iyon. Saka iwasan mong imention siya sa akin para mabawasan ang inis ko sa kanya."kumibit balikat ako.

Nagglint ang mga mata ni agatha.

"Ate,manaog ka na para makapagluto ka ng hapunan. Kami naman ni andrew ang magusap dahil may important akong sasabihin sa kanya."si crezy iyon na may halong pagtataboy sa kapatid.

"Alright."umalis si Agatha. Tinalikuran ako ni Crezy para pumasok sa silid niya.

"Quick! Umpisahan na natin ang plano."sabi niya na sinara ang pinto.

....

"Payag ka na ba na maging fake boyfriend ko bukas?"exclaim ni Creza habang nakaupo kami sa roof ng bahay nila. Alam ko na ang boyfriend,iyon ang tawag sa lover na lalaki. Ang babaing to puro kalokohan,dinamay niya ako. Makasakay na nga lang.No choose.Mukhang enjoyable naman eh.

"Felhaladoen!(Syempre!)"oops,deutongue ulit. Tumaas tuloy ang kilay niya.

"Anong language yan?"hinawanan niya ng buhok ang mukha.

"deutongue,language ng gods and goddesses sa deo paradisum.Mapalad kapag naintindihan mo yon."paliwanag ko.

"ah! Sana swertehin ako para maintindihan ko ang sinasabi mo. Intersting eh. Ano nga yong sinabi mo ulit?'

"Felhaladeon.Syempre! Pumapayag akong maging fake boyfriend.Kailan ba sisimulan?"


"Bukas na mismo.Ipapa enrol kita sa school ko at ipapakilala kita sa mga friends ko. Haha! Maging 4th year high school ka din." 

Ngumiti ako. Simpleng ngiti lang.Yong di nakakasilaw.

"Aba! Lakas ng aura mong ngumiti ha."siniko niya ako.

"Kahit papaano may natira pa akong kapangyarihan para akitin ka.Ayos ba?"biro ko pa kaya napa-sniffle siya sa pagngiti.

"Ha-ha!"


2 comments:

  1. cRazY esTe cRezY pLa,,, kyAhaHa,,, kKtuWa naMn itO,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^