Chapter Three : Shun Kurt Jimenez
“Finally I home “yan ang nasabi ni Shun sa sarili pagkatuntong na pagkatuntong sa paliparan ng Pilipinas. Sobrang namiss niya ang lugar na ito. Maging ang mga tao rito.Lalong lalo na siya.
Umalis siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang propesyon at para kalimutan narin ang nag-iisang babaing minahal niya.Si Jainez..
Sariwa parin sa mga alaalala niyang mga nangyari. Masakit isipin na kasalanan niya rin kung bakit ito nawalasa kanya.Mahal na siya nito noon ,pero hindi niya napansin yun kaya’t naduwag siyang umamin rito. Kaya tuluyan itong nawala.
Inakala niya na magiging Masaya si Jainez nang umalis siya pero nagkamali siya dahil maraming unos ang dumating sa buhay nito ,gustuhin man niyang bumalik noon para tulungan ito’y hindi niya magawa. Nagkaroon rin kasi siyang mga problema ukol sa pamilya niya.
Nalaman niyang mayroon palasiyang kapatid sa labas.Nasaktan ang siya ng malaman ito,ngunit di kalaunan ay natanggap niya rin ito.
At isa ito sa mga dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas. Tutulungan niya ito sa maraming bagay.
Habang nasa byahe pauwi ay inabutan siya ng traffic.
“Hey! Umalis nga kayo diyan!!!” napatingin si Shun sa pinanggagalingan ng boses. Napailing na lang siya.Hindi na niya ito pinansin pero papalakas ng papalakas ang sigaw ng mga babae.Matapobre yun ang naisip ni Shun. Tiningnan niyang muli kung saan nagmumula ng maarteng sigaw. Nahinto ang mga mata niya sa nagdridrive ng kotse. Nakita ko na siya . Naisip niya.
Nakipagtitigan siya rito.Patuloy niyang iniisip kung saan niya nakita ito. Nevermind . nasabi niya nalang.
♠♠
Napahaba ang tulog ni Shun at gutom na gutom siya pagkagising niya kaya naman napagpasyahan niyang kumain sa labas. Pagkatapos kumain dumriretso siya sa may dalampasigan. Kinukuhanan niya ng video ang hampas ng mga alon.
Patuloy ang paghanga ni Shun sa dagat.Nang mapansin niya ang isang umiiyak na dalaga na nakaupo sa may batuhan.
Ang babaing mahal niya. Si Jainez…
Pingmasdan niya ito.Wala parin itong pinagbago,ito parin ang babaing minahal niya . Anim na taon na ang nakakaraan.Napansin niya ang kalungkutan samata nito.Ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng video rito. Nang Makita niyang kalmado na ito ay nilapitan at inabutan niya ito ng panyo.
“Shun?” gulat na tanong ni Jainez ng mapansin ang presensiya ng binata.
Nginitian nito ni Shun. “ Kumusta kana ?” tanong ni Shun.
“Paanong??Hindi ba’t nasa Amerika ka?”nagtatakang tanong nito.
“Kakauwi ko lang kanina.Ikaw?Hating gabi na anong ginagawa mo rito. “
“Nagpapahangin lang. Nag-iisip-isip sa mga bagay bagay.”
“Mukhang malalim ngayng iniisip mo eh,akala ko kanina magpapakamatay ka kaya nilapitan kita. “pabirong sabi nito.
“Che! Asa ka naman!!” nakangiting sabi nito.
“Ayan mas bagay sayo an nakangiti..” nakangiti narin na sabi nito. At saka kinurot ang pisngi ni Jainez.
“Aray ha!!”reklamo ni Jainez.
“Gabi na, delikado para sa isang katulad mo ang naglalagi sa ganito.Halika ihatid nakita sainyo. “pag-aaya ni Shun kay Jainez.Gustuhin man niya na makasama ito ng matagal gabi narin at alam niyang pagod na katawan nito at ang puso nito.
“Ah eh, osige.Salamat Shun. ‘ “
“Wag mong isipin yun. Masaya akong matulungan ka. “
♠♠
“Hey!Bilisan niyo namang dalawa!!Baka naiinip na si Dyanne. “ mataray na sigaw ni Kcee sa kambal.
“Sisisihin mo itong si Lara!Nakipagtelebabad pa sa boyfriend niya!!”pagrereklamo ni Lhei.
“Baka ikaw kamo!!Inuna mo pa yung panunuod nung Anime !!” sagot naman ni Lara sa kakambal.
“Shut up the two of you!! Sumakay na kayo!! “ sigaw ng iritadong si Kcee.
“Fine” sabay na sagot ng kambal.
***
“Kelan ba kayo makakaroon ng new car?!Ginagawa niyo akong driver eh “ reklamo ni Kcee sa kambal.
“We need to find jobs muna daw before kami bigyan ni Dad ng new cars. “ maarteng sabi ni Lara .
“As if naman noh!! Katamad kayang magwork!!” Lhei .
“Sige ,tamarin kayo forever kayaong walang kotse.!!”
“Nagsalita !! “ singit ni Dyanne sa usapan. Sinamaan lang ito ng tingin ni Kcee.Papunta silang mall ngayon tulad ng ipinngako ni Lara kay Dyanne nung nsa clinic sila.
Patuloy lang ang pagabangayan nila hanggang makarating sila Mall. Nagulat sila ng bigla nalang sumigaw si Lhei.
“Omeged!! Omeged! Ang puso ko!!” umaarte pa itong nasasaktan ang puso nito.
“Anong arte na naman yan Lheilani Mei Marquez?!” inis na sabi ng kambal nito.
“So kailangan buo ang pangalan ko Lara Mei Marquez?!!”
‘Pwede ba!! Kanina pa kayo ha?!Ano bang problema mo Lhei?”iritang-irita na si Kcee sa magkapatid.
“Eh kasi! Remember yung nung traffic?,He’s here! Waaaaaaaah! Ang gwapo niya kaso ang sakit may gf napala.” Napakunot noo si Kcee at Lara tila iniisip kung ano yung sinsabi ni lhei.As if on cue may dumaang isang lalaki at babae sa harap nila. Napatahimik si Lhei at mas lalo namang napataas ang kilay ni Kcee.
Nakita ko na talaga siya .Isip-isip ni Kcee.
“Ate Mimim.Ate Lara,Ate Lhei na kaalis na po sila baka gusto niyo napumasok sa mall. “pagbabalik sa kanila ni Dyanne mula sa pagkakatulala.
“Ay oo nga!ito kasing si Lhei! Di mong drama!Marami pang lalaki dyan! Leggo!!”ani naman ni Kcee.
Kung saan saan na silanakarating pero hindi mawala sa isip Kcee ang lalaki!
“Bingo!!”bigla niyang sigaw ng maalala kung saan niya ito nakita.
“Oi!Bratty bat nasigaw?”tanong ni Lhei habang pumipili ng damit.
“Bratty your face!! Dalian niyo jan. I want to go home na!! “nakangiting sabi niya.
Its payback time.
“Ay?Uuwi na?Ang konti palan ng nabibili ko?”reklamo naman ni Lara.
“Babalik nalang tayo next time okay?May aasikasuhin pa ako. “ nagmamadaling sabi nito.
“Oo nga po uwi na tayo.Pagod narin ako.” Pagsang ayon ni Dyanne.
“Oo na sige nauwi na tayo “
♠ ♠
Inaya ni Shun si Jainez na lumabas sila . Maaring ito na rin ang huling beses na makikita niya itong malungkot. Dahil alam niyang pagkatapos ng araw na ito magiging masaya na ito sa piling ni Sam..Oo ni Sam…..Si Sam na Kuya niya ..Tama kayo ng basa.si Sam nga ang anak sa labas ng Papa niya.Nang una silang magkita sa Amerika at malaman ang tunay na pagkatao nila nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila. Lalo na't pareho nilang alam na minsan silang naging magkaribal sa puso ng iisang babae.
Nalaman din ni Shun ang ginawa ni Jainez kaya’t lumipad din patungong Amerika si Sam. Kahit sino naman siguro magagalit kung malalaman mong pinagkakitaan ka ng taong mahal mo diba?Pero katulad ng ibang nagmamahal.Masyadong mahal ni Sam si Jainez para magalit ng matagal rito. Lalo ng malaman nilang wala naman talaga itong kinalaman sa nangyari noon.
Nang mga panahon na malaman nilang wala namang alam doon si Jainez,tinanong ni Shun si Sam kung wala itong balak bumalik sa Pilipinas ay sinabi nitong saka na siya babalik pag ayos na ang buhay niya. Hindi nila hinayaan namawalan ng balita tungkol kay Jainez.Bawat galaw nito’y alam nila. At ang naging dahilan nga ng pagpapasya ni Sam na bumalik sa Pilipinas ay dahil sa current boyfriend ni Jainez na isang babaero napagdesisyunan na nilang bumalik at bawiin si Jainez.
Gusto mang sulitin ni Shun ang pagkakataon na makasama si Jainez ng araw na iyon. Nakita niya ang malungkot ang aura nito kaya inaya niya na itong umuwi. Sinigurado niya rin sa isip niya na huli na to. Sa susunod na magkita sila nakangiti na ang dalaga.
Laking gulat ni Shun,nang saktong makita niya na ang paborito niyang sasakyan ay nabangga ng isang pulang sasakyan.Agad agad siyang lumapit sa pulang sasakyan at kinatok ang bintana nito.
Napakagandang dalaga ang nakita niya.Kung hindi siugro niya paborito ang sasakyang iyon ay baka hinayaan nalamang niya ito dahil maaring nadala na siya sa kagandahan nito.
“ Oops,Sorry hindi ko sinasadya. “ hingi ng paumanhin ng dalaga pero hindi Makita ni Shun ang sinseridad sa boses nito.
“Hey,sabi ko Sorry.Ah here’s my calling card. Tawagan mo nalang ako kung magkano ang nagastos mo sa car mo ,then Ill pay it.Sige ha ,mauna na kami nagmamadali kasi ako “ sabi nito at binababa ang salamin ng ng kotse nito .Pero bago pamandin nito naibaba nakita ni Shun ng kakaibang ngiti sa labi ng dalaga.Dangerous..Isip isip ni Shun.
“Shun anong nangyari ?” takang tanong ni Jainez.
“Ah wala,halika umalis na tayo .”aya nito kay Jainez. Pero bago iyon, sinulyapan niya muna ang calling card na hawak.
Kris Camille Hernandez….
bRatinELLa mUch k tLGa KcEe,,, at aYan nGkitA n cLa ni sHun,,, hwaHihi,,, aNo kY nexT,,,
ReplyDeleteang gwapo-gwpo ni shun!!
ReplyDeletenbsa q last two days p yata cguro, commnt-commnt n lng ngaun dhil ngaun n ng ulit nkpag-OL..
ReplyDelete