Wednesday, October 17, 2012

One Shot Story : Someone Like Him

Someone Like Him
By: Ms. Anonymous


Every girls naman want a guy that is so caring, yung everyday ka nyang ire-remind na mag-iingat ka, kumain ka on time, and many more. Gusto rin nating mga girls syempre yung kapag kasama natin sila is tayo yung priority nila, na sa atin umiikot yung mundo nila at that moment. Yung tipong he don't give a damn sa ibang tao sa paligid nyo, just you and him lang. Usually makakakita lang naman tayo ng mga ganyang lalake kapag nanliligaw sila sayo or kapag may kailangan, but right after that courtship stage or kapag nakuha na nila yung gusto nila wala na, hindi na sila ganyang ka-sweet.

I found a guy na yung mga gusto ko is nasa kanya, yung maalaga, mabait, sweet, basta yung mga hinahanap ko sa isang lalake nasa kanya. He makes me feel like a princess or a queen rather whenever were together. Nanjan yung kapag kakain kami sya pa yung naglalagay ng pagkain sa plato ko, and kapag ang ulam namin is hipon pinag-babalat pa nya ako. How come you will not like that kind of guy?


Honestly I don't how can I label our relationship, I really don't have any idea kung mag-ano ba talaga kami. We act like couple whenever were together, but I can't call him mine. Ang labo lang diba?! Hindi nya ako niligawan, he never said that he loves me, he just says that he likes me, and he misses me. Now tell me, how can you put name on that kind of relationship? Oh, maybe MU perhaps.

Sobrang dami ng meaning ng MU, like Mutual Understanding, Magulong Usapan, Malabong Ugnayan, Malanding Usapan, or even Mahalay na Ugnayan. Sobrang dami ng meaning ng MU ngayon so ayokong iyon ang gamitin na term.

Anong klaseng lalake nga ba para sa akin ang isang to? Well, matalino kasi sya in so many ways. Marami syang alam sa iba't-ibang bagay pero you can't feel anything na mayabang sya because of it. Mabilis syang mag-isip mapa-seryosong usapan pa yan o kalokohan lang, for me isa sya sa pinaka-humorous na tao na nakilala ko. He can make me smile and laugh with just a simple joke, hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga akong tao o sadyang mahusay lang sya mag-joke.

He's the kind of guy that when you look at him from afar, masasabi mo sa sarili mo na ang lakas ng sex appeal nya at ang galing nyang pumorma. I really like talaga yung mga lalake na magaling pumili ng damit, yung hindi sila trying hard para magmukang magandang lalake. Na kahit na sa ukay-ukay lang nila nabili yung damit kapag sinuot nila ay nagmumukang branded.

Sya din yung tipo ng tao na isang tingin mo pa lang alam mo na maalaga sya sa sarili nya, na malinis sya sa katawan though he has tattoos. Sabi kasi nila, para malaman mo kung malinis sa katawan ang isang tao, tingnan mo yung kuko nya in both hands and feet. Yung sa kanya laging malinis kahit na naka-tsinelas lang sya, so I can really say na malinis talaga sya sa katawan.

Sya din yung tipo ng lalake na maalaga, hindi lang sa partner nya pero pati na rin sa mga kasama nya sa trabaho. Makikita mo yung concern nya sa mga kasama nya sa trabaho, ayaw nya na sya lang ang meron, gusto nya lahat magkaron.

Maalagang tao sya, maaalalahanin. Lagi nya akong tinext every morning na mag-iingat ako pagpasok ko sa trabaho, at sa gabi naman magtetext naman sya na mag-ingat ako sa pag-uwi. Magtetext din yan na he hope na safe akong naka-uwi, he will remind me rin to eat on time and take my meds on time. Kapag umuulan, lagi yang nagpapaalala na magpapayong ako kasi tamad talaga akong magbukas ng payong lalo na kung hindi naman kalakasan yung ulan. Magugulat ka din kasi kapag di mo sya masyadong napapansin, magtetext yan kung di ko daw ba sya namimis or kung may problema daw ba ako, o kung may problema daw ba KAMI.

He give something to me in the most unexpected times, kagaya na lang nung binigyan nya ako ng toblerone nung mga panahon na gustong-gusto ko nun pero wala akong pambili. He knows that I really love chocolates, pero di ko akalain na mahahalata nya na gusto ko nun at that very moment. He even told me na ang lungkot daw kasi ng aura ko kaya nya naisipan na bigyan ako ng chocolate, at na-touch ako doon. The next day binigyan nya ulit ako.

Kapag hindi kami sabay mag-lunch, magtetext yan kapag alas-dose na kumain na ako. Madalas kasi akong nalilipasan ng gutom kaya madalas din akong sinisikmura. I remember February last year nung hindi ko na talaga kinaya yung madalas na pagsakit ng sikmura ko, I have to go home early kasi nga di ko na kaya. The next day, half day lang ako to see an internal doctor to check up my condition. There are signs na baka sa gallbladder ko or sa kidney, or sa colon ko na yung problem. The doctor said that I need to have some lab tests, it only includes urinalysis, fecalisys, and ultrasound sa tatlong internal organs ko na di ko na maalala. To make the long story short, negative naman lahat, normal naman ang lahat sa akin. Sabi ng doctor baka daw hyper-acidity lang or gastro, kaya ayun she gave me plenty of meds. The next day after my lab tests pasok na ulit ako, nung makita nya ako bigla na lang nya akong pinektusan. Syempre parang alam ko na rin naman kung para saan yon, kasi nga pinababayaan ko yung sarili ko. Sabi nya sa akin madalas naman daw nya ako i-remind pero di ko naman daw sya sinusunod kaya daw iyon ang napala ko. Touch ako dun kasi concern talaga sya sa akin, that day he make sure na at exactly twelve noon kakain na kami ng lunch para hindi na nga ako malipasan na naman ng gutom. What I find more sweet is yung kinuha nya yung bag ko to look for my prescription and meds para sya na yung mag-prepare and to check kung tama ba yung iinumin ko. 

Marami pang mga simpleng bagay yung ginagawa nya para maiparamdam nya sa akin na special ako, and I can't jot them all here dahil baka abutin tayo ng pasko.

Oo nga pala, he don't have those pang-commercial na mga ngipin pero he has that kissable red lips na hihilingin mo na sana sayo na lang. Hindi naman sa pangit or madumi yung ngipin nya, (naalala ko lang kasi nag-smile sya sa akin ngayon lang) buo naman sya at kumpleto pero di talaga pwede na pang commercial kasi para sa akin lang ang smile nya na yon, hahaha echos lang.

Basta para sa akin isa syang perfect guy to be with, a perfect partner in life, a perfect guy na hindi mo ikakahiya na iharap sa kahit na sino, kahit pa sa mga magulang mo. Pero kahit gustuhin ko man na ipakilala sya sa mga magulang ko at mga kaibigan, hindi pwede. Kaya ko syang ikwento sa mga kaibigan ko, pero hindi sa mga magulang ko. Pwede ko syang i-claim na sa akin sya  na boyfriend ko sya sa harap ng mga kaibigan ko, kahit pa hindi naman talaga. Hindi ko lang talaga sya pwedeng iharap sa kanila kasi... IMAGINATION KO LANG SYA!


















Joke lang, kayo naman oh. He really exist, tao talaga sya na may buhay. There is this reason why I can't do that entire pagpapakilala thing; it is because HE IS ALREADY MARRIED! Yup, kasal na sya at may sarili ng pamilya kaya hindi ko talaga sya pwedeng tawagin na akin. For sure hinuhusgahan nyo na ako, ang dami nyo ng violent and negative reactions. And siguro kung nakakamatay yung mga violent and negative reactions nyo, malamang tigok na ako ngayon.





Alam ko naman from the very beginning of this that it is wrong, and it will never be right. I'm just a girl na naghahanap ng pagmamahal at pag-aalaga mula sa ibang tao, but it just so happen na sya yung tao na yon. Hindi ko rin naman ginusto na sa kanya ko maramdaman ang lahat ng nararamdaman ko ngayon, lalong hindi ko rin naman inaasahan na yung mga hinahanap ko sa isang lalake ay nasa kanya rin. I admit, mahirap din para sa akin ang lahat dahil nga sa alam ko na may pamilya na syang tao. At the end of the day, kahit saang anggulo mo tingnan talo ako, wala akong laban. Kahit naman gustong-gusto ko sya at malapit ng mapunta sa pagmamahal, never kong hiniling o naisip na sana maghiwalay sila nung asawa nya. Ayokong hilingin ang ganong bagay unang-una dahil mali ang hilingin ang ganon, pangalawa ay dahil ayokong may masirang pamilya ng dahil sa akin. Ayokong merong isang bata na sobrang bait at matalino ang mawalan ng isang ama at magpabilang sa bata na hiwalay ang mga magulang. Masaya naman na ako sa kung ano man kami, and kung ano man ang kaya nya lang ibigay sa akin pero hindi ko sinasarado ang pinto ng posibilidad na meron akong makilala na isang lalake na katulad nya, yung lalake na alam kong akin lang at ako lang sa buhay nya. Alam kong hindi ko sya makikita agad, kaya habang wala pa sya ay sa kanya na muna ang puso ko.

Sa kanya muna ako sasandal sa mga panahon na kailangan ko ng karamay at isang espesyal na kaibigan. Mali talaga, maling-mali pero kahit na alam kong mali hindi pa rin ako magkaron ng lakas ng loob na itigil ang mga ganitong pangyayari. Ayoko namang ibuhos sa akin ang lahat ng sisi, kung may kasalanan ako sa mga nangyayari ngayon, I'm sure na may kasalanan din naman sya. Kahit naman may ganito kaming klaseng kagulo na relasyon, never akong nag-demand sa kanya dahil alam ko naman ang lugar ko sa buhay nya. Alam kong hindi magiging ganong kadali ang lahat, lalo na yung pag let-go sa kanya, at sa lahat ng mga bagay na nakasanayan ko na nagmumula sa kanya pero alam kong kakayanin ko yun given enough time.

Nagkamali ako, at alam ko yun pero ayokong pagsisihan ang pagkakamali ko na yun because it once made me happy. Sa mali na nagawa ko, may natutunan ako at sa tingin ko iyon ang pinaka-mahalaga para naman kahit paano ay naging worth it o may pinuntahang maganda yung pagkakamaling nagawa ko.

Sana dumating ang isang katulad nya sa buhay ko. Alam kong wala na akong makikita na katulad na katulad nya, pero alam kong may makikita at makikilala ako na mas higit pa sa kanya. Hindi ako nawawalan ng pag-asa sa bagay na yon dahil wala namang imposible sa mundong ginagalawan natin.

Hindi ako makakakita whose exactly like him, but I know that I can found SOMEONE LIKE HIM.


P.S.
He just got out from the hospital after five days of confinement last Tuesday, and I really felt bad and sad dahil hindi ko man lang sya nadalaw. During those five days, nagkaka-text naman kami and I said my sorry kasi hindi ko sya madalaw since malayo sya sa inuuwian ko. Sabi nya ok lang naman daw and he understands, pero I really feel bad pa rin. Hindi naman ganong kalaki yung pinayat nya, but I can see na talagang stress sya because of what happened to him. May advantage din naman yung nangyari sa kanya, like lumiit yung tummy nya so may abs na ulit sya kahit pano, hahaha. Every other week he needs to visit his doctor for his condition since he wasn't able to have an operation. Naaawa nga ako sa kanya kasi super dami talaga ang bawal sa kanya, so just to help him out I always text and told him that he should eat on time and take his meds on time, baligtad na ngayon yung situation. I always remind him not to eat those prohibited foods and drinks like soda, not to stress his self too much kasi di yun maganda para sa kanya. He's somehow ok naman na, though he can't ride a motorcycle for a month.


[A/N: This story is from an anonymous blogger, she send me this story on one of my tumblr account. I asked her if I can share this one to this sight, and I’m thankful to her because she allowed me to... Anyway, she ask if I can ask you all guys to leave a comment here and as much as possible, she wants you to be honest in all fairness. Thanks for reading.]

2 comments:

  1. yan din ang guy na gusto ko!!! pramis!! well,unfortunately,i haven't met one.. haha

    ouch! that must have hurt a lot.. i thought story mo talaga to ate richelle,kinabahan tuloy ako.. hehe

    ano bah yan.. ang sad nman ng ending.. naalala ko tuloy ang "someone like you" ni adele.. why kasi paasa nman si guy,yan tuloy!.. madali kasing ma inlove ung mga girls.. (ay?? nagsalita ung never pa na inlove!hahaha)

    "a mistake makes a better you" oh?tamang pauso ko lang un.. hahah..

    ReplyDelete
  2. sA nGayOn aNg hiniHiLing q Lng kaPag maY duMatiNg n gUy n tLgaNg maGugustuHan q uNg hindi aKo saSakTan,,, ksi guSto q cNo uNg uNa qNg mMhaLin mMhaLin diN aq pBaLik,,, peRo uN nGa mHiraP magHanaP ng gaNun,,, mhuHurt ka muNa ng mRaMing bEses,,, aNg masAsaBi q LnG kei miSs aNonyMoUs na naGmamaYari ng kwEntOng itO,,, kEep strOng po,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^