Saturday, October 13, 2012

She's The One: Chapter Seven


Chapter Seven: Don’t ever judge ME!!



Hanggang ngayon wala parin maisip na plano si  Kcee kung paano magagamit laban Kay Shun .

“Pupunta  ka na ba sa ampunan ,Cee ?” tanong ng Kuya ni Kcee


“Yup!”

“Lika hatid na kita ‘”aya nito.

“Thanks ,Kuya. “ nakangiting sabi nito.

***Sa kotse  inusisa ng Kuya niya kung ano na ang nangyayari sa kanya sa ampunan,  at ano pa nga bang aasahan sa isan KCee ??

“Like eeeeeeew!Ang dungis Kuya!! Mauubos yung wipes and alcohol ko!”

“Their so kulit ,touchy,clingy!! “

“Super FC lang mga co-workers ko Kuya!!”

“Like DUH?! Langit ako , lupa sila  noh!!”

“I miss Lhei and lara na!!

Napapailing na lang si Nathan sa kwento ng kapatid., Kung hindi niya siguro kilala ito malamang iritang irita na ito sa kwento niya.

“Easy ,Cee.Three weeks na lang naman eh. “

“Feeling ko Kuya ,Im dead by that time.As in!! “

“Akala ko ba you love kids?Eh bakit ganyan  ka  umasta ?” tanong ng Kuya niya.

“Yup! I said I love  KIDS!! KIDS kuya! Hindi MADUNGIS NA KIDS!! sigaw nito.

“Fine ! Fine!! Kids kung kids di kailangan sumigaw! Oh bumaba kana! Andito na tayo!” utos nito.

‘”Thanks ulit Kuya!! “ 

“No problem , Cee

 ***
Pagkababa ni Kcee sa kotse ng Kuya niya nakarii siya ng ingay mula sa loob ng ampunan kaya’t agad siyang tumungo roon.

Hindi maintindihan ni Kcee ng bigla nalang sumikip ang sa may bandang puso niya.

“Oh,Kcee andyan ka na pala,halika at ipakikilala kita sa kasama ni Shun.”salubong ng Superyora kay Kcee,hindi naman malaman ni Kcee ang ikikilos sa huli ay sumama na rin siya sa kinaroroonan nina Shun.

“Kcee” nakangiting bati ni Shun.Ibig ibig ng batuhin ni Kcee ng sapatos siShun.Napakaplstic porket kasama si Jainez.Tama kayo ng basa.. Kassma niya si Jainez.

“Hi!”napipilitang bati ni Kcee.

“ Ikaw pala si Kcee,madalas kang ikwento sa akin ni Shun “ nakangiting sabi ni Jainez, sa hindi malamang dahilan naiinis si Kcee kay Jainez. Kaya naman.....................

“So,kilala mo na pala ako,no need to introduce myself,alis na ako madami pa akong aasikasuhin “pagsabi noon ay iniwan na sila ni Kcee at dumretso sa may Kusina.

Nagpaalam si Shun kay jainez at sinundan si Kcee sa labas .

“Anong problema mo ?” agad na bungad na tanong ni Shun kay Kcee.

“Huh?inosensteng sabi ni Kcee.

“Ganyan ka ba makitungo sa mga bisita rito ?”naiinis na tanong ni Shun.

“May bisita ba ?”

“Anong tingin mo kay Jainez?!Sa nakita ko kinakausap ka niya na maayos sana naman kausapin mo siya at harapin ng maayos.”

“As if I care kung kinakausap niya ako.Saka sabi niya kilala niya na ako so why magpakilala ulit ?? unli lang Kuya ??” pamimilosopo ni kcee.

“Pwede ba?! Umayos ka nga!! Hindii ko alam kung anong problema mo?! Mas palala ka ng palala!! Napakalayo ng ugali mo kay Jainez. ‘”

“Okay’”sagot ni Kcee.

“Ganyan ba talaga kagaspang ang ugali mo? Hindi na ako magtataka kung ganyan rin kasama ang uglai ng mama mo.Siguradong sa kanya mo nakuha ang ugali mo “ nang-iinsultong sabi ni Shun.

Nakatanggap naman siya ng isang malakas na sampal mula kay Kcee.

“Alam mo matanggap ko pa ung ikumpara mo ako kay Jainez.Matatanggap ko pa eh kahit isa yun sa mga bagay na ayaw kong ginagwa sa akin  ng mga tao!Pero yung bastusin mo yung Mommy ko hindi kita mapapatawad.Hindi lang yun isang kabastusan sa pamilya namin,hindi mo narin ginalang ang alaala ng Mom ko.!Hindi mo siya kilala.Wala kang karapatan na husgahan siya. Alam mo ba kung bakit ang hirap sa akin na gawin yung mga bagay dito sa ampunan??Dahil sa gantiong lugar ,,,,,ang lugar kung saan namatay ang Mommy ko.Yung araw ng kaarawan ko ,mas pinili ng Mom ko naunahin an mga bata sa ampunan at dahil doon namatay siya” umiyak na sabi ni Kcee. Nagulat naman si Shun sa narinig ,nakaramdam siya ng guilt sa sinabi niya.

“Ano? Ngayon naawa ka na sa akin? Sinasabi ko sayo hindi ko kailangan niyan .may sasabihin ka pa?? Kung wala aalis na ako.  magsimula ng maglakad paalis si Kcee. Hinawakan naman ito ni Shun .

“At nga pala,don’t expect me to come tomorrow,abyaran ko nalang ang nasira sa kotse mo. Kung ayaw mong tanggapin ang pera mula  sa Kuya at Dad ko,sige pagiipunan ko mula sa sarili kong pagod.  inalis nito ang kamay na nakahawak rito.

    
 ***
“Anong nangyari ?nag-aalalang tanong ni jainez.nakasalubong niya kasi si Kcee at pansin niyang umiyak ito.

“Wala naman,masama lang ang pakiramdam ni Kcee,pasensya kana sa inasal niya.”paghingi  ng paumanhin ni Shun.

“Kung masama pala ang pakiramdam niya dapat hinatid mo siya “ utos ni Jainez.

“ Hindi na,magpapasundo daw siya sa Kuya niya.” Pagsisinungaling nito.
“Ganun ba “

Hind alam ni Kcee kung paano siya nakauwi sa kanila. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya. Doon siya umiyak ng umiyak.

Sobrang nasaktan siya sa sinabi ni Shun .Sinabayan pa ito ng hindi maipaliwanag na pakiramadam.


2 comments:

  1. hOwgHaD,,, iNLoVe n kSi c kCee s kNya eEh,, hWehEhE,,, naExciTe a cHaptR n tO,,,

    ReplyDelete
  2. ouch, nsskatan ang bratinella.. ramdam q rin ung sakit, yay!!! pls update soon, gus2 q n mlman ung next...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^