Sunday, October 7, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 1


CHAPTER ONE


     SUNTOK sa mag-kabilang mukha, at sipa sa tyan ang inabot ng lalaki kay Mino habang halos hindi naman makatingin ang classmate nyang si SeChang sa duguang mukha ng isa pang lalaki na kasamahan ngayon ng binubugbog ni Mino. Matapos ang bugbugan ay kusa ng tumakbo ang dalawa dahil sa takot na baka kung ano pang mang-yari sa kanila sa kamay ni Mino.






     Nahihiya at kabadong tumayo si SeChang habang pinapanood nya kung pano ipag-pag ni Mino ang suot nitong school uniform na hindi man lang nakabutones ang harapan. Sa halip na polo ng school ang suot nito ay casual polo lang yun na may designed na red and green stripes. Pinulot ni Mino ng bag nya na hindi man lang nag-aksaya ng panahong lingunin si SeChang.






     Sinukbit nito ang bag saka akmang aalis ng tawagin sya ni SeChang. "Ah--Mino sandali."napalingon sa kaniya si Mino sa usual nitong mukha. Matapang na parang walang kinakatakutan sa mundo.






     "Bakit? May sasabihin ka ba?"tanong nito sa bosy na boses.






     "Hu?--ah---sa--salamat sa tulong mo. Kung hindi mo ko nakitang binubugbog ng mga yun baka nasa hospital na ko ngayon."nauutal na salita ni SeChang.






     "Kung natatakot kang ma-hospital matutu kang ipag-tangol ang sarili mo. Hindi sa lahat ng oras may darating na tao para iligtas ka."imbis na tanggapin nito ang pasasalamat ni SeChang ay nanermon pa ito sabay talikod.






     Ilang segundong pinag-isipan ni SeChang ang sinabi ni Mino ay biglang natauhan at nalaman nyang may punto rin naman dun si Mino. Pano nga kung hindi dumating si Mino? Eh di maho-hospital sya na hindi man lang nya naipag-tatanggol ang sarili nya kahit alam nya naman na kaya nya. Nabuhayan sya ng loob sa mga sinabi ni Mino kaya naman simula noon ay kinaibigan na nya ito kahit pa kinakatakutan ito sa school nila.








---



     Inis na napalingon si Mino kay SeChang habang nag-lalakd sila papuntang building nila, "Bakit mo ba ko sinusundan? Natatakot ka ba na baka balikan ka nanaman ng mga nang-bu-bully sayo?"pika nitong sabi.






     "Hindi no! Hindi na ko natatakot sa kanila. Kayang kaya ko sila kahit wala ang tulong mo!"mabilis na tanggi ni SeChang.






     "Eh bakit mo nga ako sinusundan?"napatingin na may malisya si Mino sa kaniya. "May gusto ka ba sakin?"






     Mabilis nyang binatukan si Mino. "Sira ulo! Mas gwapo naman ako sayo!"sigaw nya. Bigla syang napaatras ng makita nya ang pikon na mukha ni Mino dahil sa ginawa nyang pag-batok. "Ah--eh--kita na lang tayo mamaya!"sabi nya saka sya tumakbo ng mabilis.






     "Sira ulo ka! Hoy! Huminto ka! Wala pang nakaka-batok sakin kahit sino! Ang lakas ng loob mo! Lagot ka talaga sakin! Maeng SeChang!!"sigaw nya kay SeChang habang hinahabol ito.






     PILIT na isiniksik ni SeChang ang sarili nya sa mga nag-kukumpulang mga estudyangte sa Lobby ng school nila dahil kung hindi ay maaabutan na talaga sya ni Mino at paniguradong lagot sya. Siksik sya ng siksik pero hindi parin talaga sya nakaligtas.






     Naabutan sya ni Mino, hahatakin sana sya nito pero na-out of balance si SeChang. Sa gulat nya ay bigla nyang nahatak si Mino kaya tuloy dalawa silang tumilapon. Lahat ng student ay napatabi at sabay sabay na nagulat ng hindi lang silang dalawa ng tumilapon sa sahig.






     "Sira ulo ka!"sigaw ni Mino, hinawakan nya ang kwelyo nito at akma na sanang susuntok ng mag-salita si SeChang.






     "Yu--Yua?"sambit ni SeChang habang nakalingon ito sa lalaking nasa lapag din kaharap nya. Agad na nilingon ni Mino si Yua. Napakunot ang nuo ni Mino, totoo nga si Yua nga iyon. Matagal silang nag-katitigan ni Yua, habang si SeChang naman ay nag-papalit palit ang tingin sa dalawa.






     "Hoy! Anong kaguluhan yan hu! Tabi! Tumabi kayo!"sigaw ng isang lalaki. Kinabahan bigla si SeChang ng marinig kung sino yun.






     "Hoy! Bitawan mo na nga ako! Nan dyan na si JiSu! Lagot tayo nito!"sita ni SeChang dahil nasa ibabaw parin nya si Mino hawak ang kwelyo nya. Pero bago pa man bumitaw si Mino at bago pa man tumayo si Yua ay nakita na sila si JiSu.






     "Naku naman! Mino! Wala ka talagang pinipiling lugar! Pati dito sa school gumagawa ka ng kalokohan! SeChang! Class President ka pa naman isa ka rin! Aba naku! Yua! Gumagawa ka rin ng eksena dito? Wag mo sabihing sikat ka ay palalampasin ko 'to! Hoy kayo! Mag-sibalik na kayo sa mga room nyo! At kayo namang tatlo! Sumunod kayo sa office ko!"saad ni JiSu bago tinalikuran ang tatlo.






     Padabog na binitawan ni Mino si SeChang saka tumayo pero ang paningin nito ay nakay Yua parin habang inis namang bumangon si SeChang kasabay si Yua. Inayos ni Mino ang suot nyang uniform habang nakatitig parin kay Yua bago nag-patiunang lumakad. Nilingon ni SeChang si Yua, nginitian nya ito at sumunod kay Mino. Wala namang reaksyon na sumunod si Yua sa kanila.








_____






     SI SONG MINO ang kilalang basagulero sa school nila simula pa man noong elemetary sya hanggang ngayon graduating na syang ng high school. Wala syang inuurungan, kahit sino lalabanan nya. Hindi sya takot kahit gano pa man kalaki o kalakas ang kaharap nya basta ang alam nya kailangan nyang lumaban para hindi sya maapi. Lumaki syang walang ama, at namatay namang ina nya noong labing dalawang taong gulang sya dahil sa sakit nito sa Kidney. May sinabi ang pamilya nila, pero dahil nga sa pag-papagamot ng ina nya ay naubos lahat ng pera nila. Nalugi ang business nila nawala lahat. Nag-hirap  si Mino.






    Kaya naman nung mga panahon na walang wala na talaga si Mino ultimo bahay ay doon na syang [umayag mag-paampon sa kapatid ng mama nya na sya namang tatay ni JiSu. Sa makatuwid ay mag-pinsan sila ng batang batang Chairman ng School nila, yun ay si JiSu. Apat na taon ang tanda nya kay Mino, twenty three sya at nineteen naman si Mino. Mababait naman ang mga magulang ni JiSu kay Mino. At pantay lang ang mga tingin nito sa dalawa.






     Sa edad na yun ni JiSu ay obligado na syang patakbuhin ang school na itinayo pa ng kanilang lolo matagal na panahon na ang nakalipas. Kinakailangan nyang i-take over ang nabakanteng posisyon dahil sa biglaang pag-kakasakit ng kaniyang ama. 






     Nakipag-debate noon si JiSu dahil ayaw nya, gusto pa nga sana noon ni JiSu na ibigay na lang ang posisyon kay Mino pero tinanggihan din iyon ni Mino. Wala naman iba pang pwedeng humawak, dadalawa lang naman kasi silang apo, hindi rin mapilit si Mino, sa tigas ba naman ng ulo nito. Wala nang nagawa pa si JiSu kundi ang pumayag.






     Isa pa nakapang-hihinayang naman kung isasara ang school dahil halos twenty years na ito. Dito na lumaki sina Mino at JiSu. Nakakahiya din para dun sa nag-babalak na gumawa ng branch ng school nila na si Mr. Maeng, ama ni SeChang.






     Matalino si SeChang kaya nga sya ang class president. Masayahin sya at palangiti. Pero hindi sya war freak gaya ni Mino kaya nga sya ang madalas na binu-bully hindi lang sa school nila kundi pati sa labas. Mahina kasi ang loob nya sa pakikipag-away. 






    Umabot sya sa eded na twenty one na hindi man lang nya nagagawang ipag-tanggol ang sarili nya. Kaya nga simula ng marinig nya ang sinabi ni Mino ay doon sya natauhan na kailangan nyang lumaban at ipag-tanggol ang sarili nya.






     Mahilig sya kumanta, siguro dahil namana nya yun sa kanyang ina na ngayon nga ay may-ari ng isang entertainment company kung saan isang sikat na singer si Yua.






     Super Idol si Yua dahil sa galing nya sa pag-kanta at pag-sayaw maging sa pag-arte. Bukod pa dun ay napaka-gwapo nya. Anak sya ng isang sikat na actress na si  Kang SoRa at ng singer na si LeeTeuk. Pero mukhang nalalampasan na nya ang kasikatan ng mga magulang nya noon dahil nga hindi maikakaila ang galing nya sa ano mang aspeto sa industriya ng entertainment.








_____




     Naupo si JiSu sa lamesa nya habang hawak ang mahabang stick. Dumi-quatro pa sya at ngumisi sabay isa isang pinalo sa ulo sina Mino, Yua at SeChang. "Akala nyo siguro pag-bibigyan ko kayo hu!"kanya kanya naman sila ng react sa palong yun lalo na si Mino.






     "Ulitin mo pa yun tata---"hindi pa man sya tapos sa sasabihin nya ay muli syang pinalo si JiSu pero this time ay sa binti na dahilan para mapa-bend si Mino sa sakit. "Aray! Yah! Aist!"sigaw na lang ang nagawa ni Mino. Napansin nya naman ang pang-asar na ngiti ni Yua. "Ano bang ngini-ngiti ngiti mo dyan?!"hindi sya sinagot ni Yua instead ay nang-snob lang ito.






     Tumayo si JiSu at umikot ito papuntang upuan nya. "Hmm. Ano kayang magandang parusa sa inyo?"






     "JiSu--- Mr. President naman, hindi naman ako kasali dyan eh! Ako pa nga 'tong gustong saktan ni Mino eh."inambahan sya ni Mino ng lingunin nya ito.






     "Talaga? Eh ikaw Mr. Super Idol? Bakit nasa lapag ka rin kanina kasama ang dalawang mokong na 'to?"tanong ni JiSu kay Yua.






     "Natumba lang ako dahil sa kanila."walang kagana gana nyang sagot. 






     "Pwede ba! Kung gusto mo kaming parusahan gawin mo na! Ang dami dami mo pang paligoy ligoy."mainit na ang ulo ni Mino dahil sa lahat ng ayaw nya ay yung maraming paligoy ligoy. Gusto nya deretsahan na.






     "Masyado kang hot Mr. Song. Okay. Lumabas kayo sa field ay tumakbo kayo ng fifty times."cool na cool pa si JiSu habang sinasabi yun. Nakasimangot ang mukha ni Mino ng lumabas ganun din si Yua habang hindi naman maipinta ang kay SeChang.













     NAG-KAKAGULO ang lahat ng student sa gilid ng soccer field ng mapadaan si Nicole. Bago lang sya sa school na yun kaya naman naliligaw pa sya sa laki, pero hindi nya inaasahan na ganun na agad ang naabutan nya. 






     "Hay! Kawawa naman si Yua!"nang marinig iyon ni Nicole ay agad syang nakisiksik sa mga student para alamin kung si Yua nga ba ang naroon.






     Nang-laki ang mata nya ng makumpirmang totoo nga. "Yua~"bulong nya sa sarili.






     Ilang saglit pa ay natapos na sa pag-takbo sa  field ang tatlo. Nauunang mag-lakad si Mino na may naka-musangot na mukha. Pawis na pawis ito at hingal na hingal. Dire-diretso lang ito na para bang walang tao sa paligid.






     Akala ni Nicole ay mag-e-excuse ito pero nang dumaan ito sa harapan nya ay ni hindi man lang ito humingi ng sorry ng masagi sya. Ni hindi man lang ito lumingon kahit alam na nitong dumikit ang mga pawis nito sa uniform nya. Sa inis ni Nicole ay pasigaw nyang tinawag si Mino.






     "Yah!"nilingon sya nito. "Hindi ka ba mag-so-sorry man lang?!"bago sumagot si Mino ay tiningnan muna sya nito mula ulo hanggang paa. Hindi naka-galaw agad si Nicole ng biglang inilapit ni Mino ang mukha nito sa mukha nya na halos mahalikan nya na ito.






     Ngumiti ito na para bang nang-aakit saka nag-salita ng pabulong na tipong sila lang ang makakarinig. "Hindi. Ikaw ang nakaharang hindi ako."ngumiti ulit si Mino at biglang hinalbot ang panyo ni Nicole na naka-laylay sa bulsa nya.






    Hindi alam ni Nicole kung anong gagawin o sasabihin ng makita nyang ipinupunas ni Mino ang panyo nya sa pawis nito. At nang matapos nitong mag-punas ay inihagis nito ang panyo pabalik kay Nicole na sumakto naman ang bagsak sa mukha nya.






     Galit na galit na inalis ni Nicole ang panyo sa mukha nya. Gusto nyang sampalin si Mino pero malayo na agad ito.






     "Mino!"tawag ni SeChang ng habulin nya si Mino






     "Mino pala pangalan nya hu! Bastos!"nang-gagalaiti nyang bulong sa sarili.






     "Nicole?"napalingon si Nicole ng tawagin sya ni Yua. "Anong ginagawa mo dito?"kunot nuong tanong ni Yua. Mukhang hindi nito alam na nag-transfer ng school si Nicole para lang makasama sya.








_____







     MASAYANG kinu-kwentuhan ni SeChang si Mino ng kung ano anong bagay habang nag-hihintay sila ng teacher.






     Halata na sa mukha ni Mino na bagot na bagot na ito sa mga kwento ni SeChang kaya naman ay sinita na nya ito para pahintuin.






     "Pwede bang manahimik ka na? Naiinis na ko sayo eh!"prangkang sabi nito. Sumimangot si SeChang tapos ay mabilis nyang nabatukan si Mino. Tatakbo pa sana sya pero mabilis syang nahatak ng kamay ni Mino.






     "Mapapatay na talaga kita!"susuntok na nasa sya ng biglang pumasok si JiSu.






     "Hoy! Kayong dalawa!"tawag ni JiSu. Pikon na binitawan ni Mino si SeChang at padabog na bumalik sa upuan nito. Naka-ngiti namang bumalik din sa pwesto nya si SeChang. "Katatapos nyo lang maparusahan nag-uumpisa nanaman kayo? Mr. Maeng hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang naging Class President! hay!"naiiling na wika ni JiSu. "Anyway, may ipapakilala ako sa iyong mga bagong classmates. Transfer ang isa galing sa kabilang school at ang isa naman ay sa kabilang section lang. Pasok na kayo."






     Ang bad mood ni Mino ay lalong nadagdagan ng makita nya kung sino ang bago nilang classmate. Tadhana nga naman, makakasama nya sa iisang silid ang isa sa taong kinamumuhian nya at yun ay si Yua. Noon pa man ay mainit na talaga ang dugo nya dito. Kung hindi nga kasalanan ang pumatay malamang napatay na ni Mino si Yua eh.






     "Sila si Nicole Choi at siguro naman kilala nyo na, si Yua. Maging mabait kayo sa kanila."sabi ni JiSu. "Yua, dito ka na sa harapan maupo, ikaw naman Ms. Choi dun ka na lang sa tabi ni Mr. Song."utos nito sa dalawa.






     Inis na tiningnan ni Mino si JiSu bago nang-snob. Ayaw kasi nito ng may katabi pero dahil hindi naman sya selfish ay hindi na sya nag-react pa. Yun na lang din naman ang bakanteng upuan. 






     Sa sobrang bad mood nya ay nilagay nya na lang ang headset sa tenga nya at nakinig ng paborito nyang music. Ang Hip-hop.














     NANG gagalaiti si Nicole sa galit at tinitimpi nya lang ng ma-realized nya kung sino ang katabi nya. Ito yung lalaki kanina na bumastos sa kaniya. Hindi sya makapaniwala na magiging classmate nya ito ngayon at makakatabi pa!






     Hindi nya maialis ang titig nya dito. Kung nakakalusaw nga lang ang mga titig na yun ay kanina pa lusaw si Mino. Masaya lang itong nakikinig ng music habang sya dun gigil na gigil sa dito.






     Siguro ay napansin ni Mino na nakatitig ito sa kaniya kaya inalis nya ang headset nya at nilingon ito. "Bakit?"tanong nito.






     "Tsi! Nakakapag-tanong ka pa ng bakit?"hindi na nito maitago ang galit.






     Natawa si Mino sa kaniya. "Anong problema mo?"pag-katanong nun ay muling binalik ni Mino ang headset nya sa tenga.






     "Walang hiya ka talaga!"mabuti na lang talaga at marunong mag-timpi si Nicole dahil kung hindi na-sungal ngal na nya si Mino.






     Parang bigla tuloy nag-sisi si Nicole kung bakit sya nag-transfer sa school na 'to. Bakit naman kasi sa dami ng room at section na pwede syang ilagay eh bakit dito pa sa section na 'to? Pwede naman sa section ni Yua, para hindi na ito nag-abala pang lumipat ng section.






     Ayaw na ayaw talaga nya kay Mino. Galit na galit talaga sya sa bastos na ugali nito! Pero wala na syang magagawa. Alang alang kay Yua ay titiisin nya ang ugali ni Mino.






. . . to be continued


2 comments:

  1. si yUa ay aNak nina kaNg soRa at LeeteUk,,, hWaHaha,,, piNaNood q nGa aNg we gOT MARRied niLa,,,

    aNg gAnda,,, pRaNg gaNgstEr sTory dHiL baSaguLerO si miNo eHh,,, peO kaWawA c sEcHaNg kniNa,,, hwAhaHa LGi xAh nbuBuLLy,,,,, aNg gAnda ng 1sT chApter aTe,,,

    ReplyDelete
  2. i know those boys! akala ko ako ang nakakakilala sa kanila. kasi rookie pa lang sila sa kpop eh..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^