Friday, October 12, 2012

A Kiss [FTV] : Chapter 1

CHAPTER 1
“Stolen Kiss”


( Dara’s POV )


I just wanna kiss
I never wanna miss
Deojja rithage one more time ( more tingly one more time )
Naesum eur gajyeoga ( take my breath away )
Im dying for your kiss
I never wanna miss
Deomang seorijima ( don’t hold back anymore )
Nae ipsureul ga jyeoga ( take my lips away )

Hindi magkamayaw ang mga tao sa paligid niya. Maingay sa lahat ng sulok. Sayawan do’n. Sayawan dito. Inuman do’n. Inuman dito. Sigawan do’n. Sigawan dito.

Nandito siya ngayon sa party na sponsored ng Cass, isang beer brand na kakalabas pa lang sa market. Bartender siya sa isang bar. Nag-part time lang siya dito. Dagdag anda din ito. At ang trabaho lang niya dito ay magbigay ng Cass sa mga tao. Ang dali lang ‘no? Walang ka-effort-effort. Hitting two birds in one stone dahil hindi lang siya nagtatrabaho, nagsasaya din siya at nakikiparty sa mga ito.

( A/N : Anda = Datung / Pera )


“Whoaaah!” Nakikisabay din siya sa sigawan ng mga tao. Habang umiindayog sa kantang nadidinig niya mula sa head set niya. Nagbukas siya ng isang bote ng Cass. Ito ang gusto ko, party-party to the max talaga. Nakakalimot ng problema.


Wala naman siyang masyadong problema. Onti lang naman. Sino ba ang hindi mawawalan ng problema di ba? For sure lahat tayo, meron niyan.

Pero teka, maya na nga drama. Party-party muna.

CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com

Baby boy
Wae hangsang halmali geuri mana ( why do you always have so much to say to that extent?)
Dap dap han, baby boy ( stuffy baby boy )








( Lee’s POV )

Hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya ng venue ng pa-party ng Cass, isang beer brand na kakalabas lang ng market.

“Hi Lee!” bati sa kaniya ng mga babaeng nasalubong niya.

Gumanti siya ng ngiti at binati ang mga ito. “Hi girls!” Nakipag-kwentuhan muna siya sa mga ito bago dumeresto sa laging pwesto nila ng mga kaibigan niya. Kumuha siya ng beer sa nadaanan niya.

“Ang tagal mo, pare.” reklamo ni Woon ng makalapit siya dito.

“Sorry, nastranded ako.”

“Nastranded kamo sa mga babaeng nasalubong niya.” parinig ni Woon.

Ganito talaga ang mga gwapo, pare. Hindi matanggihan ng mga babae.” Binalingan niya ang mga kasama nilang babae sa mesa. “Right, girls?”

“Of course. Kaya nga pati kami nasu-swoon sa’yo.”

“At dahil diyan, cheers tayo.” singit ni Woon.



“Cheers!”

Kinalabit siya ni Woon maya-maya.

“Why?” tanong niya dito.


“Nakita mo ‘yong girl na ‘yon?” tanong nito.

“Where?”


Itinuro nito ang babae. Sinundan niya ang tinuturo nito. Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa ng pandak na ‘yon dito? “Di ba siya ‘yong bartender sa bar na madalas nating puntahan?” tanong niya kahit alam niyang iyon nga ang babaeng ‘yon.


“Yap, natatandaan mo pala siya.” parang nanunuksong sagot nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. “What’s with her?” tinatamad niyang tanong.

“Sinabi mong walang makakatanggi sa’yo na kahit sinong babae di ba?”

“Yes and your point is?”

“Kiss her. Pag nanalo ka sa bet natin, may five thousand pesos ka sakin.”

“What?!” gulat niyang tanong.

“Ayaw mo? Akala ko ba walang makakatanggi sa’yo?”

“Oo nga naman, Lee. Don’t tell me, hindi mo kaya.” singit ng iba niyang kasama.

“Kaya ko kaya lang…” Nilingon niya uli ang babae. Ang sungit naman kasi nito. Akala niya nung una ay mabait ito. Nginitian pa nga siya nito ng umorder siya. Tapos after work, nagulat na lang siya ng lapitan niya ito. At alam ninyo ang ginawa niya? Dinedma niya ang kagwapuhan ko! Naaalala niya pa ang sinabi nito. That was four days ago.

“Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga taong walang magawa sa buhay, sa mga taong happy go lucky at sa mga taong insensitive. In short, ikaw.”

At walang sabi-sabing tinalikuran siya nito. Hindi man lang siya hinintay nitong sumagot. Nakakainis ang pandak na ‘yon!

“Ano na, Lee?” untag sa kaniya ni Woon. At alam niyang kaya siya kinukulit nito ay dahil alam nito ang ugali ng babaeng ‘yon. Dahil minsang nasopla na din ito ng pandak na ‘yon.

“Wala ka pala, eh.” pang-aasar ng isa niyang kasama.

“I can do it.” wika niya. “Make it twenty thousand.”


“What?” gulat na tanong ni Woon. 


“Make it twenty thousand. Ako ang hahalik. Siya ang lalapit. Don’t worry alam kong short ka ngayon. You have three weeks to pay me. Give me the payment sa party ko.


Natawa ito. “Okay. Deal. Tingnan natin kung siya ang kusang lumapit sa’yo.”


“That’s a deal.” Binalingan niya ang isa niyang kaibigang babae. “Can I have your ring?” He gave the lady a mouthwatering smile.



Napangiti ito. Syempre hindi siya natanggihan. “Of course, Lee. Basta ikaw.” Inabot nito ang kamay sa kaniya. Inalis naman niya ang singsing sa daliri nito.


“Para sa’n ‘yan, pare?” tanong ni Woon.


“An exchange for the kiss na kukunin ko sa kaniya.” Sabay lingon kay Dara.


“Kung mahahalikan mo nga siya.”


Nginisihan niya ito. “Just sit back, relax and watch, pare.” Humakbang na siya palapit sa pakay niya. Hinanda na niya ang ngiti niyang kinababaliwan ng mga babae.



“Go, Lee!”

Habang palapit sa babae, hindi niya mapigilang pagmasdan ito. This girl is cute. Cute na maganda. Pandak nga lang. Ay ayaw niya sa pandak. Gusto niya yung matangkad din katulad niya. Model-type ang gusto niya. Not this kind of girl. Pandak na nga, ubod pa ng sungit. Pero sayang, ang ganda pa naman niya…








( Dara’s POV )

Mula sa sulok ng mata niya ay nakita niyang palapit sa gawi niya ang isang pamilyar na mukha. Nakatingin ito sa kaniya. Hmp! Andito pala ‘tong mokong na ‘to! Ano naman kayang kailangan nito? Hindi ba ito nadala ng minsang soplahin niya ito.

Sa pagkakatanda niya ay Lee ang pangalan nito. Madalas ito sa bar na pinagtatrabahuhan niya, One month pa lang siya sa bar na ‘yon ay marami na siyang nadidinig patungkol sa lalaking ito. Kesyo, babaero daw ito. Mayabang. Walang alam sa buhay kundi ang magsaya. Mayaman nga kasi. At totoo nga dahil iyon ang nakikita niya tuwing nandon ito sa bar. Parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ito ng girlfriend.

Inaamin niya no’ng una ay na-star-struck siya dito. Sino bang hindi matutulala sa pamatay na ngiti nito. At first time niyang humanga ng gano’n sa isang lalaki. First time niyang humanga, sa maling lalaki pa.

Four days ago, lumapit ito at umorder ng drinks. Para daw sa kasama nitong babae. Kuntodo ngiti pa to. Pinakiharapan niya ito ng maayos. Oras ng trabaho kaya wala siyang karapatang sungitan ito. Pero nagulat siya ng matapos ang oras ng trabaho niya ay lapitan siya nito at nakipagkilala. Binara niya ito.

Binalaan na kasi siya ng mga katrabaho niya na yung dating bartender na babae sa pinalitan niya ay nagresign kasi nakipagbeak ‘tong si Lee doon. Biruin ninyo, siya pa talaga itong nakipag-break sa babae. Jeez!

Kaya nga nagtataka siya ngayon, lalo pa’t umupo na si Lee sa harap niya.


“Hi!” nakangiting bati nito sa kaniya. “Long time no see, huh! Gumaganda ka ngayon, ah.”


Nginitian niya ito. Iisipin na lang niya na hindi niya ito kilala. “Gano’n talaga, sir kapag walang boyfriend na pasakit ng ulo.” padinig niya dito.



“Depende siguro lalo na kung katulad ko ang magiging boyfriend mo.”


“At depende siguro kung may makakatagal sa ugali mo.” mahinang sambit niya na mukhang hindi naman nito nadinig dahil hindi ito nag-react. Binigay niya ang basong sinalinan niya ng beer dito. “Enjoy your drink, sir.” Masamid ka sana.


“Thank you.” nakangiting wika nito ng kuhanin nito ang baso habang deretsong nakatingin sa kaniya.




May inangat itong singsing. Maya-maya ay dahan-dahan nitong binitiwan ang singsing pabagsak sa basong may lamang beer. Shoot! Three points pero para sa kaniya walang point.

Kumunot ang noo niya. Ano na namang trip ng mokong na ‘to?



Deretsong tinungga nito ang laman ng baso. Nagtatakang napatingin lang siya dito. Inilapag nito ang baso sa mesa. “Thank you.” Iyon lang at tumalikod na ito.



Hinawakan niya ang basong ininuman nito. Nando’n ang sing-sing na iniwan nito. “Ano bang problema no’n? At ano ‘tong sing-sing na ‘to?” Napatingin siya kay Lee ng bumalik uli ito.


“I forgot something.” nakangiting wika nito.

Kumunot ang noo niya. “Ano?” tanong niya.

“Come here. Maingay, eh. Hindi mo madidinig.” Sinenyasan siya nitong lumapit.  
Nagtataka man ay inilapit niya ang mukha dito. Hindi niya nahulaan ang susunod na gagawin nito.


Hindi na siya nakapag-react ng halikan siya nito sa pisngi niya for a seconds. Siguro five seconds. Napatingin tuloy ang mga tao malapit sa kanila.

Thank you. And by the way, ang bango mo pala.” nakangising wika nito bago siya iwan.


Tiningnan niya ang papalayong si Lee. Ang sama ng tingin niya dito. Anong karapatan ng lalaking ‘yon na halikan ako?! Kahit sa pisngi pa. Wala siyang karapatan! At matagal na kong mabango!

Napahawak siya sa pisngi niya. At sa singsing na nasa baso. Kinuha niya ‘yon.


Naalala niya ang sinabi nito. “I forgot something.”


“Forgot what? To kiss me? At ano ‘tong singsing na ‘to? Payment sa paghalik sakin?” Naniningkit ang mga matang umalis siya sa pwesto niya at hinabol si Lee. Walang sinumang pwedeng mangtrip sakin ng ganito!



Pinigilan niya ito sa balikat nito. “I forgot something, too.”
Napalingon ito sa kaniya. “Ano—” Hindi na ito nakatapos sa sasabihin nito dahil sinampal na niya ito.



Napahawak ito sa pisngi nitong nasampal niya. Halos mamula ‘yon sa lakas ng sampal niya.
“What the—”

“Iyon ang nakalimutan ko. Hindi lahat ng tao pwede mong pagtripan. Tandaan mo ‘yan.” Taas noong iniwan niya ito. Hah! Akala niya! Edi nagantihan ko din siya! Pahiya siya!










( Lee’s POV )

Anong problema ng babaeng ‘yon?! How dare her to slap me in front of this people!?


Napapailing na bumalik siya sa mga kaibigan niya.


“Pare, okay ka lang?” tanong ni Woon.                            


“Nasampal ako, sa tingin mo okay lang ‘yon?” inis na sambit niya dito.


“First time bang may sumampal sa’yo?” natatawang tanong pa nito.


“Shut up!” Kinuha niya ang jacket niya at tinalikuran ang mga ito.


“Pare, where are you going? Kakarating mo lang, ah.” pahabol na tanong nito.


“I’m going home!” Nang may maalala siya. Hinarap uli niya ito. “Yung deal natin. Siya ang lumapit. Ako ang humalik.”


“You just kissed her on her cheek. Unfair naman—”


“You just told me to kiss her. Wala sa usapan kung sa’n ko siya hahalikan. Sa party, Woon.” Iyon lang at humakbang na siya palayo sa mga ito.


“Oh, Lord! Naisahan niya ko do’n.” nadinig pa niyang sambit ni Woon.


Napahawak na naman siya sa pisngi niyang nasampal. “Argh! Napingasan ata yung kagwapuhan ko, ah. Ang pandak na ‘yon!”


To be continue...


Images in this chapter were screenshots and edited by Aiesha Lee. Please do not take without permission!
Some of it were not, credit under that photo/s were placed.




Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!
  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

4 comments:

  1. like!!! wat a cute bartender!!!

    ang gwapo ni lee!!! sayang nman ung la fez nya! pero ok din un.. coz he's so full of himself.. dapat sinisindak din paminsan minsan.. hahah.. cnt wait 4 d next UD..

    ReplyDelete
  2. Ì kňow thë sťořý kaşī napąnøőđ ko ńa ţô nøon.. Peŗö enjőy kø pařiň basąhīn yůnğ fťv.. Łoøkįnğ fõrwårđ nä aķõ sà nęxť chąpťėr.. Ü

    ReplyDelete
  3. npanood q n rin ang mv nito pero naeexcite p din aq s next upd8... update n ate!!!

    ReplyDelete
  4. i've never seen the mv so reading this will going to be so much fun. hope you update soon.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^