Monday, September 10, 2012

When I Get Hurt : Chapter Five

When I Get Hurt : Chapter Five
Chapter Five : Misunderstood

(Eunicca Afenido's POV)



Pagkagaling ko sa second class ko dumiretso na ako sa may Quadrangle at umupo sa bench. Aantayin ko pa dito si Clarissa. Haay. Magbabasa muna siguro ako ng pocketbook na hiniram ko sa library.




"Bhes, boypren mo nakikipag-sapakan oh." Si Clarissa pala. May tinuturo siya.



Pag-angat ko ng ulo ko. O.O Nagsasapakan si Brent at Ace malapit sa puno habang si Sheena inshock pa ata.



Tumakbo agad ako para pigilan sila.



"Ace! Brent! Ano ba tumigil na nga kayo!" Sigaw ko habang pinipilit kong lumapit.



Hindi sila nadi-distract. Sapakan lang sila ng sapakan.



"Brent!" Tawag ko saka ko siya hinigit bago niya pa masuntok ulit si Ace.



Tumingin siya sakin. Galit yung mga mata niya. Nanginginig yung braso niya at ang pula-pula ng mukha at tenga niya.




Nagbago yung expression ng mukha niya. Nalungkot yung mga mata niya at bumalik na sa pagkaputi yung mukha at tenga niya. Nawala na rin yung panginginig nung braso niya.




"Sorry..." Paumanhin niya saka umalis.



Nilapitan ko si Ace saka ko siya tinulungan tumayo.



"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.



"Oo. Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Basta-bastang nanununtok." Sabi ni Ace tapos nilapitan si Sheena. "Tara, shee." Tapos umalis na sila.




First day of Second Sem ganito na agad?




"Bhes?" Natauhan ako nung tinapik ni Clarissa yung balikat ko. "Tara sa rooftop." Tapos pumunta kami sa Rooftop.




~Rooftop~


"Now explain what was just happened." Seryosong sabi ni Clarissa.



Tulad ni Ate Eule ayaw niya rin kay Ace pero ginalang niya yung desisyon ko para si Ate Eule. Kinuwento ko sa kanya lahat-lahat dahil alam ko wala naman akong magagawa kapag tinago ko yung iba sa kanya.



Kinuyom ni Clarissa yung kamay niya. Patay. Galit na talaga siya.



(Brent Alcantara's POV)



Uwian na. Tumawag sakin kanina si Ate Euline. Sabi niya ihatid ko daw si Nicca papunta sa bahay nila. Tsk. Para lang akong Big Brother eh.



Pagdating ko sa harap ng room nila Nicca sakto kalalabas niya lang. Nakita niya ako pero umiwas lang siya. Hinabol ko siya hanggang sa may locker room.



"Ui Nicca. Hatid na kita." Sambit ko habang siya inaayos yung locker niya.



Di niya ko pinapansin hanggang makalabas kami ng Campus. Hinawakan ko yung braso niya kaya humarap siya sakin.



"Ano ba! Bitawan mo nga akoo!" Sigaw niya.



Nagtinginan yung mga tao sa paligid namin dito sa direksyon namin.



"Ha? Anong 'ano ba' ? Ihahatid kita Nicca." Mahinahon kong sagot.



"Pagkatapos mong gulpihin si Ace sa tingin mo sasabayan pa kita?" Naiinis niyang sabi.



May namumuo na namang tubig sa mga mata niya.



"Sasabayan kita sa ayaw at sa gusto mo! Kasi panigurado lagot ako sa --" Naalala ko, sabi ni ate Euline wag ko daw sabihin kay Nicca na pinahatid niya daw si Nicca sakin.



"Saan? Kanino ka malalagot? Ano sabihin mo!" Tanong niya.



"Malalagot ako sa sarili ko! Kasi kapag napahamak ka hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa sarili ko." Sagot ko sa kanya.



Pinagtitinginan na talaga kami dahil nagsisigawan kami sa gitna ng kalsada.



"Ano?!" Nagtataka niyang sigaw.



"Malalagot ako sa sarili ko kasi little sister na turing ko sayo!" Sagot ko agad.



Ayokong sabihin sa kanya yung totoo. Yung totoo na lahat ng lalaki kapag nakilala siya madali lang na mahulog sa kanya.



Yumuko siya at mahinang humikbi.



"Sana sinabi mo na lang na Mahal mo ako." Sabi niya ng Mahina.



Narinig ko yun. Pero ayokong sabihin sa kanya na mahal ko siya kasi baka di naman pala talaga yun ang nararamdamam ko.



"Para ano? Para umasa ka na naman? Para umasa ka na naman sa salitang hindi mo alam kung kaya bang patunayan ng isang tao sayo? Nicca tigilan mo na nga!" Litanya ko.



Gusto kong ma-realize niya na maling umasa siya.



Inangat niya yung ulo niya. "Hindi maling umasa lalo kapag mahal mo yung tao." Sabi niya.



Namumula na mata niya. Kanina pa iyak ng iyak.



Tsk. Maihatid na nga 'to.



"Tara na nga!" Asal ko saka hinawakan ang kamay niya.



"Bitiwan mo ko!" Tapos hinila niya ulit pabalik yung kamay niya.


Tsk! Ang kulit!



"Ihahatid na kita sa inyo!" Pilit ko.



"Sabihin mo muna kung bakit mo ginulpi si Ace." Pagta-taray niya.



Ginulpi? May pasa rin kaya ako sa mukha!



"Pinagtanggol lang kita! Ayokong makita kang nasasaktan kaya ginawa ko yon." Sagot ko.



*PAK!*



"Pero wala ka paring karapatan na gulpihin siya!" Pagpupumilit niya.



"Ang bipolar mo rin 'no? Tara na ihahatid na kita!" Tapos hinila ko ulit yung kamay niya.



"Bitiwan mo sabi ako! Ayokong sumabay sayo!" Tapos hinila niya ulit pabalik yung kamay niya. "Sa tingin mo sasabay pa ako sayo pagkatapos mo akong sabihan ng bipolar at pagkatapos mong gulpihin si Ace? Hindi na oy!" Tapos tinulak niya ako saka siya tumakbo.



Hala ka? Haish! Uuwi naman siguro yun sa kanila diba? Tss.



Na-misunderstood niya yung scene. Ako pa nanggulpi. Tsss. Kinausap ko lang naman yun tapos bigla na lang ako sinuntok. Tss.





3 comments:

  1. beb, inedit ko 'tong chapter. three kasi yung nakalagay eh diba dapat 5 na...?

    ReplyDelete
  2. ayy, nag-away sila... pero like ko pa rin~~~ ♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤♡ ❤

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^