Wednesday, September 5, 2012

Patalastas Muna Po

Pasingit lang sandali ah....hindi muna ulit ako magpopost ng update...
nadedepress na naman kasi ako eh...


Alam niyo yung feeling na....ahhh ewan!!!! ginagawa ko naman yung lahat...ako nalang lagi ang nagpaparaya.. ako nalang lagi ang umiintindi...ako nalang lagi yung nagbibigay... kahit sinasabihan na akong "Tanga" ng mga tao...wala akong pakialam...pero alam niyo yung feeling na lahat may hangganan din??? Puro nalang Ako...ako...ako!!!

Napapagod na din naman ako...ang sakit-sakit na ng mga mata ko...yung tear glands ko nagrereklamo na kasi ayaw ko daw silang pagpahingahin..peste naman kasi eh...ang dami kong sinasacrifice eh...sana kahit minsan maisip niya yun...masyado ko na ngang ibinababa yung sarili ko para sa kanya eh... gusto kong magalit... gusto ko siyang sigawan..pero nakakainis kasi hindi ko magawa... ayoko siyang makita pero siya pa din naman yung hinahanap ko..ayoko siyang kausapin pero boses niya pa din naman ang gusto kong marinig...paano ba ang magalit sa kanya kung isang "hello" niya lang sakin ako na naman si TANGA... hindi pa man siya nagsosorry napatawad ko na...

Gusto ko ng sumuko..pero sa bawat hakbang palayo sa kanya lumilingon ako...umaasa akong hahabulin niya ako... paano ko ba siya bibitawan kung sa bawat pag-ayaw ko binibigyan niya ako ng dahilan para lumaban ulit? ang hirap naman talaga eh.. nakakadepress... nakakawalang gana...Alam ko maling mag-isip ng masama pero sana dumating yung time na marealized niya kung gaano ako kahalaga sa buhay niya..o mahalaga ba talaga ako sa kanya???

Ano nga ba talaga ang papel ko sa buhay niya???

"Kaya nga may tinatawag na bestfriend diba? yung lagi kang nandyan para sa kanya...aalagaan mo siya...susuportahan...iingatan...kahit na nasasaktan ka na"

Hanggang kelan ko kayang panindigan yang salitang iyan??

Kung tutuusin mas higit pa yung ginagawa ko kesa sa taong nagmamay-ari sa kanya eh...higit pa...kasi wala naman akong obligasyong gawin ang mga bagay na iyon and yet ginagawa ko kasi alam kong dun siya magiging masaya...pero ang hindi ko mapaghandaan eh...sa kagustuhan kong mapasaya siya...sarili kong kasiyahan ang tinatapakan ko..

Ang hirap...ang sakit...sa totoo lang ayoko na talaga eh...pero bakit hindi ko magawang lumayo? Ilang tao ang tinatangihan ko...ilang tao ang inaayawan ko...ilang tao ang nagsasabing mamahalin nila ako bilang ako...pero bakit ganun??? bakit ikaw pa rin??? bakit sayo parin ako nagpapakagaga ng ganito!!!!

Nakakainis ka!!!

Pero mas nakakainis ako...kasi bakit kahit sa lahat ng ito...ilang beses ko mang itanggi sa sarili ko...

...bakit MAHAL parin kitang GAGO ka!!!

7 comments:

  1. oh my....wag masyado ma-depressed girl. nakakasama sa health yan. ganyan talaga pag nagmamahal, u always take all the risks kahit alam mong parang too much na. pero hindi mo talaga maiiwasan yan lalo na pag masyadong mahalaga yung tao na yun sayo. hahayy alam ko ang feeling na yan, soooobrang sakit! but u have to stay strong. wag pabayaan ang sarili. always pray...malalagpasan mo rin yan. Keep the faith :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaahhhhh!!!! naiiyak naman ako..salamat H-Jae...

      tama ka dyan..pray lang talaga ng pray...nakakainis nga kasi i always have to pretend that i'm okay lalo na dito sa opiz...kailangan kong magsmile kahit gustong gusto ko ng umiyak...kailangan eh..

      Delete
  2. ang ADD ay talaga namang labasan din ng sama ng loob.

    sige lang, if you need time again para makalimutan na yang ungas na yan. palamig ka muna jan sis. at bawas-bawasan ang pagiging suki ng depression, nakakasama yan... pahinga ka muna ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga noh..eh kasi naman sis...ang ADD eh second home na ng email ko eh..hindi pwedeng hindi ko ito bubuksan kapag dating ko agad dito sa opiz..saka dito kumportable akong maglabas ng sama ng loob kasi alam ko namang walang manlalait o magbebetray sakin dito..syempre kapag ipinost ko sa FB lahat ng sama ng loob ko eh di naisakandalo ang buong opisina namin...bwahahaha...mababaliw na yata ako...

      kaya ko kayng panindigan yung two years na ipinangako ko?

      Delete
  3. ────(♥)(♥)(♥)────(♥)(♥)(♥) __ ɪƒ ƴσυ'ʀє αʟσηє,
    ──(♥)██████(♥)(♥)██████(♥) ɪ'ʟʟ ɓє ƴσυʀ ѕɧα∂σѡ.
    ─(♥)████████(♥)████████(♥) ɪƒ ƴσυ ѡαηт тσ cʀƴ,
    ─(♥)██████████████████(♥) ɪ'ʟʟ ɓє ƴσυʀ ѕɧσυʟ∂єʀ.
    ──(♥)████████████████(♥) ɪƒ ƴσυ ѡαηт α ɧυɢ,
    ────(♥)████████████(♥) __ ɪ'ʟʟ ɓє ƴσυʀ ρɪʟʟσѡ.
    ──────(♥)████████(♥) ɪƒ ƴσυ ηєє∂ тσ ɓє ɧαρρƴ,
    ────────(♥)████(♥) __ ɪ'ʟʟ ɓє ƴσυʀ ѕɱɪʟє.
    ─────────(♥)██(♥) ɓυт αηƴтɪɱє ƴσυ ηєє∂ α ƒʀɪєη∂,
    ───────────(♥) __ ɪ'ʟʟ ʝυѕт ɓє ɱє.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Pink :)

      ang sweet...nakatouch naman..effort kung effort talaga ah...

      honestly i dont have many friends...i guess hindi yata lalampas sa sampu ang kaibigan ko..yeah...friendly ako pero aloof ako makipagkaibigan sa mga tao..ang gulo noh? but in this "cyber world" nakatagpo ako ng mga taong kahit hindi ko man personal na kilala eh matatawag ko namang mga kaibigan ko...

      maraming salamat sa inyo :)

      naiiyak na naman ako :(

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^