Tuesday, August 21, 2012

Wizard's Tale Guidebook : Extra


:Extra:
(Click pictures to enlarge)




Black Crystal Ball

This thing can show you scenes from the past. Ayon sa kwento, si Allina ay nagmamay-ari ng katulad nito at dahil si Yana ang kanyang tagapagmana, si Yana lang rin ang malayang nakakagamit nito.

If you own one, make sure you're in the right mind while using it. Mag-concentrate ka muna at isipin mo yung bagay na gusto mong makita. Rubbing the crystal ball will help you do the magic.





Bond Rings

Connection ring sa pagitan ng isang wizard at alipin nitong mortal. Nagre-react ang singsing base sa mga ginagawa ng mortal. Nagkakaroon ng impurity kapag nalungkot o nagalit ang wizard at magiging lason ito na pwedeng ikamatay ng aliping mortal.

Kapag napasaya naman ang master, nagliliwanag ang suot niyang singsing at kailangan niyang tuparin ang isang hiling ng kanyang mortal slave. A wizard can also track his mortal by rubbing the crystal of his ring.





Dark Sorcery

Black magic kung tawagin dito sa mundo ng mga tao. It is an old form of magic na lubhang napakalakas ng epekto, ngunit delikado lalong-lalo na sa mga gustong gamitin ito para mapakapambiktima lamang.

Bihira lang ang mga nilalang sa Otherworld ang nagpa-practice ng ganitong magic dahil mahigpit itong nilalabanan ng mga taga-White Light Clan. At sa oras na subukan mong gumamit nito, mababang uri o masama na agad ang tingin sayo ng marami.





Elemental Guardian

Ito ang tawag sa nature spirit na helper mo kung ikaw ay laking Otherworld.  Malaki ang naitutulong nila because of their natural rule on some certain magics.

Sa iyong kapanganakan, may itinatalaga nang Elemental Guardian para sayo. Ngunit, pwede mong ipasa ang loyalty ng iyong guardian sa magiging anak mo. They will always and forever be loyal to their masters.

Ito ang nangyari sa Garden Gnome na si Vander. He's already 225 years old, at marami na siyang napagsilbihan na ilang henerasyon ng mga Zaffiro.




Glowing Orbs

Madalas itong makita sa Otherworld. Sa kwento, nagawang magpalabas ng glowing orbs ni Brylle bilang katuparan sa wish ni Yana na something magical.

To see this orbs can make yo feel light and happy. When you poke one glowing orb, it’ll burst into bright lights with different colors!





Life Contract

Ito ang pinirmahang kasunduan sa pagitan ng isang Wizard at simpleng mortal.

Nakasaad ito sa language na ginagamit sa Otherworld kaya bago pumirma ang isang mortal sa isang kasunduan, siguraduhin muna naipaliwanag na sa kanya ng maayos ang mga nakasulat sa kontratang ito.

Dugo ang ginagamit na pampirma para dito at kailangan may nakatatak na family emblem ng Wizard upang magsilbing simbolo ng katunayan.

Ayon sa kwento, nilunok noon ni Vander ang life contract sa pagitan nina Yana at Brylle. Ngunit nang mamatay noon si Yana, iniluwa ito ni Vander na ang ibig sabihin ay katapusan na ng kontrata.





Lux Amulet

Isang yaman ng Lux Bloodline na regalo sa kanila ng legendary White Light Creature. Pagmamay-ari ng sunod na tagapagmana ng angkan na ito. May taglay na kakaibang lakas ang amulet na ito na hindi kayang sukatin ng kahit na sino.

Maari rin naman itong magamit ng iba, but they can can never use its full potential Yun ay dahil ang kasalukuyang tagapagmana lamang ang may kakayahanang gamitin ang kabuuan ng lakas nito.




Ornus Moon

Ornus Moon is referred to a full moon, panahon kung saan nakabukas ang gates ng dalawang mundo, ang Earth at Otherworld. Sa oras na iyon, malayang makakalabas-pasok ang mga itim na nilalang.

Tatlong araw ang itinatagal ng Ornus Moon season kaya ibig sabihin nun, tatlong araw din na pwedeng mamalagi sa mundo ng mga tao ang mga itim na nilalang.

Sa season rin na ito, madaling nati-trigger ang sight ng mga ordinaryong tao kaya may malaking posibilidad na makakita sila ng creatures from the Otherworld na pakalat-kalat lang.




Rugrants

Walang halaga ang Peso, Yen, Euro or kahit Dollars pa yan sa Otherworld. Yun ay dahil ang currency na ginagamit sa Otherworld ay Rugrants.

Kailangan mo nito lalong-lalo na kapag mamimili ka sa Necro Market. Try mong bayaran ng pera galing sa mortal world yung mga halimaw na nagtitinda dun, paniguradong papalamon nila yun sayo.

Ang pinakamababang halaga ay ang Rugrant na kulay itim ang crystal. Sunod ang pula, yung aquamarine at ang pinakamalaking halaga ay ang kulay puti.





White Light Clan

Sila ang pinakamalakas na angkan sa Otherworld. They possess the Power of Lux kaya naman tinatawagan silang people of Lux Bloodline. They received that power from the legendary White Light Creature.

Limang pamilya ang bumubuo sa angkan na ito. Hindi pa kasama doon ang ilang daang pamilya pa na naninilbihan para sa kanila. At ang susunod na tagapagmana ng pinakamataas na posisyon ay nanggagaling sa First Family.

Eighteen years ago, nagulo ang kanilang angkan dahil sa pagkakawala ng kanilang Lux Princess. Ito ang nagdulot ng pagkakawatak-watak ng angkan at mabubuo lamang itong muli sa pagbabalik na kasalukuyang tagapagmana.





Wizard

Sila ay mga taong nakakagamit ng kapangyarihan na may kinalaman sa iba’t ibang elemento.

Sa iisang camp lamang sa Otherworld makikita mo ang pagsasama-sama ng iba't ibang Wizard's. Malalaman naman ang lakas at kakayahan nila ayon sa Class nito. Class D ang pinakamahina samantalang Class S or Supreme level naman ang pinakamalakas.

Every two years ginaganap ang isang pagsusulit kung karapat-dapat na bang tumungtong sa mas mataas na class ang isang Wizard. Pero sa totoo lang, it will take a lot of years before you reach the highest level. Madalas at karamihan, Class B lang ang kayang abutin ng kanilang kakayahan.




4 comments:

  1. ang ganda talaga ng mga pictures!.. ang ganda ng edit!.. parang na te-tempt tuloy ako basahin ulit ung wizard's tale..

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    ang cute ng itsura ng contract. kahit hindi ko maintindihan yung nakasulat ang cool pa rin!

    ReplyDelete
  3. ang galing galing! lahat ng pictures bet ko!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^