Tuesday, August 7, 2012

Wizard's Tale Guidebook : Creatures


:Creatures:
 (Click the photos to enlarge)



Animus Reaper
(Dark)


Isang itim at nakakatakot na nilalang na tinatawag ring Soul Thief. Ayon sa kwento, sila ang mga natatanging nilalang na pinakamalakas ang pang-amoy para alamin ang mga may dugong Lux. Kapag nanakaw nila ang kaluluwa ng kanilang biktima, kinakain nila ito at yun ang pinagkukuhanan nila ng lakas.

Sa Otherworld lamang sila makikita pero kapag Ornus Moon Season, malaya silang makakapunta sa mundo ng mga mortal at maaring mamalagi doon ng hanggang tatlong araw.

Kapag nakakapagnakaw ng kaluluwa ang mga reaper, kinakain lamang nila ito sa oras na sumikat na ang araw sa mundo ng mga mortal.





Boo Hag
(Air, Dark)


Smoke-vampires. Pero imbes na dugo, nagnanakaw sila ng lakas sa isang tao sa pamamagitan ng paghigop ng hininga sa mga biktima nila habang natutulog ito.

Pero ang malalang pwedeng mangyari jan, kapag nagsawa na ang Boo Hag sa kanyang biktima, pwede niyang nakawin ang balat nito.





Byangoma
(Air, Light)


Also known as fortune-telling bird. It is a very beautiful and majestic bird. Maihahalintulad sa peacock pero kulay gold ang buntot nito. It is sacred dahil nagagawa nitong magbigay ng mga kasagutan at pangitain sa mga katanungan ng kahit na sino.

Pero namimili ito ng pagpapakitaan ng mga kasagutan. Lilipad muna ito palibot sa kanyang templo bilang paunang ritwal. Sa oras na may mahulog na balahibo mula sa kanya at masalo naman ito ng isa sa mga nagnanais ng kasagutan, ang nakakuha ng balahibo ang siyang makakakita ng mga pangitain.





Dactyls
(Healing, Light)


Mga nilalang na halos kasing laki lang ng daliri mo sa kamay and best known as healing magicians.

Lahat ng sugat kaya nilang pagalingin maliban sa mga sugat o sakit na kagagawan ng Dark Sorcery. Nanggagamot sila bilang isang grupo at walang hinihinging kapalit sa tulong na ibinibigay nila lalo na kung kaibigan naman nila ang mga nangangailangan.





Earth Fairies
(Earth)


Mga maliliit na nilalang na kulay blue or green ang balat at mahilig sa matitingkad na kulay. May mga pakpak sila ng paru-paro at kung minsan ay nagagamit nila itong disguise para hindi malaman ng mga mortal ang tunay nilang anyo.

Basta kahit na anong may kinalaman sa Earth, handa silang tumulong. Ngunit lubhang mahirap intindihin ang mga salita nila.





Garden Gnome
(Earth)


Mga nilalang under the Element of Earth. Expert in healing and magic. Maihahalintulad sila sa mga duwende. Sa kwento, si Vander ay isang garden gnome.

Their best trait is loyalty to their masters. Minsan makulit pero madalas ay pasaway.





Hobgoblins
(Earth)


Mga makukulit at pangit na nilalang na halos kasing laki lang ng mga Garden Gnomes at walang ginagawa kundi manggulo sa kahit na sinong mapag-tripan nila.

Kapag nagnanakaw sila ng kahit na anong gamit, agad nila itong dinadala sa kanilang altar. Ang mga tirahan nila ay karaniwang napapalibutan ng illusions and traps to ward off unwanted visitors.





Merchant Ogres
(Metal)


Mga ogres na ito ay hindi masyadong mapanganib. Nagbebenta lang sila ng iba’t ibang sandata sa Necro Market.

Pero katulad ng mga kauri nila, ang paborito nilang kainin ay mga tao/mortal. Buti na nga lang hindi sila nage-exist sa mundo natin.

Malalaki ang kanilang katawan, bihasa din sa pakikipaglaban at kapag nagagalit sila, kaya nilang magdulot ng pagyanig ng lupa. Isa rin sa mga dapat mong iwasan sa kanila ay ang pamatay nilang hininga.






Nixies
(Water)


Mga nilalang under the rule of Water. Meron silang kulay green na balat tapos silver-blonde ang buhok. When underwater, kaya nilang mag-camouflage or gawing transparent ang mga sarili.

Hindi nila kaya na malayo sa tubig kung kaya't hindi sila nagtatagal sa lupa.

Dahil sa natural control nila sa Element of Water, bihasa sila lalo na sa pagbebenta ng mga liquid potions. Name it, and they have it or they can make it for you.





Peryton
(Air, Earth)


They are parrot-deer hybrid. Malaki lang sila ng konti sa mga ordinayong kabayo. May pakpak sila na katulad ng sa parrot at ganun din ang kulay nila.

Riding them is the easiest mode of transportation sa Otherworld. Kaso nga lang, kumbaga kung katulad ng mga driver sa mundo natin, may pagka-kaskasero ang mga nilalang na ‘to.





Silver Abeles
(Air, Earth)


White-leaf shaped creatures na kahinaan ay tubig. Para sa mga ordinaryong tao, aakalain lang nilang ordinaryong dahon. They always work as a group kaya kung mahihiwalay man ang isa sa kanila, there's a tendency na magpakamatay na lang ito.

Once you get them to guard your home or something else, hinding-hindi ka magsisisi. They are very loyal to their masters and they are friendly as well.





Snow Vetter
(Dark)


Ang mga Snow Vetters ay isa sa mga kilalang tribo sa Otherworld. They are usually kind and helpful pero sa kabila nito, mababa ang tingin sa mga tulad nila.

Yun ay dahil may background sila ng paggamit ng Dark Sorcery. Mababait ang mga Snow Vetters and they are loyal to their friends and masters. Pero kapag galit sila, nanakit sila sa pinakamasamang paraan.

Sa kwento, si Clerion na nagsisilbi para sa Lux Prince ay nilalang na galing sa tribong iyon.






Warg
(Dark, Earth)


A demonic wolf. Triple ang laki kung ikukumpara sa isang simpleng lobo. Madalas itong matagpuan sa Atrum Forest at pakalat-kalat lamang sila dun. They love to attack travellers because they are very territorial creatures.

Kung gusto mo talagang makakita ng halimaw na ‘to, magagawa itong tawagin sa pamamagitan ng paghuni ng isang Yosuzume. Kaso, kinatatakutan ang mga nilalang na ‘to kaya hangga’t maaari ay iwasan sila.





Yosuzume
(Air)


Also known as Night Sparrow. Kapag nahawakan ito, magkakaroon ka ng sumpa ng permanenteng pagkabulag tuwing gabi.

Galit ito sa mga lalaki kaya kung may isang lalaki man na mapapalapit sa kanyang pugad, magsisimula itong humuni  na nanghahalina sa mga Wargs o mababangis na lobo na makikita lamang sa Atrum Forest.





Zhar-ptitsa
(Air, Electric)


Mga nagliliwanag na ibon na matatagpuan lang din na pakalat-kalat lang sa Otherworld.

They pretty much look like humming-birds at madalas na ginagamit sila bilang liwanag sa gabi. Kapag nabasa naman, nawawala ang natural glow nila at magbabalik lamang ito kapag natuyo na ulit sila.






7 comments:

  1. ~angel is luv~

    dahil sa kwentong ito, lalong lumilikot ang imagination ko.

    ReplyDelete
  2. saan na yong unicorn?? hehehe.. nainspired na ako.. so much.. ganda eh.. ang galing ng pagka-edit..

    ReplyDelete
  3. ang snow vetter..parang house elf sa Harry potter kaso.. pwedeng makalaya ang house elf kapag bigyan sila ng damit ng amo nila..
    ang snow vetter kaya? hmm..

    ReplyDelete
  4. nakakaengkanto ang mga nilalang na to! hahaha! ang ganda!

    ReplyDelete
  5. ~angel is luv~

    ang kucute ng mga new release ng pix. lalo ko sila naiimagine. babasahin ko ulit ang wt kpag available na ang softcopy sa yolasite mo ate..

    ReplyDelete
  6. if i have to pick one creature here, i would choose clerion. para barkada kami. XD

    ReplyDelete
  7. ang dami kong naging favorite sa mga yan!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^