Friday, August 10, 2012

SHINee Diary: Lee TaeMin [One Shot]


TaeMin
Noona Nomu Yeppo
[Noona, You're so pretty]



     EXCITED ang lima ng makarating sila ng Amusement Park. At gaya ng plano ni Onew, may mga suot silang face mask, naka-shades sila at naka-woody jacket sila.

     "Ayos 'tong naisip mo Onew ah! Hindi tayo nakikilala ng mga tao!"puri ni JongHyun kay Onew.

     "Tama, iisipin lang ng mga tao na may nakakahawa lang tayong sakit."wika naman ni MinHo.

     "Pero mga hyung dapat bago dumating si Manager makabalik na tayo sa dorm. Malalagot tayo dun."paalala naman ni TaeMin sa mga hyung nya.

     "Kaya nga dapat mag-enjoy na tayo habang maaga pa!"yaya ni JongHyun sa mga ito.

     Kanya kanya sila ng takbo na para bang nakawala sila sa preso. Kanya kanya ng trip, kanya kanya ng rides. Bawat madaanan nilang exciting rides ay sinusubukan nila. At ang huli ay ang roller coaster na ngayon nga ay tinititigan ni Key na tila ba may naalala sya dito.

     Nang makita ni MinHo ang reaction ni Key tungkol sa Roller Coaster ay agad nyang kinalabit ang tatlo.

     "Naalala nya siguro ang first love nya."bulong ni TaeMin. Tumango naman si Onew at JongHyun.

     Nilapitan ni Onew si Key at niyaya itong sumakay sa Roller Coaster kasama ang tatlo para naman ma-divert ang isip ni Key. Dahil nga kasi sa nabasa nilang Diary ni Key nalaman nila kung gaano ito nasaktan sa kauna-unahang babaeng minahal nito.

     "Tara! Sakay tayo!"aya nya sa mga ito.

     "Gusto kong sumakayn pero natatakot akong i-try."wika ni JongHyun na ikinagulat naman ng tatlo.

     "Ano ka ba!"pabulong na sita ni MinHo kay JongHyun. Iyon kasi ang nakasulat sa diary ni Key na sinabi ng babae tungkol sa Roller Coaster. Napakagat sa labi si JongHyun. Ilang minuto silang nakiramdam sa reaksyon ni Key. Ngunit hindi nila alam kung matatawa o maiiyak ng makita nilang nag-alis ng headset si Key.

     "Anong sabi nyo?"kunot nuo nitong tanong. Inilabas nito ang iPhone sa bulsa saka hininaan ang pinakikinggan nito.

     "Sabi ko TeaMin bumili ka ng pag-kain."pag-iiba ni JongHyun sa usapan. Kwestyonableng napatingin si TaeMin kay JongHyun. Parang gusto nyang sabihin dito na hindi naman yun ang sinabi nito kanina. "Bilis na!"pilit ni JongHyun. Wala ng nagawa pa si TaeMin kundi ang bumuntong hininga at sumunod na lang sa utos ng hyung nya.


********************

     Huminto si TaeMin sa isang Hotdog stand para tumingin ng menu ng may bigla na lang bumangga sa kaniya. Natigilan sya ng makita kung sino iyon.

     "Sorry!."saad ng babaeng may curly hair, hanggang tenga lang sya ni TaeMin. Very beautiful and charming nya.

     "Tricia noona!"bulaslas ni TaeMin na ikinagulat naman ng babaeng tinawag nyang Tricia.

     "Sino ka?"nag-tatakang tanong ni Tricia.

     "Si TaeMin 'to!"inalis ni TaeMin ang mask, shade maging ang wood nya sa ulo kaya nalantad ang itsura nya. Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Tricia ng makitang si TaeMin nga iyon.

     "Lee TaeMin?!"masayang sambit ni Tricia. Tuwang tuwa naman tumango tango si TaeMin. Niyakap sya ni Tricia sa tuwa nito. "Ang laki laki ko na!"wika nya ng kumawala sya ng yakap kay TaeMin.

     "Matangkad na ko sayo. Siguro naman mas pipiliin mo na ako kesa kay Tommy Hyung."biro ni TaeMin na ikinatawa naman ni Tricia.

     "Hindi ka parin nag-babago."naiiling na saad ni Tricia. Natigilan ito saglit ng may maalala ito, "Oo nga pala."sabi nya saka may kinuha itong sobreng pink sa bag at iniabot kay TaeMin. "Buti na lang nag-kita tayo dito. Matagal ko nang gustong ibigay sayo yan."binuksan ni TaeMin ang sobre isa palang invitation iyon para sa nalalapit na binyag ng anak nilang si TaeHyun

     "Binyag ni TaeHyun?"masayang sambit ni TaeMin. Tumango si Tricia.

     "At ninong ka."paalala pa ni Tricia.

     "Dapat lang! Nangako si hyung na isa ako sa magiging ninong e!"inalala pa ni TaeMin ang sinabi ng hyung nya noon. Ilang saglit pa ay dumating na ang apat na halatang kanina pa sya hinahanap.

     "Ano ka ba! Kanina ka pa namin hinahanap!"tawag ni JongHyun kay TaeMin.

     "Bakit mo inalis yang mga nasa mukha mo!"sita ni Onew ng mapansin nilang wala ng ang mga nakalagay sa mukha nya.

     Saka lang napansin ni TaeMin ang mga tao sa paligid. Lahat ay nakatingin na sa kanya. At nag-kakagulo na rin ang iba. Dali dali nyang binalik ang mga nakasuot sa mukha nya.

     "Tara! Umuwi na tayo."yaya ni MinHo. Sumangayon naman silang lahat at nag-sisunuran. 

     "Aalis na kami. Wag kang mag-alala pupunta ako!"paalam ni TaeMin. Natigilan tuloy si JongHyun at masusi nitong tinitigan si Tricia bago sumunod sa apat.

     Ngunit bago pa man sila makalabas ay maraming tao na ang sumalubong sa kanila para mag-pa-picture at mag-pa-autograph. Pinag-kakaguluhan na silang ng mga tao kaya wala ng nagawa pa si Onew kundi ang tawagan ang manager nila para mag-pasundo.


*****************************

     HINDI mabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kasama na nila noon ang manager nila at katatapos lang nilang mapagalitan kaya naman nananahimik sila. Pero sa gitna ng katahimikan ay may biglang naalala si JongHyun.

     "Sino yung babae kanina?"bulong ni JongHyun kay TaeMin. Katabi lang kasi nya ito.

     "Ano?"napalakas ang sagot ni TaeMin dahilan para mapatingin ang lahat ng nasa kotse. Napahiya naman si TaeMin kaya pilit itong napangiti at humingi ng sorry. "Sorry"sabi nya.

     "Yung babaeng kausap mo kanina. Sino yun?"pabulong paring saad ni JongHyun.

     "Ah, si Tricia Noona."sagot naman ni TaeMin.

     "Noona?"si JongHyun naman ang napalakas ang boses. Muling napatingin ang lahat kay kaya naman humingi din ng sorry si JongHyun at nag-patuloy ulit sa pakikipag-usap kay TaeMin. "Noona na sya?"

     "Oo, bakit?"may malisyang tiningnan ni TaeMin si JongHyun.

     "Bakit? Natanong ko lang naman kasi ang ganda nya."saad ni JongHyun sabay iwas ng tingin kay TaeMin.

     "Kung ano man yang nasa isip mo wag mo nang ituloy. Kasal na yun. At may anak na"ipinakita pa ni TaeMin ang invitation para sa binyag ng anak ni Tricia. Lalo namang nadismaya si JongHyun. Humalukipkip na lang sya at mas piniling manahimik ng may maalala syang tanong dito.

     "Pano kayo nag-kakilala?"

     "Nung first year high school ako."saad ni TaeMin na para bang inaalala pa nito ang nakaraan.


*************************


     Bago lang sya sa school kaya naman nanga-ngapa pa sya at hindi pa nya alam kung saan ang room nya. Nag-ring na ang bell pero paikot ikot parin sya sa corridor. Hindi kasi nya makita kung nasaan na ba ang room nya.

     "Nasaan na ba kasi yun? Unang klase late ako! Kainis naman!"kakamot kamot pa sa ulo si TaeMin, paikot ikot sya ng may biglang tumawag sa kaniyang babae. Malamang ay senior nya ito dahil peach ang color ng neck tie nito samantalang dark blue naman ang sa junior.

     "Hey! Late ka na! Ano pang ginagawa mo dito sa Senior Building?"nang lingunin ni TaeMin ang babae ay hindi agad sya naka-pagsalita dahil sa gandang taglay nito. Para syang napipi ng ilang minuto. Parang tambol ang puso nya sa kaba nang makitang palapit na ito sa kaniya. Para na syang na-paralyzed dahil hindi na sya nakagalaw. "Bago ka ba?"paninigurado ng babae.

     "O-Oo-opo."hindi alam ni TaeMin kung mag-o-opo ba sya o oo na lang.

     "Hindi dito ang building mo. Doon ka sa kabila."tinuro pa ng babae ang building ng mga junior.

     "Ga-ganun ba?"nauutal nitong sagot. Halatang nini-nerbyos ito. Napansin naman iyon nag babae kaya natanong nya si TaeMin.

     "Okay ka lang ba?"

     Ngumiti si TaeMin, pero sa ngiti nyang yun ay halata parin ang tensyon. "Oo, ayos lang ako."anito.

     "Oka, halika hatid na lang kita."nagulat si TaeMin ng bigla na lang hawakan ng babae ang kamay nya at hinatak palabas ng building. Simula ng araw na yun ay naging kaibigan na ni TaeMin ang babae na nakilala nya sa pangalang Tricia.


*************************

     MAG-KASAMANG gumagawa ng home work sa library sina Tricia at TaeMin ng may biglang natanong si TaeMin. "Noona may first love ka na ba?"

     Saglit na napaisip si Tricia bago sumagot, "Meron."anya.

     Natuwa si TaeMin dahil inaasahan nyang sya na ang tinutukoy ni Tricia na first love. "Talaga? Sino?'excited nyang tanong dito. Napatingin si Tricia sa kaniya.

     "Bakit naging interesado ka yata sa first love? Bakit may first love ka na ba?"ibinalik nito ang tanong kay TaeMin.


     "Ang totoo, meron na."pag-amin ni TaeMin.


     Hindi naman malaman ni Tricia kung matatawa ba sya o magugulat sa sinabi ni TaeMin. "Si TaeMin baby may first love na?"wika pa nito.


     "Anong baby? Hindi na ko babay no!"kontra naman agad ni TaeMin sa sinabi nya.


     "Oo  nga, hindi ka na baby kasi may  first love ka na."nag-katawanan pa silang dalawa.


     Sa gitna ng usapan nila ay may biglang dumating. Agad na tumayo si TaeMin para mag-bigay galang sa captain nila sa basketball na si Tommy.


     "Captain!"bati nya.


     "Hindi lang ka lang pala sa basketball masipag e. Pati pala sa pag-aaral."puri naman ni Tommy na ikinatuwa naman ni TaeMin.


     "Tommy, napadaan ka?"singit naman ni Tricia sa kanila.

      "Hinahanap talaga kita kasi gusto ko sana mag-pasama sayong bumili ng tela para sa bago naming uniform. Alam mo namang ikaw lang ang pwede kong malapitan sa mga ganyang bagay."wika ni Tommy.


      Tahimik lang na nakatingin si TaeMin sa dalawa, sa loob loob nito ay nag-seselos na ito dahil sa kakaibang closeness na pinapakita ng dalawa.


     "Ganun ba? Sige, okay lang sakin. Tapos na rin naman kami ni TaeMin sa ginagawa namin."nalungkot naman si TaeMin sa sinabi ni Tricia, nangako kasi ito na sabay silang uuwi ngayon dahil kakain sila ng lomi sa kanto ng school nila pero heto sya at sasama sa captain nila.


     "Lets go?"agad na yaya ni Tommy.


     Tumango si Tricia saka bumaling ito kay TaeMin, "Pasensya na hindi ako makaksabay sayo ngayon. Promise next time kakain tayo dun sa lomihan."tinapik ni Tricia sa balikat si TaeMin saka tumayo.


     "Una na kami. See you on our morning practice!"paalam ni Tommy. Ngumiting pilit si TaeMin bago kumaway sa papalayong dalawa.


***************************

     ILANG ARAW nang hindi nakikita ni TaeMin si Tricia. Ang huling kita nya dito ay noong nasa library sila. Nabalitaan na lang ni TaeMin sa iba na may relasyon na pala si Tommy at Tricia. Ang masakit doon ay ni hindi man lang sinabi ni Tricia sa kaniya ang lahat. Sa iba pa nya ito nalaman. Pero ang pinag-tataka nya ay hindi nag-papakita si Tricia, maging si Tommy ay ilang linggo na ring hindi uma-attend ng morning practice nila.

     Four months later, muling nag-kita sina Tricia at TeaMin. Pero hindi gaya ng dati, malaki ang pinag-bago nito lalo na sa panga-ngatawan. Halata ang stress sa mukha nito. Ang tyan nitong dati ay flat ngayon ay may laman na. Matagal syang tinitigan ni TaeMin. Tila sinisigurado pa nitong si Tricia nga ang nasa harapan nya. Nang masigurado ay agad nya itong nilapitan at niyakap. Hindi naman napigilang mapahagulgol ni Tricia.

     
************************

     BINASAG ni TaeMin ang katahimikan ng bigla itong mag-tanong kay Tricia. "Ilang b'wan na yan?"nseryosong saad nito. Naroon na sila ngayon sa isang coffee shop.

     "Four months."sagot ni Tricia sa mahinang boses.

     Matagal bago nakapag-salita muli si TaeMin. "Nasan si Tommy hyung?"muling tanong ni TaeMin.

     Napaiyak ulit si Tricia ng marinig ang pangalang Tommy. Masakit para kay TeaMin na makitang umiiyak si Tricia lalo pa ngayon sa ganung sitwasyon. "Umalis sya ng malaman nyang buntis ako."humuhikbi nitong wika.

    Napakuyom ang kamao ni TaeMin, para bang gusto nyang manapak ng mga oras na iyon ng malaman nyang binasura lang ni Tommy ang babaeng mahal nya. "Anong balak mo d'yan?"halata sa boses nito ang galit.

     Napangiti ng wala sa oras si Tricia sa tanong na iyon ni TaeMin. Natuwa rin si TaeMIn dahil kahit paano ay nakita nyang muling ngumiti si Tricia. "Kung mag-salita ka para ka nag matanda ah. Matured na nga talaga ang baby TaeMin ko."puri pa nya dito.

     "Hanggang ngayon ba yan parin ang tingin mo sakin?"protesta nito.

     Ngumiti si Tricia pag-kuway sumiryoso ito upang sagutin ang tanong ni TaeMin. "Itutuloy ko ang pag-bubuntis ko kahit wala si Tommy."

     "Ako ang papalit sa bakanteng iniwan ni Tommy hyung."determindong saad ni TaeMin na muli namang ikinatawa ni Tricia.

     "Ano namang alam mo sa pagiging daddy?"duda ito sa sinabi ni TaeMin.

     "Basta patutunayan kong kaya ko."giit ni TaeMin.


****************************

     HINDI nga bumitaw si TaeMin sa pangako nya kay Tricia. Kahit galing ito sa school ay di-diretso ito kay Tricia para alamin ang lagay nito at kung may mga kailangan ito. Sa loob ng halos limang buwan ay si TaeMin lang ang kasa-kasama ni Tricia, hanggang sa manganak sya ay hindi bumitaw si TaeMin.

     "Baby TaeHyun."masayang tawag ni Tricia na bagong silang nyang anak na babae.

     "TaeHyun? Saan mo naman nakuha yun?"kunot nuong tanong ni TaeMin.

     "Sa pangalan mo at pangalang ng isang matapang na character sa isang libro. Gusto ko pag lumaki syang maging kasing tapang at tatag nyo sya. Natuwa naman si TaeMin sa sinabing iyon ni Tricia. Nagustuhan tuloy nya ang pangalang TaeHyun.

     "TaeHyun, lumaki kang matapang gaya ng mommy mo hu?"isinukbit pa ni TaeMin ang daliri nya sa maliit na kamao ni TaeHyun habang kinakausap nya ito.

     Maya-maya pa ay lumabas na si TaeMin ng kwarto para hayaang pag-pahingahin si Tricia. Inilagay na rin sa babies room si TaeHyun para maka-pag-pahinga na rin ito. Nang palabas na sya ng room ay ikinagulat nya ang nasalubong nya sa pinto. Si Tommy pala iyon.


******************************

     NASA harap sina TaeMin at Tommy ng babies room, pinapanood ang hibing sa pag-tulog na si TaeHyun. "Salamat sa pag-aalala mo kay Tricia."seryosong wika ni Tommy.

     TaeMin smiled bitterly. Sumagot sya ng pabalang sa dating taong hinahangaan nya. "Salamat saan? Sa mga panahong nahihirapang tumayo si Noona dahil sumasakit ang tyan nya ? Salamat sa mga panahong iniiri ni Noona ang batang ikaw ang gumawa? Salamat kasi hindi mo nasaksihan ang bawat pag-hihirap nya? Anong klase kang ama?!"sumisigaw na si TaeMin sa sobrang galit. Kitang kita na ang kahihiyan sa mukha ni Tommy.

     "Sorry."yun lang ang naisagot ni Tommy. Muling natawa si TaeMin, hindi na nya napigilan ang sarili nya kaya naman ay nasapak na nya si Tommy. Tumilapon sa sahig si Tommy, napatingin ang lahat sa kanila pero hindi na iyon napansin pa ni TaeMin dahil talagang galit na galit ito kay Tommy.

     'Iniwan mo si Noona sa mga panahong hirap na hirap sya at walang matakbuhan tapos ngayon babalik ka? Bakit? Dahil tapos na sya mag-hirap?! Wala na ang respeto ko sayo!"sigaw ni TaeMin. "Si Noona ang may mas kailangan ng sorry mo hindi ako!"saka ito nag-walked out at iniwang umiiyak sa lapag si Tommy. Mukhang pinag-sisisihan na nito ang lahat ng maling ginawa nito.


***************************

     ILANG araw na simula ng mag-pangabot sina TaeMin at Tommy. Minabuti na lang ni TaeMin na hindi na sabihin kay Tricia ang nang-yari dahil nakikita nya namang nakaka-move on na ito. Ayaw na nyang ma-stress pa ulit ito kaiisip kay Tommy.

     Masayang inaayos ni TaeMin ang mga gamit dahil ngayon na ang huling araw nila sa hospital. "Sa wakas makakalabas na si baby TaeHyun."ani TaeMin.

     "Makikita mo na ang bahay natin baby."wika ni Tricia habang nilalaro nito ang kamay ni TaeHyun.

     Sa ganung kasiyahan sila naabutan ni Tommy. Ikinagulat ni Tricia ang muli nilang pag-kikita ni Tommy. Napatayo naman si TaeMin sa kinauupuan nito at napatingin ng masama sa hyung nya. Naiilang namang lumapit si Tommy kay Tricia.

     "Anong ginagawa mo dito?"galit na tanong ni TaeMin.

     Pero hindi sya pinansin ni Tommy, "Tricia, pwede ba tayong mag-usap?"hindi namna agad nakasagot si Tricia.Matagal na natahimik si Tricia pag-kuway iniabot nya kay TaeMin si TaeHyun. "Mauna na lang kayo sa labas, susunod na lang ako."wika ni Tricia.

     Wala nang nagawa pa si TaeMin kundi ang sumunod. Buhat buhat si TaeHyun ay matyagang nag-hintay si TaeMin sa lobby ng hospital. Hindi na sya mapakali dahil trenta minutos na ang lumipas ay wala parin si Tricia. Sobrang naiilang na sya dahil sa panay ang tingin sa kaniya ng mga taong naroon, kahit ang mga mapapadaan sa harapan nya. Marahil ay naiisip ng mga ito na anak nya si TaeHyun.

     Hanggang sa bigla na lang umiyak si TaeHyun na talaga namang ikina-alarma ni taeMin. Inihele hele nya si TaeHyun, "TaeHyun, tama na please."pag-mamakaawa ni TaeMin sa baby. Hindi na nya alam kung anong gagawin nya.

     Ilang saglit pa ay nakita na ni TaeMin sina Tommy at Tricia, parehong masaya na para bang walang nang-yari. "TaeHyun, gutom ka na ba? Bakit mo pinahihirapan si TaeMin oppa mo?"nang kuhain ni Tricia si TaeHyun kay TaeMin ay agad na napansin ni TaeMin ang sing sing sa kamay nito.

     "Noona."saad ni TaeMin sa kwestyonableng boses.

     Inakbayan ni Tommy si TaeMin. Tayo naman ang mag-usap."aniya nito. Naguguluhan namang sumunod si TaeMin kay Tommy. Doon lang naging malinaw ang lahat kay TaeMin. Na nag-propose na pala si Tommy kay Tricia at plano nya itong pakasalan. Masakit man para kay TaeMin pero masaya na rin sya dahil kahit huli na ay pinanagutan parin sya ni Tommy.


**********************************

     KUNG kanina ay si JongHyun lang ang nakikinig sa kwento ni TaeMin ngayon ay sumali na rin pala sina MinHo, onew at Key. "Ganun pala ang nag-yari."parang wala sa sariling saad ni JongHyun.

     "Oo."saad naman ni TaeMin saka ito nag-patinunang bumaba ng sasakyan. Naroon na kasi sila sa tapat ng dorm nila. Naiwan namang tulala ang apat sa loob ng van. Tinapik na lang sila ng manager nila para bumalik ang mga kaluluwa nila sa katawan nila. Mukhang na-mesmerized sila sa kweyto ni TaeMin.

     Pag-pasok sa loob ng dorm ay bumulaga sa kanila ang napakaraming regalo galing sa mga fans. "Wow!"excited na sigaw ni TaeMin, ganun din ang naging reaction ng apat. Tinakbo ni JongHyun ang mga regalo aty agad na hinanap ang pangalan nya.

     Sa gitna nga kaguluhan ay napansin ni MinHo ang isang blue na sobre na may nakasulat na SHINee. Kinuha nya ito at binuksan. Binasa nya ng malaks ang nakasulat sa isa card na puti.

"SHINee deserves a refreshing vacation.
We will giving you a free three days vacation at our resort!
Please come and visit us!

Midnight Resort"

     "Vacation???"halos sabay sabay nilang wika. Lalo silang na-excite sa narinig.

     "Woooooo!!! Mag-babakasyon tayo!!"nag-tatatatalon na sa tuwa si JongHyun.

     "May concert pa tayong gagawin diba?"paalala ni Onew. Natumba tuloy si JongHyun sa kakatalon nito. Lahat sila ay nang-lumo sa paalalang iyon. 

     Poor SHINee, akala nila ay mag-kakaroon na sila ng bakasyon pero mukhang mauudlot pa pala dahil sa busy schedules nila. Matutuloy pa kaya ang bakasyon nila? Ano kayang mamngyayari sakaling matuloy nga ang free three days vacation nila? May madidiskobre ba silang isang bagay na ikakatakot nila?

     Abangan. . . . .




A/N:

    ito na yung last part ng SHINee Diary .. Kung napansin nyo wala pa yung kay JongHyun .. dapat kasi sya yung unang part ng SHINee Diary hindi si MinHo .. pero yung kwento ni MinHo yung una kong nakita kaya sya yung una kong inilagay .. nakakatawa lang kasi natapos ko na yung SHINee Diary na wala pa yung pinaka-first part nya .. hehe .. Ipo-post ko muna yung kay JongHyun bago ko simulan na i-post yung season II ng SHINee Diary .. sana abangan nyo .. thank You ..






3 comments:

  1. ~angel is luv~

    ang ganda! excited n din po ako pra dun s last part.

    ReplyDelete
  2. ang cute nung name ng baby!.. lahat ng mga first love nila,sa iba napunta.. haha.. ang ganda ng story ate!.. aabangan ko rin ung season 2..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^