Monday, August 27, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 7

Chapter seven:
Stuck with Mr. Playboy


Sadako's POV...


"Ungggggghhhhhhhhh."

"Pwede bang tumahimik ka jan!"

"Paano ako tatahimik kung nalock ako sa classroom?!"

"Tss!"


Nandito ako ngayon sa dulo ng room, tinitiis umiyak. Naiinis daw kasi ang HARI ng classroom na'to!

Wanna know why? Nalock kasi ako eh. SA CLASSROOM! worse, kasama ko ang gag*ng playboy na yon! sinong hindi kukulo ang dugo kapag nakasama mo pa of all people ay ang taong kinamumuhian mo?! Hayyyy....



 Ito kasi ang nangyari....

flashback...
(isipin niyo na lang ang sound effect ng mga flashbacks.)

"Kunin mo bag ko sa classroom!"

"Ehh~bakit mo parati nakakalimutan ang b..bag mo?"

"Kunin mo na nga bag ko! SLAVE!"

"Oo na po..." at padabog na umalis si Allison sa LIBRARY.

Nasa playground ako kanina. Anong ginagawa ko? pulling a prank. Dinidistract ko mga tao doon, panghigante lang. Bored eh! Dahil nabored ako sa natatakot nilang mukha ay naisipan ko nalang na umuwi nalang para medyo naman mawala sa takot ang mga duwag kong schoolmates, at para na rin makapagprepare sila sa special treat ko sakanila bukas. Ehehehe, hehe..hehehehe....hehehehe....

Nagsimula nang mag-aral ang mga tao doon habang ako naman ay umiikot sa library, naghahanap ng libro suitable saakin, at AHA! Horror/Thriller, ito ang bagay na bagay saakin!

later...

Narrator's POV...

"Mr. Librarian, may...may...naririnig po kami sa..sa horror..se..section!"

"Tss! walang multo dito! go with me at tingnan natin ang section na yun!" Pumunta ang librarian at ang dalawang studyante sa horror section ng library.

Nakarating na sila sa section na  iyon, papasok na sana sila pero...Nanigas sila sa lamig at takot na nararamdaman nila dahil nandoon si....

Walang iba pa kundi si....

IKAW!

de joke lang...

ang totoo ay...

si SADAKO! nandoon si Sadako, nagbabasa ng libro at mukhang enjoy na enjoy siya dahil bakas sa mukha niya ang saya na nakikita niya mula sa mga pictures ng mga multo, at aswang na pinapatay ang tao.

"Uwaaaaaaaaa! ang ganda...ang ganda ng pagkakuha niya sa puso niya ah...eheheheh...hehe..he..hehehe...ito rin oh! ang ganda ng pagkadrawing sa dugo...I'll borrow it...ehehehe...hehe...hehehehehehe....."

Tumingin si Sadako sa mga Naninigas na mga tao sa harap niya at sakto na nahanap niya ang librarian.

"Pahiram nito ah? ehehe...hehe..hehehehe...."  Hindi na makasagot ang librarian sa takot. Since, naniniwala si SADAKO sa Silence means yes, ay hiniram nalang niya.

5:00 PM...

Wala nang mga tao sa library este dalawang tao lang ang natitira sa library ang pawisang librarian at ang multo este si Sadako.

"Ba....bakit ka hindi uuwi..?"

"Masama ba? wala namang nakasulat sa library na tuwing 5 ay aalis na mga students dito,"

"A...Ahhh..."

Nanginginig na si Sadako sa galit. Siyempre, dumidilim na at hindi niya nakukuha ang bag niya sa slave niya. Asan na kasi si Allison? don't tell me, hindi niya sinunod utos ng master niya at umuwi nalang. You understand him naman diba? siyempre, gagawin ko rin yun kay Sadako kapag slave niya ako.

Serves her right.

Hindi na makahintay si Sadako. Tumayo siya and at the same time nanginig ang librarian sa takot dahil sa nararamdaman niyang aura mula kay Sadako. Hindi na nagpaalam si Sadako dahil agad siya umalis sa library dala-dala ang hiniram niyang libro. Huminga ng malalim ang librarian at nagpasalamat dahil nakaalis na sa library ang multo na yun.

Tumakbo si Sadako papunta sa room niya, pero nang nasa hallway na siya ay tumigil na siyang tumakbo at naglakad nalang.

Habang naglalakad siya ay bigla nalang may narinig siya na boses. Boses ng babae at lalake.

"Honey...ayoko! baka may makakita sa atin at ireport tayo sa guidance counselor."

"Don't worry, walang katao-tao dito."

"Pero....baka lumiit grades ko."

"Basta, sigurado ako, hindi ka magsisisi." Nanigas si Sadako sa naisip niya sa conversation ng dalawa. Mukhang may gagawin silang.....

*gulp*

Naglakad ng matulin si Sadako para hindi siya mabuking. Nasa pintuan na siya ng room niya. She gave a big sigh and opened the door.

"Aaaaaaanooooong ginagawaaaa niyoooo diiiiiiitooooooo?"

"Ahhhhhh! multo! multo! multo!" nabigla ang babae and at the same time natakot siya dahil nasa harap niya si Sadako. Agad siyang umalis sa room at tumakbo para sa buhay niya.

"Huh?"

"Tss!"

Sadako's POV...

Pumasok ako sa room at tumingin ulit sa likod ko. la lang! trip ko lang! may angal ka? bumalik ang tingin ko sa lalake which is....the g*gong playboy. No need to ask why, obvious naman kung anong gagawin nilang magkasintahan na ilang days ay magbebreak up sila.

"Tss! you ruined my meal."

"Sinira? pagkain mo? sana ginawa ko nung lunch."

"Whatever."

Binalewala ko nalang ang sinabi niya. Hinanap ko nalang ang bag ko sa room. at Aha! nasa baba ng upuan ko! bakit nasa baba? Naghihiganti si Allison? Wow! paano kaya niya yun natutunan? Patay siya saakin pag nagkita kami bukas. *loud thunder*

*snore*

Ugh! what's that sound?! Is someone sleeping here?!

Tumayo ako at pinagpag ang sarili ko. Pumunta na ako sa pintuan at binuksan at....

Huh? bakit? bakit hindi ko ito mabuksan?

Don't tell me...

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!"

"Multo?!"

"Unggggghhhhhhhh"

"Ba..bakit ka ganyan?"

"Nalock tayo ditooooooooo..."

"Naaa! it's okay! sanay naman akong malock eh!"

"Eh paano ako?! first-timer ako!"

"Tss! makipagkwentuhan ka nalang sa mga multo dito."

"Hey!"

"Whatever, bye, matutulog na ako."

*snore*

huhuhuhu....I'm locked in the room with that JERK!

Hayyy, makatulog na nga lang. Mas magandang matulog kesa sa nakatingin sa ere at bigla nalang may susulpot na multo. Kayo, kaya niyo ba, ha?! hayyy....

Plus, totoong nakikipag-usap ako sa mga multo.

Not...

I'm just pretending. Nagpapanggap ako na may kausap ako para maasar parents ko. Well, I'm just doing it out of boredom because sometimes they're not bothering me. It upsets me.

Ganun rin ba nararamdaman ni ate kapag hindi siya pinapansin nina 'tay at 'nay?

Oh well, whatever.

ZZZZZZZZZZzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZ.......

playboy's POV...

*yawn*

Umaga na ba? syet! hindi! bakit ang bagal bagal ng oras dito sa paaralan?! pero sa bahay ang bilis! matulog ka lang ng ilang minutes then boom! hours na pala! 

May magic ba sa mga schools na kaya nilang pabagalin ang oras! hayyy!

Speaking of time, I checked my watch and...

Anak naman ng...I slept for 10 minutes! akala ko 5 hours! hayyy! bagal ng oras!

Bumangon na ako at naglakad-lakad sa room hanggang sa nakarating ako kay Sadako na natutulog. Ugh! may laway! and she...

*snore*

snores! plus, ang posture niya kapag matulog, so not lady-like. No wonder, wala siyang makakatuluyan.

Umupo ako malapit sakanya at pinagmasdan mukha niya na hinaharang ng buhok niya. Sino namang hindi matatakot sakanya eh hindi niya tinatali buhok niya kaya namumukha siyang multo?! at saka, hindi ko nakita mukha niya ah...

Inalis ko ang nakaharang na mga buhok sa mukha niya at....

I hate to admit it but she's beautiful, para siyang anghel na natutulog. Isama niyo na rin ang pagtama ng liwanag ng buwan sa mga mukha niya. It really makes her more beautiful. Bakit ko siya hindi niligawan? Siyempre, dahil sa pagiging mukhang Sadako siya duh?! simple ng answer, hindi ko magets!

Ewan ko anong nangyayari sa katawan ko kasi kusa nalang gumalaw ang katawan ko at lumapit sakanya. Palapit na ng palapit ang mukha ko sakanya. I can feel my heart beating so fast. I don't know but my mind and heart wants me to kiss her...

1 inch nalang...

malapit na at...

*boom*

"Ahhhhh!"

"Bakit ang lapit lapit ng mukha mo saakin?!"

*pants*

"Halos atakihin ako sa puso dahil sau!"

"Anong masama sa ginawa ko kanina?! hindi naman yun nakakaatake!"

"Basta!"

I almost die! nagulat talaga ako sakanya ng sobra sobra dahil sa pagmulat ng mga mata niya at plus, ang laki ng mata niya! kapag harangin mo ng buhok mukha niya eh si Sadako na kaitsura niya!

*pants*

"Whatever, thank goodness I'm alive."

"Ano namang nakakamatay sa pagmulat ng mga mata ko?"

Narrator's POV...

After what happened before came a very long silence. Ang tahimik talaga, sa sobrang tahimik ay gusto mo talagang sumigaw. Good thing, natitiis nila. Hindi tulad ko na, maingay. Isali na rin  ang author. Hindi siya mabubuhay kapag hindi siya makapagsalita.

"Hindi ka naman mukhang Sadako kapag hindi hinaharang ng mga hibla ng buhok mo ang mukha mo."

"A...anong pinagsasabi mo ha?! a...are you planning me...t..to.. be your f...f...fling?! ..hindi no!"

"Tss! magpasalamat ka, kinomplement kita!"

"Whatever!"

"Bakit nakaharang mga buhok mo sa mukha mo? tinatamad ka bang taliin buhok mo?"

"Taliin ko man o hindi ay pangit pa rin ako. Kapag tinatali ko buhok ko ay, iniinsulto ako dahil sa laki ng mga mata ko. There's no point of tying my hair, In fact! mas maganda pang maging kamukha ni Sadako dahil nakukuha ko lahat ng mga gusto ko. Hahahaha!"

"Walang taong maganda! lahat tayo panget! we are not made perfectly kaya talihin mo ang buhok mo. Kahit ka nila, insultuhin. Just think na pangit rin sila except me dahil ako lang ang gwapo sa buong mundo..."

"Thank you for your words of wisdom!" sagot ni Shie na may halong sarcasm.

"It's okay to be judged. Judging is natural in this world. Hindi natin talaga maiwasang magjudge sa ibang tao. Kahit ikaw, you judge too..."

"Yeah, in fact! I'm judging you right now!"

"Heyy!"

"Hehehehe! well, anyways, thanks!"

Playboy's POV...

The time I saw her smile, I feel so...in heaven. I know where this feeling will lead me too. I hate it! I'm afraid. I'm afraid to feel that feeling. I'm afraid to be hurt.

She's dangerous. I need to avoid her, before, it's too late at tuluyan na akong masasaktan.





*********************

"Slaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaave!"

"So..sorry na! hi...hi..ndi ko talaga si..si..sinasadya! pi..pinsan mo kasi ehhh!"

"Kahit na!!!!!! patay ka saaaaaaakinnnnnnn! kukulamin kita ng bonggang bongga!"

"Hindi ka naman..."

"Basta! kukulamin pa rin kitaaaaaa!"





1 comment:


  1. ▀██▀─▄███▄─▀██─██▀██▀▀█
    ─██─███─███─██─██─██▄█
    ─██─▀██▄██▀─▀█▄█▀─██▀█
    ▄██▄▄█▀▀▀─────▀──▄██▄▄█

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^