Tuesday, July 31, 2012

Love Tutorial : Chapter 14


Johnny’s P.O.V

Nagulat din ako sa mga nalaman ko kay Jessie, kaya naman pala  siya ganun, parang inosenteng ewan,. Ngayon medyo naiintindihan ko na siya
 ..

“ui natulala ka na jan..”

“ah, wa-wala .., hmm.. gusto mo turuan kitang mamangka ? ”

“ha ? si-sige “


Kay aayun tinuruan ko siyang mamangka, para naman kahit konti may alam siya .. ewan ko , para kasing bigla akong naawa sa kanya …

Kaso biglang kumulog at kumidlat, pumatak na din yung ulan, nakita ko sa mukha nya na natatakot na siya ..

“Johnny, tara na, bumalik na tayo, natatakot na ako..”

“wag kang matakot, nandito lang ako..” anu ba yan, basta na lang lumabas sa bibig ko yang mga salitang yan .. natatakot na din kasi siya at di ko alam gagawin ko ..

<boogsh>
Hinampas ng alon yung bangkang sinsakyan namin .. tumaob yung bangka ..

“jo-Johnny .. hindi ako marunong lumangoy ..”

Dahil sa lakas ng hangin at alon, napalayo siya, hindi ko na siya makita, at ang hirap pa niyang hanapin dahil ang laks ng hangin at alon ..

“Jessie “

“Jessie, asan ka na”

Lalo kong binilisan ang paglangoy at nakita ko din siya, unti unti na siyang lumulubog, at mukhang wala na siyang malay .. ..

Kaya nung nakalapit ako sa kanya hinila ko na lang siya bigla, tapos niyakap ko na lang siya nang mahigpit .. tapos pinilit kong lumangoy ng lumangoy, kaso bigla kaming tinangay ng alon, at pakiramdam ko nanghihina na ako,
Parang unti unti na ring nagdidilim yung paningin ko …
..
 …
Paggising ko, nasa ma buhanginan na ako, ang sakit na buong katawan ko ..

Teka, si Jessie, asan na siya ? tapos bigla akong tumayo, hinanap ko siya sa paligid,

“Jessie!. Jessie !”

Tapos sa di kalayuan nakita ko siya, wala pa ring malay ..

Tiningnan ko yung pulso nya , tapos tiningnan ko kung buhay pa siya .,

Humihinga pa siya. Pero hindi pa rin siya nagising ..

Kinakabahan na ako ..
Teka kelangan ko na ba siyang gamitan ng CPR ?
Bahala na nga ..
Ic-CPR ko na sana siya ..
sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha nya ng bigla na lang siyang umubo at ibinuga lang naman nya sa mukha ko yung mga tubig na nainom nya …
pero di ko na yun pinansin ..

“Jessie, Jessie !”

Tapos unti unti nyang dinilat yung mga mata nya ..

“Jo-Johnny ? Johnny ?”

Tapos bigla ko siyang niyakap ..

“Buhay ka Jessie”

“Johnny ?”

Tapos ngayon lang nrealize yung mga ginwa ko, yung muntikan ko nang pag CPR sa kanya at higit sa lahat yung pagyakap ko sa kanya ..

Nabigla lang naman talaga ako nu, syempre lagot din ako kay mama at lalo na kay tita kung may masamang nangyari kay Jessie ..


“o-Okay ka ba Jessie ?”

Tapos iniupo ko siya,

“okay na ako, salamat” tapos nginitian nya ako ..

Anu ba yan, bat parang biglang nag init yung mukha ko,
Anu bang nangyayari sa akin ?
Johnny umayos ka nga .. hai ..

.. 



2 comments:

  1. ~angel is luv~

    kyaaaaaaaah! kakakilig!

    ReplyDelete
  2. namiss ko ang kwentong ito! at namiss ko rin ang mag-comment dito!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^