19: The Great God’s Princess
[Princess POV]
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa
si Xeya at may ginawa siyang kakaibang magic sa mga salamin niya. Yun daw ang
daan papunta sa Andromida. At habang hinihintay namin na tuluyan niyang ma-open
yung portal, may ibinigay siya saaming tip para makapag-disguise kami sa lugar
na yun. At yun ay…
PRINCESS: THIS IS LIKE SO EWW~
Eh paano, kailangan kasi
naming ibabad ang katawan namin sa isang kakaiba at kahina-hinalang black
liquid! Parang putek na may halong gasoline at amoy pupu at bumubula-bula pa yun na parang
magma!
Ako, si Queen, sina Sues,
Rohan at Eros ay kailangang maglagay nun sa buong katawan namin para itago ang
natural glow namin as gods and goddesses. Dahil nga kasi isang dark place yun,
madaling malalaman ng Andros kung may good-hearted god ang pakalat-kalat o nagmamasid.
And just so you know, hindi lang kami ni Queen ang nandidiri talaga ha! Kahit sila Rohan, Eros at Sues, halatang nandidiri sa mga pinapahid nila sa katawan nila. Ayaw lang ipahalata!
ROHAN: OKAY NA SIGURO ‘TO! TAMA NA
PLEASE…
COLLOSUES: OO NGA… ANG LAGKIT-LAGKIT
NA NG BUONG KATAWAN KO.
EROS: PRINCESS, OKAY KA LANG?
PRINCESS: DO I HAVE TO ANSWER!!!
Pagkatapos naming magpahid
ng black liquid na yun, dinaig pa namin yung mga taong grasa sa kanto ng
subdivision nina Empress! Si Gwing hindi pa nakuntento, nag-take pa ng group
picture bilang souvenir sa kadungisan namin. At natatawa pa sila sa isa’t isa
samantalang nananahimik ako sa isang tabi dahil naalibadbaran talaga ako sa
itchura ko.
ROHAN: EH TIGNAN NIYO NAMAN SI
PRINCESS…
PRINCESS: WHAT…? (Isang maling salita mo lang Rohan, papaliparin
kita!)
ROHAN: MUKHA KANG… HMMM… (Tinakpan bigla nina Queen at Sues ang bibig
niya para hindi na niya matuloy ang panlalait sa itchura ko) BAKIT… ANO BA…?
QUEEN: KUNG AKO SAYO, WAG MO NANG
ITULOY YAN KUYA ROHAN. HINDI MO BA NAKIKITANG NAGLALAMAY SI PRINCESS DAHIL SA
ITCHURA NIYA! NGAYON LANG SIYA NAGING MADUNGIS SA TANANG BUHAY NIYA. KAYA KUNG
AYAW MO PANG MASAWI, MANAHIMIK KA NA LANG.
COLLOSUES: OO NGA! DIBA GUSTO MO
PANG ILIGTAS SI EMPRESS? WAG MO NANG IDAMAY SA KALOKOHAN ANG KAPATID KO… KAPAG
GINALIT MO YAN, MAGPAPALABAS NA NAMAN NG BUHAWI YAN…
ROHAN: SASABIHIN KO LANG NAMAN NA…
QUEEN & COLLOSUES: MANAHIMIK KA NA SABI!!! (Aba, mukhang alam na ng destined couple na
bad trip na ako sa itchura kong ‘to!)
EROS: PRINCESS, DON’T WORRY. YOU
STILL LOOK BEAUTIFUL.
ROHAN: WOOOSH! PUMAPARAAN NA NAMAN
HA!
PRINCESS: TIGILAN NIYO NA NGA AKO.
AYOKONG ISIPIN ITCHURA KO NGAYON! SI EMPRESS ANG INIISIP KO, OKAY?
XEYA: THE PORTAL IS OPEN! (Hay nachambahan din ni Xeya ang timing
niya! Pansin niyo ba kasi, madalas kaya wrong timing itong si Xeya lalo na
kapag may kinalaman kay Eros ang eksena) NOW
REMEMBER, ANG TANGING PARAAN PARA HINDI MAPANSIN NG MGA ANDROS ANG TUNAY NIYONG
KATAUHAN AY ANG UMAKTO NA KATULAD NILA. ONCE MAHANAP NIYO SI EMPRESS, SABIHAN
NIYO AKO AGAD PARA MA-OPEN AGAD ANG PORTAL.
COLLOSUES: APRUB NA XEYA! ALAM NA
NAMIN ANG MGA GAGAWIN NAMIN.
XEYA: ROHAN AND EROS, PLEASE BRING
HER BACK SAFELY.
EROS: WE WILL XEYA, DON’T WORRY.
PRINCESS: PSH! TARA NA NGA, ILIGTAS
NA NATIN SI PRESSY!!!
QUEEN: ANO NA NAMANG DRAMA MO JAN,
BRATTY?
PRINCESS: WALA!!! (Itong si Gwing-gwing, kung anu-ano
napapansin! Anyway, nauna akong pumasok sa portal dahil nga baka kung anon a
ginagawa ng mga kampon ni Nefarius sa kaibigan namin)
Nakarating na kami sa
Andromida at tulad nga ng description ni Xeya, madilim, madumi at parang
napupuno nga ng kasamaan ang buong lugar! Mabato, mausok, mabaho at higit sa
lahat, parang walang kahit na anong living organism sa mundong ito… except sa
bacteria! For sure marami nun dito!
QUEEN: ANG DILIM!!! TAMANG-TAMA… (At mas inilabas na flashlight si Queen sa
bulsa niya) IBA TALAGA ANG MGA GIRLSCOUT!
ROHAN: PASAWAY KA TALAGA QUEEN! BAKIT
NAGPUSLIT KA NG FLASHLIGHT DITO?
QUEEN: HINDI BA YUN USO DITO? ABA
PASALAMAT NGA KAYO, MAY ILAW NA TAYO! ANG DILIM KAYA, ALANGAN NAMANG MANGAPA
TAYO SA DILIM!
COLLOSUES: TANGE! PATAYIN MO YAN!
BAKA MAS MAGING KAHINA-HINALA TAYO SA GINAGAWA MO EH!
QUEEN: HOWKEY PAYN!!! (In-off niya nga ang flashlight pero naglabas
naman siya ng apoy sa kamay) OH ETO NA LANG…
ROHAN: QUEEN!!! PATAYIN MO YAN!!!
ARAY NAPASO NA AKO!!!
EROS: OY PLEASE LANG… WAG KAYONG
MAGULO! WE’RE TAKING COVER!
Mga mongoloid yata ‘tong mga
‘to eh! Kararating pa lang namin, ang gugulo na! Lalo na ‘tong si Queen, kanina
pa papampam sa mga ginagawa niya!!
PRINCESS: ANO BA YAN GWING-GWING!
MAGSERYOSO KA NGA! BAKA HINDI NATIN MAHANAP SI EMPRESS SA GINAGAWA MO EH. AT
KAYO NAMAN, KAPAG HINDI PA KAYO TUMAHIMIK JAN, MABUTI PANG BUMALIK NA KAYO KAY
XEYA.
QUEEN: GALIT AGAD? WE’RE JUST MAKING
THE ATMOSPHERE LIGHT! ANG BIGAT-BIGAT NA NGA SA PAKIRAMDAM EH.
At dahil agaw-eksena na
kami, may nakapansin na tuloy na dalawang nanggigigtatang Andros! Lumapit sila
saamin at mukha silang mga convict! Hindi man lang nasabi saamin ni Xeya na
doble pala laki ng katawan ng mga Andros.
GIOS: SINO KAYO!!! NGAYON LANG NAMIN
KAYO NAKITA DITO HA!
LANS: HINDI KAYO MUKHANG MGA
ANDROS!!! KALABAN KAYO NI PANGINOONG NEFARIUS NOH!
Napaatras kaming lahat. Mas
dehado kasi kami sa lugar na ‘to dahil anytime, pwede kaming dumugin ng mas
marami pang Andros. Idagdag mo pa puro muscles at germs ng mga katawan ng
Andros! Mahirap at nakakadiring kalabanin!
COLLOSUES: ANO NANG GAGAWIN NATIN? (Nag bubulungan na kami)
ROHAN: YUNG SINABI NI XEYA.
KAILANGANG UMARTE TAYO NA KATULAD NILA.
EROS: IPAKITA NA MASASAMA DIN TAYO.
COLLOSUES: PAANO YUN? (Wow kung makatanong! Parang hindi talaga
siya gumagawa ng masama! Kung sa bagay, God nga siya)
ROHAN: LET’S JUST LEAVE THEM.
EROS: HINDI UUBRA SA KANILA KUNG
TATAKASAN NATIN. MAS PAGHIHINALAAN TAYO.
QUEEN: ANO NANG GAGAWIN NATIN…
LANS: HOY! ANONG
BINUBULONG-BULONG NIYO JAN!
QUEEN: AH… SORRY PO, HINDI NA PO
MAUULIT!
GIOS: ANONG SABI MO? HINDI MARUNONG
HUMIHINGI NG TAWAD ANG MGA ANDROS! HINDI NAMIN KAYO KAURI!!! SINO KAYO HA!
QUEEN: HALA, NAHALATA NILA AGAD!
PAANO BA KASI UMARTE?
PRINCESS: (Tsk! Ano ba ‘tong mga ‘to!!! Nagpapanic
kasi agad eh!) TUMABI NGA KAYO JAN!!! (At ako ang humarap sa dalawang Andros) EH KAYO SINO BA KAYO? ANO BANG PAKELAM NIYO? EH MAY
HINAHANAP KAMI EH, MAY PROBLEMA BA DUN HA? GUSTO NIYO BANG BURAHIN KO NA KAYO
SA MUNDONG ITO!
QUEEN: BA… BRATTY, BAKIT MO SILA
GINAGALIT?
PRINCESS: I KNOW WHAT I’M DOING….
NGAYON KAYONG DALAWA, KUNG AYAW NIYONG MAGKAGULO DITO, WAG NIYONG UBUSIN ANG
KATITING NA PASENSYA KO!
GIOS: PARA SA ISANG BABAE, ANO BANG
PINAGMAMALAKI MO!
LANS: MATAPANG KA MASYADO!
SINUSUBUKAN MO BA KAMING MGA ANDROS! SABIHIN NIYO KUNG ANONG NILALANG KAYO!
PRINCESS: YOU TWO UGLY SHITHEADS! (That’s
it! Nakakainit na sila ng ulo ha! Porket ba babae ako? At pinatatagal nila kami
dito imbes mahanap na sana namin si Empress) ALAM NIYO GAGAWIN KO SA INYO? DAHAN-DAHAN KONG IPAPALASAP SA
INYO ANG PINAKAMASKIT NA KAMATAYAN!!! AT SISIGURADUHIN KO NA BAWAT LAMAN SA
KATAWAN NIYO AY GAGAWIN KONG ABO SA MGA KAMAY KO! NGAYON, SINO SAINYO ANG
GUSTONG MAUNA?
Medyo kinabahan ako sa
ginawa ko, but that actually worked. Diba nga sabi ni Xeya, umarte at mag-isip
kami na kasing sama nila. May mabuti rin palang naidudulot ang pagiging bossy
at bratinella ko eh.
GIOS: AH… WALANG DUDA ISA KA NGANG
ANDROS.
LANS: EH BAKIT GANYAN ANG MGA KASAMA
MO?
PRINCESS: AHH SILA? (Napatingin ako kina Queen na in shock
pa rin sa pinagsasabi ko) MGA ALIPIN KO SILA! MGA
UTAK IPIS KAGAYA NIYONG DALAWA!
QUEEN: ALIPIN? (Wag
ka nang umagal! Gumagawa na nga ako ng palusot eh!)
GIOS: IKAW ANG PINUNO NG MGA ANDROS
NA YAN?
LANS: KAPATID NA GIOS, NGAYON LANG
AKO NAKAHARAP NG BABAENG ANDROS NA NAMUMUMUNO SA IBA PANG ANDROS. KASING LAKAS
MO BA SI PANGINOONG NEFARIUS?
At bilang naka-gets na yata
sina Rohan sa ginagawa ko dahil hindi sila marunong umarte na katulad ko,
kaya naki-ride na sila sa mga pinagsasabi ko.
ROHAN: AHH OO TAMA!!! SIYA ANG PINUNO
NAMIN!!! ANG PINAKAMASAMA, BRUTAL AT WALANG-HIYA NAMING PINUNO!
COLLOSUES: SIYA RIN ANG TINAGURIAN
NAMING ALAMAT NA NAG-IISANG PUMATAY SA ISANG LIBONG SUNDALO NOON MULA SA CAELUM
UTOPIA.
EROS: AT SA SOBRANG KASIKATAN NIYA,
KINAHUHUMALINGAN SIYA NG MGA DYOS AT MAGING MGA ORDINARYONG MORTAL!!!
QUEEN: HINDI LANG YUN, KABARKADA SIYA
NI PANGINOONG NEFARIUS!
Ang exaggerated naman ng mga
‘to!!! Lalo na yung sinabi ni Queen!!! Pero dahil sa sinabi nila, napanganga
yung dalawang Andros, umatras at napaluhod sa harap ko.
GIOS: IKAW NA ANG PINAKAMASAMANG
BABAENG ANDROS NA NAKILALA KO! AKO PO SI GIOS, ISA NIYO NANG TAGAPAGLINGKOD!
LANS: SAMBAHAIN KA SA TAGLAY MONG
KASAMAAN!!! AKO NAMAN PO SI LANS, ISAMA NIYO PO KAMI SA INYONG LUPON!!!
Matutuwa ba ako dahil
sinasamba nila ako? O maiinsulto dahil tingin nila saakin, isang magandang
ehemplo ng kasamaan! Humanda lalo saakin ’tong mga kasama ko! Naririnig ko pa
yung bulungan nila sa likuran ko.
ROHAN: WOW! PAM-BEST ACTRESS ANG ARTE
NI PRINCESS! ANG GALING!
QUEEN: HINDI SIYA UMAARTE. YAN ANG
TOTOONG UGALI NG BABAENG YAN. LALO PA NGAYON AT HINDI PA RIN YATA
NAKAKAGET-OVER SA ITCHURA NIYA. YAN ANG WAY OF EVERYDAY LIFE NIYA EH.
COLLOSUES: MINSAN NAGTATAKA AKO KUNG
SIYA BA TALAGA ANG KAPATID KONG SI PRINCESS. EH MUKHANG DITO SIYA LUMAKI SA
ANDROMIDA EH.
PRINCESS: HOY KAYONG DALAWA! GUSTO
NIYO PATULUYAN KO KAYO KINA GIOS AT LANS HA?
EROS: (Siniko
niya malakas si Collosues) MAGPASALAMAT NA LANG
TAYO AT NAKALUSOT TAYO DAHIL SA KANYA. MAGALING PRINCESS.
Anyway, bukod sa nakalusot
na kami sa problema, eh nagawa ko pang pasunurin yung dalawang Andros. Maswerte
na rin na kulang-kulang, eengot-engot at utu-uto ang mga ‘to! Mas naging
mabilis pa ang paghahanap namin sa maaring pinagtataguan nila kay Empress.
GIOS: PINUNO! NARITO NA PO TAYO.
HETO PO ANG FORTRESS NI SUPERBIA.
LANS: HINDI PO TAYO MAKAKAPASOK NG
BASTA-BASTA SA MGA PINTO NGUNIT DADAAN TAYO SA LAGUSAN NA ITO, MAS MAPAPADALI
PO ANG PAGTUNTON NIYO SA KANYA.
GIOS: ANO PO BA ANG KAILANGAN NIYO
SA ISANG MYEMBRO NG SALIGIA?
PRINCESS: WALA AKONG PANAHON
SAGUTIN ANG TANONG MO.
QUEEN: HALA LAGOT! PUPUGUTAN KA NA NG
ULO NG PINUNO NATIN!
COLLOSUES: YAN KA NA NAMAN! PABAYAAN
MO NA NGA SI PRINCESS SA MGA ANDROS NA YAN.
LANS: MAY IPAGUUTOS PA PO BA KAYO?
ROHAN: HINDI KAYO PWEDENG SUMAMA
SAAMIN SA LOOB. TAMA BA PINUNO?
PRINCESS: OO KAYA INAATASAN KO
KAYONG DALAWA NA MAGBANTAY SA LABAS. KUNG MAY SINO MANG MAGTATANGKANG PUMASOK
SA LAGUSAN NA ‘TO PIGILAN NIYO…
GIOS: NAKAKAPAGTAKA ANG MGA PLANO
NIYO PINUNO… (OMG! Nakakapansin
na kaya sila?) NAPAKASAMA NIYO TALAGA!
KARANGALAN NA MAGLINGKOD SAINYO! (Ngek! Oh siya ako na Idol nila!)
Pumasok na kami sa lagusan
na tinuro nina Gios at Lans. Hindi naman kami nabigo dahil nakapasok nga kami
ng walang kahra-hirap sa loob ng fortress.
PRINCESS: AT LAST WE’RE HERE! PASASALAMATAN
KO TALAGA YUNG GIOS AT LANS NA YUN.
EROS: THEY ARE ANDROS PRINCESS.
PRINCESS: SO WHAT? I ACTUALLY THINK
THEY HAVE THEIR GOOD SIDE. AND THAT’S LOYALTY.
COLLOSUES: AND I THINK THEY KNOW
WHAT LOVE IS. MUKHANG NALOVE AT FIRST SIGHT DIN SILA SAYO BEBE SIS EH.
QUEEN: NAKS BRATTY! IBA NA TALAGA
NADUDULOT NG BEAUTY MO! BIRUIN MO HINDI LANG PANG MORTAL AND GOD, PATI MGA
ANDROS!!!
PRINCESS: MORTAL AND GOD? SINO YUNG
GOD?
EROS: E… EHEM… UM… ROHAN, I THINK WE
BETTER SPLIT UP PARA MAS MAPABILIS ANG PAGHAHANAP KAY EMPRESS.
ROHAN: RIGHT! LET’S SPLIT UP IN
THREE. KAYONG DALAWA NI PRINCESS SA SIDE NA YUN, SI SUES AT QUEEN ON THE OTHER
SIDE, AND I’LL GO ALONE. DUN AKO SA TAAS MAGHAHANAP.
Wala na angalan sa
partnership ha! Basta nagmadali na lang kaming hanapin si Pressy. Baka kasi
kung ano nang ginagawa nung Shanaz sa kaibigan namin!
Pero hindi pa nga nagtatagal
nung magkahiwa-hiwalay kami, nakarinig kami ng malakas na kaguluhan na
nanggagaling lang din mismo dito sa loob ng fortress ni Shanaz.
PRINCESS: OH GOSH! MAY NAHULI NA
KAYA SA MGA KASAMA NATIN?
EROS: I BET SINA QUEEN AT SUES YUN
KASI IMPOSIBLENG SI ROHAN ANG MAKAAGAW NG ATENSYON NG MGA TAUHAN NA ANDROS NI
SHANAZ.
PRINCESS: AY!!! PASAWAY TALAGA YUNG
LOVETEAM NA YUN!!! BAKA MAPURNADA PA ANG PAGHAHANAP NATIN KAY EMPRESS EH! ANG
MABUTI PA, MAGHIWALAY NA RIN TAYO EROS PARA TUMAAS ANG CHANCE NATIN NA MAKITA
SI PRESSY.
EROS: WHAT? NO!!!
PRINCESS: PARA ‘TO SA KAPATID MO
EROS! WHAT IF SOMETHING HAPPENS TO HER! KAYA NGA TAYO NANDITO PARA ILIGTAS SIYA
DIBA?
EROS: AND WHAT IF SOMETHING HAPPENS
TO YOU? I CAN’T AFFORD TO LOSE YOU AGAIN.
PRINCESS: A- ANO? DIBA DAPAT MAS
ALALAHANIN MO ANG KAPATID MO KESA SAAKIN? ANONG KLASE KA BANG KUYA! YOU GO THAT
WAY AND I’LL GO THIS WAY. PLEASE EROS, I CAN MANAGE MYSELF! PARA AKONG TOTOONG
ANDROS DIBA?
At hindi ko na siya
pina-react pa dahil tumakbo na ako. Sinisilip ko ang bawat kwarto na makita ko
until I reached a dead end. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. There’s a
weird feeling kasi and I can sense air from behind that wall. Well, wala namang
mawawala saakin kung susubukan kong sirain yung pader.
I stepped back three times;
I concentrated and felt the Power of the Air flowing inside my body. And with
one go, I let go a strong formation of wind that grinds the wall into chunks.
PRINCESS: HOLY COW WHAT WAS THAT! (Nagulat rin ako sa ginawa ko ha! Pero hindi
nga ako nagkamali na may secret room nga dun at…) PRESSY!!!
(Ang kawawa kong kaibigan, nakakadena parang aso! At
walang sapatos!)
EMPRESS: AH? SI… SINO KA? ANG
PANGIT MO LUMAYO KA SAAKIN!
PRINCESS: EXCUSE ME! YOU DARE CALL
ME UGLY!!! WANNA DIE HUH?
EMPRESS: TEKA, ISANG BABAE LANG ANG
KILALA KONG MAY GANYANG UGALI AT KAARTENG BOSES. BRATTY IS THAT YOU?
PRINCESS: YES IT’S ME! GAGA KA!!!
NAKADISGUISE AKO NG GANITO DAHIL RIN SAYO! TINGIN MO BA BUKAL SA LOOB KO ANG
MAG-AYOS NG GANITO HA?
EMPRESS: UWAAAAAAH!!! BRATTY!!!
BUTI DUMATING KA!!! PERO WAG NA HUG! ANG DUNGIS MO TALAGA EH. YOU’RE SO YUCKY!
PRINCESS: YUCKY PALA HA!!! (At wala siyang nagawa nung ako ang yung
yumakap siya at nahawaan na siya ng kalupitan ng black liquid na ‘to) SERVES YOU RIGHT!
EMPRESS: ANG KADIRI!!!
HWAAAAAAAAAAH!!! YUCK!!! TEKA NGA… IKAW LANG BA MAG-ISA? PAANO KA NAKAPUNTA
DITO?
PRINCESS: I’M WITH YOUR TWO KUYA’S,
SI SUES AT SI GWING. NAGKAHIWA-HIWALAY LANG KAMI. TEKA… YOU LOOK LIKE A SEX
SLAVE WITH YOUR POSE. KITA PA LEGS MO, F NA F MO PA. CHILD MOLESTER BA SI
SHANAZ? DID HE VIOLATE YOUR HUMAN RIGHTS? HOW WAS IT? DOES IT HURT?
EMPRESS: TANGE! HINDI AKO
MINOLESTYA NI SHANAZ NOH! AYAW EH, CHOOSY!!! ANYWAY, BAKA NAKAKALIMUTAN MONG
HINDI CHISMISAN ANG IPINUNTA MO DITO. PAKAWALAN MO NA KAYA AKO NOH?
SHANAZ: THAT’S ENOUGH!!! NAKAKARINDI
ANG USAPAN NIYONG MGA JOSA! (Dang it! nanjan na siya!!!)
EMPRESS: PARTIDA PA YAN! MISSING IN
ACTION SA EKSENANG ITO SI QUEEN! KUNG NANDITO YUN, BAKA MINABUTI MO PANG
MABINGE.
SHANAZ: SHUT UP!
PRINCESS: YOU TALK AS IF CLOSE NA
KAYO, PRESSY.
EMPRESS: ANG PIKON KASI NITONG SI
SHANAZ.
PRINCESS: ALL RIGHT SHANAZ, GAME IS
OVER! I’M TAKING MY FRIEND BACK!
SHANAZ: NOT IF I KILL YOU FIRST! (At bigla na lang nagkaroon ng sphere si
Shanaz at inatake ako gamit nun! Buti na lang, mabilis ang reflexes ko at
nakailag ako dun!)
PRINCESS: YOU ASSHOLE!!!
SHANAZ: YOU BITCH!!!
PRINCESS: YOU DAMN FREAKIN’ BASTARD!!!
EMPRESS: AND HANDSOME TOO! (Ay tamang mag-cheer sa ganitong
sitwasyon? Kaninong side ba ‘tong babaeng ‘to!)
PRINCESS: SHUT UP! YOU’RE NOT
HELPING! (Mukhang balak nga
yata akong patayin ng Shanaz na ‘to! Ako naman puro ilag at takbo dahil mas
dehado ako sa fighting skills niya.)
Si Shanaz ay si Superbia ng
SALIGIA, diba? Ma-pride at ubod ng conceited!!! Since wala siya sa mortal form
niya, hindi ko magagawang baligtarin ang sitwasyon at talunin ang kasamaan niya
with HUMILITY. And the only way to get out of this alive is to fight him back
with my own powers.
Kaya naman ibinuhos ko ang
natitira ko pang chance of survival with one powerful blow. Ginawa ko ulit yung
ginawa kong atake sa pader kanina at napatumba ko nga si Shanaz.
PRINCESS: GOSH! I DID IT AGAIN!!! (Dali naman akong lumapit ulit kay Empress
para kalagan na ang kadena niya) ANG HIRAP
TANGGALIN!!!
EMPRESS: DALIAN MO BRATTY! BAKA
MAGISING NA NAMAN SI SHANAZ! (Buti
na lang at bigla nang dumating si Sues, Queen at Rohan!) AH!! SINA KUYA!!! KUYA!!! NANDITO AKO!!!
QUEEN, ROHAN, SUES: EMPRESS!!!
ROHAN: THANK GOODNESS YOU’RE OKAY!!!
PRINCESS: PAANO KAYO NAKARATING
DITO?
QUEEN: NAHULI KAMI NG MGA ANDROS PERO
NATALO NAMAN NAMIN SILA. BUTI NGA NATULUNGAN KAMI NI ROHAN KANINA. TAPOS
HINANAP NA NAMIN KAYO.
ROHAN: SUES, KALAGAN MO NA SI
KEN-KEN.
COLLOSUES: THAT WILL BE EASY. (At walang kahirap-hirap ngang namanipula ni
Sues ang bakal na kadena ni Empress)
PRINCESS: SI EROS? HINDI NIYO BA
NAKITA NUNG NAGPUNTA KAYO DITO?
QUEEN: HINDI. NAGHIWALAY KAYO?
ROHAN: ANG MABUTI PA, UMALIS NA TAYO
DITO. DUDUMUGIN TAYO NG MAS MARAMING ANDROS IN JUST SECONDS.
QUEEN: (Aalis
na sana kami pero may napansin pa si Girl Discovery) OH!!! SI SHANAZ!!! BAKIT NAKABULAGTA NA YAN?
PRINCESS: I DEFEATED HIM JUST A
WHILE AGO. PERO BILISAN NA NATIN, BAKA MAGISING PA YAN.
Nagmadali na kaming lumabas
dun sa secret room na yun. Pero hindi pa namin matawag si Xeya para pagbuksan
kami ng lagusan dahil wala pa rin si Eros. Nakalabas na kami ng fortress pero
dun namin nakita si Eros na kinukuyog ng mga Andros. Matapang naman siya at
pilit na lumalaban. Lumapit kami agad sa kanya para tulungan siya…
EROS: MABUTI NAMAN LIGTAS KAYO!!! (At tumakbo siya para yakapin si…)
PRINCESS: HOY ANO BA!!! BAKIT AKO
NIYAYAKAP MO! SI EMPRESS ANG NILILIGTAS NATIN! (Yayakap na rin sana siya kay Empress pero…)
EMPRESS: WAG NA MUNANG HUG!!! ANG
DUMI-DUMI KO NA PLEASE LANG!!! (Pero
niyakap pa rin siya ni Eros)
EROS: THANK GOODNESS YOU’RE OKAY
SIS!!! I WON’T LET ANYTHING BAD HAPPEN TO YOU AGAIN.
Nag-blush naman si Pressy
nun. Halatang kinilig dahil first time lang maging sweet ng real brother niya.
Kaya imbis na mag-inarte pa siya, niyakap na rin niya pabalik si Eros.
EMPRESS: KUYA…
QUEEN: PWEDENG TAMA NA MUNA ANG DRAMA
AT REUNION? PINAPALIBUTAN NA TAYO NG MGA ANDROS OH!
Pilit nang tinatawag ni
Rohan si Xeya pero dahil malapit masyado saamin ang mga Andros, hindi
basta-basta mabuksan ni Xeya ang portal. Pwede kasing makapasok din ang mga
Andros dun sa mirror house at umabot ang gulo dun sa Earth. Kinalaban namin
yung mga Andros. Partida pa yan, anim lang kami against almost a hundred of
them!
From afar, nakita rin namin
na gising na ulit si Shanaz at nakatayo dun sa balkonahe.
Nanlilisik ang mga mata niya at galit na galit. Since I can’t focus on him
dahil sa may mga kalaban din akong ibang Andros, I didn’t see that he threw his
sphere unto us. And he was targeting the person who defeated him earlier… ME.
QUEEN & EMPRESS: BRATTY!!!
ROHAN: PRINCESS!!!
COLLOSUES: KAPATID KO!!!
PRINCESS: UGH… (Napayuko ako at tumagos yung sphere mula sa
likod hanggang harap ng tyan ko… saka ako natumba with bright red blood around
me)
EROS: OH NO!!! PRINCESS!!! (Napayakap saakin si Eros and there were
tears on his face)
Nahirapan naman na akong
huminga at nanlalamig ang buo kong katawan. Gustuhin mang lumapit nung iba
saakin, hindi nila magawa dahil kung hindi, masasaktan din sila ng mga
nakapalibot saaming Andros.
EROS: NO PRINCESS… YOU WON’T DIE…
LOOK AT ME!!! PRINCESS!!!
At kahit pa naghihingalo
hindi ko sinubukang ipikit ang mga mata ko, lalo pa dahil may sumunod na
nangyari na hindi pwedeng palampasin.
Isang nakakasilaw na liwanag
mula sa langit ang dumating na parang kidlat na bumaba sa lupa at tumama sa
mismong pwestong kinatatayuan ni Shanaz. Then there was a figure of a tall,
bright and majestic looking man na parang galit at walang kahirap-hirap na
inatake si Shanaz.
Nahawing parang langgam yung
mga nakapalibot na Andros saamin kanina pagbaba nung lalaki at kinakaladkad
niya ang wala na ngayong malay na si Shanaz.
EROS, ROHAN, SUES: G… GREAT GOD KING ALTUS…
Lumapit siya saakin na para
bang takot na takot na makita ako sa kalagayan ko ngayon. Then the next thing I
knew, nabalot kami ng nakakasilaw na puting liwanag.
= = = = =
Nananaginip ba ako? But it
doesn’t seem like that… it seemed more like it is a fragment of memory back when I was in Caelum Utopia.
Nagtatalo
kami ng kuya Sues ko dahil tinatawag ko ring Papa ang ama niyang si Castor, isang malakas na God of Metal. Pilit niyang
ipinapaintindi saakin na magkapatid lang kami dahil sa ina naming si Preseis, ang Goddess of the East Wind.
CASTOR: (At binuhat niya ako upang mapaupo sa
kanyang kandungan) WAG NA KAYONG MAGTALO, SUES AT
PRINCESS. PAREHONG ANAK ANG TURING KO SA INYO DAHIL ANAK KAYO NG PINAKAMAMAHAL
KONG SI PRESEIS.
PRINCESS: BLEH! NAPAHIYA KA NGAYON
KUYA!
COLLOSUES: PSH! PERO AMA, HINDI BA
DAPAT ANG TOTOO NIYANG AMA ANG TINATAWAG NIYA LANG NA PAPA.
PRINCESS: ANG AMA KO NGA AY SI PAPA
CASTOR EH!!!
CASTOR: PRINCESS, HINDI AKO ANG
IYONG AMA.
(Napasimangot ako sa sinabi niya) SI GREAT GOD KING
ALTUS, ANG PINUNO NG MGA GREAT GODS ANG GODDESSES, AT HARI SA BUONG
SANGKATAUHAN ANG IYONG TUNAY NA AMA.
PRINCESS: HINDI NAMAN SIYA NAGPAPAKITA
SAAKIN! HINDI NIYO SIYA KATULAD NA PALAGING NANJAN! KAYO ANG AMA KO!
CASTOR: MAIINTINDIHAN MO RIN
PAGDATING NG TAMANG PANAHON, DAHIL IKAW ANG NAG-IISANG PRINSESA NG CAELUM
UTOPIA.
At
tama siya. Nagdaan ang panahon at nalaman ko na ang tinitingala at sinasamba ng
lahat ay ang aking ama. Ni minsan hindi niya naiparamdam saakin na ako ang anak
niya sa kadahilanang sobrang sagrado at madami ang responsibilidad niya bilang
hari.
PRESEIS: NARINIG MO NA BA ANG
BALITA, PRINCESS? NATALO AT NAKULONG NA NG AMA MO SA DARK GATES ANG PINAKAMATINDI
NIYANG KALABAN NA SI NEFARIUS! MADALI KA AT MAGPUNTA KA SA KANYA PARA BATIIN
SIYA…
PRINCESS: SA LIBU-LIBONG DYOS AT
DYOSA NA SUMASAMBA SA KANYA, HINDI NA NIYA MAPAPANSIN KAHIT NANDUN PA AKO. (Dinala ko ang sama ng loob ko sa aking
ama hanggang sa pagdadalaga ko. Sinasamba ko ang lahat ng Great Gods and
Goddesses maliban kay King Altus.)
Kasabay
ng pagdadalaga ko, hindi ko rin naiwasan na humanga sa ibang Gods. Pero hindi
ko pa alam kung ano ang tawag sa pakiramdam na ito.
PRINCESS: ANG GALING TALAGA NI
EROS! (Nakatanaw ako sa
kanya ngunit may dumating na pamilyar na babae) EMPRESS!
IKAW PALA.
EMERAUD: HINDI AKO SI EMPRESS.
Si
Emeraud, ang kakambal ni Empress ngunit anak ni Nefarius. Noon pa man, mabigat
na ang loob saakin ng babaeng ito dahil iniisip niya na dahil matinding magkalaban
ang mga ama namin, kalaban na rin niya ako. Galit sa mundo ang babaeng ito,
kaya nga nagtataka ako kung bakit karelasyon niya si Rohan, ang kapatid naman
ni Queen.
PRINCESS: KUNG NARITO KA PARA
AWAYIN AKO O PARA LAITIN SA HARAP KO ANG KAKAMBAL MO, MAGSASAYANG KA LANG NG
ORAS MO EMERAUD.
EMERAUD: NARITO LAMANG AKO DAHIL
NAPANSIN KONG PANAY ANG TINGIN MO SA KUYA NI EMPRESS. SI EROS!
PRINCESS: HINDI HA! ANONG
PINAGSASABI MO?
EMERAUD: AHH KUNG GANUN, WALA PA
LANG MAGIGING PROBLEMA LALO PA AT ITINAKDA NA KANINA LAMANG SI EROS PARA SA
DIWATANG NAGNGANGALANG XEYA. ANG BALITA KO, ANG IYONG AMANG SI KING ALTUS ANG
NAGTAKDA SA KANILANG DALAWA.
PRINCESS: ANO!!!
Nasaktan
ako ng marinig yun pero hindi ko pa noon maamin ang nararamdaman ko para kay
Eros. Naguguluhan ako kahit pa alam kong may malaki akong paghanga sa kanya.
Ang hindi ko lang matanggap, bakit kailangang itakda siya agad para sa iba.
PRINCESS: AMA!!! ALAM KONG ALAM MO
ANG NARARAMDAMAN KO!!! BAKIT!!! SAGUTIN MO AKO!!!
PRINCESS… ANG
LAHAT NG BAGAY AT DESISYON KO AY MAY DAHILAN. IBA ANG KAPALARAN NA NAKALAAN
PARA SAYO… HINDI KA ITATAKDA PARA SA KAHIT NA SINO SAPAGKAT NAKAGUHIT SA PALAD
MO NA MAGING ISANG GREAT GODDESS, AT SAMAHAN AKO NA PAMUNUAN ANG LAHAT.
PRINCESS: HINDI KO PA RIN
MATATANGGAP!!! KAHIT KAILAN, HINDI KO MAIINTINDIHAN KUNG BAKIT KAYO PA ANG
NAGING AMA KO!!!
Nagtatakbo
ako palabas at muli ko ulit nasalubong si Emeraud na parang inaabangan ako mula
pa kanina.
EMERAUD: MASAKIT BA? MAGALIT KA
PRINCESS! MAGALIT KA DAHIL HINDI MO MAKUHA ANG GUSTO MO!
PRINCESS: TIGILAN MO AKO EMERAUD!
HINDI AKO MAKIKINIG SAYO.
EMERAUD: KAYA NG AKING AMA NA
BALIIN ANG ANG BATAS TUNGKOL SA PAGTATAKDA NG MGA DYOS AT DYOSA! MAKUKUHA MO SI
EROS! ANG TANGI MO LANG GAGAWIN AY TULUNGAN AKONG PATAYIN ANG KAKAMBAL KO AT
PAKAWALAN NATIN ANG AMA KO NA IKINULONG NILA SA DARK GATES.
PRINCESS: YOU’RE SICK EMERAUD!!!
TINGIN MO TUTULUNGAN KITANG PATAYIN ANG KAIBIGAN KO! LAYUAN MO AKO!!!
EMERAUD: GUSTO MONG MALAMAN ANG
BUO KONG PLANO? SASABIHIN KO SAYO… PAPATAYIN KO SI EMPRESS, NGUNIT AKO ANG
MAPAPATAY… KABILANG IYON SA UNA AT PINAKAMAHALAGANG PLANO…
Sinabi
niya pa ang lahat ng masasamang plano niya. Nung gabing yun, tinangka nga
niyang patayin si Empress ngunit nagkatotoo yung sinabi niya na siya nga ang
mamatay. Natakot ako nun kaya wala akong napagsabihan ng lahat ng nalalaman ako
at isa na dun ang plano nilang…
= = = = =
Nagising ako na nakabalik na
pala kami si mirror house ni Xeya. Pero pagbangon ko, nakaluhod naman ang lahat
sa direksyon ko. Kulang na lang halikan nila ang sahig, and for sure hindi ako
ang sinasamba nila. Yun ay dahil, nakatayo na pala sa gilid ko si King Altus.
PRINCESS: (Kinapa ko ang bandang tyan ko at wala
ng sugat!) ANONG GINAGAWA MO DITO?
HINDI GANYAN
ANG TAMANG PAGSAGOT SA ISANG GREAT GOD.
PRINCESS: ANONG GUSTO MONG GAWIN KO? MAGPASALAMAT SAYO!
EMPRESS: UY BRATTY! SI GREAT GOD
ALTUS DAW YAN. ANG HARI NG LAHAT NG MGA DYOS! SIYA ANG TUMULONG SAATIN KAYA
MAGPASALAMAT O MAGBIGAY RESPETO KA MAN LANG…
QUEEN: OO NGA… (Nakayuko na rin yung dalawa. Biruin mo,
mataas na din ang respeto nila sa isang Great God na ngayon lang nila nakita)
MAGPASALAMAT KA NA LANG! SIYA PA GUMAMOT NG SUGAT
MO.
PRINCESS: SIYA RIN ANG NAGPATAPON
SAATIN DITO!!!
KAYO MISMO ANG
GUMAWA NG DAHILAN KUNG BAKIT KAYO NAIPATAPON DITO…
PRINCESS: (Napaiyak
ako bigla) KAYA KAHIT SARILI MONG ANAK, HINDI
MO NAPATAWAD! ANO KANG KLASE KANG AMA!!!
EMPRESS: ANO? ANAK?
QUEEN: AMA? ANONG IBIG MONG SABIHIN
DUN?
XEYA: HINDI ITO ANG TAMANG ORAS PARA
SAGUTIN ANG MGA TANONG NIYO. KAHARAP NATIN SI GREAT GOD ALTUS.
QUEEN: EH BAKIT SI BRATTY GANUN-GANUN
NA LANG KUNG SAGUTIN SIYA?
XEYA: MALALAMAN NIYO MAMAYA.
MANAHIMIK NA LANG MUNA KAYO.
Tapos iniharap niya saamin
ang katawan ni Shanaz na walang malay. Madaling tinalo ni King Altus si
Superbia/Shanaz kaya niya isinama dito.
NARITO SI
SUPERBIA, KAKAILANGAN NIYO PA SIYA DAHIL MAY ALAM SIYA PATUNGKOL SA MGA
MASASAMANG PLANO NI NEFARIUS… IPINAPAUBAYA KO NA SA INYO ANG MIYEMBRONG ITO NG
SALIGIA.
EROS: MARAMING SALAMAT PO SA
PAGTULONG NIYO GREAT GOD ALTUS.
ITO NA ANG UNA
AT HULING BESES NA MAY GREAT GOD NA TUTULONG PARA SA MGA DYOSA… MAGING KAYO,
ROHAN, SUES, XEYA AT EROS.
KAILANGAN
NIYONG PABAYAANG MATUTO ANG TATLONG DYOSA SA KANILANG LEKSYON DAHIL SILA LANG
MISMO ANG TATAPOS SA MISYON NA ITAMA AT IBALIK SA AYOS ANG LAHAT…
EROS, ROHAN, SUES, XEYA: MASUSUNOD PO GREAT GOD KING ALTUS.
Bigla na lang nagliwanag at
naglahong parang bula ang tinitingala nilang Great God. Pagkatapos nun,
dali-daling kinadena ni Sues si Shanaz dahil kapag nagising ito, paniguradong
manlalaban yun.
Tapos nun, alam kong hindi
palalampasin nina Pressy at Gwing-gwing ang issue tungkol saamin ni Great God
Altus. Alam niyo naman, dinaig pa nila ang The Buzz sa mga latest issues.
QUEEN: ANO YUNG TUNGKOL SA INYO
BRATTY HA?
EMPRESS: OO NGA. BAKIT UMIIYAK KA
NA JAN?
PRINCESS: NUNG NATALO NIYO SI LUXY,
MAY NAALALA NA AKO SA NAKARAAN KO…
End
of Chapter 19
wow! yes una aq!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletepambest actress ang tpang ni princess! hihhihhi! peo yan n ang totoong xah eh... hahhhha!
ReplyDeletentwa nmn aq nung nililigtas n c empress! ang kulit! partida pa wla daw s eksena c queen! uu nga! bka lalong mnggalaiti p c shanaz nun eh...
buti nailigtas n c empress pti n rin c princess. daddy pla nia ang great god! ang gnda tlga ng mga twist d2! lumlwak din ang utak q s imagination e! peo ano kya ung plan ni emeraud! nde naalala ni bratty e. nxt po agad...
~>angel is luv<~
ReplyDeleteang bratinella talaga ni princess. napasunod pa yung mga anros. sobrang kulit talaga ng kwento. kahit ang seryoso na napapatawa pa rin ako. sobra din ako kung kiligin kay eros! bagay sila ni princess kesa yung dylan. pero cute din naman si dylan mas gusto ko lang talaga si eros dahil isa siyang god. at si princess, pinanindigan talaga ang pagiging prinsesa! ang galing!
bwahahaha...natawa aq dun sa part na di aq pinagsamantalahan ni shanaz kasi choozy pa...sex slave talaga ah..hahaha..
ReplyDeletenaku poh paano ko naman ito susundan haha.,...matatagalan iyon dahil hindi aq makapagupdate sahil wala aq pc eh...haha...
kudos!!!
ANG KULIT NG MGA NANGYARI! ANG GAGANDA PA NG REVELATIONS FOR THIS CHAPTER!
ReplyDeleteisang prinsesa pla tlga c princess! wowowooowowowooow! ang gndA!
ReplyDeletentwa aq kna gios at lans! pti ung mga pinahid nla s ktwan nla! eww! hahhhahhahaha!
waaaaaaaaaaaaaaaaah! ang ganda talaga! nakakatawa pa yung rescue scene kay pressy! ahahaha!!! malakas pala talaga si princess dahil anak siya ng king ng lahat ng gods and goddesses. tamad lang magpaturo ahahaha!
ReplyDeleteat ano kaya yung secret nila emeraud? nakakaintriga!
ReplyDeleteang taray ni princess! real princess pala talaga ng utopia!
ReplyDelete