Wednesday, June 27, 2012

Suddenly, It's Magic : Chapter 12


Chapter 12
-Maxene’s POV-


“HAHAHA. Naman kase eh. Bakit mo inuna ang pakikipagdate kay Cloud kahapon? Ikaw talaga” sabi ko kay Alex. At nandito kami ngayon sa may library. Di pa siya tapos sa assignment hanggang ngayon..




“Ehhh! Siya naman kase eh. Hihi.. Di ko naman ginusto yun ah!! Ano ba.. Saka, matatapos na ko oh..” Alex said habang kinikilig pa.. Mukhang ang lakas ng tama nito kay Cloud ah..




“So nagdate nga kayo? Oy ikaw Alex ah. Ang daya. Anyare at paano kayo naging close ni Cloud agad-agad?” tanong ko sa kanya.. Nung una, di ko alam kung paano sila naging close ni Janus at ngayon si Cloud naman. Gusto ko malaman ang pinagmulan nito. Haha.



“Psh, it’s not a date!”


Huh? Si Cloud. Bigla-biglang sumusulpot ah! I bet, hindi pa din ‘to tapos sa assignment niya. May trabaho kasi tuwing gabi. We are not totally close pero kinuwentuhan niya ako habang nagkaklase kami kahapon kaya ayun. Hahaha. Feeling ko close na din kami. XD Feeling close din naman ako eh. And, I like him siyempre. Hihihih. Gwapong nilalang ng Cloud na ‘to eh!




“Cloud. ” sabi ko then.. waaaaa! Tumabi siya sa sakin. Hahaha. Yari na naman ako nito kay Alex..




“Isusumbong talaga kita Maxene sa bestfriend ko” Alex said at ang sama pa ng tingin niya talaga ah? Hahaha.




“Selos ka naman baliw? Gusto mo sa’yo ako tumabi?” pang-aasar ni Cloud
Wow ah, baliw ang tawag ni Cloud kay Alex. Hahaha.


“Kapal mo talagang may saltik ka. Eh! Nagseselos nga kasi ako. -_-” Alex said. Hahahah. She’s very possessive pala.




“Eh sa crush ko siya eh” Cloud said





HUH?! O__O <---- Ako

:O <---- Alex



“Hahaha! Mga reaction niyo naman! Joke lang!” biglang sabi ni Cloud.



“QUIET!” sigaw naman nung librarian.. Hoho..




“Loko ka Cloud. Wag ka ngang maingay. Gumawa ka nalang dyan ng assignment. Kayo ah!” sabi ko sa kanya. Nagulat ako dun ah! Pero buti nalang joke lang. Hahaha.




“Hmp. Tipaklong kang saltik ka! Ayan. Tapos na. YEHEY!” biglang sigaw ni Alex..Lagoooooot!




“The three of you! Get out!” pasigaw na sabi samin nung librarian. Ay grabe. Nakakahiya. Pinagtitinginan tuloy kame. Adik ‘tong si Alex eh.



Lumabas na nga kaming tatlo. Buti nalang, hindi ako gumagawa ngayon ng assignment.

Di ko alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.



“Oy, baliw kaaaaa! Pakopyahin mo ko! Di tuloy ako nakagawa ng assignment dahil sa’yo!” Cloud




“HAHAHAHA!! Sinadya ko talagang sumigaw. Buti nga sa’yo. Bleeeeeh!” pang-aasar naman ni Alex. Hay.. Hahaha. Ang adik talaga nitong kaibigan ko na ‘to. ^_^






“Haha. Cloud sa school garden?” suggest ko naman.



“Aish. Galing na ko dun eh! Pinagkakaguluhan lang ako dun. Tss. Ano daw number ko, ano daw pangalan ko. Tae. Di kaya ako makagawa ng assignment dun” sabi naman ni Cloud. Poor Clooud. Haha.



“Paano kase ang assignments sa bahay palang dapat ginagawa na. Hahahaha!” Alex said. Laks mang-asar talaga.




“Eh sa may trabaho nga ako pag gabi diba?! Nakuuuu! Nakaka asar ka tlaga -__-” asar na sabi ni Cloud. Haha. Kawawa naman ‘to. XD




“Oh ayan na . Hahaha. Wag mo na kong konsensyahin. Mangopya ka na sa matalino. Bwahaha” Alex said then binato niya yung notebook niya sabay takbo. Saan na naman kaya yun pupunta? -__- Di pa talaga kami nakakapag bonding nun ng matino eh!


“Alex! Saan ka, wait lang!” sigaw ko sa kanya.



“Kakain muna ako. Napagod ako kaakisip eh.” Sigaw niya




“Hindi ka mapapagod kung may laman talaga yang utak mo. Palibhasa ako lang ang laman niyan eh..” hirit naman ni Cloud. Eh, kung maglapit kaya tayo sa isa’t isa diba? Kailangan talaga sigaw? Hoho. Pinagtitinginan na po kame. -_-



“Shut up men! Wag ambisosyo!” sigaw niya kay Cloud sabay bumaling sakin.  “Usap tayo later ha. Hehe. Gutom na ko talaga eh!” she said then umalis na..




“Adik tlaga nung babaeng yun..” Cloud said..


“Hahaaha. Oo nga eh. But I really like her ^___^” sabi ko naman. Ay hala, kami nalang ni Cloud ngayon.Hihi.


Ehem. Loyal po ako sa Vincent ko!


Umupo kami sa may tambayan ng mga estudyante nukod sa school garden namin..
Buti medyo konti tao..


“Kelan pa kayo magkakilala?” biglang tanong ni Cloud ng makaupo na kami..



“Nung gabing nagdinner kami dun sa restaurant na pinapasukan mo. Eh kayo? Super close na yata kayo ah?” sabi ko naman. Halaaa. Paano na ang pinsan ko L
Huwaa! Ngayon pa lang nman nagka interes sa babae. Yieeee.



“Hindi naman siya mahirap maging kaclose eh. Haha. And, I like her” he said habang nagsasagot ng mga assignments niya..



OMG. Ibig sabihin mutual sila ni Alex. Awwww. Wawa naman pinsan ko! T_T Mas bagay si Janus and Alex eh. Waaa.




“Actually,  nagkita kami nun sa bar eh.. tapos ayun, nakipagkaibigan ako sa kanya. Haha. And fortunately, classmate pa kami” sabi pa niya




“Ah, tapos kahapon nagdate nga kayo? Kaya walang assignment si Alex na nagawa kagabi?” tanong ko. Haaay.




“Hahaha. As I’ve said. It’s not a date. Really. Puro kabaliwan lang pinaggagawa namin eh. Kung saan saan kami nagtata-takbo” natatawa niyang sabi.



“Iniwan niyo na nga lang ako eh. Kainis kayo. Buti sinundo ako ni Vincent” sabi ko naman. Yieeeeee. Kinikilig ako! Nasaan kaya yung mahal ko na yun?! Miss ko na agad siya..



“Ah, yung boyfriend mo” he said




“Yep! ^________^” masigla kong sabi. Hahaha. Ay hala. XD






“Bibo ah! Hahaha! Halatang mahal na mahal mo ah” sabi naman ni Cloud..




“Oo naman noh. He’s my first love kaya! Haaaay” I said habang naalala ko na naman yung mga masasayang alaala namin at malulungkot na pangyayari samin ni Vince bago naging kami.. Yieeee.




“Ah, I see.” Matamlay niyang sabi. Nangyari naman dito?! How strange.



“Sana ganyan pa din siya kagaya mo….” Cloud said then he sighed.




Ehhhhhh?!! O_____O



“Sana ganyan pa din siya kagaya mo..”

Ay hala? Ano daw?



“Huh?”



“Ah wala hahaha kalimuutan mo nalang yung sinabi ko. Haha. Tara puntahan na natin yung baliw” he said then tumayo na..




Huh?! Cloud?!! Ibig sabihin ba nito, may past relationship ka? Pero, akala ko si like mo si Alex? Ay hala ang gulo mo!!



Waaaaa!

 Haha! Grabe.


Anong meron sa'yo Cloud huh?!!



Hmmmm..


---


Haha. Ang lame ng UD ko. XD
Peace! Pero, sana nagustuhan niyo pa din :)





2 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    grabe ang ganda talaga. super kathrill basahin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awwww :) thank you ! ^_______^ *cries* XDD

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^