Wednesday, May 2, 2012

TSg is the name : Chapter 7


Mary Roselyn Dela Cruz


“Sino yung lalaking kasama mo kahapon ah?! Akala mo ba hindi ko malalaman na nanlalalaki kang malanding babae ka!” sigaw ni Mark ang patulak na isinalya ako sa pader habang hawak ako sa leeg.


“Ano ba Mark nasasaktan ako?!” sigaw ko habang pigil ang kamay niyang sumasakal sakin.


“Talagang masasaktan ka sakin dahil malandi ka!!!” anito at sinampal ako.



Iyon ang eksenang naabutan ng mga kaibigan ko kaya agad silang sumugod at pinigilan si Mark.


“Mark bitiwan mo si Rose” sigaw ni Lanie.


Pero hindi sila pinansin ni Mark at patuloy padin sa pagsakal sakin.


Hinihila naman nila Lanie at Lyne si Mark palayo sakin pero patulak lang na ibinalya sila nito.


Natumba at tumama tuloy ang dalawa sa may sofa.


“Gago ka Mark wag mong idamay ang mga kaibigan ko.!!!” Galit na sigaw ko at pinipilit padin na tanggalin ang kamay ni Mark sa leeg ko.


Sinusubukan kong sipain siya pero wala akong laban sa lakas ni Mark dahil ni hindi man lang siya natitinag.


Ganun nalang ang gulat ni Mark nang biglang may sumipa sa kanya buhat sa likod. Napaaray ito at nabitawan ako.


Galit na tumingin si Mark sa kung sino man ang salarin sa pagsipa sa kanya.


Si Jhonah ang nakita naming may kagagawan nun.


Kung hindi pa sana action ang sitwasyon ay baka matawa pa ako sa porma ni Jhonah. Animo any minute for now ay handa itong bigyan ng isang malupit na sipa si Mark sa porma ng katawan nito.


Nakalimutan kong isa nga palang blackbelter sa taekwando ang lola ng grupo namin.


Maging ang iba ko pang mga kaibigan ay handang sumugod na din.


Si Lain may hawak na flower vase. (wag naman sana niyang ibato iyon dahil mahal ang bili ko dun)


Si Dhez naman may hawak na payong. (baka daw kasi naiinitan si Mark)


Si Cecil naman may hawak na kutsilyo. (naku mas bayolente pala ito..wag naman sana niyang subukang isaksak iyon at baka sa presinto kami pulutin)


“Isa pang maling galaw mo Mark at tuluyan ko ng babaliin yang buto mo!” banta ni Jhonah.


Mukha namang natinag si Mark dala na din siguro ng lakas ng sipa ni Jhonah kaya minabuti nitong tumayo at umalis na ng bahay. pero bago iyon ay nagawa pa nitong magsalita.


“Kayo ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan si Roselyn. Mga masasamang impluwensya kayo sa kanya.” Sigaw ni Mark.


“Go to Hell Mark!!!” sigaw ni Lanie


“Hinihintay ka na dun ng mga kamag-anak mo” pang-aasar naman ni Jhonah


“Say Hi for me to them” asar din ni Lain.


Galit na umalis ng bahay si Mark.


Nakahinga naman kami ng maluwag.


“Wooh!!! Kinabahan ako dun ah” sabi ni Jhonah at nanghihinang napaupo sa sofa.


“Grabe ah..kinabahan ka pa eh kung sipain mo si Mark kanina parang langaw lang” natatawang sabi ni Lain.


“Oo nga may pabanta-banta ka pang nalalaman diyan” natatawang sabi naman ni Dhez at inalalayang makatayo sina Lyne at Lanie.


“Echos lang yun…pero kung sakaling pinatulan ni Mark yung sinabi ko patay akong bata ako”


Natawa nalang ako sa sinabing iyon ni Jhonah.


“Thanks guys” sabi ko sa kanila.


“It’s girls..not guys”


“whatever”


“Ano ba talagang nangyari Rose bakit nagkaganun si Mark?” tanong ni Cecil.


“pwede bang itago mo muna yang kutsilyo sa kusina Cess at natatakot ako sayo eh”


“Okay fine…Lyne palagay sa kusina” utos naman nito. “continue”


Wala namang nagawa si Lyne kundi ibalik ang kutsilyong hawak ni Cecil sa kusina.


“Ikaw inaapi mo si Lyne ah” sita ni Lanie kay Cecil.


“No I’m not…nakikisuyo lang ako sa kanya api na agad yun?” depensa naman ni Cecil.


“hay naku tama na nga iyan…so Rose ano nang nangyari at parang naging si Hulk iyang si Mark?” saway ni Jhonah.


Naupo ako sa sofa habang himas himas ang leeg kong bahagyang namumula dahil sa sakal ni Mark.


“May nakakita kasi samin na magkausap ni Billy sa school kanina…ayun nagsumbong kay Mark” kwento ko.


“eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh alam mong super seloso yung jowa mong ewan eh tapos nakikipagflirt ka pa sa iba” mataray na sabi ni Cecil.


“Hindi ako nakikipagflirt. Nag-uusap lang kami ni Billy” depensa ko naman.


“Well by the looks of it hindi ganun ang tingin ni Mark”


“Hindi ko na problema kung makitid ang utak niya” asar na sabi ko.


“well Girl sad to say problema mo iyon dahil ikaw ang nasasaktan sa kakitiran ng utak niya. At maging kami ay nadadamay. Bad influence daw kami sayo” nailing na sabi ni Lanie.


“Hindi alam ni Mark ikaw ang bad influence samin” biro naman ni Jhonah.


“hahaha..oo nga ambabait kaya namin ikaw ang nagpapasama samin” biro din ni Lain.


“Grabe kayo ah..ako talaga?” tanong ko sa kanila.


“Oo ikaw nga” sabay sabay na sabi ng mga ito at nagtawanan.


Kahit papaano ay gumaang ang atmosphere sa bahay namin.


“Seriously speaking Rose…hindi na maganda iyang nangyayari sa inyo” sabi ni Dhez


“Oo nga. Hindi pa man kayo mag-asawa eh sinasaktan ka na niya. What more pa kung mag-asawa na kayo. Battered girlfriend turned to battered wife ang drama mo?” sermon naman ni Lola Jhonah.


“Ewan ko nga eh. Pero hindi ko naman kayang iwan si Mark kasi mahal ko siya”


“Hay naku..iyang pagmamahal mo ang papatay sayo eh” nailing na sabi ni Lain.


“Tama. He’s not worth it” segunda naman ni Lanie.


“Daig mo pa ang kumuha ng limang malalaking bato at ipinukpok mo dyan sa ulo mo.” Sabi naman ni Dhez.


“Tigil-tigilan mo yang pagsasabing mahal mo si Mark dahil si Mark hindi ka naman mahal nun. Dahil walang nagmamahal na nananakit. Tandaan mo yan” sermon ni Jhonah.


Naiintindihan ko kung bakit ganyan makapagreact ang mga kaibigan ko. Sa tagal ng relasyon namin ni Mark ay puro halos away ang nangyayari samin at super badshot na siya sa mga kaibigan ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit hanggang ngayon ay nagstick pa din ako kay Mark pagkatapos ng lahat ng nangyari.


Maybe because I really love him.


Or maybe because he’s the first man in my life.


Kaya malakas din ang loob ni Mark na awayin ako at saktan dahil alam niyang hindi ko siya kayang iwan eh.


Pero minsan naiisip ko na din na makipagkalas sa kanya. Kaso bigla naman siyang lalapit at magmamakaawa sakin.


At dahil mahal ko siya hindi ko naman siya matitiis. Tatanggapin ko ulit.


Sa tingin niyo ba tanga ako nun?


Katangahan na ba ang tawag dun?


“Hay naku Rose..sayang ka eh. Bata ka pa. ang ganda mo, sexy bakit inaaksaya mo ang panahon mo sa taong iyon??....ayan nambola na ako ah..ang hirap kaya” natatawang sabi ni Lain.


“Luka-luka ka talaga”


“Advice lang rose…for the last time talk to him…at please lang..wag mo pairalin ang katangahan mo ah? Siguro kung meron lang award sa pinakatangang tao nominee ka na dun” sabi ni Jhonah.


“Nominee talaga ah? Ang sama mo” kunwari’y nagtatampong sabi ko.


Sino ba naman kasi ang may gusting masabihan ng tanga diba? Kahit sabihin pang totoo masakit pa din marinig kung galling sa bibig ng ibang tao.


“Aba? Pasalamat ka pa nga at sinabi kong nominee ka lang eh at hindi winner..mas malupit naman iyon diba?”


“Sabagay..may point ka”


“Talagang may point ako. Anong point ba gusto mo? Exclamation point? Point of sale? Ano mamili ka??”


“Hay naku ewan ko sayo….nga pala nasaan si Marky? Hindi ko yata nakita ngayon? May pasok bas a work iyon?” tanong ko sa kanila.


“Hindi ko rin alam eh…ikaw Lain alam mo? Diba bestfriend mo yun?”


“Hindi naman sinabi kung saan siya pupunta eh. Basta nagtext lang siya na di siya dito magdidinner.” Sagot ni Lain.


“Baka makikipagdate” sabi ni Cecil.


“Hay naku kung makikipagdate siya siguraduhin niyang karapat-dapat yung girl ah” sabi ni Lanie


“Tama!!! Kung hindi lagot yung girl satin” segunda naman ni Dhez


“Oo naman..lagot talaga..kay Jhonah palang lasug-lasog na ang katawan niya” natatawang sabi naman ni Lyne.


“Oo nga…kung si Mark nga bumagsak eh”


“Hay naku enough na yan girls…nagugutom na ako…Lain magluto ka na ng dinner”


“Oo nga Lain..daldal ka pa ng daldal dyan wala pa pala tayong pagkain”


“Dapat si rose ang pinagluluto eh siya naman may kasalanan kung bakit tayo nadedelayed eh” reklamo ni Lain.


“Wag ka na magreklamo. Duty mo ngayon. Hala sige na gora na sa kusina” pagtataboy ni Jhonah sa kanya.


“Yes Lola..mga demanding itong mga ito..lasunin ko kayo eh” nailing na sabi ni Lain pero tumayo na din para pumuntang kusina.


“You cant do that…mawawalan ka ng magagandang kaibigan”


“Okay lang para ako nalang ang maganda dito” tumatawang sabi ni Lain. “Baka naman may gustong tumulong sakin dyan?”


“Wala Lain…carry mo na yan..AJA!!!”


Nagdadabog na pumunta nalang si Lain sa kusina.


“Lasunin ko talaga kayo eh”


End of Chapter 7

3 comments:

  1. ang gnda nmn ng upd8 n 2 miz shinaya. sna lgi k mag-upd8. kkbitin kxe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may mga update poh ako sa ibang story ko..nandun nga lang poh sa blog ko kasi di nakapost dito sa blog ni aegyo yung ibangs tory po eh,,pacheck nalang...thank you poh..

      Delete
  2. Grabe ung tawa ko sa chapter na to ate!.. ung pano nila i-defend ung self nila against mark.. haha.. tawa much.. mga aning2x talaga sila.. haha.. update na po kayo pls..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^