Saturday, May 5, 2012

Need Some Advice : The One Who Got Away

THE ONE WHO GOT AWAY


[A/N: This one is a true story of my friend. I asked him to tell me the whole story para mai-share ko sa inyo, and at the same time mabigyan nyo sya ng advice through your comments, ako na ang bahala na magsabi sa kanya. Please read this one because he badly needs advices from you, from different people. Honestly, past love ko yung nagmamay-ari ng kwento na ito. I really don’t know what comes into my mind para ungkatin pa yung nangyari sa kanila nung girl na naging dahilan para hindi nya ako mahalin, stupid as it may seems right? But what’s funny about this was, I don’t feel any pain dahil sa hanggang ngayon na wala na sila nung girl eh hindi pa rin nya ako magawang mahalin. Hindi rin naman ako natutuwa dahil sa nangyari sa kanila, I pity him because of what happened. Siguro karma nya yon sa pagpapa-asa sa akin, pero never akong nag-wish na sana ay ma-karma sya, after all he’s my friend din naman. Ah basta long story yung sa amin at wag na lang nating ungkatin…hahaha… Parang awa nyo na, paki-bigyan sya ng payo. Thank you so much in advance. Anyways, yung mga lines na nandito is hindi ko sure kung yun nga yung sinabi nila sa isa’t-isa, but I’ll make sure na nandito pa rin yung mga talagang nangyari sa kanila.]                 

         
++++++++++++++++++++


          “Pare, punta akong MOA sama ka?” tanong ko sa kasama ko sa trabaho. Naisipan ko kasi na bumili ng bagong damit since kaka-sweldo lang namin, a simple treat for myself after a stressful work days.


“Oh sige sama ako jan. Ano ba bibilin mo sa MOA?”


Sya nga pala si Kiko, kasama ko sa trabaho at isa sa pinaka-kasundo ko. Sya ang madalas kong nakaka-sama kapag feel kong mag-libot bago umuwi sa Bulacan. Nagta-trabao nga pala kami sa isang spa sa Makati as therapist, parang hindi bagay ang trabaho na yon sa amin dahil lalake kami but who cares, at least may trabaho at may kinikita kami.


“May bibilin lang akong damit, nagsasawa na ako sa mga damit ko ‘pre.” Sagot ko naman sa kanya at lumabas na kami ng building para maka-punta ng ng MOA.


++++++++++++++++++++


          Pag-pasok ko sa isang stall para tumingin ng damit at may nakita ako na isang babae, accidentally nagtama yung mga mata namin. She’s simple yet so beautiful in my eyes, at nung ngumiti talaga naman nakaka-matay. I browse the other shelve to see if may mas maganda pa kesa dun sa una kong napili, pero wala na talagang mas gaganda sa babae na nakikita ko ngayon. Every now and then tinitingnan ko sya kasi talagang ang ganda nya. Surprisingly every time na mapapa-tingin ako sa kanya ay nahuhuli ko sya na nakatingin din sa akin. Because of the idea that maybe she likes me too, I smiled to her. Nakngtucha naman oh, she smiled back to me and because of that parang gusto ko na syang ligawan agad-agad. Pero hindi pa naman ganong ka-kapal ang muka ko, hindi ko nga alam kung paano ko sya lalapitan para makipag-kilala.


          After she smiled at me, nag-iwas ako ng tingin baka kasi makita nya na nag-blush ako, hahaha. Kunwari naghahanap ulit ako ng damit na mas maganda, nung feeling ko na hindi na namumula yung muka ko, lumingon ulit ako sa kung saan ko sya huling nakita, pero wala na sya doon, nakita ko na lang na paalis nap ala sya ng stall dahil naka-bili na sya ng damit na gusto nya. Sayang naman at hindi ko nagawang makipag-kilala sa kanya.


          Naka-pili na ang tukmol na si Kiko ng damit na bibilin nya samantalang ako wala pa. Ako ‘tong nag-aya sa kanya pero mukang ako pa yata ang walang mabibili, kaya yung una kong nakita na lang ang binili ko. After we bought the shirt, we decided na mag-snack muna. Syempre bilang bata pa rin naman kami, sa Jollibee namin naisipang kumain, budget friendly kasi kaya dito, hahaha!


          “Pare ikaw na lang ang um-order para sa’kin, hanap na lang ako ng pwesto natin.” Sabi nya sa akin sabay sabi nung order nya at abot ng pera pambili nya. Papasok na kami sa Jollibee ng makita ko na papasok din ang babae na nakita ko kanina sa shop, tadhana nga naman oh. “Sige pare, ikaw na ang bahalang pumili kung saan tayo.” Sabi ko sa kanya at pumasok na kami sa loob.


          Nang naka-pila na ako sa counter ay nagulat ako dahil sya yung katapat ko sa pila. “Bro, ang bait nyo po talaga! Ikaw na, the best Ka!” nasabi ko na lang sa sarili ko, at saka ko nginitian si Ms. Beautiful.


          Pagkatapos kong mag-order ay umupo na agad ako dun sa pwestong napili ni Kiko. Napili nya yung pwesto kung saan malayo sa karamihan, feeling yata ng loko fine-dining ang napasukan nya at sa sulok sya nag-siksik, hahaha! Nakaka-ilang subo pa lang ako nung order ko ay bigla akong napahinto sa pagkain. Shete lang talaga, destiny na ba talaga ang magkita kami at magka-kilala? Si Ms. Beautiful sa katabi lang naming table umupo kasama ang kaibigan nya. This is it, this is really is it!!! She smiled to me, so I smiled back.


          “Hello, ikaw yung nasa *insert name of boutique* kanina, diba?” biglang tanong nya sa akin after kong mag-smile sa kanya. “Anyway I’m Mae, and you are?” oh shet, ka-lalake kong tao pero kinikilig ako sa kanya. Feeling ko parang kaming dalawa lang ang tao dito, hindi nag e-exist si Kiko kahit yung kasama ni Yana. “Rowan here, nice to meet you.”

         
          Ipinakilala ko sa kanila si Kiko, and pinakilala naman nya yung kasama nya sa amin. Ilang minuto rin kaming nag-kwentuhan na parang matagal na kaming magkaka-kilala, basta ang saya ko. Bago kami maghiwa-hiwalay ay hiningi ko yung cellphone number nya. Sa panahon ngayon kung ayaw mo na maagawan ka ng iba, dapat mabilis ka. Hinatid na lang namin ni Kiko si Mae at ang kaibigan nya sa sakayan nila pauwi sa kanila at umuwi na rin kami.



++++++++++++++++++++


          Ilang araw na rin kaming magka-text ni Mae, at sa mga panahon na yon,  ang saya ko talaga. Kapag may kailangan o gusto syang bilin sa mall lagi nya akong tine-text para magpasama. Siguro sa iba katangahan yung pumayag ka sa ganon kahit na wala naman kayong relasyon, pero feeling ko kasi mahal ko na talaga sya eh. Madalas din syang mag-text sa akin na sunduin ko sya sa work nya sa Ayala, ok lang naman sa akin dahil sa Makati naman ako nagta-trabaho.


          Napapadalas na rin yung date namin, kaya nung minsan na sinundo ko sya from her work eh, nagtapat na ako.


          “I know it’s too early to say this but, I LOVE YOU! Will you be my girlfriend?”


          Wala man lang syang sinabi nung tinanong ko sya nun, akala ko tuloy basted na ako pero hindi pala. Hindi man nya ako sinabihan ng ‘Yes, I’ll be your girlfriend, and yes I LOVE YOU TOO’ eh alam kong mahal din nya ako. Paano ko nalaman? Bigla na lang nya kasi akong niyakap at hinalikan, a kiss with full of love and passion. Shet, pinaka-masayang araw na to ng buhay ko. Mas masaya pa to nung maging kami ni Beth, at nung maging kami ni Jhonna!


          That was the happiest day of my life, really! Almost everyday kaming nagkikita, at nagkakasama at yung mga panahon talaga na yon sobrang saya ko. After a couple of months, nalaman nya na therapist ako sa isang spa, ayaw nya nung trabaho ko kaya pina-tigil nya ako. Nag-resign naman ako sa trabaho ko dahil ayoko naman na pag-awayan pa namin yon. Naghanap na lang ako ng ibang trabaho na pwedeng pasukan, para naman kapag nag-date kami ay ako pa rin ang magbabayad.         


          Nakahanap naman ako ng bagong trabaho as waiter sa isang bar sa Malate. Umuuwi ako every night after ng trabaho ko, nagkikita lang kami ni Mae bago ako pumasok sa trabaho. Napansin nya siguro na nahihirapan na rin ako sa araw-araw na byahe ko. She suggested na sa apartment na lang nya ako tumira para hindi na ako mahirapan. Sino ba naman ang aayaw sa ganong suggestion na araw-araw mong makakasama yung mahal mo? Pag-gising mo sa umaga, muka agad ng mahal mo ang makikita mo, bago ka matulog muka pa rin ng mahal mo ang huli mong makikita. Pumayag naman ako sa gusto nyang mangyari, pero syempre kailangan ko rin namang sabihin ang bagay na yon sa magulang ko kahit na lalake ako at twenty years old na ako. Oo, twenty years old pa lang ako, at si Mae naman ay twenty three na. I don’t give a damn if mas matanda sya sa akin or mas bata ako, what’s important is we love each other.


          Akala ko ok na sa kanya yung bago kong trabaho sa Malate, pero hindi pa rin pala. Pinatitigil na naman nya ako sa trabaho dahil may naamoy daw sya na pabango ng babae sa damit ko nung minsang umuwi ako. Nagalit sya syempre dahil akala nya ay niloloko ko sya at may iba na akong babaeng nagugustuhan, pero wala talaga. Kapag nagmahal ako seryoso ako at loyal, lahat handa kong gawin para sa kanya. Pinag-awayan na naman namin yung issue na gusto nyang tumigil na ako sa trabaho ko as waiter, ayoko sanang tumigil dahil sayang naman yung pwede kong kitain doon pero ayoko rin naman na araw-araw kaming mag-aaway ni Mae ng dahil lang doon, kaya naman tumigil na rin ako sa pagta-trabaho dahil na rin sa kagustuhan nya.


          Hinahatid at sinusundo ko na lang sya mula sa trabaho nya, ganon ang nagiging routine ko araw-araw. Nakakasawa pero ok lang sa akin, at least alam kong ligtas lagi ang babaeng mahal ko.


          Dahil magkasama kami sa iisang bubong, hindi maiiwasan na may mangyari sa aming dalawa. Ok lang naman sa kanya, and even sa akin dahil mahal ko naman sya. Hindi lang isang beses may nangyari sa amin, maraming beses na. Sigurado na ako sa sarili ko na sya ang gusto kong makasama habangbuhay, gusto ko na sya ang maging ina ng magiging anak ko. Gusto ko sana na magkaron na ng sariling pamilya pero paano kami makaka-buo kung nagte-take pala sya ng pills? Nang malaman ko na umiinom sya ng pills, nagalit ako, natural lang naman na magalit ako diba? Nag-away na naman kami dahil doon, at sa huli sya pa rin ang nanalo. Hindi ko sya napilit na tumigil sa pag-inom ng pills. Hindi naman nya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit ayaw pa nyang magkaroon ng anak, pero inintindi at inunawa ko na lang sya dahil mahal ko sya at ayokong mawala sya sa buhay ko.



++++++++++++++++++++


          This coming Christmas Eve seven months na kami, plano ko na umuwi sa kanila, sa Pampanga para doon kami mag-celebrate ng 7th month anniversary namin, then the next day Christmas naman. Hindi ko alam pero kung bakit ayaw nya ng naisip ko, sa Bulacan na lang daw ako mag-celebrate ng Christmas kasama ang pamilya ko. Ok lang naman din sa akin yon, ang mahalaga magkasama kami sa monthsary namin.


          Bilang malapit na ang holiday season, lagi akong inaaya ni Mae na kumain sa labas, almost every night yon. Minsan nga tumatanggi na ako sa kanya kasi laging sya ang taya, pero talagang mapilit sya. Wala na nga kasi akong trabaho diba, tapos kapag umuuwi ako sa Bulacan binibigyan nya ako ng pera. May naipon din naman ako dun sa dati kong mga kinita, pati na rin dun sa mga ibinibigay nya sa akin pero ayaw nya na pakelaman ko yon, sya na lang daw ang bahala sa lahat.


          Dumating ang araw ng December 24, grabe hindi ko ma-explain kung gaano ako ka-excited sa araw na to. Ang dami kong plano for today para masulit namin, kumuha rin ako sa ipon ko para naman ako ang gagastos today. Simple lang naman yung naisip ko na way para i-celebrate ang monthsary namin, pupunta lang kami sa Libertad para turuan syang kumain sa mga turo-turo. Hindi kasi sya sanay kumain sa mga ganong lugar kaya naman doon ko sya dadalin para maging memorable ang monthsary/Christmas eve namin.


          Hindi ko na sasabihin sa inyo ang mga nangyari ng araw na yon, pero talagang masaya ako. Before the day ends, may nangyari ulit sa amin. And that love mating was the best among those past love mating. Nakatulog kami na magka-yakap at parehong masaya…



++++++++++++++++++++



          Christmas day na Christmas day tanghali na akong nagising, hindi ko na tuloy naabutan si Mae bago sya umuwi sa Pampanga. Nag-ayos na rin ako para naman maka-uwi sa Bulacan. Namimis ko na rin naman ang nanay at pamangkin kong saksakan ng kulit. Wala pang isang oras ay handa na akong umuwi sa amin. Nakita ko na may nakapatong na envelop sa bag na ginagamit ko, malamang kay Mae galing yon. Kinuha ko yung envelop at bag ko at umalis na sa apartment. Nang buksan ko yung envelop ay pera at note galing sa kanya. Eto nga pala yung naka-sulat sa note na iniwan nya…


Rowan…

          Merry Christmas!!! Celebrate Christmas
with your family, don’t worry about me!!!
Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo!
Anyway, I love you!!!


                                                          Love Lots,
                                                                             Mae J




          Eh di ako na ang kinilig sa nabasa ko! Sana kayanin namin lahat ng problema na darating sa amin, sana hindi nya ako lokohin at iwan dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mabuhay ng wala sya. Sya na ang gusto kong makasama habangbuhay, sya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.


          Nakarating na ako ng Bulacan, at talaga namang naramdaman ko na ang swerte ko sa pamilya ko. Salubungin ka ba naman ng maiinit at mahihigpit na yakap, ewan ko na lang kungi hindi ka maluha sa saya. Akala yata nila sa ibang bansa pa ako galing.


          Maghapon akong tinatanong ng pamilya at mga kaibigan ko kung kamusta naman daw ako sa Ayala, kamusta naman daw kami ni Mae. Madalas dito si Mae sa amin kaya naman kilala sya ng magulang ko at ng mga kabarkada ko. Kapag pumupunta nga sya sa amin parang hindi ako nag e-exist sa nanay ko dahil si Mae ang lagi nyang kausap, nagseselos na nga ako minsan eh.


          Syempre pa, bilang bihira na lang ako na maka-uwi dito ay inaya ako ng mga tropa ko uminom. Hindi naman ako maka-hindi dahil namimis ko rin naman ang mga kwentong barbero nila.


++++++++++++++++++++


December 26 na…tapos na ang pasko at sobrang namimis ko na si Mae, sanay na kasi ako na lagi ko syang kasama at nakikita. Nag-paalam ako sa nanay ko na pupunta ng Pampanga para dalawin si Mae at ang parents nya. Kilala na naman na nila ako dahil ilang beses na nila akong na-meet dahil ilang beses na rin akong nakarating sa kanila. Alam din ng magulang ni Mae na magkasama kami sa iisang apartment, at hindi rin naman sila tutol sa relasyon naming dalawa.


Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali habang nasa bus ako papunta sa kanila, kinakabahan ako na ewan. Pagdating ko sa kanila ay agad kong hinanap si Mae, pero nagka-tinginan lang ang Mama at Papa nya. “Hindi ba sya nag-paalam sayo?” tanong sa akin ng Mama ni Mae. Wala akong maintindihan, saan ba nagpunta si Mae? Tinanong ko ang Mama ni Mae kung saan sya nagpunta, pero isang malungkot na tingin ang ibinigay nya sa akin. Pechay, ano ba ang nangyayari? Nilapitan ako ng Mama ni Mae at niyakap. “Wala na si Mae, nag-ibang bansa na sya. Nagpunta na sya sa Macau, hindi ba talaga sya nagsabi sayo?” tanong ulit sa akin ni Tita.


          Hindi ko alam!!! Wala akong alam na may balak pala syang pumunta ng ibang bansa, wala man lang syang nabanggit sa akin. Sa yakap na ibinigay sa akin ni Tita parang gusto ko ng umiyak, pero hindi ako maka-iyak at hindi ko alam kung bakit. Nag-paalam ako sa parents ni Mae na pupunta ng Ayala para tingnan kung may naiwan pang gamit doon ang anak nila. Kaya naman pumunta ako sa apartment namin at tiningnan ang mga cabinet.


          Pagkalagay ko ng mga gamit nya sa isang bag na naiwan nya ay napa-iyak na talaga ako. Wala akong makitang dahilan para bigla na lang nya akong iwan. Bakit kailangan nya akong saktan ng ganito?!?! Ng mailabas ko na lahat ng hinanakit ko sa kanya ay umalis na rin agad ako at bumalik sa Pampanga para ibigay ang mga gamit na iniwan nya.



++++++++++++++++++++



          After nya akong iwanan ay hindi na rin ako nagpunta sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakahanap ng bagong trabaho. Umuuwi pa rin ako sa apartment naming dalawa, pero hindi naman ako nagtatagal doon. Kapag umaga lumilibot lang ako sa MOA, pagdating naman ng gabi laman ako ng bar sa Malate o kaya naman sa Eastwood City Libis. Gabi-gabi kong nilulunod ang sarili ko sa alak, nagpapaka-lango ako sa alak kahit na ako lang mag-isa, lagi akong may sariling mundo. Minsan dahil sa sobrang kalasingan ko hindi ko namamalayan na may nangnanakaw na pala sa mga gamit ko. Ilang beses akong nanakawan ng wallet at ng cellphone, kaya naman ng malaman yon ng nanay ko ay hindi na nya ako pinayagan na lumuwas pabalik ng Ayala nung huling uwi ko sa Bulacan.


          Hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakakalimutan, parang mahal ko pa rin sya. Hindi ko alam, nalilito ako dahil sa tuwing maaalala ko sya, nasasaktan pa rin ako sa ginawa nya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko!


          Lagi syang nagte-text sa nanay ko, she even told to my mother that the first thing she would do pagbalik nya dito sa Pilipinas ay puntahan ako. This coming July ay uuwi na sya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung dapat ko pa bas yang kausapin o wag na.


          Naka-usap ko ang isa kong kaibigan over the phone and I told her what happened… and this our conversation goes…


Friend: kaka-usapin mo ba sya in case na puntahan ka nya jan sa inyo?


Ako: hindi ko alam, pero baka hindi na! ang sakit kasi nung ginawa nya sa akin eh.


Friend: wala man lang ba syang sinabing dahilan sayo kung bakit hindi sya nag-paalam sayo ng personal?


Ako: ang sabi lang nya sa akin sa facebook, ayaw daw nya na makita nya akong malungkot.


Friend: kausapin mo sya kapag pumunta sya jan sa inyo.


Ako: bakit pa? Masaya naman na ako sa buhay ko kahit paano.


Friend: itanong mo sa kanya ng personal kung bakit basta ka na lang nyang iniwan, malay mo naman may maibigay syang magandang reason and explanation sayo. Masaya ka nga, pero may kahit paano! Malay mo naman kapag nakapag-usap kayo magka-balikan kayo, magiging masaya ka na talaga. Gagu ka talaga!


Ako: hindi ko alam.


Friend: paano kung makipag-balikan sya sayo, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo sa kanya?


Ako: depende siguro sa magiging sagot nya kung bakit nya ako iniwan.


Friend: pero mahal mo pa sya?


Ako: oo! Yata! Hindi ko talaga alam eh!


Friend: yun naman pala eh, mahal mo pa naman pala bakit may depende ka pang nalalaman jan?! Tanga ka ba?


Ako: pero sinaktan nga nya kasi ako!


Friend: may valid reason naman sya for sure kung bakit nya nagawa yon! Kapag nagkabalikan kayo, mas magiging masaya ka na, magiging maligaya ka na!


Ako: ewan ko, matagal pa naman yon eh.


Friend: kahit ba sa July pa sya uuwi eh, dapat ngayon pa lang alam mo na kung anong gagawin mo!


Ako: nakaka-iyak yung storya ko no, pwede ng ipadala sa barangay love story ni Papa Dudut! Hahaha!!!


Friend: ay nako, ewan ko sayo! Maghanap ka ng kausap mo!!! Ang labo mo ‘tol!!!


++++++++++++++++++++


A/N:

Parang-awa na po ninyo, bigyan nyo naman po ng payo ang kaibigan ko na to!!! Malay nyo kayo ang maging susi para bumukas ang nakasarado nyang isip at puso nya para sa napaka-raming possibilities!!!
Basta bahala na kayong magbigay ng payo sa kanya at ako na lang ang magsasabi sa kanya!!! Hoho!!!

Arigato!!! Gracias!!! Salamat!!! Thank You!!!





7 comments:

  1. oh my! grabe yung ginawa ni mae kay rowan ha! at dahil gusto mo nga advice, narito ako para jan.

    una sa lahat, dahil kasi walang closure yung naging "hiwalayan" niyo, i think na dapat mag-usap pa rin.

    dapat alamin mo kung gaano katotoo yung dahilan ni mae na kaya ka niya iniwan ay dahil ayaw ka niyang makitang malungkot! sira ba siya, ikaw ba iwan ng mahal mo ng walang paalam, sinong hindi malulungkot! dapat alamin mo kung yun lang ba talaga ang dahilan! for sure kasi, meron pang iba!

    sunod, tanong mo kung may iba na ba siya? kasi kung mahal mo pa siya at hindi ka naman pala niya mahal, mahihirapan ka lang lalo!

    MOVE ON with your life. yun lang naman talaga ang solution jan eh.

    kapag nakapag-usap na kayo ng masinsinan, timbangin mo yung nararamdaman mo. sa huli, puso mo lang rin ang dapat mong sundin kasi ikaw lang rin ang talagang makakaalam kung masaya ka pa ba o hindi na.

    ReplyDelete
  2. at dahil nakausap na kita sa phone jan alam mo na ang advice ko..hahaha..

    tell rowan na kausapin niya yung girl..sagutin niya yung tawag..

    everybody deserves an explanation kahit gaano kasakit pa yang ginawa sayo...

    im sure deep inside gusto din ni rowan na kausapin yung girl kaso nauunahan siya ng "pride" at "hurt" feelings...

    dahil im sure hindi siya makakamove on kung lagi niyang iisipin yung ginawa ni mae.

    saka divert his mind to other things..find a job...go out with friends...

    maybe one day he'll realized to himself kung ano bang mali...

    sa ngayon understandable pa kasi masakit pa talaga..

    kay mae naman adik din siya...pero kahit anong rizon mali yung ginawa niya..

    that's all thank you..haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. YW!!! makakarating din sa kanya yang payo mo!!! :)

      Delete
  3. nkkasar ung girl. kung tlgang mahal nia at ayaw niang malungkot si rowan, dpat nagpaalam p rin xah. ksi xempre dba, ano n lng iicpin ng mahal mo kun bgla k n lng aalis ng wlang paalam. hndi masisisi kun glit n ung friend mo ate, nkkbitter kya un!
    pero dpat mag-usap p rin cla pra ayusin nla ang gusot.

    ReplyDelete
  4. "Una sa Lahat...

    "Congrats sa Author of this story" ... you've done a good job...

    "Pangalawa"..

    Rowan..hayaan mo sya mag explain,, for sure meron syang reason kung bakit nya ginwa yun sayo,isa pa wala namn siguro masama sa pkikipag-usap at pakikinig sa dahilan nya.. Now if tlgang hindi ka naniniwala at d ka na convince sa kanyang paliwang.. Move on... tell him honestly na ayaw mo na at nasaktan ka...

    pero base on your story... kitang kita na talgang mahal mo sya at mahal ka nya...

    "Closure".. ang kailangan nyo...mahirap ang naka hang.. Rowan.. kahit na pilitin mo mag move on.. hanggat hindi kau nag kakaron ng closure.. mahihirapan at mahihirapan ka...

    Talk to her.., talk to your self,,think wisely..decide honestly...


    Everybody, everything deserve a second chance....

    Noon klahit na mabilis ka nakapanligaw sa kanya.. at naging mabilis ang pangyayari.. nag take a risk ka,,, bkit kaya ngaun na nasaktan ka umaayaw kana....


    Why don't you try to take a risk again.. lalo na't alm mo na kung gano ka kasaya pag kasama mo sya...


    Forget and Forgive.. And you will see.. kung ganon kasarap at kagaan sa pakiramdam....


    Start all over again.. what ever happen..

    ReplyDelete
  5. Una sa Lahat..

    "Congrats sa Author ng kwentong ito" ..
    You've done a great job..

    Rowan..give her a chance to explain..siguro naman kaya nya gusto mkipag kita at mkipag usap sayo pag uwi nya.. ay dahil may maganda syang reason kung bkit nya ginwa yon syo..nguan kung tlgang hindi ka naniniwala..at d mo sya mapatawad after that talk.. tell her honestly.. na tlagang ayaw mo na at nasaktan ka...

    You cannot find peace in your heart kung hindi ka makikipag - usap sa kanya at hindi mo mlalaman ang rason nya.. "Closure" yun ang kailangan mo... for you to be able to MOVE ON too..

    Noong niligawan mo xa at nagsama kau.. d ba mxadong mabilis.. but then you take a risk... at dahil ng take ka ng risk nasaktan ka.. pero di ba naging mas masaya ka naman... why don't you try to take a risk again.,baka mas maging masaya ka this time around..

    Everthing.. and everybody deserve a second chance.. and sabi nga Love is sweeter the second time around...

    think twice...move wise....and decide honestly..

    Swallow your pride.. base on your story.. kitang kita na mahal ka nya.. at mahal na mahal mo sya....


    Forgive and forget.. then mararamdaman mo kung gano kasarap.. at kagaan sa pakiramdam.. ng walang kahit na anong sama ng loob sa heart mo...

    Goodluck...and what ever happen START ALL OVER AGAIN!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^