Friday, May 11, 2012

My Chemistry Tutor - Short Story


~~~

"Instead of teaching me Chemistry, he ended up teaching me what love is."

~~~

Finals na next week at wala pa rin akong kaalam alam sa subject naming Chemistry! Paano ako magiging DL nyan!?!! Panira ng future talaga ang Chem ohh!

 "Lloyd naman! Sige na.. pleaseeee turuan mo na ako!" sabi ko sa nag iisang guy friend ko dito sa school, si Lloyd.
"Sorry Chie, hindi ko talaga alam kung paano ko i-explain sayo yung lesson."

"Di mo alam!? Hello! Explain lang dude, E-X-P-L-A-I-N. Anong mahirap dun?"

"Ikaw na nga tong nagmamakaawa, ikaw pa tong nagagalit no?"

"Ehh kung turuan mo na lang kasi ako.. eh di tapos na ang pangungulit ko sayo."



"Sorry talaga Chie."

Kung ayaw nya di wag! Tumayo na ako at nag walk out dun sa cafeteria, malakas ko pang binagsak ang pinto at napansin kong nagtinginan yung mga tao pero wala akong paki. Ang gusto ko lang ngayon, matutunan ang lecheng Chemistry na yan! Hindi ako pwedeng mag summer class! Nakakahiya sa pamilya namin yun!

Naiisip ko pa lang nasa tabloid ang tungkol dun, "ANAK NG ISANG ORTALEZA, NAGSUMMER CLASS!"

Di kakayanin ng veins ko yun, baka magsuicide agad ako. -__- Patay ako sa parents ko pati sa parents ng parents ko maging sa parents ng parents ng parents ko at hanggang sa...

"Chie sandali lang!" narinig kong sumisigaw si Lloyd at naririnig ko rin ang paghakbang ng paa nya.

"Di ako marunong maghintay!" kung sya di marunong mag explain, ako di marunong maghintay! Bwiset na yun, parang di kami friends ah!?

Dirediretso lang ako sa paglalakad pero naramdaman kong nahawak ni Lloyd ang braso ko kaya napahinto na rin ako.

"Ano ba?!!"

Hinihingal pa sya at mukhang hinabol nya nga talaga ako. "Sandali may naisip na ako eh."

"Oh ano yun?" ^_~?

"Mag hire ka ng tutor."

---

Inabot din ng 2 hours bago ako maconvince ni Lloyd tungkol doon. Oo binilang ko talaga, time is gold nga di ba? Pero back to our topic, ang tutor. Hindi naman sya ipopost sa mga bulletins dito dahil nakakahiya talaga yun, ang gagawin na lang ni Lloyd, sasabihan nya ang mga classmate nya kung sino ang payag na maging tutor.

"Teka, tuturuan ka nila eh wala naman silang mapapala sa pagtuturo nila."

"Anong mapapala? Marereview din naman sila kapag nagturo sila ah!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ikaw ba papayag kang magtrabaho ng walang sweldo?"

"Aba syempre hindi! Kurakot nito ohh!" binatukan ko nga, sino ba naman kasi ang papayag ng ganun!? Ang tanga naman! Tinatanong pa ba yun!

"Wag mo nga ko batukan, tinatanong kita nun kasi ganun ang gusto mong mangyari, gusto mong turuan ka nila pero wala naman silang makukuha sayo."

Napaisip ako dun, "Oo nga no. Eh di bibigyan ko na lang sila ng twenty pesos. Ayos na naman siguro yun no? Ay hindi, gawin nating 25 baka kasi kulangin eh- ARAY!"

Binatukan naman nya ako, "Ang kuripot mo naman Chie! 25? Anong mabibili mo sa 25?!! Pang cornetto lang yun eh!"

"Hoy hindi ah, 20 ang cornetto, may 5 pesos pa sila pambili ng mentos! Wala ba kayong tv sa bahay at di mo napapanood" tinapat ko yung bibig ko sa tenga nya at sumigaw ng, "HA?!"

"At kelan pa nagkaroon ng teleserye ang cornetto, HA?!" mababasag ang eardrum ko nito eh, huhuhu.

"Whatever, ehh oh sige magkano ba dapat ang ibigay ko?" iniba ko na yung topic, baka kasi maging long story ang kwento na to eh. Hehehe.

"Dapat sila ang tatanungin mo.. kung ano ang gusto nila, yun ang susundin mo."

"Hala eh, paano pag gusto nila ng house and lot? Ng kotse?"

"Hindi yan! Basta ang gagawin natin, maghahanap muna tayo ng magiging tutor mo.." tumayo na sya, "pupunta na akong room at sasabihin sa kanila.. sige!"

"Oy wait!"

"Ano?"

"Wag mong sabihin na ako yung naghahanap ng tutor ha?"

"OPO!"

---

Kinakabahan ako, lahat ng mga classmate ko mukhang prepared na sa Chemistry exam ako hindi pa! Waaah, mauubos na ang oras, ilang araw na lang Chemistry exam na! Parang dooms day lang ah? Ehhh katapusan naman talaga kapag di ko napasa yun eh!

Kahapon nagstart yung paghahanap nya ng tutor, at umaasa akong may pumayag na ngayon. Sana meron sana meron!!

"Chie, may pumayag na."

"Talaga!?!" *__*

"Oo.. eto yung number, ikaw daw ang tumawag sa kanya." inabot nya sa akin ang isang papel.

"Ako? Bakit naman ako? Sayang ang load no!" actually, wala akong load eh kaya sinasabi ko yun sa kanya.

"Sino ba ang may kelangan?"

"Sya, tuturuan nya ko di ba? Kaya kelangan nya ko."

"Ewan, bahala ka sa buhay mo! May klase pa ako. Bye" iniwan na ako ni Lloyd at nakahawak lang ako sa papel na inabot nya sakin. Tinignan ko ito at nakita ko ang 11 digits at may pangalan na nakalagay with matching emoticon pa.

~TARO :)
09161234567~

Babae ba to o lalaki? Ang unique naman kasi ng pangalan, Taro. Parang hindi makatao. Kinuha ko na ang phone ko at dinial ang number na nakalagay sa papel. Makailang ring, may sumagot din.

"Hello?"

"Who's this?" mukhang iba yata ang boses. Parang boses matanda at familiar ha?

"Hello, si Chie to--"

"Chie? Chie Ortaleza? Why are you calling Mr. Villongco? Are you his girlfriend? (Sir that's my phone)"

*CLICK*

Binaba na yung phone. Teka, paano nalaman nung kausap ko ang surname ko? Oh my, that 's Mr. Medel!! Ang Chemistry teacher ko! Tapos yung sumingit sa phone, that must be Taro.

He's a guy?

---

"Bakit lalaki pa?!! Pwede namang babae ah?" reklamo ko kay Lloyd nung nagkasalubong kami sa may corridor.

Bago pa sya makareact, tumunog yung phone ko at number ang lumabas. Si Taro siguro.

"Hello?"

"Uhh, tungkol kanina pasensya na kay Sir ha." oh my, bakit napapangiti ako upon hearing his sweet voice. >///<

"Ayos lang.."

"You must be the girl I'll be tutoring?" di nya pa alam? Medyo nadisappoint ako nung sinabi nya yung tutoring.

"y-yes.. let's meet after lunch, at the cafeteria, wala ka bang klase nun?" parang nakikipagyaya ako ng date sa isang guy XD sana gwapo sya! well, boses pa lang eh gwapo na, paano pa kaya ang itsura nya di ba?

"Sure, see you later. Bye"

Before I could bid my goodbye, he already hung up the phone leaving me breathless. LOL. Bakit ba ako kinikilig dito!?!! Feeling ko may date ako mamaya eh!! Kelangan kong magpaganda!

Tsaka ko lang naalala na kasama ko pala si Lloyd pero nung hinanap ko, wala na. HMP! Walk out king din ang isang yun eh!

Ang tagal naman ng oras! 11 pa lang ngayon, eh di ba after lunch nga so ayun, maghihintay pa ako ng almost 2 hours sa cafeteria. Oo, ganun ako ka-excited. Wala naman kasing klase eh kaya dito muna ako at nagstay.

Iilan lang yung tao ngayon, baka mamayang 12 dumami na rin at mamayang 1 makita ko na sya! Bakit naman kasi after lunch ko naisipan na makipagmeet sa kanya!? -__- Well, baka may klase din kasi sya e.

Nilibot ko yung tingin sa paligid, may dalawang babaeng nag uusap sa may kabilang table, may nagtetext, may umiiyak, may nahilik at kung anu-ano pa. Ay teka? Umiiyak? Bakit naman kaya?

At bakit naman ako mangengealam sa buhay ng iba? Behave ka lang Chie. Okay? Umiiral na naman ang pagkachissy mo. Chissy-- chismosa.

"Miss okay ka lang?" oh see, habang nagiisip ako naglalakad na pala yung paa ko papunta dun sa babae.

Hindi sya tumingin sakin, mas lalo lang lumakas yung paghikbi nya dahilan para mataranta ako, "Hey hey.. I'm just asking if you're fine."

"Sino bang babae ang ayos lang kung niloko ka ng taong mahal mo!? HA?!!" sumigaw sya kaya napunta ang center of attention sa amin. Naku, baka kung ano ang isipin ng mga tao dito. Tumutulong lang naman ako eh.

"Niloko ka? Naku ang lalaking yun, he deserve a punch! Gusto mo tawagan ko si Pacquiao at ipagulpi natin sya!? May number ako nun dito.. teka." kinuha ko yung phone ko at hinanap yung number nya, ay teka, bakit ko ba hinahanap eh nagbibiro lang naman ako dito sa babaeng to. -__- Masyado kong kinacareer eh.

Natanaw ng aking peripheral vision, kasi nakatingin pa rin ako sa cellphone at nagkukunwaring hinahanap ang number nya, na nakatingin sya sakin at nakangiti. Teka, tama ba yung nakita ko? nakangiti sya?

Tinaasan ko sya ng kilay pero humalakhak lang sya ng tawa. "Hahahaha. Grabe ka ate, close kayo ni Pacquiao?"

"Ha? Ahh..." ano ba tong babaeng to kanina lang naiyak ngayon naiiyak na sa kakatawa. "Oo, close kami nun eh, actually ex ko sya.." ay hindi, matanda si Pacquiao sa akin tsaka di ko sya type, "ex sya ng nanay ko.. kaso sabi ni Mommy malikot sya matulog kaya nakipagbreak sya kay Pacquiao."

At mas lalo syang humalakhak doon at pinalo palo nya ang table na nasa harapan nya. Naku, di ko kasalanan kapag kinabag to sa kakatawa ha! Makalipas ang ilang oras, este minuto, tumigil sya sa kakatawa at ngumingiti na lang.

"Salamat Ate.." next thing I knew, she hugged me. Suddenly, I felt the presence of my deceased sister. I miss her so much.

Humiwalay na sya at ngumiti ako sa kanya. Matagal kaming nagkwentuhan dun hanggang sa kelangan nya na raw umalis dahil may klase pa sya.

"Thank you Ate."

"Don't call me Ate, we're on the same year level lang naman eh.. oo nga pala, ako si Chie."

"Ohh sige.. hehe I'm Dana."

Umalis na sya at naiwanan akong nakangiti na parang timang doon. Ang sarap kasi sa feeling na nakatulong ka sa isang tao eh, para bang pati sarili mo natulungan mo rin.

"You must be Chie, right?" napalingon ako sa nagsalita, he must be Taro.

"Yes.. and you must be Taro?"

"No.."

Kumunot yung noo ko sa sinabi nya, tumabi na sya sakin at nilapag yung bag nya, "Yes I'm Taro.. I'm just kidding." and then he chuckled.

I like him! Not just because of his makalaglag *toot* looks but because of his personality. Para bang madali kang magiging komportable sa kanya.

"Let's start?"

"Sure."

1pm kami nagstart and after 2 hours..

"Ang sakit na ng pwet ko." that was supposed to be a murmur but since malinis ang tenga nya, narinig nya.

"Hahaha, ako rin eh.. kain muna tayo?"


As if on cue, bigla akong nakaramdam ng gutom kaya tumayo na rin ako para bumili ng pagkain.

"I want this one.." at tinuro nya ang isang sandwich doon, nagtaka naman ako kung bakit sinasabi nya sakin yun kaya ngumiti na lang ako.

"I said I want this one." tinuro nya yun at ngumiti, tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Di ba susundin mo ang gusto ng tutor mo?"

Oh geez, oo nga pala. Asar!! Nageenjoy na ako sa kanya eh tapos magpapalibre pala sya. Ano pa nga bang magagawa ko, eh di binili yung tinuro nya and since wala na akong pera, bumili na lang ako ng bottled water at sabay kaming bumalik ng table namin.

Binigay ko sa kanya yung sandwich at tinungga ko yung tubig at nangalahati agad tsaka ako nakaramdam ng pagkapuno ng pantog ko kaya nagcr muna ako.

"Cr lang ako ah."

Pagbalik ko galing sa cr, napansin kong wala na si Taro. Hala! Umuwi na sya? Di man lang nagpaalam.

"Maupo ka na." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Taro na nandun lang. Hala, nandito lang sya? Bakit di ko napansin?

"Bakit ang daming pagkain? Di pa ba sapat sayo yung kinain mo kanina?"

"Sayo yan.. gagawa ako ng problem, dapat masagutan mo to ah."

Binili nya ako ng pagkain? Ano ba yan! Wala na akong pera eh, aba syempre babayaran ko sya dito. nakakainis naman eh, di man lang sya nagsabi na ibibili nya ako eh wala na nga akong pera!

"Bukas na lang kita bayaran ha?" sabi ko bago kumain. Di sya sumagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat. 

After 1 hour.

"Tapos na ko Taro!"

"Perfect ah, ang galing mo.. mabilis ka pala matuto."

Namula ako sa sinabi nya, mabilis raw ako matuto! >////<

"Tara na.."

"Teka, yung utang ko ha, bukas na lang."

"Wag na. Tara hatid na kita sa inyo."

>////<

At dun nagsimula ang aming love story. LOL. Hindi love story parang fling fling lang, siguro nga MU kami. Mabilis ba? Hindi naman, after kasi nung Chemistry exam, mas lalo kaming naging close. Nandyan yung pupuntahan nya ako sa classroom namin at yayaing kumain sa labas, kausap ko sya sa phone hanggang midnight. Oh di ba, ang sweet!

"Goodnight."

"Goodnight Chie."

Umalis na sya at tinignan ko sya hanggang sa paliit na lang sya ng paliit. Papasok na sana ako ng biglang may humatak sa braso ko sisigaw na sana ako pero nakita ko ang mukha ni Dana.

"Anong ginagawa mo dito?'

"Kayo ba ni Taro!?" di nya pinansin yung tanong ko.

"H-hindi ah!" di naman talaga, MU nga lang di ba?

"Naku Chie! Sa lahat ba naman ng lalapitan mo, si Taro pa!?"

"Ano bang meron sa kanya? Wala naman yata syang sakit na nakakahawa eh" at kung meron man, wala akong paki, basta ang alam ko mahal ko sya.

"Naalala mo ba yung first time na nagkita tayo.."

"Oo.. umiiyak ka nun."

"Sya yung dahilan kung bakit ako umiiyak.. he's the guy who fooled me."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, si Taro? Manloloko? Kalokohan!

"No! Hindi si Taro yun!"

"Oo Chie! Si Taro yun! He's my ex.. ganyan din kami dati, ang sweet sweet nya sakin, lagi ko syang kausap sa phone, ihahatid nya ako sa bahay.. lahat ng ginagawa nya sayo ginawa nya sakin. Maniwala ka Chie niloloko ka lang nya!"

"No.." umiiyak na ako, di ako makapaniwala sa sinasabi nya. Imposibleng niloloko ako ni Taro.

"Please Chie, maniwala ka sakin."

"Hindi nya ako niloloko" sinubukan kong pigilan ang luha ko, "Dana, hindi totoo ang sinasabi mo." pumasok na ako ng bahay at dali daling dumiretso ng kwarto. Ni-lock ko to at nagsimulang umiyak.


Di nya ako niloloko, imposible. Mahal ako ni Taro. Bakit ba ako umiiyak? Dahil lang sa sinabi ni Dana? Sinisiraan lang ako nun. Tumunog ang cellphone ko, si Taro ang tumatawag.

Huminga ako ng malalim at nagsalita, "Oh Taro.."

"Chie.." blag dab, blag dab. Kinakabahan ako, parang ang daming sundalo ang nagmamartsa sa puso ko ngayon.

"B-bakit?" pinipigilan ko rin umiyak.

"I'll be gone for a week.. kaya baka di muna tayo magkita." napahinga ako ng malalim ulit, buti naman di nya sinabing niloloko nya lang ako. Di ko kakayanin yun.

"HAHA. Sure." ay mali ang sagot ko, parang ayos lang sakin na wala sya ah?

"Okay lang sa'yo?"

"Naman! I trust you Taro. San ka ba pupunta?"

A long pause.

"Sa... sa Cebu. Golden Anniversary kasi ng grandparents ko." oh see, may pupuntahan naman talaga sya e.

"Wow, pasabi na lang na Congrats tsaka long live hehe."

"Sige sasabihin ko sa kanila.." a long pause again, "(sino ba yang kausap mo?)" kasama siguro ni Taro yung nagsalita, babae ang boses. Di nya sinagot yung tanong.

"Uhhh.. ibaba ko na yung phone Chie. Bye."

*Click*

Wala na, binaba nya na. Wala man lang I love you. =__= Eh bakit pa? Di naman kami ah.

Tsaka ko lang naisip, hindi nga kami. Dapat hindi ako nagrereact ng ganito.

---

Natapos na ang one week, wala pa ring Taro. Di ba sabi nya 1 week daw? A week, that means 1 week di ba? hindi naman 2 weeks or 3 weeks. Namimiss ko na sya.

"Chie pwede magusap tayo?" si Dana. Kung gaano katagal nawala si Taro, ganun din katagal na hindi ko kinausap si Dana.

"Alam mo Dana, baka nga tama ka. Niloloko lang ako ni Taro." naupo sya sa tabi ko, nandito kami ngayon sa canteen, same table kung saan kami unang nagkakilala.

"One week na syang wala di ba?"

"More than one week. Dapat ko na nga siguro syang kalimutan. Tsaka isa pa, hindi naman kami para mag assume na babalikan nya pa ako."

Umiiyak na naman ako. Nakailang litro na ba ako ng luha sa kaiiyak dahil sa kanya.

“Nakakatawa no? Dati ako ‘tong nagko-comfort sayo ngayon ikaw naman ang gumagawa nun sakin.. at ang mas lalong nakakatawa pa, iisang lalaki lang yung nagpaiyak sa atin.” I laughed bitterly with the thought.

“Chie.” Napalingon kaming dalawa ni Dana sa nagsalita. That face I’ve been looking for and been yearning to touch.

“Dana..” kay Dana naman sya ngayon tumingin.

“Ohh Taro!” I told him cheerfully. Sana lang di halata na kaiiyak ko lang.

“Umiyak ka ba?” hinawakan nya yung mukha ko pero tinanggal ko yung kamay nya and instead I continued talking to him like I’m fine.

“Kumusta yung bakasyon mo?” tumayo si Dana. Si Taro naman sinundan sya ng tingin.

Bumulong sya sakin, “Mauna na ako ha. Good luck.”

Nyek, good luck daw? Saan naman? Sa pakikipag “break” kay Taro?

“Okay, bye!”  umalis na sya at kaming dalawa na lang ang natira dito. Natahimik kami ng ilang sandali pero nagsalita din sya.

“Yung bakasyon? That wasn’t really a vacation.. golden anniversary nga di ba?”

“Yeah right.” Kinuha ko yung bag ko. Babalik na akong room, ayokong magtagal ang paguusap naming. Baka magpaloko lang ulit ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa room, may klase pa ako eh. Sige." naglakad na ako. Mabagal lang yung paglalakad ko. Siguro kasi kalahati ng katawan ko gustong magstay at makasama sya o kaya naman baka pigilan nya ako gaya ng mga napapanood ko sa mga movies.

"Ahh Chie." narinig ko pa yung sinabi nya dahil malapit pa rin ako sa kanya. Tumigil ako at humarap sa kanya.

O__O

"Ahh ehh.." napayuko sya, ako naman napahawak sa labi ko. Waah, ang first kiss ko sa kanya napunta!! >////<

"S-sorry.. nabigla yata kita."

Kaya pala dinig na dinig ko yung boses nya kasi nasa likod ko lang sya kanina! Ughh! Nakakahiya naman oh. Nakayuko pa rin ako at nakahawak sa labi ko. 

"Chie.."

"M-may k-klase pa ako eh! Bye!" tumakbo na ako. Ayoko na, naghahalong kilig at kahihiyan ang nararamdaman ko eh. Sabayan pa ng malakas na kabog ng dibdib ko.

Ayoko na maulit yun.

---

2 weeks ang nakalipas.. Lumabas ang result ng mga exam namin. Medyo late na alam ko. Yun ang trip ko eh. Pwede na yun ha?

Sa lahat ng exam, yung sa Chemistry talaga ang inabangan ko. Sinasabi na ng prof namin isa isa yung score namin.

"Abrenica.. 3.0... Aguilar.. 2.75..." hanggang sa pangalan ko na.

"Ortaleza..." tumingin muna sakin si Sir at pinalapit ako sa kanya. Natatakot naman ako, oo halos lahat ng mga classmate ko mga bagsak din pero feeling ko ako yung naka-5. Waaah, sana wag naman. -__-

"Is Mr. Villongco you're boyfriend?"

Pagkatapos siguro ng 2 weeks, ngayon ko lang sya ulit naalala. Kumusta na kaya sya? Di na rin kasi kami nagkikita after nung kiss incident. Bwahaha, nahiya din yata sa akin. XD

"Miss Ortaleza?"

"Uh! Sir.. no. He's not my boyfriend." wag sya ang topic! Gusto ko ng malaman ang score ko!!

"Ohh.. if he's not your boyfriend, then.." may kinuha sya sa may drawer ng table at nakita ko ang isang cellphone. Sa pagkakatanda ko, cellphone yun ni Taro. Well, baka magkapareho lang sila ni Sir.

Inabot nya sakin yun at nakita ko ang isang babaeng naka-nap sa wallpaper ng cellphone na to.

"Sir, alam ko mas maganda ang phone mo kesa sa phone ko." ang yabang nitong teacher na to e. >,<

"Yung babaeng naka-nap, ikaw yun di ba?"

Ano? Ako raw?

Tinitigan ko mabuti yung babae. Nakayuko sya pero may tali yung buhok nya. Automatic na napahawak ako sa buhok ko. Pareho ng tali ko to ah? Tsaka nakahalf pony rin yung babae gaya ng lagi kong hairstyle.

"Ako nga po yata."

"Bakit kayo magkasama nyan? At mukhang nasa kwarto kayo ah?"

Ano ba tong teacher na to! Di alam ang itsura ng library. =__=

"Sir library po yan! Ano po yung score ko?" kinuha nya na yung scantron ko pero di nya binigay sakin. Nakita ko naman yung grade ko at halos maglulundag ako sa saya!

"You must thank Mr. Villongco." he smiled bumalik na ako sa upuan ko at napatitig sa kawalan.
Ang taas ng score ko!! 1.75!! Hoy mataas na yun ah! Mababa kaya magbigay si Sir! Nabasa nyo naman yung score ng iba di ba?

Pasasalamatan ko si Mr. Villongco, este si Taro? Ehh, ayoko nga! Pagkatapos nya akong lokohin!

Teka nga, wala naman akong ebidensya na niloko nya ko eh. Basta ang alam ko nanloloko sya. At yung 1 week na nawala sya yun na ang way ng pagsabi sakin ng "bye bye".

Natapos din agad ang klase at uwian na. Wala na kaming subject kaya nagdiretso na ako palabas kaso tinawag ako ni Sir.

"Miss Ortaleza!"

"Yes sir?" lumapit ako sa kanya.

"Give this to your boyfriend. Bye!" he winked at umalis na. Itong teacher na to! Ang hirap na nga magpaexam tapos may pakindat kindat pang nalalaman. Crush lang yata ako nito eh.

Teka, anong sabi nya? Napatingin ako sa hawak nya at nakita ko ang cellphone ni Taro. Napindot ko pa yung key doon kaya umilaw to at nakita ko ang wallpaper nya. Ako. >////<

Tama na nga muna ang kilig, kelangan itext ko sya. Teka, paano ko pala ittext kung nasa akin yung phone nya! Ano ba yan! Bat sa akin pa binigay yung phone na to! Di naman nya ako girlfriend!! 

Okay, kaya nga nandyan si Lloyd di ba? Tinext ko sya.

To: Lloyd
"Woy!! Kta tyo s canteen. NGAYON N!"

Pagdating ko sa canteen walang tao. Siguro kadalasan nag uwian na rin. 5pm na rin kasi at 7 nagsasara ang school namin. So meaning, iilan na lang ang may klase. Pero di yun ang concern ko, asan na ba si Lloyd? Bat wala yata sya.

Tinignan ko yung cellphone ko dahil baka nagtext na sya, at ayun, tumama ako nagreply na sya.

From: Lloyd
"Nandto n ako knina p. Nsa my kaliwa m."

Tumingin ako sa kaliwa ko at imbis na si Lloyd ang makita ko. Tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Taro.

"T-taro."

Nakangiti sya sakin, tumayo sya at hinatak ako papunta dun sa table.


Naupo ako sa tabi nya, may mga pagkain doon. Teka, parang naulit na to ah? Kung ano yung mga binili nya noon, yun din ang mga pagkain ngayon.

"Bakit ka pala nagpatawag ng biglaang meeting." ngumiti sya.

"A-ano eh.." 

"Ahh alam ko na, si Lloyd ang tinext mo di ba? Pero ako ang pumunta?"

Napakamot ako sa ulo ko, "Ganun na nga. Bakit ikaw yung pumunta?"

"Nasa akin yung cellphone nya eh. Sya kasi ang dahilan kung bakit kinuha ni Sir yung cellphone ko. Kaya ayon, akin muna to. Pati yung sim akin din." ngumiti na naman sya.

"Ahh kaya pala.. paanong sya yung naging dahilan?" umiiral na naman pagkachisy ko.>,<

"Kasi may kausap ako nun sa phone pero sinabi nya kay sir kaya ayun, nahuli ako. Sinabi nya pa ngang girlfriend ko raw yung kausap ko kaya mas lalong nagalit si Sir. Alam mo naman na bawal ang magcellphone pag class hours di ba?"

"Oo.. bawal nga.. eh bakit mo pa kinausap?''

"Mahalaga kasi sakin yung tawag na yun, lalo na yung tumatawag.. pero di ko sya girlfriend. Magiging girlfriend pa lang SANA. Kaso ayun, nakarma ako sa mga pinaggagagawa ko noon."

"Nakarma? Tsaka anong pinaggagagawa mo?" he chuckled at ginulo yung buhok ko.

"Wag na natin pagusapan yun.."

"Ehhh!" hala bakit ganun nireact ko? =__= Nababaliw na yata ako. Parang nalimutan ko kasi lahat ng nangyari eh.


Tumawa na naman sya, "Sige na nga, noon kasi.. maloko ako sa babae, kung sinu-sino pinaglalaruan ko, wala akong sineseryoso."

"Chicboy." bigla kong nasabi.

"Gusto mo dun kumain?" seryoso yung mukha nya, ako naman natawa lang. Di ko kasi alam kung nagpapatawa sya o hindi pero natawa naman talaga ako.

"Hindi yun, haha sige yung kwento mo na."

"Hanggang sa nakilala ko yung babaeng to.. masaya ako nung nagkaroon kami ng chance na maging close, lalo na nung nalaman kong naghahanap sya ng tutor.. sa loob loob ko, 'may kahinaan din pala ang babaeng to eh. Ako kasi ang kahinaan ko, sya.' At nung naging tutor nya ako naging close kami at dumating sa point na naging mag MU kami. Ewan ko ba, di ko maamin sa kanya na gusto kong maging kami na talaga. Parang pagdating sa kanya, natotorpe ako."

Hinayaan ko lang sya magsalita dahil ako eh gulong gulo na. Ako ba yung babaeng sinasabi nya? Tangeks Chie! Sino pa ba! Ikaw lang naman ang bobo sa Chemistry na magpapatutor pa!

"Kaya nagdecided akong humiwalay muna sa kanya ng isang linggo. Sinabi ko sa kanya na may golden anniversary yung grandparents ko. Yun na lang ang sinabi kong palusot. Pero totoong may golden anniversary hindi nga lang ang grandparents ko kundi ang grandparents ng kaibigan ko tapos ayon, sumama ako sa event na yun kahit hindi naman ako invited. Humiwalay ako sa kanya kasi nakita ko sya one night na kausap yung isa sa mga babaeng niloko ko, si Dana. Sinabi ni Dana sa kanya na layuan nya raw ako kasi manloloko ako kaya ayun, inisip ko kasi na galit sya sakin eh. At kelangan nya ng time para makapag isip. Naisip ko rin nung mga oras na yun na hindi nya deserve ang pagmamahal ko."

*Sniff* *Sniff*
Umiiyak na ako habang nagkukwento sya kaso nakayuko lang ako kaya di nya siguro nahahalata. Napatigil sya at hinawi yung buhok kong nakacover sa mukha ko kanina.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit naman ngayon mo lang yan sinabi sakin!!" pinalo palo ko sya sa dibdib nya pero natatawa lang sya.

"tama na, aray aray!" hinawakan nya yung kamay ko at parehong hinalikan yun kaya imbis na magalit ako sa kanya, napangiti na lang ako pero may luha pa rin sa mukha ko. Mukha na siguro akong baliw.

"Teka, bakit ganyan ka ba makareact?" tanong nya sakin. Pinunasan ko na yung mga luha ko gamit yung panyo na inabot nya.

"Eh kasi naman, kung sinabi mo sakin lahat ng yan, di sana matagal ng tayo!"

Kumunot yung noo nya, "ha? Bakit? Akala mo ba ikaw yung sinasabi ko dun sa kwento ko?" at tumawa sya ng pagkalakas lakas. Ako naman parang nagbabadyang umiyak ulit.

Ibig sabihin, hindi ako? >,< Eh bakit nabanggit nya si Dana! Tapos parang kwento ko talaga yung sinabi nya!

"Tse!" tumayo na ako at aalis na sana kaso napaupo ulit ako dahil sa hinatak nya ako.

"Syempre ikaw yun, niloloko lang naman kita." sabay pisil nya sa pisngi ko. Aray masakit yun.

Halos di ko maitago yung ngiti ko nung sinabi nyang ako raw yun, "T-talaga?"

"Oo nga! Teka, ilan ka pala sa Chem?"

"DOS AKO! DOS AKO TARO!!" tuwang tuwa kong sabi, tinaas ko pa yung dalawang kamay ko. Sya naman napangiti rin.

"Ikaw ilan ka?" nawala yung ngiti nya ng sinabi nya sakin ang score nya.

"Tres." napakamot sya ng ulo nya at parang nahiya sakin kaya kumuha sya ng isang pagkain sa table at binuksan to.

"Tres? Oh bakit? Anong nangyari?"

"Ewan ko nga rin eh.." inalok nya ako ng kinakain nya pero tumanggi ako. "Siguro di ako nakapagconcentrate nung exam dahil may iniisip din ako."

"Yan kasi! Ang daming iniisip!"

"Ikaw nga lang iniisip ko eh.. kung papasa ka ba sa exam dahil pag hindi baka sisihin ko sarili ko." >////< Tama na, kanina pa ako masaya. Baka mamaya nyan eh lumungkot ako.

Naalala ko bigla yung cellphone, "Hmm! Yung cellphone mo oh!"

Kinuha nya yun at chineck sandali, "Eh di nakita mo na yung picture mo dito?" he smirked.

"H-ha? Ahhh.. oo.. sa library yun di ba?"

"Oo.. ang antukin mo kasi kaya kinuhanan kita.. di ko nga maisip kung paano ka nakapasa eh."

"Oy! Para namang sinabi mong bobo ako! Ikaw nga tres eh! Tres lang! BWAHAHA." pero imbis na maasar sya lalo lang syang ngumiti at lumapit sa mukha ko. Este sa tenga ko at may binulong.

"Kaya nga eh, ikaw naman ang magiging Chemistry Tutor ko."

"Ha?! Ayoko nga! Ang hirap hirap magturo eh.."

"Okay.. pero di ba? Tutor mo ko? So dapat lahat ng gusto ko susundin mo." he smirked again at napakalapad na ng ngiti nya.

"A-ano naman yung gusto mo?" lumalapit sya sakin paatras naman ako ng paatras. "H-hoy! Ma-p-PDA tayo nyan!" tinulak ko sya. Umayos ako ng upo ganun din naman sya.

"Kiss lang naman sana eh.." nag pout sya, "Pero dahil ayaw mo, eto na lang ang gusto ko."

"Ano?"

"Magiging tayo na, okay?"

"H-ha?"

"At sa ayaw at sa ayaw mo, magiging tutor kita sa Chem. Bagsak ako sa subject na yun at ikaw ang dahilan, di ka ba nakokonsensya?"

"Ehh... magiging tutor mo ko?"


"Yes, you're going to be my chemistry tutor.. ayaw mo?"

Napakamot ako ng ulo, "Ehh? Ang pangit yata, tutor mo yung.. err.. g-girlfriend mo?"


Natawa pa sya, "My Chemistry Tutor is my girlfriend. That sounds great and exciting." he smiled and stole a kiss from me.


***END****

3 comments:

  1. whatda? ang oa naman ng stroy pero maganda ung plot! mas maganda pa yung isang short story kesa dito eh!!

    ReplyDelete
  2. ~>angel is luv<~

    ang ganda po!
    kahit maikli lang yung story, naenjoy kong basahin talaga!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^