Sunday, May 13, 2012

Happy Mother's Day!

Mother Special [POEM]


Ina, Inay, Ma, Mama; 
tawag sa isang babae'ng sati'y nag-aruga. 
ABaKaDa, isa at dalawa; 
natutunan na'tin sa kanya'y nanggaling. 

Maganda ka, hindi nga ba? 
Sapagkat iyo'ng Ina'y inalagaan ka't sayo'y nangamba. 
'd ba't isang araw ika'y ginabi? 
Sa kanya'y mainis ka pa nga't ang dami niya'ng sinasabi?

"Talak ka ng talak." ani sa sarili mo.
Pero 'ni minsan ba napagtanto mo?
Na sa bawat buka ng bibig ng Ina mo,
ay para lamang sa ikabubuti mo?

Kaligtasan mo't kanyang pag-aalala,
hindi ba ito sa'yo mahalaga?
'ni minsang bigyan siya ng halaga,
sa ngayon siguro oras na.

Ikalawa ng Mayo,
magsama-sama tayo.
Batiin na'tin sila't magpasalamat tayo.
Isang makamundong paggunita sa lahat ng ina dito.

Maraming salamat sa'yo ina ko,
ibati mo na 'rin ako sa ina mo.
Pasalamat tayo sa hirap nila,
bilang isang napakagandang pagpapala.

Salamt nga pala Mama ko,
sa paga-aaruga sa kabila ng katigasan ng ulo ko.
Sana'y 'd ka mapagod,
at sa huli kami naman sayo'y maglilingkod.

Maligayang araw sa mga ina.
Kayo ang 'The Best', walang duda.

1 comment:

  1. i was never able to greet my mom a mother's day. but happy mother's day to your mom.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^