Saturday, May 19, 2012

Memories : Because He Loves Me - Chapter 5.1

FIVE.ONE : Henry and Guiella




Zheli's POV

(Ako ulit. Wapakels)





Nagulat si Guiella nang makita nya ang Coffee Shop na tinutukoy ni Henry sakanya.





"Coffee Shop mo 'to??" tanong nya kay Henry na malaki parin ang mata.





"MO!!" he corrected.





"Kasi naman eehh!!! Hindi mo kasi sinabi agad pangalan ng Coffee Shop na sinasabi mo!!!" angal niya dito.





"Bakit ba? Surprise nga diba?? Ano ka ba naman!!! Hindi na surprise kung sinabi ko dba?" nilakasan nya ang pagsabi nito.





"Galit ka?? Naninigaw ka na ngayon?? Salamat huh?!" sarkastikong sabi nito kay Henry.





"Inilalakas ko lang para mapasok sa kokote mo ang gusto ko iparating." paliwanag nito.





"Kasi naman eehhhh...." paulit-ulit nitong pinaghahampas sa dibdib si Henry.





'Anu kayang nararamdaman nitong babaeng 'to at hinahampas ako?? Kinikilig?? Sobrang na-surprise?' tanong ni Henry sa kanyang sarili.





Itinigil niya ang kamay ni Guiella sa paghampas nito sa dibdib.





"Ang galing-galing mo talaga ano?? Sobra pa sa surprise ang naramdaman ko!! Bwisit ka!!"





"Bakit ba imbis na matuwa ka, mukang galit ka pa ata?"



"Paanong hindi??!! Akin kaya to!!!!"





"O-oo nga! Ehh.. Anu naman??"





"Ako gumawa nito eeh!! First project ko to! Ikaw pala nagpagawa. Pshhh!!" sagot nya dito. Iritang-irita sya.





"Kaya pala hindi 'man lang ako nakatanggap ng kahit anong balita sa nagpapagawa nito dahil ikaw nga kasi pala yon!!!" this time tumalikod sya at mukang galit na.





"Sorry. Fully paid na naman ako sayo dba? Wala naman ako utang. Sayo na nga to dba?" niyakap niya si Guiella mula sa likod.





"Hirap na hirap ako dito dahil hindi ko malaman ang gagawin dahil hindi ko alam kung lalake ba o babae ang may-ari. Binaliw mo ako alam mo ba yun?!" bumaba na ang volume ng pagsasalita ni Guiella nang mga panahon na ito.





"Past is past. I love You. ^___^" at hinalikan siya nito sa pisngi.





"Kain na tayo? Nagluto ako at pina handa ko na duon sa may garden. :)" nakangiti na rin si Guiella.





"Busugin mo ko uhh?" request pa nito.





"Ako pa. Oo naman!! *TSUP*" hinalikan niya ito sa labi na ikinagulat ni Guiella.





"Nakaw halik ka naman!!!!" sigaw nya sa tumatakbong Henry.





"Papakasalan mo naman ako dba?! >:O<" sigaw nito dahil napalayo na sya ng pagtakbo.





Naghabulan ang dalawa hanggang sa makarating sila sa nasabing garden ng Coffee Shop.





"Red Cat Coffee Shop. Fully Wi-Fi ang buong shop at may garden sa likuran. Nagustuhan mo ba?" tanong ni Henry sakanya.





"'wag ka nga!! Syempre!! Ako kaya gumawa nito!! At ang yaman mo huh? Sarili mo kamong pera?"Tanong 'din ang isinagot ng dalaga sakanya.







'Kaya pala Red Cat ang pangalan nito. Bakit ba hindi ko naisip 'yon?' tanong ni Guiella sa sarili nya.







"Hoy PUSA! Hindi mo naman alam na Wi-Fi zone ang Coffee Shop na ito." angal ng binata.





"Parang ayun lang naman!! ^__^"







Kumain sila ng niluto ni Henry at nag-kwentuhan.

Marami silang napag-usapang sweet nothings.

Nalaman na rin ni Guiella ang lahat ng dahilan ng pagkakahiwalay nila.









Masayang masaya si Guiella dahil sa sarili niya.







Bumalik na ang ka-isa-isa niyang pagmamay-ari. At iyon ay...........








si Chris Henry Ayala.







Ang best friend niya 10 years ago na nangako sakanya ng isang kasal at tangin isa't isa lamang ang mag mamay-ari ng kani-kanilang puso.







Lumipas ang oras at naisipan na nilang umuwi.

Nakatulog ang dalawa na may 'di ma-alis alis na ngiti sa mga labi.









4 comments:

  1. waaaahhh! nabitin ako! pero ang ganda po ng ud na'to!

    ReplyDelete
  2. pagmmy-aru n ni guiella c chris. bka pdeng pahiram n lng skanya paminsan-mnsan! ahihhhihhii! kinlig dn aq!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^