Sunday, April 29, 2012

Love Tutorial : Chapter 3


“mama? Bakit ka nag iimpake? San tayo pupunta ?” tanung ko kay mama ..

“ikakasal kasi yung tita dennuelle mo, sa Australia kasi gaganapin yun, eh kelangan kong pumunta and at the same time para dalawin na din si papa mo, hindi naman din kita pwedeng isama kasi next week na yung exam nyo diba ?” paliwanag ni mama, bakit ba naman kasi ngayon pa naisipan ni tita dennuelle magpakasal? ngayon  pang exam na namin next week, gusto ko pa naman sanang sumama.. 

“pero mama, panu ako ? atska ganu ka katagal dun?” tanung ko kay mama na halos mangiyak ngiyak ako, kasi naman ito ung unang beses na aalis siya at iiwan ako.

“siguro mga two to three weeks lang naman, isa pa wag kang mag alala kasi hinabilin na kita kay tita Sandra mo, siya na bahala sayo, kaya ng mag impake ka na din ng ilang mga damit mo dahil nagpagdesisyunan na namin na dun ka muna sa kanila..” sabi ni mama, habang pinupunasan yung mga luha ko..

“kina tita Sandra? Edi makakasama ko dun si Johnny ?”

“ou, atska para mas magkaron kayong dalawa ng time para sa isa’t isa”

“time para sa isa’t isa? Anung ibig mong sabihin mama?”

“ah .. ibig kong sabihin para magkaroon kayo ng time para turuan yung isa’t isa.. sige na mag ayos ka na ng gamit mo, kasi mamaya susunduin ka na ni johnny”

“susunduin? Ni Johnny? Bakit?”

“kasi bukas na ko aalis”

“bukas?!!! Agad ?!”

“ou e, sige na mag ayos ka na ng gamit mo ..”

So anu pa nga bang magagawa ko? No choice ako, si mama naman kasi kung makapag decide bigla bigla rin, tapos sa dinami dami ng pwede kong tirahan pansamantala bakit sa kumag na yun pa ? badtrip diba? 

“hoy !!”

“ay hayop na kumag !!”  kelangan talaga nanggugulat siya ?!!
Abnormal to e. 

“sinung hayop na kumag?” tanung pa, obviuious naman na siya ..

“ikaw” bulong ko..

“anu?”

“wala, kasi naman nangugulat ka, pwede naming hindi diba ?.at bakit ba bigla bigla ka na lang pumapasok sa kwarto ko? tres passing yan ah”

“ang tagal mo kasi, atska, pianpasok ako ni tita . tara na dang bagal e”

"bakit kasi hindi mo na lang ako tulungan dito diba? para naman mas mapadali tayo diba?" kala mo kung sinu makapagmadali e, 

"ako? patutulungin mo sa pag aayos ng gamit mo?"

"ay hindi,  ikaw nga diba?!!!  tss"

"eto na, tutulong na, kelangan nasigaw?"

"nakakainit ka kasi ng ulo ! tss"

Talaga tong kumag na to kala mo kung sinu. dami pang satsat tutulong din naman . grrr .. 

hai naku, kung ngayon palang na hindi kami magkasama sa bahay nag aaway na kami. panu pa kung andun ako sa kanila. anu ba naman tong kamalasang nangyayari sa akin??? 



2 comments:

  1. ayiiii! magssma n cla! ok lng yan mag-away kau. d more u hate d more u love nga daw!

    ReplyDelete
  2. grabe sila mag-away! nakakatuwa talaga.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^