Tuesday, April 24, 2012

Losing You [One Shot]

Minsan may mga bagay na kailangang mawala bago pa natin makita yung halaga nito,
Minsan hindi nakikita yung halaga nito dahil alam nating nadyan lang ito pag kailangan natin,
Pero kailangan pa ba nating hayaang mawala ito ng tuluyan bago natin makita yung tunay na halaga nito ?


“Andrew, wait lang, sabay na tayo.. pupunta ka rin naman sa school diba ? sabay na tayo ha?” tanung ni Samantha .


Papunta na si Samantha sa terminal nag makita nya si Andrew kaya tinawag nya ito upang makisabay, pumayag naman si Andrew kaya sabay na silang pumasok,


Matagal nang magkakilala sina Samantha at Andrew, elementary palang sila, magkaibigan na sila. Madalas sa iisang paaralan lang sila pumapasok. Makulit, madaldal at palakaibigan si Samantha, matulungin at maaalalahanin din ito, lalo na pagdating kay Andrew.
Para kay Andrew, kaibigan lang talaga ang tingin nya dito, pero si Samantha, iba ang nararamdaman nya . halos apat na taon na itong inlove kay Andrew, at apat na taon na rin nya itong tinatago, si Alyana lamang ang angnakakaalam ng sikretong ito ..
Ayaw ni Samantha na masira ang kanilang pagkakaibigan sa oras na malaman ito ni Andrew kaya kahit hirap na hirap na siya pilit nya itong tinatago.


“andrew san ka punta?” tanung ni Samantha, uwian na kasi nila.


“nagyaya kasing maglaro yung tropa kaya mamaya na ako uuwi. Gusto mo sumama?” tanung ni Andrew .


“sige, sama ako” sagot ni  Sam antha na tuwang tuwa naman dahil makakasama nya ulit si andrew .


Madalas lagi itong nakabuntot kay Andrew. Lagi siyang sumasama dito pag may laro ng basketball, pag may laro sa comshop o kahit saan pa .
Madalas tuloy pinagbubulungan na siya, at minsan pa nga ay tintawag na buntot ni Andrew .


“oh tol, kasama mo na naman pala yang buntot mo,” pang aasar ni James. Isa sa mga tropa ni andrew .


“ou nga tol, di ka ba naiirita jan?” tanung ni carlo .


“maglaro na nga lang tayo. Tara na” yaya ni andrew .


Habang naglalaro si andrew, todo cheer naman lagi si Samantha sa kanya . hanggang sa matapos ito .


“oh basang  basa ka na ng pawis ah, oh eto towel, punasan mo muna yang pawis mo,” sabi ni Samantha at inabot nito ang extra towel na dala dala nya ..


“salamat” sagot ni andrew.


“oh, coke in can, bumili ako kanina habang naglalaro ka. Uminom ka muna” at iniabot niya ang softdrinks kay Samantha .


Naririnig ni Andrew ang mga tawanan ng mga tropa nya, at nakakasiguro siya na siya yung pinagtatawanan nila. Kaya niyaya nya na agad umuwi si Samantha .


“ Sam, tara na. umuwi na tayo” yaya nito .


“ha? Sige tara na.”


Habang naglalakad sila pauwi, napansin nyang medyo mainit ang ulo ni Andrew kaya tinanung nya ito ..


“andrew may problema ka ba?” tanung niya.


“wala” medyo seryosong sagot ni andrew


“anung wala, alam ko meron e, kilala kaya kita, sabihin mo na may problema ka ba? Baka makatulong ako ?” pangungulit ni Samantha .


“gusto mo bang malaman ang problema ko ha ?!” medyo pasigaw na tanung ni Andrew


Tumango lang si Samantha, nagulat din kasi siya sa reaksyon ni  Andrew .


“Alam mo Sam, minsan nakakairita ka na. pwede ba, wag ka ngang laging bumubuntot sa akin, alam mo bang pinagtatawanan na ako ng tropa ko, dahil daig ko pa ang bata na laging may kasunod na yaya. Anu ba kita ?  nanay ba kita ? yaya ba kita ? syota ba kita ? hindi naman diba? Pwede ba lumugar ka nga minsan. Nakakasawa na lagi ka na lang nakabuntot sa akin !”


Pagkasabi nito ay lumakad na ito papalayo,


Naiwan dun si Samantha, nabigla siya sa mga narinig nya, bigla na lang tumulo yung mga luha sa mga mata nya . di nya akalaing ganun yung tingin sa kanya ni Andrew, di nya akalaing masasabihan siya ng ganun nito .


Lahat naman ng iyon ginawa ko para maipakita ko sa kanya na nandito lang ako lagi e, ginawa ko yun para maiparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya kamahal. Kulang pa ba yun ? siya yung una at nag iisa kong minahal at minamahal, hindi ko alam kung paano ko ba mapapakita sa kanya yung pagmamahal ko na hindi siya magagalit ..


Hindi na nya napigilan ang kanyang emosyon at humagulgol na lamang siya roon, hindi na nya pinansin kung pagtinginan ba siya ng mga tao.


**


Halos dalawang araw ring hindi pinuntahan ni Samantha si Andrew, hanggang isang araw napagpasyahan nyang puntahan ito .


Bago nya ito puntahan dumaan muna siya sa isang mall malapit sa school nila at bumili ng regalo, kinabukasan kasi ay kaarawan na ni Andrew, bumili siya ng t-shirt at stationary, bago siya tuluyang umalis, dumaan muna siya sa foodcourt at umupo dun saglit, kinuha niya ang stationary na binili nya at nagsulat ng liham para kay Andrew.


Pumunta na agad si Samantha sa school para ibigay ang kanya regalo, nasa gym kasi ng school si Andrew noon, medyo nagmamadali pa noon si Samantha dahil medyo makulimlim noon, mukhang uulan at ayaw nitong maabutan ng ulan . 


Papasok na sana siya ng gym ng marinig nya ang usapan nina andew at ng mga tropa nya, nakapwesto kasi sila malapit sa entrance ng gym, kaya minabuti muna nyang wag pumasok sa gym at nakinig muna ito sa usapan nina Andrew .


“oh tol, mukang wala ka atang buntot ngayon ha ? san na yun aso mong habol ng habol sayo?” pang aasar ni jeric .


“ou nga, asan na bay un? LQ ba kau? haha” sabat ni James.


“ah yun ba? Wala, tinali ko na. haha, nakakainis naman na kasi, buntot ng buntot, akala mo yaya ko, naiinis ako sa ganun.” Sagot nito .


“ganun ba? Hahaha. Wala na tuloy bibili sayo ng meryienda, wala ka na ring taga cheer” pang aasar ni Carlo .


“tss, wala naman na akong pakialam sa kanya, at di ko naman kailang cheer nya, naiirita pa nga ako e. di ko naman siya kelangan sa buhay ko e” sagot nito .


“tol, si Samantha” bulong ni Jeric kay Andrew sabay turo kay Samantha .


Labis na nasaktan si Samantha sa mga narinig nya. Nabitiwan nya ang kanyang dalang regalo at tumakbo papalayo, kahit umuulan na noong sandaling iyon. Hinabol siya ni Andrew, at nang maabutan siya nito hinawakan siya nito sa braso upang mapigilan siya sa pagtakbo nya, at –
<PAK !>


Bigla siyang sinampal ni Samantha .


“Andrew, di ko akalaing ganyan pala yung tingin mo sa akin, eversince pinilit kong gawin lahat para sayo, lagi akong nandito para sayo, pinilit kong ioakita kung gaano kita kamahal, pero yan pala yung  tingin mo sa akin. Ang sakit Andrew, ang bilis mong itapon yung pinagsamahan natin dahil lang sa ayaw mong mapahiya sa mga tropa mo, dahil ayaw mong kantyawan ka nila ?? sa ilang taon nating magkaibigan, kaya mong itapon ng ganun ganun na lang .? sabagay, hindi mo naman pala ako kailangan sa buhay mo e, hindi naman ako mahalaga sayo e,  I hate you Andrew, ayaw na kitang makita pa ”  at pagkasabi nito ay tinggal nya kaagad ang pagkakahawak ni Andrew sa braso nya at tumawid .


Sa di inaasahang pangyayari, nabangga ng kotse si Samantha..
Nagulat si Andrew sa nakita at napatakbo kaagad kay samantha .


“Sam, Sam gumising ka, sorry na, Sam, wag mo kong iiwan sam, di ko kayang wala ka.
Sam, please, mahalaga ka sa akin, nasabi ko lang yun dahil sawa na ako sa pangangantyaw ng mga tropa ko,  Sam please wag mo kong iwan, Sam ....”


Dinala agad nila sa Ospital si Samantha, at ayon sa doctor ay nasa malalang kalagayan si Samantha, masyadong malakas ang pagkakabunggo sa kanya ng kotse .


Habang nasa ospital dumating ang mga tropa nya upang iaabot sa kanya ang regaling naiwan ni Samantha nung bigla itong tumakbo papalayo .
Binuksan nya ang paper bag at nakita nya ang t-shirt na laman nito.
Napansin din nya ang sulat na kasama nito .


Dear Andrew,

                Sorry ha? Sorry kung minsan,  madalas pala na nakukulitan ka na sa akin. Sorry kung madalas akong nakabuntot sa iyo, gusto ko lang naman na lagi kang kasama e, Aaminin ko sayo, gustong gusto kitang kasama, kaya minsan kahit mukha na akong tanga na hahabol habol sayo okay lang basta kasama kita.. aaminin ko rin sayo, mahal kita, sobrang mahal na mahal kita .. Happy birthday Andrew .. Salamat dahil nakilala kita ..

Love lots,
     Samantha


Habang binabasa nya ito di nya maiwasang hindi mapaluha sa kanyang nabasa .. nagsisisi siya sa mga ginawa nya, ngayon nya lang narealize kung gaano kahalaga si Samantha sa kanya kung gaano nya ito kamahal.


Habang nag iintay si Andrew mula sa labas ng emergency room, dumating ang mga magulang ni Samantha . nagalit ang sila kay Andrew ng malaman kung anu ang nagyari kaya ito naaksidente .


Comatose  si Samantha dahil na din sa injury na nakuha nya galing sa insidente .dahil dito napagpasyahan nila na sa America na ipagamot si Samantha .


Ilang buwan makalipas. Nabalitaan ni Andrew mula sa mga magulang ni Samantha na hindi kinaya ni Samantha ang mga operasyon nya kaya sumakabilang buhay na ito ..


Labis na pag sisisi ang naramdaman ni Andrew ng malaman nya ito, hindi man lang niya nasabi kay Samantha kung gaano ito kahalaga sa kanya, kung gaano nya ito kamahal .. .


“kung sana noon palang pinahalagahan ko na siya, sana andito pa siya .. sana kasama ko pa siya .. Samantha .. mahal na mahal kita.. sayang hindi ko nasabi.. sayang hindi ko naiparamdam, ang tanga tanga ko, sinayang ko yung ilang taong pinagsamahan natin, sinayang ko ang lahat, ngayong wala ka na, paano na ako? paano na ako ngayon  …"



7 comments:

  1. ang sad naman ng ending, grabe nalungkot ako for samantha. nasa huli na talaga ang pagsisisi andrew.

    ReplyDelete
  2. sbi q n nga ba. mkhng title p lng, sad n ung ending. peo ang gnda nung story sis.

    ReplyDelete
  3. nice one bebe :) hahaha kaso...... MANA MANA LANG yan .. typo e! hahahaah :p hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^