Sunday, March 25, 2012

Puting Rosas : Poem



Puting Rosas



sa tuwing lumalapit ka,
puso  ko'y sumisigla,
ngiti sa labi ay nalilikha,
buong araw ko'y sumisigla.

kay sarap madarama,
bawat sandaling kasama ka,
ikaw ang nagbibigay sulosyon,
 sa problema kong kay hirap lutasin.

patawad kung minsan
hindi kita pinahahalagahaan
ngunit hindi ka nang-iiwan,
sa tuwing ako'y sawa't malumbay.

sa kabila ng lahat
laking pasasalamat
sa POONG MAYKAPAL
sa inalay niyang kaibigan,

puting rosas aking inaalay
sa maunawain kong karamay
tanda ng pasasalamat
sa kaibigan kong binigay ang lahat.

2 comments:

  1. magandang tula bagaman lantad ang pagpapakahulugan mo....mabuhay ka...!

    ReplyDelete
  2. wow..maraming salamat po.. ako'y nagagalak sapagkat na padalaw ka sa aming munting blog..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^