Wednesday, March 21, 2012

Kissing Bandit : Chapter 8

CHAPTER 8
(ATASHA ORELLANA POV)



Sabado na!!! Walang pasok!!! Pero nagkulong lang ako sa kwarto ko. Hindi ko pa kasi alam kung nakita na ba ni Ate Ganda yung ni-post ko sa diary. Na alam ba niya na ako ang may kagagawan kung bakit siya pintakte kagabi ng mga fans niya dun sa bar.




Nabalitaan ko kasi dun sa TMU Diary na dinumog nga si Laris ng mga fans niya. Ewan ko kung anong nangyari pero parang nagkagulo yata eh. Anong parang, nagkagulo talaga! Base dun sa pictures at captions ng mga nakakita.



Baka mamaya paglabas ko ngayon, jombagin na ako ni Laris dahil sa ginawa ko..





*krrroooooggggg… krrroooooooggggggg…*





Wag niyong pansinin yan. Mga alaga ko lang yan sa tyan na nagre-rebolusyon na dahil sa gutom.





*krrrrroooooggggg… krrrrrroooooooooggggggggg…*





“Uwaaaahhhh!!! Gutom na talaga ako!!!” Wala naman kasi akong stock ng pagkain dito sa kwarto ko. Ni wala pa akong sariling ref! Sa may carenderia at ibang tindahan lang ako kumakain!





*krrrrrooooooooogggggggg… krrrrrrooooooooooggggggggg…*





Oo na nga mga alaga ko sa tyan! Kailangang pauli-ulit ng sfx? Bababa na si mommy niyo at kakain na talaga ako!





Left… (<..<)





Right… (>..>)





“Ayun wala naman pala siya!” Nilabas ko lang yung ulo ko sa may pinto kung may bakas ba ni Ate Ganda. Sa kabutihang palad, wala naman siya kaya lumabas na ako.





Pero nagmadali akong kumilos at lumabas ng kwarto ko nang hindi gumagawa ng ingay. Alam niyo na, baka lang kasi magising ko yung halimaw sa lungga niya kaya extra measure.





Tuwang-tuwa na ako eh! Anjan na yung hagdanan!





Makakapunta na ako sa carenderia ni Mama Lengs!





Alam mo yung feeling na at last I’m free!!!





Kaso biglang…





*boooogggggssssshhh!!!*





Ako – (OoO)





Yung nabunggo ko – (╭╮)





Hulaan niyo kung sino.





“Aish! Hot Pink naman! Walking disaster!” Ow yes! Si Laris! Kapag tinamaan ka nga naman ng malas oh! Kung sino pa yung iniiwasan ko! Tapos natapon pa yung pagkain niya sa daan. “Anak ng puto naman!!! Paano na lunch ko nito?”





Ako pa rin – (OoO) Actually dapat medyo nanginginig ako niyan eh! Kinakabahan?





“Linisin mo ‘to!”





Wala na akong sinabi at dinakot ko na lang agad yung nagkalat na pagkain sa daan. Pinanlinis ko din yung tissue paper na dala niya. Sayang yung pagkain!!! Pwede pa namang kainin siguro ito! Makikihati na lang ako sa mga bacteria!





Pero hindi naman ako ganun ka-timawa noh! Tinapon ko na lang sa malapit na basurahan yung nasayang na pagkain. At tsaka hello! Kung pati yun papatusin ko, lalong dadami ang mga naninirahan sa tyan ko!





Dumukot ako ng 100 pesos sa bulsa ko. “Oh yan pala. Bayad ko. Keep the change.” Hindi ko na lang siya sisingilin ng sukli dahil sa abalang ginawa ko.  “Sorry.” At nag-bow lang ako sabay takbo na sana pero…





“Ops!!!” Pinigilan niya ako sa paghila ng kwelyo ko. “Ano ‘tong isang daan? Tingin mo ba ganun lang kamura yung pagkaing nasayang ha?”





“Eh wala namang ginto dun sa pagkain ha! OA ka naman! Ang laki na nga niyan!”





Lumapit siya saakin kaya napaatras ako. Eh napunta na ako sa dingding at lumapit pa siya ng malapit. As in malapit! Malapit na malapit!!! Siguro mga isang dangkal na lang ang pagitan namin.





Ang manyak talaga niya kahit kelan! Kapag ako binastos niya hindi ako magdadalawang-isip na kasuhan na talaga siya ng sexual harassment!





Tapos…Lumapit pa siya… Kinabahan tuloy ako lalo… At… At…





“Arrrrraaaaayyyyy!!!” Kinonyatan niya lang ako sa bunbunan ko! “Grabe ka naman!!!” Habang hawak ko ang ulo ko. “Bakit nananakit ka?”





“Ikaw na nga ‘tong nakasayang nung pagkain, ganyan ka pa magsalita! Alam mo bang kanina pa akong gutom!”





“Pasensya!!!”





“Anong pasensya? Ililibre mo ako ngayon at wala kang iaangal sa mga pipiliin ko! Maliwanag?”





“Oo na! Hindi po ako binge!”





*isa pang konyat!*





“Arrrrrraaaaaaaaayyyyyyy!!!” Literal na nakakasakit na siya sa bangs ko ha!



















Wala akong nagawa. Siya pa yung namili nung restaurant na kinainan namin. Mga isang sakay lang mula dun sa dorm. Sabi niya kanina pa daw siya gutom, eh bakit ayaw pang pumayag dun sa carenderia ni Mama Lengs! Aist! Napalayo pa tuloy!





“Bakit dito tayo? Baka mahal dito ha.”





“Shatap!!!” Tapos lumapit na yung waitress at halatang kilalang-kilala si Laris dito ha!





Siya na nga umorder ng pagkain.  After nun, tahimik na lang kami.





Alam na kaya niya na ako ang dahilan kung bakit dinumog siya ng mga fans niya dun sa BloodReef bar. Nakita na kaya niya yung post?





“Malaki kasalanan mo saakin Hot Pink. Dapat siguro ikalat ko na sa TMU Diary yung scandal pictures mo. At dapat siguro, ipaalam ko na sa mga fans ko na ikaw si Anti_Kissing_Bandit.”





Ohmigad! Alam na nga niya. Isip ka nga ng isasagot mo Atasha! “Eh… bakit? Di… diba sabi mo interesting yung ginawa ko! Kaya nga Anti_Kissing_Bandit eh! Para sirain ka!”





“Natanggal ako sa trabaho ko dahil sayo.”





Napanganga ako sa sinabi niya. “Weh?”





“I’m a bartender on that bar. And thanks to you, I got fired last night.” Ang seryoso ng mukha niya. Habang guilty as charge naman ako.





Naunang dumating ang drinks namin and he took a sip pero nakatingin pa rin yung singkit niyang mata saakin.



“So… sorry naman.” Napayuko na lang ako.





“Maibabalik ba ng sorry mo ang trabaho ko?”





“Hindi… pero ayan na yung pagkain oh.” Ang galing ko naman maka-change topic! “Kain ka lang ng marami. Libre ko yan.” Sige panindigan mo Atasha!





Ayun! Sinimulan ko nang kumain! Pero parang maeempacho yata ako ngayon dahil nagu-guilty talaga ako sa ginawa ko.





Malay ko namang kasing nagta-trabaho pala siya as bartender! Kaya pala siya lasing at pagod nung isang gabi!





Ayan tuloy! Hindi ko na-enjoy yung pasta na kinakain ko. Ang sarap pa naman! Ang daming sauce! Amoy na amoy ko pa yung mabangong aroma nung herbs and spices na ginamit! Ngayon lang ako nakakain ng ganitong spaghetti! Yung tipong titignan mo pa lang, nabubusog ka na. At kahit sino matatakam talaga sa pagkaing nasa harap ko ngayon! Pero hindi ko talaga siya na-enjoy. Hinding-hindi ko talaga na-enjoy!



After naming kumain, nagpababa muna kami ng kinain kaya hindi muna kami umalis dun. Naisip ko, kulang yung sorry ko kanina.





“Sorry ulit. Sorry talaga! Hindi man maibabalik ng sorry ko ang trabaho mo, sorry pa rin.”





“…”





Ayan na naman siya sa ‘…….’ niya eh. Parang nung chapter 1 lang! Mahabang speech pa naman ‘tong sasabihin ko!





“Hindi ko akalaing sa ganito pala magtutungo yung post ko eh. Pero ikaw naman kasi! Lagi mo akong inaaway, inaasar, iniimbyerna, pinipilosopo, binabara at lagi mong sinisira ang araw ko. Hinamon mo pa ako tungkol sa account ko na yun! Hindi ko naman itutuloy yun kung hindi mo ako sinabihan na i-update ko yun eh!” At hindi lang yun, “Tapos… tapos isa pa yung scandalous pictures ko!” T^T





“Handa akong tigilan yung anti-fan account na yun basta makita ko lang na burahin mo na yung pictures kasi feeling ko talaga naka-save pa yun sayo gaya nga ng madalas mong ipinantatakot saakin. At saka kung iniisip mong ipagsasabi ko sa iba yung tinitirahan mo, hindi ko naman talaga gagawin yun! Eh di sana diba pinagkalat ko na agad.”





“…”





“Oy! Ang haba na ng sinabi ko ha! I want this over! Yung war between saatin, ayoko na talaga! Gusto ko na lang tahimik! Hindi kita pakekealaman kaya wag mo na rin akong pakekealaman! At higit sa lahat, please naman kung nasayo pa yung pictures, i-delete mo na. Yan ha… sorry na talaga.”





“Okay.”





“Okay? Okay as in okay? Ganun kahaba lang ang masasabi mo?”





“Ooooooooooooooooooooooookkkkkkkkkkaaaaaaayyyyy~ oh yan mas mahaba na.” Ang pilosopo naman oh! Walang pag-asa talaga ‘tong lalaking ‘to! Ang seryoso ko na nga ginagagu pa ako!



“Apology accepted. But because of the damage you did…” English! Nosebleed ako! “You’ll work for me.”





“Oh so now, slave mo na ako?”





“Magta-trabaho lang, alipin na agad!”





“Eh anong trabaho? Papatay ba ako?”





“Anong tingin mo saakin, gagawin kang criminal?”





“Eh ano ngang trabaho?”





“Well obvious naman siguro na sa gwapo kong ito at sa ganda ng katawan ko, nagmo-model din ako.” Wow! Biglang lumakas ang hangin! “There are some clothing lines na pinapasuot saakin. Mostly, gawa yun ng mga not-so-famous designers pero magagaling naman sila. Nagpapadala sila saakin ng damit and ask me to wear them, that’s how I get paid.” Wow! Libreng damit na nga, may bayad pa! “Pero may bago akong client, isang designer na nag-ask saakin na gusto niyang i-post ko na din online yung mga damit na gawa niya habang suot ko. Mahal ang bayad in every good pictures.”





“Anong gagawin ko naman?”





“Since I saw your potential as a photographer, I’m hiring you to take my pictures.”





“Ha? Ako?”





“Hindi, baka ako siguro. Tangengot mo din noh! OO, syempre ikaw! Aish! Kuha mo kasi yung mga gwapo at paborito kong anggulo eh.”





“Ibig mo bang sabihin magmomodel ka sa harap ko tas pipicturan lang kita? Yun lang?”





“Yun lang… ow! But there’s a catch!” Ano na naman kayang plano niya? “I want you to take my pictures, and post it on your Anti Kissing Bandit account.”





“What???”





“Alam mo naisip ko kasi, paparazzi material ka rin eh! Sinundan mo nga ako kagabi nang hindi ko nalalaman. At dahil maraming tao na rin ang sumusubaybay sayo, tingin ko mas magiging viral kung sa account mo mismo manggagaling yung mga pictures.”





“Eh ano pang silbi ng pagiging anti nung account kung puro papuri lang rin matatanggap ko dahil sa mga pictures mo?”





“Aba, problema mo na yun! Eh di lagyan mo ng controversial titles! Ipalabas mo na na-hack mo yung private account ko kay maglalabas ka ng mga private pictures ko! Kahit anong alibi ang gamitin mo! Basta wag mo lang iinsultuhin yung mga damit na suot ko. Now, do we have a deal?”





“Teka yung pictures ko naman muna.”





“Ah yun ba. Wala na. Na-delete ko na.” Parang namang lokohan lang sa sagot yun! Ikaw ba maniniwala?





“Yung totoo kasi! Na-delete mo na ba talaga?”





“Oo… at ayan na yung bill nung kinain natin oh.” Wow nemen!!! Ayus din maka-change topic ‘tong si ET ha!





Pagtingin ko dun sa bill… “WOAH!!! Six hundred forty nine and fifty cents!!!” Ano ba yung kinain namin! Hindi ko naman na-enjoy tas ganun kamahal? Mamumulubi ako ngayon nito eh!



















Hindi na kami sumakay kasi wala na akong pera. Sampung-piso na lang, kulang pa pan-jeep! So nilakad na lang namin.





Kahit na hindi pa rin ako kumportable na siya ang kasabay ko dahil mas maganda siya saaken, parang mas okay na ngayon. Hindi naman siguro habang-buhay na magkaaway kami ng lalaking ‘to.





“Hoy Hot Pink, bakit ang pangit mong manamit?”





“Eh kasi magaling kang manamit.” Binabawi ko na. Habang-buhay kaming magkaaway ng lalaking ‘to.





“Wala ka na sa probinsya niyo, bakit ganyan pa rin ang ayos mo?”





“Pakelam mo ba? At bakit? Nasa ayos ba yun?”





“Wala lang, ako kasi ang nahihiya para sayo.” Ang kapal ng mukha nito! Itulak ko kaya ‘to sa daan at nang mahagip ng truck! “At saka yang bangs mo. Old-fashion na yan eh. Mas cool pa si Aling Mangkay kesa sayo eh.”





“Eh siguro crush mo si Aling Mangkay kaya mo nasasabi yan. Wag mo na nga akong pakelaman! Ayus ko 'to, okay?” Tama bang ikumpara ang isang teenager sa halos menopause nang babae!





Napatigil kami sa paglalakad nung mapadaan kami sa central park.





“Ayun, magandang spot doon. Dali kuhaan mo ako ng pictures ngayon. I-test natin yan pagiging photographer mo.”





“Biglaan?”





“Oo. Angal?”





“Hindi ko dala camera ko.”





“Gamitin mo cellphone mo! Dali!”





“Wala akong cellphone.”





“Hampas-lupa ka ba? Walang cellphone?”





“Nasa bahay, nakalimutan ko! Kung makahampas-lupa naman ‘to! Hampasin kita jan eh!”





“Aish! Oh heto gamitin mo.” Tapos binato niya saakin yung cellphone niya. Sayang nasalo ko! Basag sana ‘to.





“Oh ano nang gagawin ko?”





“Kainin mo yung cellphone ko.”





“Supalpal ko kaya ‘to sa mukha mo.”





“Eh bobo naman! Nagtatanong ka pa? Kukuhanan mo nga ako ng pictures diba?”





*click…*





Pinicturan ko siya agad nang hindi pa siya ready, “Oh yan tapos na!” At nung pagtingin ko dun sa picture niya, nakanganga siya! Hwahahaha!!!





“Hindi pa nga ako ready!”





*click…*





“Oh yan tapos na ulit…”





“Anak ng! Isa ha!”





“Mag-ready ka na kasi! Ang dami mong satsat! Go! Pose!”





*pose…*





*click…*





*pose pa ulit.*





*click.*





“Oh isa pa!” Hay ang boring nito!





*pose.*





*click.*





Ang vain ni Ate Ganda! Feel na feel mag-pose habang pinipicturan ko siya!





“Yan! Ang dami na niyan ha!” At inabot ko pabalik sa kanya ang cellphone niya. Tinignan naman niya lahat ng pictures niya.





“Aba… ang galing ha!” Talagang magaling ako! “Ang galing! Ang gwapo-gwapo ko talaga!” Huweeeyyy!!! Akala ko ako na yung magaling! Sarili lang pala niya pinupuri niya! Tsk! “Tanggap ka na talaga!”





“Akala naman nito nag-apply ako sa kanya.” Kaka-imbey! “Kung tapos na, mauuna na ako!” At tinalikuran ko na siya.





Kasalanan mo rin Atasha kung bakit naging utusan ka ng lalaking ito. Pero hindi naman talagang actually na utusan! Photographer naman! Pero kahit na! Parang nafi-feel ko kasi na nagiging bossy siya saakin, akala mo suswelduhan niya ako! Hmp!





“Oy teka!”





Nilingon ko siya. “Ano na naman!!!”





“I just tagged a photo dun sa Anti account mo. I-post mo yun.”





“At bakit?”





“Gumawa ka ng paraan para ipaalam sa lahat na magiging major source ka na ng mga never-before-seen pictures ko. Mas magiging viral yun kapag sayo nanggaling eh.”





“Viral-viral! Bigyan kitang viral infection, gusto mo? So ano? Magiging parang gossip girl ako ganun?” Pasensya na! Fan lang ako nun! “Tapos ikaw lang target! Swerte mo naman!”





“Basta gawin mong controversial ang bawat post mo para masabing Anti pa rin kita! Ayaw mo nun? Sikat tayo pareho!”





Sakalin ko kaya ‘to nang matauhan! Ay nakakaimbyerna na talaga! Kung makautos! Grrr!!!



















Ayun, pagdating ko sa dorm room ko, ni-check ko agad yung Anti-KB account. Ayun nga! May picture nga siyang ni-tag at naka-private yun.





Ako – (.)





Wala ito sa mga kinuha kong pictures kanina ha! Siya mismo ang nag-picture nito sa sarili niya! Ni-shake ko ang ulo ko! Okay Atasha! There’s no time for you to be dumbfounded! Ipo-post ko na ito agad.



“Keep your friends close… And enemies closer!”
Sinong gusto ng never-before-seen pictures ni Kissing Bandit tulad niyan?
Ako may alam akong source! Hwahahahahaha! Siya mismo!
Oh yes dearies! Abangan niyo ang mga pictures na sinasabi ko.
And don’t forget the title, okay? I maybe close to Kissing Bandit now, but he’s still my #1 enemy!



“Oh yan! Okay na siguro yan! At least negative pa rin ang post ko na ‘to.” Infairness ha, ang gwapo niya sa picture!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 8


7 comments:

  1. haha .. naks ,, personal photographer ah ..

    ReplyDelete
  2. Update na ! GOOOOOOOOO!

    ReplyDelete
  3. yiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! mgttrbaho n cla 2gder!
    muknga mgkkkulay n tlga ang luvlife nla nian!
    sna nmn more kilig scenes pa!

    ReplyDelete
  4. kinilig nmn aq s knila!!!!!!
    yan n, mei way n pra mging close cla!!!!!! hihihiihhhhiii!!!

    gwapo ni laris d2 sheeettttzzz!

    ReplyDelete
  5. hwahahahahahha! grabe kinilig ako sa update na 'to ha!
    nakakatawa talaga si atasha kahit kelan! ang kulit ng pov niya!

    ReplyDelete
  6. ayieeehhh..gwapo naman ni Laris,,hahaha,,,bukod sa gwapo maganda pa...hahaha

    ReplyDelete
  7. Haha. Ang galing mag-isip nitong si Laris. Wais lang ahhaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^