Wednesday, March 7, 2012

Bodyguard (FTV) : Chapter 2

Chapter 2
“your smile that is like the sunshine, all day , my heart thuds,it brightens up my dreams on dark nights…”

(Ga eul POV)


“Nandito na tayo!”bulalas ko matapos hubarin ang helmet. Bumaba siya at namamanghang inobserbahan ang paligid. Saka ko siya sinundan.



“Follow me,sunbae.”hinatak ko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito na kasing higpit ng lubid para wala siyang kawala sa akin. Haha!



Ngumingiting aso ako habang dinadala siya sa lugar na gustong-gusto ko. Ang hagdanan ng isang pinakasikat na park dito sa Korea! Maganda ang view doon at presko pa ang hangin. Magandang tumambay doon lalo na ngayong alas tres ng hapon,walang tao doon. Sosoluhin ko talaga siya. Susulitin ko na ito.



“E ano ang gagawin natin dito?”tanong niya na puno ng pagmamangha ang mukha.



“Syempre..”I paused. “Magpicture-picture!”



He smirked. Lumantad ang dimples niya. Hmmf..nakakain love ng killer smile niya. In love na kaya ako..matagal na since childhood. Araw-araw ko kayang nakikita ang killer smile niya. Sino naman kayang babae ang hindi ma iinlove sa kagwapuhan niya  at di lang iyon gentleman pa. haayy..Heartrobe ito ng university namin. Maraming babae ang humahabol sa kanya. Kaya minsan madami ding babae ang may galit sa akin. At sabi nila maepal daw ko. Di kaya!? Pambihira..malas nila dahil ako ang bestfriend niya.


Sana maging grilfriend din niya ako? Hehe! In my dreams nalang siguro. Bakit pa ba ako nag aaspire na maging kami. Hindi nga siya nanligaw ni minsan saka langit siya lupa naman ako. Mahirap abutin. Ang taas. Kapag na bigo ako,malaki ang lagpak ko sa lupa tiyak bali-bali ang buto ko.


“Wait a minute!”sabi ko na tinalikuran siya. Hehe! Gulatin ko siya ng eyeglass ko ng pangnerd. Bahala na maging baliw.Masaya naman siya. Dahan-dahan kong sinuot ang eye glasses na binaon ko para biruin siya. Sana hindi maging corny ang gagawin kong ‘to!



Maging baliw na talaga ako totally!!






“WAAHH!”parang baby ang ginugulat ko.



Pigil na tumawa si Sunbae pero maya-maya he can’t resist to burst out laugh! Haha,napatawa ko din siya. Mission Success.LOL!



“Para kang bata!! Kyut-kyut mo.”sabi niya na napakilig ako.



“Ikaw kyut din!”tugon ko na napatawa.



“O akala ko mag picture-picture  tayo?”



“OO..halika doon tayo.”hinila ko siya ulit. Parang bata siya na sumama sa akin.



“Asan na ang camera mo?”



Ah..e..nakalimutan ko eh..lagot..hindi ko pala na dala.



“Pwede yong cellphone ko nalang? Na ewan ko kasi ang camera ko eh.”



“Okay!”tipid na salita niya.



Nilabas ko ang cellphone ko para ibigay sa kanya. Nagpose na kaagad ako ng wacky niya itinuon ang cellphone sa akin.



“Masyadong Childish. ”tumawa siya.



Dinilaan ko siya saka pinapatuloy ang ginagawa.



“Sunbae!! Bilisan mo na ngangalay na ako.”reklamo ko. Wow! Utusan ko na siya ngayon.



Hindi siya sumagot dahil sinisimulan na ang ginagawa.Hanggang nakailan kami ng shot as if super model ako na kinukunan ng picture ng gwapong nilalang na bumaba mula sa olympus.



Hay..be your aphrodite…



Nang ma-tired na ay kapwa kaming umupo.



“Teka.”kinuha ko yong cellphone ko. “Look at me!”



Haha! Ano naman kaya ang naiisip kong pakulo. Tinitigan niya nga ako.



Inangat ko yong cellphone ko at itinabon sa mukha ko. Haha! Titikain ko ulit siya.



UwAAH! Parang bata talaga ako.



“ Sa palagay mo kagaya ko yong palaka sa picture.”sabi ko. Tumawa siya.



“nope,mas cute yon.”



“Ito?”inattempt kong gulatin siya ulit. “WAAHH! Kagaya ko na ba??”



Tumawa siya ng tumawa saka gentle akong binatukan.



“Baliw!! Haha..biro lang.”



“Ouch..sakit non hah..”umismid ako pero nakikita pa rin sa mukha na nasasayahan sa ginagawa.



After one minutes..



Laro tayo.”invite niya. Himala nang yaya ng laro. Ano kayang laro iyon. Na eexcite ako tuloy. “Pahiram ng cellphone,diba may hangman ito. Iyon ang lalaruin natin kapag matalo ang isa sa atin pipitikin ang ilong.”


“Ow! Fights!”

“ito ang clue, Book title slash author.” nagsisimula na siya. “25 letters.”



“Ay ang haba,sige..letter a as in apple..”



Pinindot niya ang a sa keypad.Hehe! May Letter a apat.



“O ikaw naman saka dapat consonant naman.”



“Okay,madali lang ito.”pinindot niya ang M. Haha! Wawa isa lang. matatalo ko siya.



“Ako naman,letter e!”pinindot ko ang E as in Elephant.Yehey,mayroon tatlo.



“Hmmf..vowel naman pwede.”



“Okay.”Pinindot niya ang o..hahaha! wrong!! Wrong!!



Daya mo!”



“Hindi kaya!”



Saka sunod sunod kami nagguess ng letters hanggang tumatlo na ang X. Ako na ngayon ang palaging mali. Oh no! hindi pwede bumaliktad. Ako dapat ang panalo para masundot ko ang ilong niya in very first time.



“The crsytal Cave / mary stewart”



Huhu! Ako ang loser!



“Akala mo huh!”turan niya na nakangiting aso. “Humanda ka na sa parusa mo.”
He attempt na sundutin na ang ilong ko but tinakasan ko siya.Akala mo hah! Ayoko nga!

“Hey ang daya!”



Naghabulan kami.Hindi niya ako mahuhuli.Ayoko ngang sundutin niya ang ilong ko baka masakit.But bigla akong na slide.Oww mayy gowdd! He catch me! Parang kantang catch me im falling.



Halos mawalan ako ng hininga ng lumapit ang mukha niya sa akin. Ilang pulgada nalang ay touch na niya ang labi ko.Oww first kiss sana.Ang sincere niyang tumilig sa akin.Pumula ang buo kong mukha.Natigilan sa pagtitig sa kanya.Nahihiya na tuloy ako.



May kidlat na biglang dumaan sa pagitan namin kaya tumigil ang pantasyang iyon. Umaalis siya sa pagkakahawak ng beywang ko ng ma-realize na kaya ko nang i-balanse ang katawan ko.



“Next time,magiingat ka.”

“Opo sunbae!”



~End of Chapter 2~






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!


Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

3 comments:

  1. ang gnda po miz phoebe! next!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hhehe..kalurey..baka mamayang gabi..masundan na iyan..nag bz..bzhan pa ako..ngaun..

      Delete
  2. ^^.....ang cute ......

    kim bum.............grabe ang gwapo m talaga

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^