Sunday, February 26, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 6

[My brother is a Monster]


Nasa bahay na si Jen ng makatanggap siya ng text mula kay Ian.


Tinatanong nito kung nakauwi na ba siya.


She decided to ignore his message.


Pero sinave naman niya ang numero nito.


Subalit sadyang makulit ang binata dahil di pa ito nakuntento at talagang tinawagan pa siya.


Hinayaan lang niyang magring ng magring ang cellphone niya.


JEN : Hay naku!!! Mapapagod ka din.



Wala pa kasi siya sa mood na kausapin si Ian. Matapos ang pag-uusap nila ni Ruijin ay mas lalong dapat niyang iwasan ang binata.


Pero paano niya magagawa iyon kung nakatakda niya itong interviewhin? At isang lingo lang ang binigay na palugit sa kanya ni Ruijin to submit her report.


JEN : Okay lang…may six days pa ako. Saka ko na pag-iisipan ang interview kay Ian.


Patuloy pa din sa pag-iingay ang cellphone niya.


RAN : Hoy!!! Jen!!! Ano ba namang cellphone iyan??? Kanina pa tumutunog. Ayaw mong sagutin.


Kainis din itong si kuya eh..hindi nalang nanahimik. Sa asar ko eh pinatay ko na ng tuluyan ang cellphone ko.


SANJI : Baka naman manliligaw ni Jen iyon…tinataguan niya. (biro nito)


Kasalukuyang nakatambay dito sa bahay si kuya at ang bestfriend niyang si Sanji ng umuwi ako.


Naghahumming ng gitara niya si Sanji. 


Ang lalaking kinababaliwan ng kaibigan niyang si Mitch.


Kung meron nga sigurong fans club iyang si Sanji eh sigurado siyang si Mitch ang presidente nun sa sobrang kabaliwan diyan ng kaibigan niya.


Balewala sa kanya kahit na napapabalitang certified playboy iyang si Sanji.


Well kung tutuusin eh hindi naman naniniwala si Jen dun dahil matagal na din niyang kilala si Sanji at parang kuya na din ang turing niya dito dahil bestfriend ito ng kuya niya.


Si kuya naman ay itinotono ang gitara niya.


Nung highschool may banda sila kuya at Sanji. Si kuya ang bokalista nila at si Sanji ang lead guitarist. Pero bago grumaduate ay nadisbanded na sila. May kanya-kanya na kasing buhay yung dalawa pa nilang miyembro.


SANJI : Jen..,may manliligaw ka na ba? Ipakilala mo samin ni Ran at ng makaliskisan.


RAN : Subukan lang niyang ipakilala ang manliligaw niya at sinisiguro kong tatakbo iyong luhaan.


JEN : Ang sama mo kuya!!! (kainis itong si kuya. Hanggang ngayon ginagawa pa din akong bata..kaya tuloy walang nagtatangkang manligaw sakin dahil tinatakot ni kuya eh)


SANJI : Ano ka ba ‘tol!! Wag ganun..ikaw din baka maglihim iyang si Jen sayo. Malay mo may boyfriend na pala yan di lang sinasabi. Alalahanin mong maganda ang kapatid mo.


JEN : (oh..tignan mo itong si kuya ang sama ng tingin sakin agad) Wala akong boyfriend noh. Saka gusto ko kapag may nanligaw sakin makilala niyo din siya ni kuya. Alam mo naming parang kuya na din kita eh.


SANJI : Tama yun..dapat makilala muna namin siya. Bakit? May nagugustuhan ka na ba ha Jen?


JEN : Wala noh. (pag-dideny ko…nunkang aminin ko sa kanila iyon dahil once na malaman ni kuya ay sigurado akong aawayin niya agad iyung lalaki katulad nung highschool ako)


Noong 3rd year highschool kasi ako ay crush na crush ko yung escort ng klase namin. Eh pinopormahan din ako nun. Kaso nung nabalitaan ni kuya iyon ay agad niyang sinugod ang kaklase kong iyon at tinakot. Kasama pa ni kuya yung mga kilalang bully sa school namin kaya sobrang takot nung pobreng lalaki.


Si kuya kasi yung tumatayong leader ng mga bully sa school namin sa di ko malamang kadahilanan. Hindi naman sumasali sa gulo si kuya pero sobrang taas ng respeto sa kanya ng buong eskwelahan. Mabuti nga ngayong college ay di na siya tulad ng dato.


Pero alam kong may contact pa din siya sa dating grupo niya. Kaya ayokong sabihin sa kanila ni sanji kung sino yung nagugustuhan ko.


Mahirap na.


RAN : Ayusin mo lang Jennylyn ah!!! Alalahanin mo…nangako ako kay daddy na babantayan kita.


JEN : Eh mas malupit ka pa kay daddy eh.


Being the only girl in the family ay mahirap din. Daig niya pa ang binabantayan ng dragon at leon na anumang oras ay handing manakmal.


Pagkapanganak sa kanya ay namatay ang mommy niya kaya ganun nalang ang pagkaprotective sa kanya ng kuya at daddy niya. Siya nalang kasi ang babae sa pamilya. Kamukhang kamukha pa daw niya ang mommy niya.


SANJI : Syempre concern lang sayo si Ran kaya ganun. Wag ka magalit.


JEN : Hindi naman ako nagagalit eh…Sanji may girlfriend ka na ba? ( biglang baling ko sa kanya para ilihis sakin ang usapan)


SANJI : Oh? Wag mo sabihing crush mo ako? Di tayo talo.


JEN : Hindi noh!! Eh mas maganda ka pa sakin eh.


SANJI : Loko ka! Anong tingin mo sakin bakla?


JEN : Malapit na…hindi naman kaya may gusto ka kay kuya kaya wala kang serious relationship?


SANJI : Luko-luko ka Jen kung ano-ano pinag-iisip mo. Kaya wala akong serious relationship kasi di ko pa nakikita yung right girl for me.


JEN : Eh meron ba namang right girl for you?


SANJI : Meron naman….di mo ba alam ang mga playboy na tulad ko kapag nagmahal seryoso?


JEN : Hindi rin. Once a playboy..always a playboy.


SANJI : (bumaling kay kuya) Ran, kapag may nanligaw dito sa kapatid mo sabihin mo sakin ah para dalawa tayong mananakot.


JEN : Epal ka Sanji!!! Ginagatungan mo pa si kuya eh!!


RAN : Sige…para lalong walang kawala para di na umulit.


JEN : Ang sama niyong dalawa.


Dapat dito kay kuya ay binibigyan ng girlfriend para naman hindi na siya masyadong higpitan eh. Para naman may iba na itong pansinin maliban sa kanya.


Wait!!!! Si Ruijin..masungit kasi walang boyfriend..


Si kuya Ran suplado at over-protective kasi walang girlfriend.


Bakit kaya hindi nalang silang dalawa? Two birds in one stone iyon.


Hindi na masyadong magsusungit si Ruijin at hindi na rin siya masyadong babantayan ng kuya niya.


Tama!!!


Napangiti nalang si Jen sa naisip na kalokohan.


SANJI : Oy! Jen..nababaliw ka na dyan..ngumingiti kang mag-isa.


JEN : May naisip lang ako….sige akyat na muna ako sa kwarto ko. May gagawin lang akong report.


Iniwanan niya na ang dalawa sa salas at pumanhik na sa silid niya.


* * *


A/N : Hindi alam ni Jen at Ian na may kuneksyon silang dalawa sa isat-isa. Kapatid ni Jen si Ran na nagkataong barkada naman ni Ian. Wala ring alam sina Sanji at Ran na ang babaeng tinutukoy ni Ian ay walang iba kundi si Jen. Ano kayang mangyayari kapag nagkaalaman na?


* * *



Nawala na sa isip ni Jen na buksan ang cellphone niya. Kung hindi pa siya tinawagan sa landline ni Mitch ay di pa niya ito maaalala.


Agad niyang hinahanap kung saan niya ba ito nailapag.


Pabagsak na naupo si Jen sa kama matapos i-on ang cellphone.


Sunod-sunod ang pasok ng messages sa cellphone niya.


Ang ilan ay galing sa mga kaibigan niya pero mas maraming galing kay Ian.


Nag-aalala ang messages na itinext nito dahil did aw siya sumasagot at nakapatay pa ang cellphone niya. Kung pwede daw ay itext niya agad ang binata para din a ito mag-alala.


Nakunsensiya naman si Jen kaya nireplyan niya ito.


Isang simpleng “Okay Lang ako” ang sinnend niya.


Agad namang tumunog ang cellphone niya pagkasend niya ng mensahe.


Prince Charming Calling


Iyon ang rumehistro sa screen ng cellphone niya.


Prince Charming nga pala ang inilagay niyang name ni Ian dito.


At dahil nakukunsensiya ay sinagot ni Jen ang tawag.


JEN : Hello..


IAN : My God! Jen..i was worried about you? Ano bang nangyari? You’re not answering my text and your cellphone was turned off


Puno ng pag-aalala ang boses ng binata.


Ayaw man ni Jen ay parang nalusaw ang puso niya para dito.


Kahit boses nito ay napakalambing sa pandinig.


JEN : Pasensiya na lobat kasi yung phone ko (pagdadahilan na lang niya)


Hindi niya kasi kayang tarayan ito ngayon.


Nakahinga naman ng maluwag si Ian.


IAN : Thank God now I know you’re safe.


JEN : Pasensiya ka na kung nag-alala ka pa.


IAN : Don’t mention it..


JEN : Bakit ka nga pala tumatawag?


IAN : Yeah…about dun sa interview…sa Saturday nalang natin siya gawin since wala naman pasok nun. I’ll tell you the place later.


JEN : (sige..once and for all para matapos na ito) okay sige…what time?


IAN : Ikaw? Anong time ka available?


JEN : Mga afternoon nalng. Let say mga 3pm.


IAN : Okay..i’ts a date then.


JEN : No Ian…it’s not a date..it’s an interview. (paalala niya sa binata..ayokong mag-ilusyon na magdedate nga kami)


IAN : It’s a date Jen.


JEN : Whatever!!


IAN : Okay…see you on Saturday then..bye..pahinga ka na.


JEN : Bye.


Pero nagtataka si Jen dahil hindi pa rin pinapatay ni Ian ang linya.


JEN : Akala ko ba bye na? patayin mo na.


IAN : ikaw na


JEN : Ikaw ang tumawag eh


IAN : Sige na ikaw na..ladies first


JEN : hay ewan ko sayo (siya na din ang naunang mag-off ng cellphone)


Hay Ian Saldana…paano ba kita iiwasan kung ikaw ang laging lumalapit sakin?


Napabuntong-hininga nalang si Jen na nahiga sa kama.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^