Friday, February 3, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 2

[ Chatmate ]


Nang makauwi ng bahay agad na pumasok si Jen sa kwarto niya upang buksan ang computer at icheck kung may nakaonline sa mga kachat niya.

Iyon na ang pinakahobby ni Jen ang makipagchat. Safe naman ang ginagawa niya dahil hindi siya naglalabas ng information about sa kanya na maaari niyang ikasama.

Mukhang mga walang nakaOL sa mga ito kaya ipinasya niyang magpalit na ng damit.

Pero nagulat siya ng bigla nalang tumunog ang PC niya dahil may lumitaw na chatter

Hindi pamilyar sa kanya ang chatter na ito kaya siguro ay hindi niya pa ito nakachat kahit minsan.

MR. CUTE : CTC?

Kaloka ah..Mr. Cute talaga ang chatname niya?

Siguro pangit ito sa personal. Wala man lang creativity sa pag-iisip ng chat name.

Dededmahin na niya sana ito kaso bigla na naman itong nagmessage sa kanya.

MR. CUTE : BC U?

Ipinasya niyang sagutin ang chatter.

SWEET_ANGEL : ASL?

MR. CUTE : 18/M/ Makati

Taga-Makati lang siya? Pareho lang pala kami..

Hindi naman kaya kakilala ko lang ito at pinagtitripan ako?

SWEET_ANGEL : Name mo?

MR. CUTE : Ian Saldana.

Ian Saldana? Wala naman akong kilalang Ian Saldana eh..

Siguro nga nagkataon lang.

MR. CUTE : pwede ko ba malaman ang name mo?

JEN : Jen Valencia.

Nalibang si Jen sa pakikipagchat kay Ian. Masaya naman pala siyang kausap.

JEN : Alam mo nacu-curious ako sayo..may FB account ka ba?

MR.CUTE : Bakit ka naman nacu-cuious? Don’t worry di naman ako masamang tao eh.

Binigay din naman niya sakin yung FB account niya.

Dali-daling chineck ko ito sa Facebook.

Ganun nalang ang gulat ko ng mapagsino kung sino ang chat ko ngayon.

Siya yung lalaki sa school kanina.

Yung Prince Charming ko!!!

MR. CUTE : U Stil der?

Dahil sa katarantahan ay agad akong naglog-out sa chat at pinatay ang PC ko.

Pabagsak akong nahiga sa kama.


(∩_∩)


Nakahiga na siya sa kama ay ang lalaking iyon pa din ang nasa isip niya. Magmula pa na una niya itong makita sa eskwelahan. At parang sinasadya ng pagkakataon na makachat pa niya ito ngayon.

Parang iba ang dating sa kanya ng lalaking iyon na nagngangalang Ian Saldana.

Aminin man niya o hindi ay unanag kita palang dito ay na-attract na siya. Hindi niya nga lang maamin sa mga kaibigan dahil alam niyang tutuksuhin lang siya ng mga ito.

Narito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

Sa saglit na pagkakatitigan nila ay nabakat na sa isip niya ang hitsura nito.

Ang mapupungay nitong mata, matangos na ilong at ang mga labi nitong parang kaya sarap halikan.

In short..mala-Prince Charming ang dating.

Per gaya nga ng sinabi niya sa mga kaibigan niya  hindi siya pwedeng mainlove ditto dahil tiyak na masasaktan lang siya.

Sikat si Ian lalo na sa mga babae at ang katulad nito ang tipong di nagseseryoso sa isang relasyon.

Ang gusto niya ay iyong relasyong pangmatagalan.

Iyong katulad ng sa mga fairy tales na “they live happily ever after”.

Ang gusto niya sa lalaki ay iyong stick to one.

One woman-man.

Hindi katulad nito na habulin ng babae.
  
Hindi bale ng di maging Prince Charming ang boyfriend niya.

Basta ang mahalaga ay Loyal ito sa kanya.

Kaya naman ngayon palang ay kailangan na niyang tikisin ang nararamdamang atraksyon dito upang di na lumawig pa at masakop pa ng lalaki ang kanyang puso.

Pipigilin na niya ang sariling mainlove dito habang maaga.

Dahil ayaw niyang masaktan at lumuha.


4 comments:

  1. ayiiieh! ke-swerte! sa dinadami ng nakachat si prince charming agad! ayiiiehhh!!!

    next na agad sis!

    ReplyDelete
  2. tignan mo nga naman si fate o, gumagalaw n nmn! prince charming! nice nkikiprince charming tlga e! hahahahaha!!!!

    "Ang mapupungay nitong mata, matangos na ilong at ang mga labi nitong parang kaya sarap halikan." -ung descrption, parang gusto ko na talaga siyang i-kiss! hahahahhahaha!

    ReplyDelete
  3. haha...di ko pa naitatype eh...geh pag natype q nq post na agadd

    ReplyDelete
  4. ung mga gnyang mr.cute ung name, minsn nde mu aakalaing cute tlga eh! tignan mu nga nmn si jen niswerte! si prince charming nia agd! ayeeeahhhh!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^